Pag-ibig, Noon at Ngayon

By saggra725

576K 7.5K 3.7K

More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter. 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chaptet 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Epilogue

Chapter 28

6.9K 93 38
By saggra725

Ilang minuto bago lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Lena galing ng Isabela, excited  ng naghihintay si Sarah, kasama si Jason na  hindi pumayag na hindi siya kasama sa pagsundo.

 

Kinakabahan siyang hindi maipaliwanag pero anduon din yung excitement na sa wakas makikilala na rin niya ang kaisa isang babaeng minahal ng ninong niya. Hanggang sa mga oras na yun hindi pa rin siya makapaniwala na may mga pagmamahal pa rin  pala gaya ng pagmamahalan ng ninong niya at ng babaeng kilalang kilala niya sa pangalan pero ngayon pa lang niya makikilala at makikita ng harapan.

 

Palihim niyang sinulyapan si Sarah na panay ang tingin sa gate kung saan lalabas ang mga bagong dating.  Nakaramdam ang binata ng matinding kagustuhang yakapin  ang dalaga, gusto niyang iparamdam na masayang masaya din siya para sa pamilya ng dalaga na kung tutuusin ay pamilya na rin niya.

 

Napansin siya ni Sarah, lumapit ito sa kanya,  wala sa loob na humawak sa braso ng binata."Salamat sa pagsama mo sa akin, naging driver ka pa tuloy."

 

"My pleasure, natutuwa nga ako na pumayag kang sumama ako. Sa wakas makikillala ko na rin ang Ninang ko.

 

"Ninang mo?" Nagtatakang tanong ni Sarah.

 

"Oo, pag napangasawa siya ni Ninonng Neil, di Ninang ko na rin siya and if I get lucky soon to be my Papa and Mama too as soon as I am able to put a ring in your beautiful finger." Kampanteng sagot ni Jason.

 

Nanlaki na naman ang mga mata ng dalaga.Hahampasin sanaa niya ito pero mas mabilis ang mga kamay ng binata.

 

"Hep hep," nahawakan niya agad ang kamay ng dalaga.

 

Walang nagawa ang dalaga kung hindi mapatitig na lang sa binata ng masuyong halikan ang kamay niya.

 

"See , unti unti nalalaman ko na mga kilos at mannerisms mo." Nakakaloko ang ngiting sabi ni Jason.

 

Nangiti na rin si Sarah. "Minsan kahit gusto ko na talagang mainis saiyo, hindi  ko alam kung talagang presko ka or assuming lang."

 

" When  you smile at me  like that it makes my heart do crazy things. Do you realized what power you have over me?" Hinahaplos haplos ng ng daliri ni Jason ang likod ng kamay ng dalaga na hawak hawak  pa rin niya.

 

Sarah blushed and flicked her  gaze back toward the arrival area .



"I know I might be too fast in expressing my feelings for you but I don't want to wait very long like what happened to Ninong and your Mama."

 

"Well, your love is not as strong as the love of my Papa to my Mama then."  Pairap na sagot ni Sarah.

 

"That's not what I meant sweetheart. Gusto ko lang maging maligaya na agad agad ang buhay ko, yung makasama ko na ang babaeng alam kong makapagpapaligaya at kukumplero sa buhay ko. Alam ko , ikaw na yun. I want whatever part of you I can have. Kahit kunti lang sa ngayon,  masaya na ako." “His lips touched  Sarah's head, and  she closed  her eyes . Sarah enjoyed the sweetness of the moment , she is starting to like those little moments with him.

 

Hindi namalayan ng dalawa na nasa ganoon silang posisyon ng ilang minuto.Hindi tuloy nila namalayan na nakalapit na si Lna sa kanila.

 

Nagulat o nabigla man si Lena, hindi siya agad nagpapansin Hinintay na lang nilang idilat ng anak ang mga mata nito. Pingsawaan muna nyang tingnan ang nakapikit na anak habang nakakulong sa yakap ng isang napakagandang lalaki na sa tingin niya ay halos yaw ng bitiwan ang dalaga niya.

