Chapter 24: Not a Coincidence?

9.4K 211 6
                                    

×××


PUPUNGAS-PUNGAS akong dumilat ng maramdaman ko ang mainit na kamay na humahaplos sa aking buhok. Nakita ko ang lumuluhang si mommy.


Ngayon ko lang siya nakitang ganito. And it breaks my heart. Napa-upo ako sa aking kinahihigaan.


"I-i'm sorry, nagising kita." aniya habang kinukubli ang pagpupunas nito sa kanyang luha.

Kahapon nga ay inuwi na ako nila mommy rito sa bahay. Pinayuhan ako ng doktor na kailangan ko munang mag-bed rest. Taliwas sa inaasahan kong itatakwil nila ako nila mommy at daddy dahil sa nalaman nila. Bagkus ay lalo pa nila akong inalagaan. Kahapon pa sila aligaga sa pag-aalaga sa akin. Naramdaman ko rin ang pagiging seryoso ni gab sa sinabi nitong paninindigan niya ako. Pumayag sila mommy na dumalaw ito sa bahay upang tumulong rin sa pag-aalaga sa akin.Pakiramdam ko tuloy, pabigat na ako sa kanila ngayon. Dahil lahat ng appointments at meeting nila mommy at daddy ay kinansela nila para lang mabantayan pa ako, although meron naman akong private nurse. Nakabenda pa rin kasi ang kaliwang braso ko.







"It's okay mom, are you crying?" tanong ko rito ng makabawi ako.





Pumihit ito paharap sa akin at saka pinatatag ang sarili.



"Don't mind me, sweetheart. Get back to sleep. You need to rest." malambing na saad niya. Parang may kung anong humaplos sa puso ko. Napakaswerte ko talaga sa mga magulang ko.


Inabot ko ang mga kamay nito at saka pinagsiklop ang aming mga palad.




"I'im so sorry mom, i'm a failure. I disappoint you. I'm such a disgrace to this family." hindi ko napigilan ang paglandas ng mga luha ko.





"Ssshh... Don't say that! You are not. This is our fault, hindi ka namin masyadong nasubaybayan ng daddy mo. Lagi kaming tutok sa pagpapalaki ng kompanya natin, but you as our daughter... we forget that you're also growing up and needs our guidance. I'm so sorry sa mga pagkukulang naman hija, i'm sorry." muli ay bumuhos na naman ang mga luha ni mommy. I hug her tight using my right hand.



"I promise, babawi kami sa'yo ng daddy mo sweetheart. Promise." saad nito matapos kaming magyakapan. Tumango-tango na lang ako, sobrang nahihiya na ako sa kanya. Umiyak ako sa harap ng matapang na babae at napaiyak ko pa siya.




"Nasaan po si daddy,mom?" tanong ko rito kapagkuwan. Kapwa pa kami nagpupunas ng mga mata namin. Natawa na lang kami sa mga sarili namin.



"Mabuti pa hija, tutulungan na kitang bumangon jan at mag-ayos ka pa..." pukaw sa akin ni mommy.


"Bakit po mommy?" kunot-noong tanong ko rito.


Tumingin ng diretso sa akin si mommy. "Dahil darating ang mga magulang ni gab para mapag-usapan namin ang kalagayan mo." seryosong wika nito.


What?! Parang malakas na tumambol ang puso ko. Hindi pa man ay kinakabahan na ako sa kung anong pwedeng mangyari. Sa kung anong sasabihin nila o gagawin nila. Lalo na kay gab.


"Pero mom... kailangan pa po ba? I mean... baka sabihin nilang pinikot ko ang anak nila." nangungusap ang mga matang ipinukol ko sa kanya.




Ngumiti lang si mommy sa akin at saka niya hinaplos ang aking pisngi. "Don't worry my dear, alam kong hindi ka nila pag-iisipan ng ganoon. Mabait ang mga dela vega. I knew it, because we've been friends with them at hindi ako nagkakamali ng pagkilatis sa mag-asawang iyon." assurance ni mom.


Medyo gumaan naman ang loob ko sa sinabi niya. I took a deep sighed. Bahala na! Paninindigan na niya ang nangyari.



...


Ilang sandali pa ay tapos na akong mag-ayos ng sarili, sa tulong na rin ng mommy ko. Dahil nga masakit pa rin ang kaliwang bahagi ng balikat ko ay kinakailangan ko pa rin ang tulong ng iba. Good thing at nariyan si mommy. Siya na rin ang pumili ng sinuot ko. Infairness, parehas kami ng taste ni mommy. Nagustuhan ko ang pinili niyang simpleng dress na kulay beige.




Iginiya na siya ng kanyang mommy papunta sa kanilang lanai kung saan naroon na ang mga magulang ni gab.


Nahigit niya ang kanyang hininga ng makita si gab. Ang gwapo nito sa suot na polo shirt at nang ngitian siya nito ay parang lalo itong gumwapo sa paningin niya. Sinuklian din niya iti ng tipid na ngiti.



"Hi!" bati ni gab sa kanya bago niya ito ipakilala sa mga magulang nito.


"Hi! Goodmorning po... sir...ma'am.." magalang na bati niya sa mga magulang ng huli. Gumanti naman ng mga bati ang mga ito. Nakipagbeso ang kanyang mommy sa mga ito bago ito pinaupo ng kanyang daddy sa upuan nito. Ipinaghila na rin siya ni gab ng mauupuan nito bago ito umupo sa tabi nito.




Pakiwari niya ay tunay ngang mabait rin ang mga magulang ni gab. Pawang palangiti rin kasi ang mga ito katulad ng kanyang mga magulang.


"So... Kamusta ka na hija? Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo. We're praying for your fast recovery." mababanaag ang pag-aalala sa boses ni Mrs. Dela Vega.



"Medyo ayos na po ako ngayon ma'am... Thank you po for your concern." nakangiting sagot ko rito.


"Ofcourse hija, you're carrying our future grand daughter/ grandson. We care for the both of you. And... just call me 'tita' hija." mababakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ng ginang.


Napatango na lang siya. Hindi niya alam kong ano ang sasabihin niya. Nahihiya pa rin kasi siya sa mga ito. Baka isipin nilang isa siyang disgrasyada. Napatungo na lamang siya.


"Nangyari na ang nangyari... Bata pa kayo para ihandle ang mga ganitong sitwasyon. But don't get me wrong, hindi kami galit sa inyo. Nandyan na 'yan kaya susuportahan namin kayo, right mga balae?." saad pa rin ng ginang. Sumang-ayon naman ang mga magulang ko at pati na rin ang daddy ni gab. Naramdaman ko ang paghaplos ni tita minerva sa kamay ko. Parang may kamay na humaplos sa puso ko.





"Salamat po sa inyo. Alam ko pong nagkamali ako... kami po ni gab. Patawarin niyo po kami." Paumanhin ko sa mga ito. Nangingilid na naman ang mga luha ko.




Tumango-tango naman sila. Samantalang si gab naman ay nakikinig lamang. Pero mababakas sa mukha nito ang pagiging seryoso at malalim na pag-iisip.






"So mga balae... i guess, nakatadhana na talaga tayong maging magbalae. Imagine... nag-iisip palang tayo ng arranged marriage para sa mga anak natin pero inunahan na tayo ng tadhana." kantyaw ng daddy ni gab. Nagtawanan naman silang lahat.








Posible nga kayang inunahan lang sila ng tadhana? Hindi kaya hindi talaga ito coincidence? Nakatadhana nga kaya ang lahat ng nangyayari sa kanila ni gab?

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon