One Wicked Night | ✔️

By Gorgeybelle

450K 9.8K 458

[COMPLETED] Her life changed because of that one wicked night. Paano niya maitatama ang lahat? Formerly: St... More

Prologue
Chapter 1: Elise
Chapter 2: Stranger
Chapter 3: Jen
Chapter 4: Unang hakbang
Chapter 5: Inbitasyon
Chapter 6: Party
Chapter 7: The evil plan
Chapter 8 & 9
Chapter 10: I lost it
Chapter 11: Tuso
Chapter 12: Justice
Chapter 14: Am i.....?
Chapter 15: PT
Chapter 16: It was her!
Chapter 17: Escort
Chapter 18: Masquerade
Chapter 19: Oh no!
Chapter 20: Ang paghihiganti
Chapter 21: Revelations
Chapter 22: Am i the...
Chapter 23: Prove it!
Chapter 24: Not a Coincidence?
Chapter 25: Awtsuuu
Chapter 26: Hormones
Chapter 27: Promise
Chapter 28: She's back?
Chapter 29: Baby Stuffs
Chapter 30: Young and Naive
Chapter 31: Fell out of love
Chapter 32: Stay with me
Chapter 33: Living with Him
Chapter 34: Jealous
Chapter 35: Hard
Chapter 36: Elle's Wed
Chapter 37: Garter
Chapter 38: Panaginip lang ba?
Chapter 39: Sana
Chapter 40: YES!
Epilogue
Special Chapter

Chapter 13: Weird Feelings

9.3K 215 7
By Gorgeybelle



It's been a week magmula noong napatawan ng parusang two weeks suspension si Jen dahil nagawa kong patunayan ang ginawa niyang kasalanan sa akin.

Kinabukasan ng araw na iyon ay sumugod ang mommy niya sa school at nangangalaiting kinausap ang aming guidance counsellor.

Hindi ko alam kung ano ang naging usapan nila pero isa lang ang alam ko—walang kahit na sino o ano ang pwedeng makakapagpabago sa parusang ipinataw nila kay Jen.

Narinig kong wala na daw nagawa ang mommy ni Jen kundi ang umalis na sobra ang pagpupuyos. Gusto pa nga daw nito akong tawagin para kausapin pero hindi pumayag si Mrs. Dela Cruz sa gusto nitong mangyari.

Baka daw pagbantaan o pakiusapan pa ako nitong bawiin ko ang aking paratang at iyon ang hindi hahayaan ng aming paaralan. No one could ever break the school's rules. Nang mga panahon na iyon ay nakaramdam din ako ng bahagyang pagkatakot.

Paano nga kaya kapag pinagbantaan ako ng mommy ni Jen?

Walang kamalay malay naman ang mga magulang ko sa nangyari dahil pinakiusapan ko si Mrs. Dela Cruz na huwag ng sabihin sa kanila at hayaan na lang niyang ako ang magsabi sa mga magulang ko.

Pero hindi ko kayang sabihin sa kanila o banggitin man lang na may masamang nangyari sa akin noong gabing iyon. Hindi ko kaya. Baka madulas lang ako at baka kapag nagtanong ang mga magulang ko ay wala na akong magawa kundi ang umamin sa kung ano talaga ang nangyari.

Ayokong mangyari iyon. Natatakot ako.

May mga pagkakataong nakokonsensya ako para kay Jen pero aminado akong magmula noong masuspend siya ay gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang namuhay na takot sa dibdib ko magmula nang malaman ko ang pagtatangka niyang gawan ako ng masama.

"Hoy! Best! Dahan dahan naman! Baka mabilaukan ka niyan eh. Oh heto, uminom ka muna." natatawang sita sa akin ni Vivian nang makita niya akong walang habas na nilalantakan ang siopao ko. Iniabot niya sa akin ang isang bottled water.

Dahil punong puno ang bunganga ko ay hindi ako makapagsalita. Kinuha ko sa kanya iyon at dire-diretsong ininom ang tubig hanggang sa maubos ang laman niyon.

Nandito kami sa cafeteria ngayon dahil katatapos lang naming mag-PE. Masyado yata akong napagod at nagutom dahil sa pagprapractice namin ng aming sasayawin para sa aming foundation day.

Kaya heto ako ngayon, parang hindi nakakain ng ilang araw. Actually, nagbreakfast naman ako kanina bago ako umalis ng bahay pero ewan ko ba...parang hindi ako nabubusog!

