Pag-ibig, Noon at Ngayon

By saggra725

576K 7.5K 3.7K

More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter. 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chaptet 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Epilogue

Chapter 32

7K 91 31
By saggra725

Nagtaka si Sarah ng tumango lang si Jason ng sabihin niyang sasabay siya kina Laarni at Will mag lunch. Pagbalik niya ay wala na si Jason. Malinis na ang mesa nito. Mukhang hindi na ito babalik ng hapong yun. Nakaramdam ng lungkot ang dalaga. Tiningnan niya ang schedule nito kahit alam na alam naman niyang wala itong commitment or ka meeting ng hapong yun. Akala lang niya ay madadatnan pa rin niya ito sa office. Sa tutuo lang parang dis appointed nga siya ng hindi man lang tumutol ang binata ng sabihin niyang kina Laarni siya sasabay mag lunch.

 

Tuwing tutunog ang telepono ay umaasa siyang si Jason ang tumatawag. Nakakaramdam na ito ng pagkainis ng malapit ng mag uwian ay hindi pa rin niya alam kung nasaan ang binata. Ayaw naman niyang tawagan ito dahil wala namang dahilan para istorbuhin niya ito kung saan man ito naroroon.

 

Tinawagan niya ang Mama niya mid afternoon para kumustahin at sabihin na rin tuloy na may mga kaibigan siyang kasamang uuwi. Sinabi niyang matutulog ang mga ito sa condo niya, bonding time nila ng mga bagong kaibigan.

 

Natuwa naman ang Mama niya at sinabing ipagluluto sila ng  dinner at gusto din daw nitong makilala ang mga bagong kaibigan ng anak. Duon daw sila magluluto ni Aling Remy sa place ng Papa niya pero dadalhin nila sa place ni Sarah pag naluto na. “Umalis ang Papa mo after around 10 pero babalik daw in time for dinner then lalabas na naman daw dahil guest daw siya sa  Bandila. Siyanga pala, alam mo ba bakit tumatawag si Jason sa akin? Sabi ng Papa mo number daw ni Jason yung tumatawag eh. Na miss ko kasi.”

 

Natawa si Sarah. Tutuo nga palang nag try itong tawagan ang Mama niya. “Hayaan nyo na lang yun Ma, may gusto lang daw sabihin sainyo pero hindi naman ganoon ka importante yun.”

 

“Ano nga yun?” Nag aalalang tanong pa rin ni Lena.

 

“Gusto po yatang ipaliwanag sainyo na hindi naman incest kung manligaw man siya sa akin o kung magkaroon man kami ng relasyon. Biniro ko po kasing sinabi ninyong incest kung manliligaw siya sa akin.”

 

“Sarah, sinabi ko naman na saiyo na binibiro lang kita di ba? Bakit mo naman sinabi pa kay Jason.”

 

“Nakatuwaan ko lang Ma, nagsisi nga din ako kasi parang nasira ang buong umaga niya dahil duon , nahiya naman akong bawiin agad.”

 

“Ikaw na bata ka, yang pagka pilya mong yan isang araw ipapahamak ka niyan.”

 

“Pinipili ko lang naman ginaganoon ko Ma, saka hindi ko naman akalain na didibdibin niyang masyado yung biro kong yun.”

 

“Anak, huwag mong ginagawang biro ang damdamin nung tao. Gaya ng sabi ko saiyo kagabi, malay mo siya na pala yung hinihintay mo. Alalahanin mo hindi na si Miguel yang binibiro mo. Si Miguel , alam na alam na nun , kung nagbibiro ka , isang tingin nya lang saiyo. Yang si Jason, mukhang seryoso.”

 

“May pagka pikon nga Ma pero maparaan. Akalain mo yun tinawagan ka talaga.”

 

“Diyan mo makikita kung desidido talaga ang isang lalaki. Yung mag iisip talaga ng mga paraan para lang mapalapit sa taong nagugustuhan nila. Ganyan din ang Papa mo nuon kaya nga nagpakalayo layo ako. sumama ako sa Ninang Ana sa Isabela.”

 

“Hay naku Ma, ewan ko ba, para ngang ang hirap niyang bale walain. Isasama pala niya ako sa Sta. Ana pagpunta niya duon next week. May ipinagbibili daw na property duon na gusto niyang personal na makita.”

