Pag-ibig, Noon at Ngayon

By saggra725

576K 7.5K 3.7K

More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter. 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chaptet 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Epilogue

Chapter 19

6.9K 95 38
By saggra725

Hindi nagtagal at wala ng tigil sa pagtunog ang mga telepono sa bahay ni Neil. Minabuti ni Neil na huwag munang mag comment sa mga reporters na nagtatanong. Sinabi na lang niyang magbibigay na lang siya ng statements sa mga susunod na araw. Pagkatapos nuon ay hindi na ito sumagot ng telepono. Sinabihan din ang mga personal assistant, aides at iba pang mga kasama palagi ni Neil na huwag na huwag munang magpapa interview kahit na kanino at walang mag po post sa mga social blogs.

May mga tumatawag din kay Jason pero hindi na rin ito sumasagot sa telepono. Nag aalala sila sa nakikitang pag aalala sa mukha ni Sarah. "Anak, gagawin natin kung ano ang gusto mo. Ayaw kong makakabasa ng kung ano anong chismis laban saiyo. Sa nakikita ko , wala tayong magagawa kung hindi sabihin ang tutuo, ano sa palagay mo?"

"Hindi ko alam Pa. Dapat siguro, ipaalam natin to kay Mama."

"Kanina ko pa nga siya iniisip na tawagan."

"Tawagan na natin siya Pa, bago pa niya mabalitaan sa iba."

"Sige anak tawagan mo na mama mo para makausap na natin siya at malaman natin ang opinion niya. Madadamay din ang pangalan niya sa issue na ito."

"Kayo po Pa, handa na po kayo? Baka po makaapekto sa kandidatura ninyo pag nalaman nila ang tungkol sa amin ni Mama."

"Anak, kayo ng Mama mo ang inaalala ko. Kung ako lang, kahit ngayon, ipagmamalaki ko ang tunay na relasyon nating mag ama."

Tinawagan nga nila si Lena. Nag-alala man nuong una pero sa bandang huli ay sinabi din nito na mas maganda na sabihin na nila ang tutuo bago pa kung ano ano pa ang lumabas ng mga balita. Basta sigurado daw si Neil na yun ang gusto niya.

Mahaba haba ding bilinan any nangyari sa pagitan ng mag-ina bago tuluyang nagkapaalamanan Kinuha din ni Neil ang opinion ni Jason. Sang-ayon din ang binata na sabihin na ang tutuo. Wala naman daw lihim na hindi lumilitaw, isa pa, wala naman daw masama kung aminin na nila ang tutuo."

Napagkasunduan nila na pag hindi pa rin humupa kinabukasan ang balita, magpapapa interview na siya.

"Sana hindi na lang ako sumama sa airport." sabi ni Sarah.

"Ako may kasalanan, ako nagyaya saiyong sumama." Sagot naman agad ni Jason.

"Kung hindi kita niyakap, hindi Sana naging issue yung pagsundo ninyo sa akin."

Nagkatawanan na lang sila.Huli na para magsisihan pa. Wala naman sa kanila ang may gustong maging headline sa mga social networlk dahil sa normal na yakapan ng mag ama. 

"The truth is , this can be a blessing in disguised. Let the world know I have a beautiful, smart and kind hearted daughter which I wish I have known since she was conceived. Alam ko anak, sinabi mo nuon pa mang una tayong magkita, tama na yung makilala mo ako. Mas gusto mo ang tahimik na buhay. Masaya ka na sa buhay na meron ka pero kahit gustuhin ko man na pagbigyan ka, hindi talaga pwedeng hindi ka makilalang isang Co.

Hindi na kumibo si Sarah. Naisip niya ang pamilya ng Papa niya. "Pa, matanggap kaya ako ng Mama mo?" Malungkot na tanong ng dalaga.

Natigilan si Neil. Napatingin din si Jason sa dalaga. Nakaramdam siya ng awa sa nakitang hinanakit sa mga mata nito.

Lumapit sa kinauupuan ng anak si Neil. Niyakap ang dalaga. "Anak, tanggapin ka man niya o hindi, ipagmamalaki kita sa lahat. Hindi ko na hahayaang maging dahilan uli sila ng pagkakalayo natin. Isa pa, pinagsisihan na niya ang ginawa niya nuon sa Mama mo. Kung hindi nila sinabi, hindi ko malalaman ang nangyari. Kung kaya mo na silang patawarin, gusto ko sanang ipakilala kita sa kanya.