Matapos kong maubos ang ininom at kinain ko ay napatingin ako kay Vivian at 'nagpaawa look'. Pakiramdam ko ay parang ngumuya lang ako ng kapiranggot na biscuit sa kinain ko. Hindi pa yata iyon umabot sa lalamunan ko!

"What? Kulang pa?" amazed na tanong niya sa akin nang napansin niyang nakatingin ako ng malagkit sa siopao niya. Hindi pa niya iyon nababawasan at akmang kakagatan palang niya.

Nangiti naman ako sa tinuran niya at wari'y nagpacute. Saka ako nahihiyang napatango.

"Best, akin na lang yan. Bili ka na lang ulit ng iba. Kulang eh, please?" Pakiusap ko sa kanya habang nakalabi. Alam ko naman kasing hindi niya ako matitiis eh. Tiyak na papayag din 'yan.



Napatanga na lang si Vivian ng bigla kong inagaw sa kanya ang siopao niya at saka agad nilantakan. Ang bagal niyang pumayag eh bibigay din naman niya sa'kin kaya kinuha ko na.

"Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong buntis ka eh. Ang takaw mo yata ngayon, best? Hindi ka ba pinakain ng ilang araw sa inyo?" Tatawa-tawang komento niya.

Nabilaukan naman ako dahil sa sinabi niya at saka ako napaubo. Tarantang inabot niya sa akin ang natitirang mineral water niya.

Sa dami ba naman kasi ng pwede niyang sabihin. Seriously? Buntis? No way!



"Ayan kasi eh! Para kasing maagawan! Kasasabi ko lang kaninang dahan-dahan 'diba! Tsk!" Sermon niya agad sa'kin habang pinapagpag niya ang likod ko. Nang mahimasmasan na ako ay tumuwid ako sa pagkakaupo at pinangunutan ko siya ng noo.

"Ikaw naman kasi eh! Kung ano-anong pinagsasabi mo dyan. Anong buntis? Mamaya may makarinig sa sinasabi mo eh." Kunwari'y galit-galitang sagot ko sa kanya bago ako muling uminom ng tubig.

Napailing naman siya. "Kahit naman marinig nila hindi naman sila maniniwala eh. Ikaw na NBSB, mabubuntis na birhen? Ano ka si Mama Mary?" she even laugh like it was so funny.



Habang ako ay parang dinadaga na naman ang dibdib ko. Napatanga nalang ako habang patuloy siya sa pagtawa. Wala siyang kamalay-malay na hindi na nga birhen ang kaibigan niya. Nais kong sabihin sa kanya iyon pero hindi ko pa talaga kaya. Nakokonsensya akong naglilihim ako sa kanya.

"Ah siya nga pala, Best." kapagkuwan ay tawag niya.



"Hmm?"



"Pwede mo ba akong samahan mamaya? May bibilhin lang ako sa mall." Tanong niya.



Napakamot ako sa noo ko. Parang tinatamad kasi ako ngayon eh.



"Tinatamad ako eh." I honestly responded. Napakunot-noo naman siya.



"Kelan ka pa tinamad na mag-mall? Siguro may date ka mamaya ano? Umamin ka sa'kin!" panghuhuli niya sa akin. Napakunot noo na rin ako dahil sa paratang niya.

"Anong date? Wala, noh! Tinatamad lang talaga ako. Gusto ko na ngang umuwi eh. Inaantok pa ako." Napahikab ako at hindi iyon kasinungalingan lang.



"Bakit? Napuyat ka ba kagabi?" tanong niya ulit sa akin habang nakahalukipkip.

"Hindi naman, basta gusto ko lang maagang umuwi. Gusto ko na talagang magpahinga." Saad ko rito. Ganun ba talaga ako napagod kanina? Baka kulang lang ako sa energy.



Pero hindi eh, parang may nag-iba. Hindi lang naman ngayon nangyari ito. Hindi ko na nga maintindihan kung anong nangyayari sa akin. Lately, lagi din akong nagke-crave ng iba't-ibang pagkain tapos lagi akong inaantok na parang ayoko ng bumangon sa kama ko.

"Hay naku, napaka KJ mo naman yata ngayon! Sige na nga ako na lang mag-isa." masungit niyang sinabi habang tinitipa ang kanyang iPhone.

"Oy, anong ginagawa mo? Siguro ini-istalk mo na naman yung IG nung crush mo noh?" ngingiti-ngiting kinantyawan ko siya, patay na patay kasi yan sa crush niya eh. Iniiba ko din ang usapan.