 

“Di maganda anak, di ba may mga kaibigan kang nagtra trabaho sa isang resort duon?”

 

“Opo nga Ma, okay ka lang maiwan dito?”

 

“Oo anak, mukhang ipapaalam na ng Papa mo ang tungkol sa atin mamaya sa Bandila. Handa ka na ba?”

 

“Handang handa na Ma, ngayon pa ba, ayos naman na ang lahat. Tanggap naman na tayo ng pamilya ni Papa di ba?”

 

“Hindi ko pa nakikilala mga kapatid at pamangkin ng Papa mo pero kung tinanggap ka na nila at nagkausap na rin kami ni Mrs. Co at wala naman siyang tutol sa pagpapakasal namin ng Papa mo sa lalong madalaing panahon, palagay ko nga anak  wala na tayong problema. Yun lang naman ang iniiisip ko nuon , ayaw kong maging dahilan ng hindi pagkakaintindihan ng pamilya ng Papa mo dahil sa atin.”

 

“So may posibilidad kaya na makita din kita sa tv mamaya Ma?”

 

“Hindi naman ako sasama sa studio anak, sinabi lang ng Papa mo na guest siya pero hindi naman niya sinabing  isasama niya ako.Sandali anak, mukhang dumating ang Papa mo,  tingnan ko lang sandali ha.” Paalam ni Lena ng marinig na parang may nagbubukas ng pinto.

 

Laking gulat ni Lena ng bumukas ang pinto. Isang napaka eleganteng babae ang bumungad,  nasa likod nito si Neil na abot tenga ang ngiti. Mukhang parehong masayang masaya ang mga ito.

 

Pagkakita sa kanya ng dalawang bagong dating ay lalong nagulat si Lena ng dali daling lumapit sa kanya ang babae at niyakap siya nito na tuwang tuwa.

“Oh I am so happy to finally meet you.” Mainit na yakap nito kay Lena.

 

Naguguluhan man ay niyakap din ni Lena ang babaeng mukhang masayang masayang nakita siya.

 

“Naku , Mahal, pasensya na kung nagulat ka sa bigla naming pagdating. Hindi kasi pumayag itong si Kristina na hindi ka na makilala agad agad kaya heto idinaan ko na siya dito para magkakilala kayo.”

 

Nuon lang namukhaan ni Lena kung sino ang babae. Ang socialite na laging kasama sa mga litrato ni Neil sa mga events na dinadaluhan nito.

 

“Lena Tua-Geronimo soon to be Mrs. Co meet my bestftriend, Ms Kristina Cendana -Aquino.”

 

“Napaka formal naman niyan, call me Kristina, alam mo bang kilalang kilala na kita sa pangalan. Ikaw ang lagi niyang kinukuwento sa akin?”

 

“Nice to meet you Kristina, lagi ko nga kayong nakikitang magkasama ni Neil sa mga pictures. Kayo ang langing magka date sa mga events na pinupuntahan ninyo”

 

“Ako nga, yan lang ang medyo hindi maganda ngayong bumalik ka na sa buhay niya. Mawawalan na ako ng constant date.” Nakangiting sagot ni Kristina.

 

“I am sure, marami ang matutuwa ngayong out of the picture na ako sa social life mo. Maraming mag uunahan na makasama mo sa mga social events na pupuntahan mo.” Sagot naman ni Neil.

 

“I will just go solo and then look for you guys at the event kung anduon kayo.”

 

Nangiti si Lena. “Teka upo ka muna, kuhanan kita ng maiinom.” Alok ni Lena. Hindi pa man, magaan na ang loob niya kay Kristina. Mukhang napaka sosyal nitong tingnan pero kung makipag usap ay napaka warmth nito.

 

“Don’t worry about that, kaya ako nagpilit na makilala ka na ngayon ay para masamahan mo akong magshopping at the same time, makapag shopping ka na rin. Huwag kang magugulat pero hindi pa man kita kilala alam ko, pag nagkita tayo magugustuhan kita. I need a shopping buddy and whether you like it or not , you need me.”

