Chapter 3: Jen

12.3K 265 5
                                    

"Congrats best, you're really undeafeted! Ang galing talaga ng bestfriend ko!" Vivian happily congratulated me.

"Thanks best! Mommy texted me, sabi niya may little celebration daw mamaya. Punta daw kayo nila Tita at Tito sa house for a dinner." I beamed.

Mabilis na lumipas ang bawat araw at kanina nga ay ni-announce ng aming adviser na ako pa rin ang may pinakamataas na average para sa second grading.

Pagkatapos maannounce ay binati ako ng mga kaklase ko, maliban sa grupo ni jen.

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang paghalukipkip nito saka padabog na umalis. Sumunod na rin ang mga alipores niya.

Napakibit-balikat na lang ako. Hindi lingid sa akin ang pasimpleng suhol ng pamilya ni jen sa eskwelahan. Kamakailan lang ay nagdonate ang mga ito ng ilang materyales para sa pagpapatayo ng bagong building sa eskwelahan. Pero mukhang hindi naman tumatalab ang pagsusuhol ng mga ito hindi kagaya sa mga napapanood sa mga palabas na kunting suhol lang ay pwede na.

Jen's POV

Maghahatinggabi na nang makauwi ako sa bahay at pasuray-suray ako sa paglalakad. After a hot steamy night with Alex... nagpahatid na rin ako sa kanya dito sa bahay. Alam kong walang sisita sa akin dahil madalas ay nasa out of the country ang parents ko para sa mga business trips nila.

I don't care though. Kahit hindi na sila magpakita sa'kin habang buhay basta ba natutustusan nila lahat ng pangangailangan at kagustuhan ko. Their presence doesn't matter to me!

Kaya malaya kong nakakagawa ang mga gusto ko. Ang importante lang din naman sa kanila ay manguna ako sa klase dahil ako ang magmamana sa kanilang kompanya sa hinaharap kaya prinepressure nila ako ng ganito.

Letse!

Ang buong akala ko ay makakapagpahinga na ako agad pero mukhang nagkamali ako. Dahil pagpasok ko pa lang sa pintuan ay nagitla ako nang naabutan ko si mom na prenteng nakaupo sa sala habang may hawak na wineglass.

"So, this is what you're doing to be the top one in your class? Having some chill, hanging with your friends, flirting with boys and getting home drunk!? You really amazed me, Jen! Pasalamat ka at wala ang daddy mo!" Galit na saad niya habang nakatirik ang mga mata niya sa'kin.


Nakauwi na pala ang bruha!

Hindi ako naka-imik, dahil bukod sa wala akong maisagot ay talagang gusto ko nang magpahinga. Lihim ko siyang pinaikutan ng mga mata. Paakyat na sana ako ng bigla uli siyang nagsalita.

"Where are your manners? Kinakausap pa kita kaya wag mo akong tinatalikuran!" sigaw niya kaya napatigil ako sa paghakbang. Wala akong ibang choice kundi humarap ulit sa kanya at bagot na pakinggan ang mga walang kwentang pinagsasabi niya.

"Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matalo talo ang anak ng mga fortalejo! Ginawa ko na lahat ng panunuhol sa eskwelahan mo, gumastos ako ng malaki doon! Sa tingin ko, hindi talaga natin sila madadaan sa panunuhol lang." galit na utas niya.

"You should do something now! No one can help you but yourself. Remember, kailangan mong maging top one para makapag-aral ka sa states!" patuloy niya. Hinayaan ko lang siyang magdada na parang nakikipag-usap sa hangin. Wala akong panahon sa mga sermon niya! Ang mahalaga lang sa akin ay ang pera nilang mag-asawa.

"You're the only one who will run our company in the near future! I will give you a last chance, at kapag pumalpak ka pa sa susunod, say goodbye to your atm cards at pagkatapos ay hindi ako magdadalawang isip na ibalik ka sa pinanggalingan mo! Tignan lang natin, bakali sakaling tumino ka doon!" Mahabang litanya at pananakot ng bruha pagkatapos ay umakyat na ito sa itaas.

Bigla akong matauhan dahil sa banta niya. Napamura ako, hindi ako papayag! Hindi na ako babalik sa impyernong buhay na iyon! Hinding hindi mangyayari 'yun dahil hindi ko hahayaang si Elise ulit ang magwagi! Kailangan ko nang mag-isip ng paraan! Damn!

Lalong sumakit ang ulo ko dahil doon, tumungo na ako sa kwarto ko at pagkatapos ay nag-isip ng maigi sa gagawin kong plano.

One Wicked Night | ✔️Where stories live. Discover now