Love Begins Here (Completed)

By terelou1220

3.5M 84.1K 3.3K

FINALE More

Prologue
Chapter 1 part 1
Chapter 1 part 2
Chapter 2 part 1
Chapter 2 part 2
Chapter 3 part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4 part 1
Chapter 4 part 2
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6 part 1
Chapter 6 part 2
Chapter 7 part 1
Chapter 7 part 2
Chapter 8 part 2
Chapter 9 part 1
Chapter 9 part 2
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13 part 1
Chapter 13 part 2
Chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16 part 1
Chapter 16 part 2
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 18 part 1
Chapter 18 part 2
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40
Epilogue

Chapter 8 part 1

39.6K 1K 16
By terelou1220

A.N.

Enjoy reading guys kahit na bitin :)

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

____________________________



Chapter 8 part 1


Kinakabahan si Ellie habang hinihintay niya ang kanyang Papa. Pakiramdam niya ay bumalik siya noong mga panahon na teenager pa lamang siya at may nagawang mabigat na kasalanan.



"Ellie, ano ba ang problema at kanina ka pa diyan na hindi mapakali? I'm still wondering kung bakit pati ako ay pinapunta mo dito?" Nakatanggap siya ng tawag kahapon mula sa kapatid at nakikiusap na kung puwede siyang umuwi ng Candelaria dahil may mahalaga daw itong sasabihin sa kanila. Kaya nandito siya ngayon habang pinapanood ang kapatid na panay ang buntong hininga.




"Ate..." Nagsisimula ng manginig ang boses ni Ellie ng umupo sa tabi ng kapatid. "I'm sorry, alam kong malaking kahihiyan sa pamilya natin ang nagawa ko."




Biglang naalarma si Luisa ng marinig ang sinabi ng kapatid. "What happened this time?"




Tanging impit na iyak lamang ang maririnig sa sala ng mga Rodriguez ng mga sadaling yun. Hirap na hirap si Ellie kung paano ipagtatapat ang problema. Nang makausap niya si Dale ay nasiguro na niya na wala siyang aasahan sa lalaki kaya nakapagdesisyon na siya na ipagtapat ang kalagayan sa kanyang pamilya. Wala rin sa plano niya na ilihim ang tungkol sa kanyang ipinagbubuntis sa kanilang ama.





"A-Ate... I'm p-pregnant." Mariing napapikit si Elliem ,natatakot niyang makita ang magiging reaksiyon ng kapatid.




Napasapo sa dibidib si Luisa ng marinig ang sinabi ng kapatid. Hindi na niya kailangan tanungin dito kung sino ang magaling na ama ng pinagbubuntis nito.





"Ate I'm sorry...." Patuloy sa pagtulo ang mga luha ni Ellie, handa na siya sa galit ng kanyang ate.





Niyapos ni Luisa ang kapatid, damang dama niya ang paghihirap ng kalooban nito. "Husshh, tama na. Crying won't help you in this kind of situation." Marahang hinaplos ni Luisa ang pisngi ng kapatid. Ngayon lang niya napagmasdang mabuti ang hitsura ng kapatid. Malaki ang nabawas sa timbang nito kaya lalong nabalutan ng awa ang puso niya para dito.




"Ate, natatakot ako kay papa."




"Huwag muna nating ipaalam kay papa dahil baka makasama sa kalusugan niya. Isasama kita sa Manila." May pag-aalala sa tinig ni Luisa. "





"Bakit mo isasama ang kapatid mo sa Manila? At ano ang hindi ko dapat malaman?" Bungad ni Edgardo.





Hindi namalayang ng magkapatid ang pagdating ng kanilang ama at hindi sinasadya nito na marinig ang pinag-uusapan nila.




"Papa, kanina ka pa ba?" Hindi magkandatuto na tanong ni Luisa.




"What's going on here? Why are you crying?" Kay Ellie nakatingin si Edgardo.