 

Tumingin si Lena kay  Neil. Hindi niya naiintindihan kung ano ibig sabihin ng kaharap.

 

“Mahal, nag volunteer siyang maging personal shopper and stylist ninyong mag ina. Makakatulong daw yun para mabawasan ang pagkailang ninyong humarap sa mga taong gusto kayong makilala.”

Hindi malaman ni Lena kung maiinsulto o matutuwa sa narinig. Tutuong nag aalinlangan siya or asiwa siyang humarap sa mga taong kakilala ni Neil pero nakakaramdam siya ng resentment kung iniisip ni Neil na kailangan nila ni Sarah ng stylist para lang humarap sa mga kaibigan at kakilala nito pero bago pa ito makapagsalita uli ay naunahan na siya ni Kristina.

 

“Teka, teka, hindi ko gusto yang ikot  ng mata at expression ng mukha ng fiancee mo Neil. I don’t mean any insult or what so ever Lena. You look great to me. Simple but elegant in your own way. I just want you to feel more confident, whether we admit or not, bago lahat ang mga susunod na mangyayari sa buhay nyong mag ina. I want to help in any way I can para hindi kayo masyadong maasiwa sa pakikiharap sa mga taong pag una kayong nakita, unang una nilang titingnan ay kung paano kayo manamit , tumayo , hahanapan nila kayo ng mga paraan para mapintasan.”

 

“It’s up to you Mahal, kung hindi ka komportable sa inaalok ni Kristina, ok lang, maiintindihan niyan. Palagay ko gusto lang niyang maging kaibigan ka.”

 

Natawa si Lena ng makitang umikot ang mata ni Kristina ng mahalatang tinitingnan siya ni Neil pero biglang nagbago ang expression ng humarap kay Lena.  “ Tutuo yun , kung hindi ka komportable, won’t be offended.”

 

“Oh well, sa tutuo lang, yan din actually ang iniisip naming mag ina, kung paano kami makikihalubilo sa mga katulad ninyo.” Pag amin ni Lena. “Nahihiya man akong aminin, kailangan talaga namin ng mag aalalay sa amin para hindi naman kami maging kahiya hiya sa mga kakilala ni Neil.”

 

“Huwag na huwag mong iisipin yang ganyan Mahal, kung ako lang , you are both perfect to me , gusto ko lang ding maging komportable kayo lalo na nga at ayaw naman ninyo akong umatras sa candidacy ko. Hindi talaga maiiwasan na makisalamuha ka sa mga tao kahit na hindi mo gusto.”

 

“Thank you Kristina, sana hindi ka mahirapan sa pagiging stylist namin.” Nakangiting sabi ni Lena sa mukhang excited na excited.

 

“Yes!! tuwang tuwang sabi ni Kristina. “Don’t worry, will choose clothes according to your personality and taste. Actually, ang sarap mong bihisan, pwede ka pa ring mag model.” Lumapit kay Lena at pina ikot ikot ito sa harap niya. Sumunod naman si Lena na hindi mapigilan ang matawa.

 

“We can start this afternoon. If its ok with you Lena, we can go to Power Plant Mall now,  let’s pick up few outfits for tonight’s Bandila.”

 

“Bakit kailangan ko ng outfit para sa Bandila?” Nagtatakang tanong ni Lena.

 

“Hindi ka uupo sa interview pero malaki ang posibilidad na once or twice ay ma focus ka ng camera dahil tonight , will announce my engagement to you and will tell the nation about Sarah.”

“Kailangan nanduon ka. Sarah doen’st have to be there, pero dapat anduon ka.” Sabi ni Kristina.

 

“Oh dear, teka kailangan tawagan ko muna si Sarah. Sabi ko kasi, ipagluluto ko sila ng mga kaibigan niya ng dinner.”

 

“Mga kaibigan? May dinner party ang prinsesa ko?” Nakangiting tanong ni Neil.

 

“Hindi naman dinner party talaga, parang bonding time lang ng mga bagong kaibigan niya sa opisina. Inimbita niyang mag swimming, manonood yata sila ng mga dvd movies kaya dadaan daw muna sila sa grocery store  para bumili ng mga snacks and drinks.”