 

Nakaraan ang ilang minuto, hindi pa rin tumitinag ang dalawa sa kinatatayuan habang nakayakap sa isat isa.,nakapikit pa rin si Sarah . hindi makita ni Lena kung nakapikit din ang lalaking nakayakap sa anak. Hinuhulaan niya kung sino ang lalaking sa unang pagkakataon ay nakita niyang kayakap ng anak maliban sa Tito Gary, Ninong Glen at Miguel at syempre ang Papa niya kahit na hindi pa niya nakita. Natural ang pagiging malambing ng anak , alam niya yun pero alam din niyang maingat ito sa pakikitungo sa tao lalong lalo na sa mga lalaki.

 

"Dapat ba akong magtampo na hindi mo napansin nandito na ako dahil yakap ka ng gwapong lalaking ito?" Hindi na nakatiis na sabi ng Mama ni Sarah.

 

Sa sobrang pagkagulat ay naitulak ni Sarah si Jason. "Ma!!! Kanina ka pa?" Namumulang tanong ng dalaga sa Mama niya sabay halik at yakap dito. Kitang kita ang pamumula ng mukha nito. Hindi makatingin ng diretso kay Lena ang anak .

 

"Mga dalawang minuto pa lang naman. Kaya pala hindi mo ako nakita agad, may gwapo kang kasama," tiningnan si Jason na naka ngiting nakatingin lang sa kanila Himihintay na ipakilala siya ng dalaga.

 

“Ma, si Jason Opsima po, ang boss ko at inaanak ni Papa. Sir Jason, Mama ko , Mrs. Lena Tua Geronimo.” Pakilala ni Sarah kay Jason sa Mama niya.

 

Lumapit naman si Jason. Nag aalangan kung bebeso ba o makikipagkamay sa  babaeng kilalang kilala niya sa pangalan pero ngayon lang niya nakita ng personal. Hindi nga kataka takang ma in love ang Ninong niya sa kaharap.

 

Nangiti naman si Lena sa nakitang pagkailang ng binata. Ihinain niya ang pisngi para sa ma beso siya ni Jason na dali dali namang nakuha ni Jason kaya bumeso agad ito sa nakangiting Mama ni Sarah.

 

"Kumusta ka iho? Ikaw pala ang anak anakan ni Neil."

"Mabuti po naman, parang hindi po ako makapaniwala na finally nakilala ko na rin kayo. Hindi naman po pala kataka taka na hindi kayo makalimot kalimutan ni Ninong."  

"Pati ba ikaw mambobola din o dapat ko bang sabihin na pati ba ako bobolahin mo din?"

"Naku hindi po ako nambobola , tutuo po yung mga sinabi ko. Kaya naman po pala napakaganda ng anak ninyo, nagmana sainyong dalawa ni Ninong pero mas nakikita mo po yung similarities ninyo ni Sarah."

“Yan lang ba dala mo Mommy?”

 

“Oo anak, kunting damit lang, alam mo namang biglaan lang din naman itong luwas ko.”

 

“Di bale Ma, shopping tayo pagsahod ko.”

 

“Hay naku anak,  ipunin mo na lang yang sweldo mo, di ba gusto mong mag master? Yang sahod mo, ipunin mo na lang para matupad mo pa rin ang pangarap mo at ng Tito Gary mo.” Masuyong hinaplos ni Lena ang pisngi ng anak.

 

Hindi makakibo si Jason sa naririnig na usapan ng mag ina. Sa loob loob niya, hindi naman na kailangan pang mag ipon o mag aalala sa gastusin ang mag ina ngayong bahagi na uli ng buhay nila ang Ninong niya. Alam kaya ng Ninong niya na kaya nagsisikap sa trabaho si Sarah para makaipon at makabalik sa pag aaral?

 

“Hintayin nyo na lang ako dito, kukunin ko lang ang sasakyan. Medyo malayo layo din ang parking lot kaya dito nyo na ako hintayin.” Bilin niya sa mag ina.

 

Nagpasalamat naman sina Lena at Sarah.

 

HInintay lang ni Lena na makalayo si Jason saka niya tinanong ang anak kung ano ibig sabihin ng nadatnan niya.