Kinapa ni Sarah ang sarili kung may nararamdaman ba itong galit sa lola niya. Anduon yung kunting hinanakit para sa Mama niya pero wala ng galit.

"Para saiyo Papa kung yun ang gusto mo. Huwag lang sana akong makakarinig ng kahit anong masama tungkol kay Mama."

"Salamat anak, matanda na rin siya, malaking bagay na yung malamam na naging maayos din ang buhay ninyong mag ina."

"Maganda siguro magpahinga ka na muna anak. Gusto mo bang dito ka na matulog?"

"Huwag na muna Papa,duon na muna sa unit nina Ninang."

"Jason, pwede bang pakihatid muna siya," tumingin kay Jason na pinagmamasdan pa rin ang dalaga.

"Opo naman, we can go whenever you are ready," sabi nito na hindi parin inaalis ang tingin kay Sarah.

Nakakahalata na si Neil sa ikinikilos ng anak anakan pero hindi yun ang tamang oras. Ayaw na niyang dagdagan pa ang iniisip ng anak. Nahahalata din niyang iniiwasan ng anak na mapatingin kay Jason.

Tumayo na si Sarah at humalik sa pisngi ni Neil."Good night Pa."

"Good night iha. Naisip ko, huwag ka na kaya munang pumasok sa trabaho bukas. Ano sa palagay mo iho?"

"It's up to her,sagot naman agad ng binata.,

"Mas gusto kong pumasok. Lalo lang nila akong pag uusapan pag wala ako sa trabaho."

Hindi na nakipagtalo ang dalawa."Sige, pahinga ka na muna anak, will talk again tomorrow."

"Sige po Pa, thank you po sa dinner."

"Jason?"

"Yes Ninong, hatid ko na lang siya." Kinuha na rin ang bag na may mga pasalubong galing kay Miguel.

Parehong walang kibo ang dalawa, nagpapakiramdaman. Nung bubuksan na ni Sarah ang pinto ay kinuha ni Jason ang susi at siya na ang nagbukas.

Pagbukas ng pinto ay kinukuha ni Sarah ang bag ng pasalubong pero tumuloy pa rin si Jason sa loob ng unit. Wala ng nagawa si Sarah kung hindi sundan ang binata.

"Saan mo gustong ilagay ang mga ito. Baka may masisira at dapat ilagay sa fridge."

"Pakilagay na lang diyan sa counter, aayusin ko na lang siya mamaya. Thank you uli."

"Pinaaalis mo na ako?"

"Hindi naman sa ganoon, kaya lang gabi na gusto ko na ring magpahinga. Gusto kong mag isip."

"Ok, can I just ask you a question, I need an aswer para makatulog din ako."

"What is it?"

"Is Miguel your boyfriend?"

"No," magkababata kami. Lagi niyang sinasabi na magpapakasal kami balang araw , isang araw daw papayag na lang ako."

"So nangangarap lang din siyang gaya ko?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko the other night?"

"Di ba may Georgina ka na?"

"Di ba sinabi ko na kung sino si Georgina?"

"Naguguluhan ako, pwede saka na lang pag usapan to? Saka di ba sabi mo hindi ka muna manliligaw? Magiging magkaibigan muna tayo. Kikilalanin muna natin ang isat isa?"

"Hindi ko alam na may Miguel pala sa buhay mo."

"Parang ang awkward naman ng sitwasyon natin. Natutuliro na utak ko. Pwedeng bukas na lang uli tayo mag usap?" 

Akmang lalapitan sana ni Jason ang dalaga ng marinig nilang may nag ri ring na phone. Sabay pa halos silang tumingin sa mga phone nila. 

Napahawak sa noo ang dalaga. Napapikit ng makita kung sino ang tumatawag. Naalarma naman si Jason,akala niya ay media na nakakuha ng number ng dalaga kaya kinuha niya ang phone sa kamay ng dalaga. Nagtiim bagang ito ng picture ni Miguel ang nakita niya sa display ng phone. Nag ring uli ang phone, ibinalik  ni Jason ang phone sa dalaga. 

Tumalikod si Sarah para sagutin na ang tawag. "Hello Best, kumusta na future Isabela governor?" Halatang pinipilit ni Sarah na maging masaya. Sa narinig naman ay lalong nag iinit ang kalooban ni Jason.'Best' ang tawagan nila? Hindi mapigilang himutok sa sarili ng binata. 

"Alam mo na rin yun? Thank you naman at hindi ka naniniwala sa mga sinasabi nila." Narinig uli ni Jason na sabi ni Sarah. 