 

“Sige ako na bahala, ako na tatawag sa mahal kong prinsesa, order na lang tayo ng pagkain para sa bonding time niya with her friends. Sasabihin ko na rin na dito na sila sa taas mag swimming para mas may privacy sila.”

Naging tahimik ang buong hapon ni Sarah , marami siyang nagawa sa trabaho pero aminin man niya o hindi nabawasan ang saya niya dahil wala duon si Jason. Ni hindi ito tumawag or nag text kung nasaan siya.  Wala ding idea si Laarni ng pasimple niyang tinanong kung alam ba nito kung nasaan si Jason.

 

“Ganyan naman talaga si Sir Jason, pag wala siya dito sa office, at wala namang schedule na meeting or out of town trips, sa umaga lang siya nandito, basta ang bilin lang niya, kung emergency at kailangan talaga siya, don’t hesitate to contact him, alam naman natin kung paano siya makokontak di ba?”

 

“Uuuy , nag aalala siya. Miss mo kakulitan niya no?”

 

“Ano ka!” Pagkakaila ni Sarah.

 

“Alam ko naman nanliligaw saiyo si Sir, alam ko din na galing sa kanya yang mga bulaklak  at alam ko din madalas ka niyang kulitin at alam ko din na kasama ka sa Sta. Ana trip.

 

“Paano mong nalaman agad agad?”

 

“Hello, secretary kaya ako, yung mga binibigay ko saiyo is for semi approval no, syempre may mga bagay na inuutos si Sir sa akin na hindi mo na kailangan pang malaman agad gaya nung tickets and accomodation reservations. Ang swerte swerte mo naman , mukhang tinamaan talaga saiyo si Sir.”

“Magtigil ka nga baka may makarinig saiyo.”

 

“Alam naman nila, palagay mo ba hindi pa sila nagduda nung sigawan niya ng shut up si Maa’m Georgina and bago pa nun , nung halos buhatin ka niya dahil lang nauntog ka? Nuon lang namin nakitang ganoon kadilim ang mukha ni Sir no?”

 

“Natural mag aalala yun, sa sasakyan niya ako nauntog no?”

 

“Masyado kang in denial, huwag ka ng masyadong pakipot , ang dami kayang nagkakandarapang mga kilalang babae diyan. At saka alam mo bang kabilin bilinan ni Sir kanina sa email  na huwag na huwag akong magfo forward ng mga tawag na galing sa mga babaeng tawag ng tawag for personal reasons. Yun daw mga babaeng gusto niyang makausap ay hindi tatawag sa phone office kung may kailangan sa kanya. Alam daw ng mga ito kung paano siya makokontak ng personal.”

 

Tumaas ang kilay ni Sarah. “Talaga lang ha, so marami talagang babaeng tumatawag sa kanya?”

 

“Marami pero yun nga halos ayaw naman silang kausapin ni Sir.”

Tumango na lang si Sarah, iniba na lang ang topic bago pa siya mahalatang interesado siyang malaman ang social life ng binata.

 

Sabay sabay ngang lumabas ng building ang tatlo. Pare parehong excited. Nagulat pa sila ng paglabas nila ng building ay nasa labas na si Mang Vic.

 

“Sarah, pinapunta ako dito ni Sir Jason para sunduin kayo.”

 

“Talaga po, nakakahiya naman sainyo, pati kayo naabala.”

 

“Hindi naman iha, trabaho din ito. Ganito naman talaga ang trabaho ko, kung sino ang may kailangan sa akin sa kanilang dalawa duon ako, at ngayong nandito na kayo ni Maa’m Lena , mas madalas siguro na kayo ang ipag mamaneho ko.”

 

Ipinakilala ni Sarah ang mga kaibigan kay Mang Vic na masaya ding binati ng matanda.

 

“Pwede pong dumaan tayo sa grocery store? Bibili lang po kami ng mga snacks and drinks.”

 

“Sige iha.”

Samantala nasa isang golf club  naman si Jason, kasama si Bryan at ilang mga kaibigan. Nagpapahinga na sila at nagkatuwaang uminom muna  bago maghiwa hiwalay. They all had a good time, playing golf for almost 5 hours. Nagpaalam na si Jason matapos makainom ng isang beer. Pinagkakantiyawan tuloy siya ng mga kaibigan, isa na duon si Bryan. “Bro, sa ating magkakaibigan, ikaw ang masasabing single talaga, bakit ka ba nag aapurang umuwi?”