"Papa, masama lang ang pakiramdam ni Ellie." Sabad ni Luisa.




"I'm talking to your sister Luisa." Alam ni Edgardo na pinagtatakpan na naman ni Luisa ang bunsong kapatid, na nakaugalian na nitong gawin mula pa noong mga bata pa sila.




"Papa, upo ka muna may sasabihin ako." Pigil ni Ellie ang hininga habang nagsasalita. Bahala na kahit magalit pa ang kanyang ama ang mahalaga ay hindi siya naglihim dito.




Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila. Kahit gustong magsalita ni Ellie ay parang hindi niya maibuka ang bibig.




"Papa, ayaw ko muna sanang ipaalam sa inyo ang problema ni Ellie dahil baka kung anong mangyari sa iyo." Si Luisa na ang unang nagsalita.




"Kung may mga problema kayo, dapat nalalaman ko as your father."




Nagkatinginan ang dalawang magkapatid. Nagbigay na ng indikasyon si Luisa kay Ellie na sabihin na nito sa kanilang ama ang katotohanan.




"Papa, I'm sorry. I failed you again." Kabadong kabado si Ellie habang nagsasalita. "I-I'm pregnant papa..."




Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Edgardo. "Sino ang magaling na lalaking may kagagawan niyan?"




"Papa, kaya ko namang buhaying mag-isa ang magiging anak ko." Mabilis na tugon ni Ellie.




"Ang tanong ko ang sagutin mo Ellie! Sino ang ama niyang dinadala mo?"



"Papa, please calm down masama sa inyo ang magalit." Paalala ni Luisa sa ama.




"Tumigil ka diyan Luisa. Isa ka pa, kung hindi ko narinig ang pinag-uusapan ninyong magkapatid ay hindi ninyo ipapaalam sa akin ito." Matalim na tinapunan ng tingin ni Edgardo ang panganay na anak. "Ellie, minsan ka ng nasaktan at pinalampas ko yun but this time I will not allow it."




"Papa... hindi naman natin kailangan ipagpilitan na panagutan niya ako."




"Okay, just tell me kung sino ang lalaking yun." Pilit na nagpapakahinahon si Edgardo. Napag-isip niya na kung ipapakita niyang galit siya ay lalong hindi niya malalaman ang impormasyon tungkol sa lalaking umagrabyado sa anak.




"Si Dale Rafael Monteverde." Alanganing usal ni Ellie.




Muntik ng mapamura si Edgardo ng marinig ang pangalan na sinabi ng anak. Bigla niyang naalala ng isama niya ang anak sa Monteverde bank ay may napansin na siyang kakaiba sa mga ito pero binalewala niya dahil masyadong okupado ang isip niya sa gagawing expansion ng kanyang negosyo.




"Talagang wala siyang planong panagutan yan?" Paniniyak ni Edgardo.




"Hindi ko na pinaalam sa kanya. Balewala lang naman sa kanya ang nangyari sa amin." Muli na namang tumulo ang mga luha ni Ellie, naalala niya ang mga huling masasakit na salitang binitawan ni Dale Rafael sa kanya.




"Ako ang haharap sa walang hiyang lalaking yun. Kung ang ibang babae ay kaya niyang paglaruan hindi ako makapapayag na gawin niya sayo yun..." Mahahalata ang galit sa tinig ni Edgardo.




"Papa, huwag na lang natin ipaalam kay Dale Rafael. Baka ipitin niya tayo sa loan natin sa Monteverde bank." Pagmamakaawa ni Ellie sa ama.




"Hindi mo ako puwedeng diktahan kung ano ang dapat kong gawin." Nang mga sandaling yun ay may sarili na ring plano si Edgardo at sisiguruhin niyang magtutuos sila ni Dale Rafael.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
258K 2.5K 60
Book 3 of Love or Friendship Trilogy
868K 29.8K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
84.5K 399 5
(COMPLETED) Lying is beyond our control, making it a habit is a choice.