Love Begins Here (Completed)

By terelou1220

3.5M 84.1K 3.3K

FINALE More

Prologue
Chapter 1 part 1
Chapter 1 part 2
Chapter 2 part 1
Chapter 2 part 2
Chapter 3 part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4 part 1
Chapter 4 part 2
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6 part 1
Chapter 6 part 2
Chapter 7 part 1
Chapter 7 part 2
Chapter 8 part 1
Chapter 8 part 2
Chapter 9 part 1
Chapter 9 part 2
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13 part 1
Chapter 13 part 2
Chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16 part 1
Chapter 16 part 2
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 18 part 1
Chapter 18 part 2
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40
Epilogue

Chapter 34 part 2

33.9K 878 45
By terelou1220

Chapter 34 part 2

"Ellie! Ellie!" Sunud-sunod ang pagkatok ni Luisa sa silid ng kapatid. Kailangan niyang mailayo agad ito sa malalong madaling panahon bago nito mabalitaan ang naganap kanina sa company anniversary ng mga Monteverde. Ilang beses nang nasaktan ang kapatid at sa pagkakataong ito ay baka hindi na kayanin ni Ellie idagdag pa ang maselang kalagayan nito.



"Ate, grabe ka namang makakatok parang mawawasak ang pinto." Pupungas pungas na bungad ni Ellie,  halatang naistorbo ito sa kanyang pagtulog.



Hindi pinansin ni Luisa ang sinabi ng kapatid. Dire-diretso itong pumasok sa kuwarto. "Where's your passport?"  Nagmamadali niyang tanong.



"Nandiyan sa drawer." Parang wala sa sariling tugon ni Ellie sabay upo nito sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Luisa na binubuklat ang kanyang passport.



"Mabuti pala hindi pa expired ang visa mo sa Australia."



"Huh?! Visa sa Australia?" Naguguluhang tanong ni Ellie, hindi niya maintindihan ang ikinikilos ng kapatid.



"Tayo, napagdesisyunan namin ng kuya Ric mo na mas makakabuti kung sa Australia ka namin dalhin."



"Wait ate, I don't understand...I know something came up kaya nagbagong bigla ang mga plano natin." Tuluyan ng nawala ang antok ni Ellie.



"Basta Ellie makinig ka lang sa akin, hindi ko kayo ipapahamak ng anak mo."



"Alam ko naman yun ate pero may karapatan din naman akong malaman kung bakit biglang nagbago ang mga plano natin."



"I'm gonna explain it to you when we get there. Sa ngayon gusto kong sundin mo muna ang sinasabi ko."



"Alam na ba ni Dale Rafael?"



Biglang umilap ang tingin ni Luisa. "H-Hindi pa, pero ako na ang bahalang magsasabi sa kanya."



Nararamdaman ni Ellie na may mali sa mga nangyayari ngayon, naninibago siya sa kanyang ate dahil ito ang klase ng tao na pinag-iisipan ang bawat desisyon. Kaya naman talagang may pagdududa siya na may nangyayari na hindi niya alam.



"Ate, paano ang hospital naka..."



"Nakausap na ng kuya Ric mo ang magiging doctor mo sa Sydney. Kaya wala ka ng dapat ipag-alala." Hindi na pinatapos ni Luisa ang sasabihin pa sana ni Ellie.



Tumango na lamang si Ellie ayaw niyang makipagtalo sa kapatid ngunit sisiguruhin niya na bago sila umalis ay malalaman niya ang dahilan ng biglang pagbabago nito ng desisyon.



"Papupuntahin ko ngayon si Lilay dito para tulungan kang mag-ayos ng mga gamit mo." Sabay talikod nito.



Nang makalabas ang kapatid ay nagmamadaling kinuha niya ang telepono. Kailangan niyang makausap si Dale Rafael, ang usapan nila ay sabay sabay silang tutungo ng Amerika. "Oh God, please answer your phone."  Bulong niya sa sarili habang nagriring ang telepono nito. Nakailang beses pa niyang sinubukang tawagan ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. Naisip niyang magsend ng message dito ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring reply. Nang mapadako ang paningin niya sa kanyang laptop ay agad niyang inabot ito at binuksan ang email. Mas makakabuti kung padalhan niya rin ito ng email para kung nawaglit man nito ang telepono ay mababasa nito sa email ang message niya.



Napakunot ang noo ni Ellie ng mabasa sa inbox niya ang pangalan ni Martina. Nang buksan niya ang email ng babae ay may nakaattached itong video clip. Out of her curiosity she clicked the file. Halos hindi siya makakilos habang pinapakinggan ang sinasabi ng matandang lalaki, alam niyang kuha ito sa company anniversary ng mga Monteverde. Namalayan na lamang niyang tumutulo ang mga luha habang nakatitig sa screen ng laptop niya. Ilang segundo lamang ang video pero kuhang kuha ang kabuuan na gustong iparating sa kanya ni Martina.




"Ellie, nakita mo ba yung..." Hindi naituloy ni Luisa ang sasabihin ng makita ang hitsura ng kapatid, agad niya itong dinaluhan. "What's wrong?" Nag-aalalang tanong niya habang pinupunasan ang mga luhang patuloy na naglalandas sa pisngi ng kapatid.




"Ate, napanood ko ang video." Humihikbing sabi ni Ellie. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga ng mga sandaling yun.




"Anong video? Will you please stop crying...hindi makakabuti sa inyo ng baby mo yan." Natataranta na rin si Luisa sa nakikita na hitsura ng kapatid, namumutla na ito at parang hinahabol na rin nito ang hininga.




"Lilay! Lilay! Magdala ka ng tubig dito!" Natatarantang utos nito sa katulong.



"Ellie, calm down okay." Patuloy niyang hinahagod ang likod ng kapatid.



"Ate, may pinadalang video sa akin si Martina." Parang bata niyang sumbong kay Luisa.



"Uminom ka muna ng tubig." Mabilis na inabot ni Luisa kay Ellie ang isang basong tubig na tangan ni Lilay. At nang maobserbahan niyang medyo nakakabawi na ang kapatid ay hinablot niya ang laptop na nasa harap nito.



Pilit na pinipigilan ni Luisa ang galit. Ang video na pinadala ni Martina ay ang announcement ng nalalapit na kasal nito kay Dale Rafael.



"Ate, iyan ba ang dahilan kung bakit nagmamadali kang makaalis tayo?" Malumanay na ang boses ni Ellie, unti-unti na niyang nakokontrol ang emosyon.



Marahang tumango si Luisa. "Ayaw ko muna sanang sabihin ito sa'yo hangga't hindi nasisiguro ang kaligtasan ninyong mag-ina dahil alam kong makakaapekto ito sa kalagayan mo ngayon."



"Kailan tayo aalis?"



"Inaayos na ng kuya Ric mo ang ticket natin. Maybe tomorrow after lunch nasa Sydney na tayo."



"Okay." Ipagkakatiwala na lang muna ni Ellie ang pagdedesisyon sa kanyang ate dahil alam naman niyang ang tanging hangad nito ay ang kaligtasan nilang mag-ina.

______________________

A.N.

Please don't forget to vote and leave your comments :D

Thank you ^ ^




Continue Reading

You'll Also Like

58.1K 1.2K 38
All she wanted to do is to prove to her parents that the profession she chose is better than handling their fishery business in the province. That ev...
84.5K 399 5
(COMPLETED) Lying is beyond our control, making it a habit is a choice.
153K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?
287K 6K 43
Book 2 of Please Love me. "That is what love means.. sacrifice.." Enzo and Patricia were planning for their supposedly wedding until Sydney Villafuer...