 

“Ngayon ko lang yata nakitang may kayakap na ganoon ang anak ko ah. May gusto ka bang sabihin sa Mama mo anak?”

 

“Wala yun Ma, nadala lang ako sa moment. Kasi naman kung pakiramdam ko pag siya ang kasama ko , prinsesa talaga ako. Yung tipong ako lang talaga importante sa kanya.”

 

“Ilang araw ka pa lang dito sa Manila anak, may ganoon na?”  

 

Malambing na yumakap si Sarah sa ina. “Ewan ko ba Ma, kahit pinipilit ko naman ang sarili ko na huwag padala sa mga pinapakita at sinasabi niya, hindi ko yata maitago yung pagkakilig ko. Nararamdaman ko kasing sincere naman siya. Isa pa parang nagpaalam na siya kay Papa para manligaw. Kanina narinig ko sinabihan siya ni Papa na tandaan niya na nag iisa akong prinsesa ni Papa. Sagot niya, alam naman daw niya yun saka sa tutuo lang Ma, hindi pa man niya alam na anak ako ni Papa, nahalata ko na siya unang pagkikita pa lang namin.”

 

“Naku , ang anak ko mukhang nahuhulog na ang loob sa kinakapatid. Teka di ba hindi daw magandang nagkakatuluyan ang magkinakapatid, parang incest daw yun?” Biro ni Lena.

 

Natigilan si Sarah. Napatitig sa ina. Tinitingnan kung binibiro ba siya ng Mama niya o seryoso ito. Pinilit namang maging formal ni Lena. Gusto niyang makita kung gaano na kalalim ang nararamdaman ng anak sa inaanak ni Neil.

 

Napalunok si Sarah ng makitang pormal ang expression ng Mama  niya. “May ganoon po?” Kitang kita sa mata ng dalaga ang pag aalala at lungkot.

 

“Sa palagay mo ba, okay lang sa Papa mo na nanliligaw saiyo si Jason?”

 

“Palagay ko Ma, parang wala namang nagbago sa samahan nila saka hindi naman siya binabanggit sa akin ni Papa. Sabagay hindi pa naman talaga kami nagkakausap na kami lang.”

 

“Ilang araw pa lang talaga ang nakakaraan pero parang ang tagal tagal na no? Biglang nabago ang buhay natin. Palagay mo anak, hindi natin pagsisihan ang pagpasok natin sa buhay ng mga Co?”

 

“Ako Ma, kahit ano ang mangyari, wala akong pagsisihan. Yung malaman ko lang na mahal na mahal ka ni Papa hanggang ngayon, napakalaking bagay na yun sa akin. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal niya. Kahit na hindi pa siya isang Co na mayama at kilalang kilala hindi lang dito sa Pilipinas maging sa buong Asia, kahit na naging ordinaryo lang siyang employee o trabahador, masaya pa rin ako dahil sa nalaman ko kung gaano ka niya kamahal. Kung gaano ka kaimportante sa kanya kahit na lumipas pa na ang maraming taon. Iilan na lang ang ganyang love story Ma,  at naiinggit ako saiyo kasi may nagmamahal at nagmahal saiyo ng purong puro at tutuong tutuo.” Nanginginig ang boses na sabi ni Sarah. Pinipilit na huwag maiyak.

 

“Anak, naniniwala ako na makakatagpo ka din ng lalaking gaya ng Papa mo o kaya ng Tito Gary mo. Bakit parang naiiyak ka? Dahil ba sinabi kong parang incest kung sakaling maging kayo ni Jason?” Masuyong hinawakan ni Lena ang baba ng anak at pinatingin sa kanya.

 

“Nagulat lang ako Ma, hindi pa rin naman ako sigurado kung ano talaga nararamdaman ko para sa kanya, kung sakali Ma, ayaw mo ba dahil parang incest?” Malungkot na tanong ni Sarah.