"hahahaha sira ka talaga. Kelan? Huwag na lang ako, alam mo namang hindi ako sanay makihalubilo sa mga sosyal mong kaibigan. Tama na sa akin yung alam kong may isa akong bestfrend na gaya mo."

"Ang kulit lang, oo na nga , sige na para matigil ka. Pupunta ka dito? Kelan? Sige, kita tayo. Kelan nga yung wedding? Ahhh ok, so kelangan ko talagang bumili ng gown diyan?" Hagikgik ni Sarah. Hindi maipagkakaila na malapit talaga sila ng kausap sa isat isa. Parang kahit sandali lang ay nakalimutan ni Sarah na may ibang tao sa paligid niya. 

Hindi na nakapagpigil si Jason at dali daling binuksan ang pinto palabas. Napatingin si Sarah sa pinto dahil sa napalakas yata ang pagkakasara. 

Narinig din ni Miguel ang malakas na pagkakasara ng pinto. Tinanong nito si Sarah kung ano yun at kung ok lang siya. 

"Ok lang, nakalimutan kong isara yung isang pinto, nakabukas yung bintana , kaya yun sa lakas siguro ng hangin , napalakas din ang sara ng pinto." Dahilan na lang ni Sarah sa kaibigan. 

"So ok ka lang, inaalala kita kasi naman yung mga bloggers at tweets may pagkamalisyoso mga sinasabi. Alam ko naman na kaibigan ng family ninyo si Tito Neil dahil nuong nandito siya , ako pa nga nagpakilala sa kanilang dalawa ni Tita Ana kasi tinatanong niya ako kung kilala ko si Tito Gary."

"Thank you naman at hindi ka nagpadala sa mga nababasa mo on line. Paano Best, have to go, maaga pa ako bukas, alam mo naman dito sa Manila, kailangan unahan mo daloy ng traffic kung hindi mahuhuli ka sa trabaho. Kita na lang tayo pagluwas mo. Kelan nga yun?"

"Not this week end, sa susunod yung kasal so baka Friday nandiyan na ako."

"Ok , see you then." Paalam ni Sarah. 

"See you, take care. I love you." Paalam naman ni Miguel. 

Nangiti na lang si Sarah. Mahal din niya si Miguel pero alam niya hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito kaya sinabi na lang niyang, "ingat ka din."

Gustuhin mang makatulog agad ni Sarah ng gabing yun ay hindi nito magawa. Dalawang bagay ang gumugulo sa isipan niya. Ano na ang magiging buhay niya pag nalaman na ng lahat na anak siya ni Neil Emerson Co Jr at ano ang gagawin niya sa hindi mapigilang atraksyon na nararamdaman niya para kaya Jason Opsima. 

Nagawa niya  ng itago ng nakaraang araw  pero habang tumatagal na nakikilala din niya ang tutuong Jason sa labas ng opisina, mas nadaragdagan ang paghanga niya dito. Unang kita pa lang niya sa binata ng pumasok ito sa conference room nuong unang umaga silang magkita ay alam na niyang may attraction sa pagitan nila. Alam din niya ng umagang yun palang ay iba na ang mga tingin sa kanya ni Jason. Di nga ba at pinanalangin niyang huwag naman sanang siya ang maging mentor niya. At kung matatawag na swerte o malas, ginawa pa siyang personal assistant. Kahit na ganoon mas gusto din niyang tawaging swerte dahil nagkakilala sila ng Papa niya ng hindi inaasahan o sinasadya. Kung hindi siya isinama ni Jason that day, di hanggang ngayon sana hindi pa rin sana alam ng Papa niya na anak siya nito at hindi pa rin sila nagkikita ng Mama niya. 

Napabuntong hininga si Sarah, destiny nga ba o faith ang pagkakakuha sa kanya ni Jason bilang personal assistant nito? Ilang araw pa lang siyang nagtra trabaho sa opisina ni Jason, ang dami ng nangyayaring pagbabago sa buhay niya. Handa na ba siya sa mga pagbabagong yun? Handa na ba siyang ma in love?  Di ba sabi niya nuon ibibigay lang niya ang puso niya sa taong katulad na katulad ng Tito Gary niya? Parang hindi naman ganoon si Jason Opsima.

Continue Reading

You'll Also Like

316K 5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
8.6K 407 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
15K 1.1K 28
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
110K 3.1K 33
Warning This story is un edited so expect typo,wrong grammar,wrong spelling etc.... And asahan niyong may spg po ito. Kaya patnubay sa mga bata 12 to...