 

“Baka naman hindi lang sinasabi sa atin niyan , may itinatago na sa place niya. Come to think of it, matagal na tayong hindi nakakapag party sa lugar niya. Why don’t we go there tonight, It’s Friday, we can have an overnight party. We can call the girls.” Sabi ni Dean.

 

“Oo nga Bro, let’s have party at your place, we will call the usual gang of girls, I am sure, game yung mga yun.”

 

“Masaya yan , let’s go.” Sabi naman ni Jack at nag umpisa ng nag sipag pindot ng mga phones nila.

 

Bago pa nakapagsalita uli si Jason, nakapagplano na ang tatlo ng party na  gaganapin sa penthouse niya. Nakontak na ng mga ito ang catering and bar service na suki na sila kaya naman walang problema kahit bigla bigla ang tawag nila.

 

Napakamot na lang ito sa ulo. “Kayo talaga pag nagplano, ganon ganon na lang.”

 

“Babae, alak , pagkain at swimming , party na.” Sagot naman ni Bryan.

Pagdating nina Sarah sa tinutuluyang unit ay hindi maipagkakaila ang inggit  ng dalawang kaibigan. “Ang swerte swerte mo naman. Sana may Ninang din akong kasing bait ng Ninang Ana mo.” Sabi ni Laarni ng sabihin sa kanila ni Sarah na hindi naman sa kanya yung unit. Duon lang siya pinatitira ng Ninang niya dahil wala namang gumagamit.

 

Nagpasya silang  mag share na lang sina Laarni at Sarah sa kwarto nito at si Will duon sa isa para daw pare pareho silang makatulog. Kawawa naman daw si Will kung sa couch matutulog, king size naman kasi ang bed sa kwarto ni Sarah.

 

Nanduon na ang mga pagkaing pina order ng Papa niya. Alam na niyang hindi nakapagluto ang Mama niya dahil sa impromptu shopping  trip nito kasama ang kaibigan ng Papa niya.

 

“Anong gusto ninyong gawin? Kain muna tayo then akyat tayo sa place nila Papa, duon na lang daw tayo mag swimming sa penthouse para mas solo natin ang swimming pool.”

 

“Kain muna tayo , tapos tour mo kami dito sa condo building ninyo. Ngayon lang kami nakapasok sa ganito ka luxury na condominium.” Sagot ni Laarni na sinang ayunan naman ni Will.

 

“Sige, gutom na rin nga ako, tama lang na pagkakain natin, lakad muna tayo bago  mag swimming. Hindi ko pa rin nalilibot tong building na to.Tatlong parte pa lang ng building na to ang napupuntahan ko, itong unit na to, yung kay Papa at yung restaurant sa ground floor.”

 

“Kung ako nakatira dito, unang una kong pupuntahan ay ang gym, first class daw mga gym sa mga ganito ka luxury na mga condo eh.”

 

“Sige yun ang una nating pupuntahan. May dala ka bang gym outfit?” Tanong ni Sarah. "Paggising natin bukas ng umaga, jogging tayo sa baba din tuloy na tayo sa gym. 

 

“Meron, pinaghandaan ko talaga para kahit na isang gabi at isang araw lang ay maranasan kong tumira sa lugar ng mayayaman.” Biro ni Will na dahilan para makatikim siya ng hampas galing sa dalawang kaibigan.

 

Masaya na silang nagtulong tulong para maihanda ang dinner nila. Si Sarah ang nagset ng table, si Will naman ang naghanda ng drinks nila habang tinutulungan ding magpainit ng pagkain si Laarni.

 

Pagbukas nila ng fridge ay nakita nilang may 2 bottles of wine , 1 red ang 1 white at meron ding bottles of beer. Tuwang tuwa si Will ng makita ang beer. Hindi daw kasi siya masyado sa wine.

 

Pagkatapos nga nilang nag dinner, nag ayos ng mga pinagkainan, ay nilibot nila ang mga amenities ng condo. Hindi lang sina Will at Laarni ang humanga sa facilities and amenities ng building, ganoon din si Sarah.