 

Hindi na napigil ni Lena ang sarili at natawa na ito. “Ang anak ko naman, nagpahalata agad. Binibiro lang kita at gusto ko ding malaman kung ano magiging reaction mo. Isa pa , palagay mo ba kung hindi siya mabuting tao, papayagan siya ng Papa mo na manligaw saiyo. Alalahanin mo, Papa mo ang nagpalaki at nag alaga sa kanya. Tutuong parang magkapatid na kayo pero hindi naman kayo magkadugo at hindi din kayo lumaki at nagkaisip sa iisang bahay. Maiilang siguro ako kung sabay kayong lumaki at nagkaisip sa isang bahay tapos bigla na lang manliligaw siya saiyo. May tiwala ako saiyo anak at naniniwala din akong hindi yan maglalakas ng loob manligaw saiyo kung hindi din lang tutuo ang nararamdaman niya.Mabait ang Papa mo pero masamang magalit.”

 

“Napansin ko nga Ma, naalala ko tuloy yung nangyari kay Georgina sa monthly meeting nila. Naawa din ako sa kanya, kung ako siguro yun , wala na akong mukhang ihaharap kahit na kanino na nakarinig ng pagkapahiya niya kay Papa.”

 

Natigil ang kwentuhan ng mag ina ng makita nila si Jason na nakaparada na sa may pick up area. Dali dali ng pumunta ang mag ina sa naghihintay na sasakyan.

 

Sa sasakyan ay napuna ni Jason ang closeness ng mag ina. Para lang magka edad kung magkwentuhan at magbiruan. Lalong nakita ni Jason ang pagiging natural na pagkamakulit ng dalaga pero kahit ganoong  kinukulit nito ang ina ay kitang kita din ang pagigng malambing nito. Isinasama naman siya sa kwentuhan nila pero madalas ay nakikinig lang siya. Masaya na siyang naririnig ang tawa ng dalaga. Hindi niya maiwasang mangiti din pag naririnig niya itong tumatawa. Nahahawa siya.

 

Pagkahatid ni Jason sa mag ina sa condo unit ng tinutuluyan ni Sarah ay nagpaalam na rin agad ito.

 

“Salamat iho sa pagsundo ha. Siguro naman hindi ito ang huling pagkikita natin habang nandito ako sa Manila.”

 

“Ay talaga pong hindi. Mamaya lang po magkikita uli tayo. May pupuntahan lang po ako pero magkikita po uli tayo dinner time.”

 

“Mabuti naman kung ganoon, sige ingat ka.”  Bilin nito kay Jason at kunwari ay pumunta sa kwarto para ayusin na ang mga gamit niya pero gusto lang niyang bigyan ng privacy ang dalawa. Nahalata kasi niyang parang may gustong pag usapan ang dalawa.

 

Nangingiti ito habang papunta sa kwarto. Naalala nya nuong panahon nila ni Neil. Mabuti nga ang dalawa at mukhang pareho pang kontrolado ang mga sarili. Sila nuon ni Neil, basta nagkatabi, asahan mong nakapalupot na sila sa isat isa. Pareho silang mapusok nuon lalong lalo na si Neil na ang naging katibayan nuon ay ang tinatawag nilang prinsesa nila ngayon.

 

Walal siyang kamalay malay na siya ang dahilan kung bakit nahalata niyang gustong makapag usap ng dalawa ng sarilinan. Pinag usapan nilang magpapapa late ng kunti si Jason sa pagsundo sa lola Margaret nila para magkaroon sila ng private moments bilang pamilya.Sinabi ni Jason na dapat anduon na sila sa unit ng Papa ni Sarah bago mag 7. Ibinigay ang cell phone number ni Aleng Remy, text mo siya pag ready na kayong pumunta para malaman mo kung anduon na si Ninong. “

 

“O sige, ingat. Text mo din ako ha pagpadating na kayo para malaman ko din. Ang tindi ng kaba ko,”  Pag amin ni Sarah sa binata.

 

“Dahil sa sobrang excitement?”

 

“Excitement at kaba sa pagkikita ni Mama at ng Mama ni Papa.”

 

“Gaya ng sabi mo, maniwala sa goodness.”

 

“Kelan ko sinabi yan?” Natatawang tanong ni Sarah.

 

“Sa sasakyan kanina, ilang beses mo kayang sinabi yan habang nakikipag kwentuhan ka sa Mama mo. “

 

“Sige na, lakad na. Salamat uli ha at ingat.”