"Hindi, noh! Kachat ko 'yong pinsan ko!" Walang ganang sagot niya.



Sus! Kapag ganitong walang gana siyang sumasagot alam kong nagtatampo na naman 'to! Hay, kung hindi lang talaga ako napagod kanina sasamahan ko naman talaga siya.

"Ito naman eh, nagtatampo na naman. Babawi ako sa'yo next time promise." itinaas ko pa ang kanang kamay ko rito bilang pangako.



Kunwari'y sumimangot pa ito pero ilang sandali pa ay lumiwanag na ang mukha nito, "Promise mo yan ha?!" paniniguro niya.



"Promise!"nakangiting pangako ko sa kanya. Minsan kahit may pagka childish siya hindi ko parin siya matiis eh. Ganun kami sa isa't-isa.

"Okay." Ngayon ay maaliwalas na muli ang mukha niya. Muli niyang itinuon ang atensyon sa kanyang iPhone.

"Umm... Sino pala yang poging pinsan mo na sinasabi mo?" tanong ko rito. Wala pa kasi siyang naipapakilalang pinsan niya sa akin eh.

"Ah si Kuya Gab! " sagot niya habang patuloy na nagtitipa.

"Ah... Nakita ko na ba 'yan? Sa house niyo?" tanong ko ulit sa kanya.

Bakit parang naku-curious yata ako sa pinsan niya?

"Hmm..." napahawak pa siya sa baba niya habang nag-iisip. "Sa tingin ko hindi pa! Suntok sa buwan lang kasi ito kapag pumupunta sa bahay eh." aniya.

"Ilang taon na siya? At saan siya nag-aaral?" patuloy kong pag-iintriga. Seriously, Elise?



"Sa tingin ko nasa twenties na siya? Tapos na siyang mag-aral, eh. Civil engineering siya." Patuloy naman niyang pagsagot sa mga tanong ko. Napatango-tango na lang ako.



Nagulat ako nang bigla ulit siyang nagsalita, "Wait! I smell something fishy. Bakit pala curious ka sa pinsan ko, ha?" kantyaw niya at pinagtaasan ako ng kilay.

"H-ha? Bakit masama na ba ngayong magtanong?" defensive na sagot ko sa kanya.



"Hindi naman." ngumiti pa ito at tila nanunukso. "Gusto mo rin bang tanungin kong single pa siya? Wait lang, tatanungin ko." malapad pa ang ngiti ng bruha habang mabilis na npatipa ulit sa phone niya.

Agad ko namang tinampal yung kamay niya, "Hoy, best! Wala akong sinasabing tanungin mo!" hindi ko na naiwasang mapangiti. Pero hindi niya ako pinansin bagkus ay nakatuon lang ang atensyon niya sa phone niya.

Ilang sandali pa ay mas lalong lumawak ang ngiti nito.

"Complicated daw sila nung GF niya! May pag-asa ka pa, best!" panunukso ulit nito. Napapailing na lang ako at hindi ko maintindihan kung bakit hindi na mawaglit ang ngiti sa labi ko.



"Anong pag-asang sinasabi mo? Hindi ko pa nga nakikita yan eh!"



"Eto oh, tignan mo..." Sabi niya sabay abot niya sa phone niya. Aabutin ko na sana ng biglang nag ring na ang school bell!



"Ooops... Later na lang pala!" bawi niya tsaka mabilis na iniwan na ako.


"Hoyyy! Teka naman, hintayin mo 'ko!" inis na kinuha ko na ang bag ko at saka na siya agad sinundan.

Kainis! Pabitin yung babaeng yun eh!

Continue Reading

You'll Also Like

3K 71 34
Sabi nila, makikilala mo Lang ang tunay na ugali Isang tao kapag nakasama mo na siya sa isang bahay. Tama sila...Dahil ako mismo nalaman Kong totoo y...
5.7M 90K 43
Whoever said that money can't buy love, clearly wasn't shopping at the right place. Sophia was young, helpless, and literally in a mess when she was...
1.1M 6.3K 6
"You don't have to carry me. I can still walk, just.. slow down." sabi niya sa tainga nito, ang isang braso niya ay nakapa-ikot sa leeg nito habang a...
647K 8.4K 17
[Warning: Sexy Romance by Channary (Luna King) published under Red Room] What Vanessa wants, Vanessa gets. Pero mukhang iba ang sitwasyon sa oh-so-ho...