 

“Kahit dito na lang tayo, huwag na duon sa penthouse mag swimming, halos wala namang tao.” Sabi ni Laarni.

 

“Akala ko ba gustong mong maranasan maging mayaman for a night ,  bakit ayaw mong duon sa penthouse tayo mag swimming tanong ni Will.

 

“Baka anduon sina Sir Neil at Sir Jason, nahihiya ako.”

 

“Kung hindi kayo komportable duon, sige dito na lang tayo.” Sabi naman ni Sarah. Naiintindihan naman niya ang pagkailang ng kaibigan , ganoon din kasi ang nararamdaman niya.

 

“Kung saan ninyo gusto, duon na rin ako.” Sagot naman ni Will.

 

“Pero panhik muna tayo ha, nag text  si Mama, anduon na raw siya, gusto daw niya kayong makilala bago sila umalis,  may interview kasi si Papa sa bandila mamaya.

 

“Hindi ba nakakahiya?” Tanong ni Laarni. Siguradong anduon si Sir Neil.”

 

“Kayo naman, hindi, lets go para makapag swimming na tayo,parang lumalamig.”

 

Naging palagay naman agad ang loob ng mga kaibigan ni Sarah ng ipakilala niya ang mga ito sa Mama at Papa niya. Tinanong ng mga ito kung nagustuhan ba nila ang mga pagkaing inorder nila. “Pasensya na anak, bigla bigla naman kasing dumating ang Papa mo at si Kristina.

 

“Ok lang yun Ma, tingnan mo naman ang itsura mo, para kang artista ha. Lalong lumabas ang ganda mo.” Proud na papuri ni Sarah sa ina. 

 

“Oo nga po ang ganda ganda ninyo,” pag sang ayon ni Laarni.

 

“Naku iha, salamat naman, salamat din at nakatagpo ang anak ko ng mga bagong kaibigan na gaya ninyo.”

 

“Naku kami po ang maswerte na naging kaibigan namin siya.” Halos sabay pang sabi nina Will at Laarni.

 

Nasa ganoon silang pag uusap ng sabihin ni Aling Remy na pupunta lang siya sa unit ni Jason dahil dumating na ang catering and bar services staff para sa party.

 

“May party si Jason?”

 

“Meron daw po, nagkayayaann daw po ng mga barkada niya kanina pagkatapos nilang mag golf. Duon naman daw po sila sa may pool pero  titingnan ko lang din po kung maayos ang mga washroom at kwarto duon, baka may ilang mga kaibigan na naman siyang hindi na makauwi.”

 

Nagulat si Neil. “Sa pool? Paano yan inimbita ko pa naman sina Sarah na duon na mag swimming?” Medyo tumaas ang boses nito.

 

“Okay lang Pa, wala naman halos tao duon sa baba, duon na lang kami.”

 

“Pasensya na anak, hindi ko alam na may party pala si Jason.”

 

“Sabi ko naman Pa, ok lang eh. Di ba dapat, umalis na kayo, baka malate kayo, mukhang kanina pa kayo hinihintay ng mga kasama ninyo. Tinapunan ng tingin ni Sarah ang driver/bodyguard ni Neil at ng personal aide nito.

 

“Humalik si Sarah sa Mama niya, “good luck Ma, aabangan namin kayo sa tv mamaya.” Humalik din sa Papa niya. “Ingat Pa.”

 

Pagkaalis ng mga magulang ay aalis na rin sana ang tatlo pero naalala ni Sarah na  lumabas si Aling Remy. Hindi naman niya maiiwang hindi naka lock ang pinto. 

 

Nagdesisyon itong mag text kay Aling Remy. Sinabi niyang  paalis na sila pero hindi niya maiwan ang unit ng Papa niya dahil wala siyang susi. Tinanong niya ang butihing housekeeper kung ok lang ba na iwan nilang hindi naka lock.

 

Ilang minuto ding naghintay ng sagot si Sarah pero walang reply. Binigay niya ang susi ng unit niya kay Laarni at sinabing mauna na sila sa pool , susunod na lang siya para hindi masayang ang gabi nilang pare pareho sa paghihintay. Nag aalangan mang iwanan ng dalawa si Sarah ay sumunod na rin ang mga ito.