 

“Wala bang kiss? Don’t you think I deserved a kiss for doing a good deeds this afternoon?”

 

Natigilan si Sarah at bago pa magbago ang isip nito ay tumingkayad ito at hinalikan ang pisngi ng binata. “Salamat sa lahat lahat ng ginawa mo today for me.”

 

Abot tenga ang ngiting niyakap  ni Jason sa bewang ang dalaga. Hinapit palapit sa kanya. “I can’t wait for the day when you’ll  talk to me the way you talk to your Mama. Telling me what you did all day, while lying in our bed, do you know , your laugh alone makes me happy?”

 

“Did you know that you are making me nervous? Nanliligaw ka pa lang remember?” Kumawala sa pagkakayakap ng binata. “Sgie na  para makausap ko si Mama para hindi naman siya magulat ng todo mamayang pagdating ninyo ni Lola Margaret.

 

“See you later  Princess.”

 

Kumaway na lang ang dalaga sa binata. Ayaw na niyang lumapit natatakot siyang marinig nito ang matinding kaba ng dibdib niya.

 

Pagkaalis ni Jason ay pinuntahan naman ni Sarah ang Mama niya sa kwarto. Inaayos nito ang mga damit sa closet. Tumingin ito sa kanya ng maramdamang nanduon siya. Itinigil ang ginagawa at umupo sa gilid ng kama.

 

“Halika nga dito, pakiramdam ko may gusto kang sabihin sa akin. Ano ba yun?” Pinaupo ang anak sa tabi niya.

 

“Ganito kasi ang plano Ma, before 7 , pupunta tayo sa place ni Papa, dito din sa building na to. Sa penthouse sila. Hindi niya alam na luluwas ka ngayon. Alam mo bang ang balak niya ay dadalawin ka niya sa Linggo?”

 

“Talaga? Bakit daw?”

 

“Si Mama naman kunwari pa hindi alam.”

 

Kinurot ni Lena ang anak. “Ikaw talagang bata ka, pasaway.”

 

“Ikaw kasi eh, huwag mo ng pahirapan pa si Papa please.”

 

“Ano pa nga ba ginagawa ko dito? Di ba kaya nga ako lumuwas para hindi na siya mahirapan pa?”

 

“I love you Ma, masayang masaya ako para sainyong dalawa ni Papa.”

 

“I love you too anak, masaya din ako na masayang masaya ka. Sana nga tuloy tuloy na ito at wala ng iba pang hadlang sa kaligayahan nating tatlo.”

 

“Ma, itong dinner na pinahanda ni Papa, dinner ito para daw ipakilala niya ako sa Mommy niya. Palagay mo handa ka ng harapin si Lola Margaret?”

 

Napatayo sa pagkakaupo si Lena. Naglakad lakad sa loob ng kwarto.  Nagulat sa tanong ng anak.

 

“Kung hindi ka pa handa Ma, pwede namang sabihin kay Papa na huwag na muna.” Nag aalalang sabi ni Sarah.

 

“Nagulat lang ako anak pero tama lang na harapin ko din ang multo ng nakaraan. Kung gusto ko talagang mawala ang mga agam agam sa puso ko, kailangang harapin ko ang Mommny ni Neil. Ikaw ba anak, handa na?”

 

“Ihinahanda ko na sarili ko Mommy. Isa pa tatlo tayo, isa lang niya kung saka sakali at higit sa lahat  alam ko hindi tayo pababayaan ni Papa.”

“Sana nga anak. 7 ba kamo? Dapat pala mag umpisa na akong magpaganda, makikita ko na uli ang dahilan ng maraming masaya at malungkot na bahagi sa buhay  ko.”

Continue Reading

You'll Also Like

124K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
8.8K 407 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
5.3K 82 9
WARNING⚠️⚠️ Mature content ⚠️⚠️ She's loving him all her heart while he's hating her all his soul. There's nothing wrong in giving everything to some...
379K 4.3K 38
[COMPLETED] [TAGLISH] Safiah Kendall H. Collins, married to an arrogant, jerk and asshole bussiness man named Fred Gray B. Collins. Before she forgot...