 

"Andiyan din yung key pass para sa pool ha, para makakuha kayo ng mga towels and iba pang kailangan sa pool. Baka hanapan kayo ng pool attendant ng key pass." Paalala ni Sarah.  

 

Pagkaalis ng dalawa ay nasalubong pa nila papunta sa elevator si Bryan, dala dalawa ang babaeng nakakapit sa magkabilang braso niya.

 

Nagulat pa ito ng makita sina Will  at Laarni.

 

Mabilis namang pumasok sa elevator ang dalawa, matapos nilang batiin ng good evening si Bryan.

 

Dahil inaayos pa lang ang mga pagkain at bar ay nagtuloy muna ang mga naunang dumating na bisita sa unit ni Jason.

 

Dahil sa biglaang dating ng mga bisita at pagmamadali ni Aling Remy, hindi niya naririnig ang cell phone niya. Si Jason pa ang nagsabi sa kanya na baka gusto niya munang sagutin ang phone niya na ilang beses ng nag ring at nag beep, baka daw emergency.

 

Sinunod naman siya ni Aling Remy at tiningnan ang phone niya kung sino ang tumatawag. Nakita ni Jason na biglang nag aalala ang mukha ni Aling Remy. Lalo syang nag alala ng dali dali itong nagpaalam at sinabing babalik siya agad. Hinabol na lang niya ng tingin ang butihing housekeeper, husto namang pagpasok din ni Bryan at ng dalawang babaeng kasama nito.

 

“Hey Bro, bakit nakita ko secretary mo at ang trainee ko sa may elevator. Did you invite them too? Is Sarah here too?” Tanong ni Bryan.

 

Hindi agad naintindihan ni Jason ang tanong ng kaibigan. Inulit pa ni Bryan ang tanong niya. Nagulat pa si Bryan ng magmura ito . “Fuck!! I totally forgot!”  Napatakbo ito palabas ng unit niya. Hinabol si Aling Remy pero nakita niya itong pabalik na.

 

“Aling Remy, anong nangyari? Bakit bigla ka na lang umalis?”  Andiyan pa ba sina Ninong at Tita Lena?”

 

“Yun nga Sir ang dahilan kaya ako nagmamadaling umalis, hindi makaalis alis si Sarah dahil wala siyang susi. Kaya yun sinabi kong papunta na ako, pwede na siyang umalis kasi may mga bisita din siya.”

 

“Sina Laarni at Will?”

 

“Opo Sir.” Sagot ni Aling Remy.

 

“Tama ba ang hinala ko na dito sila sana mag swi swimming?”

 

“Opo, nagulat nga po ako ng bigla na lang kayong mag text na may party kayo ngayong gabi. Nagpahanda pa nga po si Sir Neil ng mga mamemeryenda nila pero nadinig ko na okay lang naman daw po na sa baba na sila mag swimming.”

 

Kitang kita sa mukha ni Jason ang pag aalala.

 

“Sige po Sir, balik muna ako duon.” Sabay turo sa unit ni Jason.

 

Naiwan si Jason na kung pwede lang iuntog ang ulo niya sa wall ng hallway, ginawa na niya. Bakit niya nakalimutan na ng gabing yun nga pala ang bonding date ng tatlo. Di nga ba nagplano din  siyang mang gate crash sa sa bonding nila. Bakit niya nakalimutan? Nakikinig pa siya kaninang umaga sa usapan nina Sarah at Laarni. Anong nangyari sa kanya?”

 

Gustuhin man niyang puntahan ang dalaga, naharang na siya ng mga nagdadatingan ng mga kaibigan at ng mga kasama ng mga ito.”

Continue Reading

You'll Also Like

21.6K 404 27
Loving is also accepting whatever your partner's beliefs, taking care his reputation and accepting all his worst. Isang simpleng babae lamang si Jean...
5.3K 82 9
WARNING⚠️⚠️ Mature content ⚠️⚠️ She's loving him all her heart while he's hating her all his soul. There's nothing wrong in giving everything to some...
113K 3K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
110K 1.7K 38
R-18 A fanfiction of 365DNI movie. Story of Anna and Michele. Started : 04-24-20 End : 05-20-20