Somewhere Down The Road (Publ...

Oleh asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... Lebih Banyak

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 49

147K 3.8K 347
Oleh asherinakenza


SDTR: Kabanata 49

Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya habang paakyat kami ng hagdan patungo sa office ni Lolo, ang sabi kasi ng kasambahay ay nandoon sila lahat. Hindi ko alam kung paano pa ba ako nakakahinga ngayong sobrang nangangamba ako sa maaaring maging reaksyon ng pamilya ko.

Nang makarating na kami sa tapat ng pintuan ay sandali akong binalingan ni Ethan at napaangat ang labi ko nang halikan niya ang noo ko. "I'm here, baby. Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi nagiging maayos 'to. Pangako, sa pagkakataong 'to, sisiguraduhin kong maipanalo ka." Aniya at sandali akong niyakap, sobra sobra yung bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko na alam kung bakit mabilis ang pagtibok nito, marahil ay sa sobrang pagmamahal ko sa kanya o sa takot na mailayo ulit ako sa kanya.

Marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at mabilis nahagip ng mata ko ang mga mata ng buong pamilya ko na ngayon ay matalim ang titig sa kamay naming dalawa ni Ethan. Nandoon rin si Kuya Justine at Jenica na nakatungo.

"Good morning po." Matatag na bati niya sa pamilya ko, kailanman ay hindi ko narinig na maging magalang si Ethan para sa ibang tao, ngayon ko lang narinig iyon at hindi ko alam kung bakit nahihiya ako sa kanya.

Isang katahimikan ang bumalot sa aming lahat hanggang sa nagsalita si Tita Kristine.

"Good morning din, maupo kayo." Malambing ang boses ni Tita, hindi siya galit pero kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan na may halong pangamba rin.

Hinila ko ang braso ni Ethan upang umatras pero bumaling siya sa akin at nginitian niya ako ng marahan, muli niya akong hinila patungo doon sa sofa kung saan kaharap ang buong pamilya ko. Pakiramdam ko ay nasa isang korte ako at may malaki akong nagawang kasalanan.

Tumikhim si Lolo kaya napatingin ako sa kanya. "Hanggang ngayon ay sinusundan pa rin ng mga Cando ang buntot ng Dela Cruz." Paos ang boses ni Lolo pero malinaw sa pandinig ko iyon at ng buong pamilya ko. Hindi ko maintindihan kung anong gustong iparating ni Lolo.

"Dad.." Tawag ni Tito Jess kay Lolo, humawak naman si Tita Kristine sa braso ni Tito Jess at para bang pinapakalma niya ito.

"Claire, why are you doing this?" Boses iyon ni Dad, kanina ko pa pilit iniiwasan ang titig nilang dalawa ni Mama dahil alam kong kahit anong oras ay babagsak ang luha ko. Ang sama sama ng loob ko hindi dahil alam kong salungat sila sa kagustuhan kong makasama si Ethan, kundi sa dahilan na itinago nila ang katotohanan sa akin nang mawala ang alaala ko.

Tumungo ako at mas  lalo kong hinigpitan ang kapit sa kamay ni Ethan, magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Ethan na hanggang ngayon ay matamang tinatanggap ang matalim na pagtitig mula sa pamilya ko. "Mahal ko po si Claire." Malinaw na sambit niya na nagpalunok sa akin, "At mahal niya rin ako, kaya walang dahilan para maghiwalay kaming dalawa. Pinili ho naming pumunta dito, para ipaalam na, gusto kong pakasalan si Claire." Sambit niya na nagpabilis pang lalo sa tibok ng puso ko.

Mariin kong ipinikit ang mata ko, paano niya nasasabi ng diretso ang mga salitang iyon? Samantalang ako nanginginig ang tuhod ko sa takot.

"May asawa't anak ka! Hindi ka nababagay sa anak ko!" Sigaw ni Dad na nag echo sa buong opisina ni Lolo, nasasaktan akong marinig iyon mula kay Dad.

Huminga ng malalim si Ethan at napatingin ako sa kanya nang maramdaman kong siya naman ngayon ang humigpit ang hawak sa kamay ko. "I'm sorry, Sir. Alam ho nating dalawa na tapos na ang lahat sa amin ni Briana, anak nalang ang mayroon ako ngayon. And I'm sorry, kung hindi ako naging perpektong lalaki para bumagay sa anak niyo, but I promise to be a good husband and provider for her." Malakas ang boses ni Ethan pero nananatiling kalmado iyon, muli kong naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang panginginig non pero hindi naging sagabal iyon para makipag titigan kay Dad at sa pamilya ko. Inilipat ko ang tingin ko kay Mama na ngayon ay malamlam na ang titig sa akin, hinawakan niya ang braso ni Dad dahil napansin nito ang pagkuyom ng kamao.

"Hindi po ba't isa sa dahilan kaya niyo rin inilayo sa akin si Seb ay dahil napaka bata ko pa at umaasa lang ako noon sa pamilya ko. Pero ngayon ho, nakikiusap ako, Sir, h'wag niyong ilayo sa akin si Claire. Kaya ko nang ibigay sa kanya ang lahat ng kailangan niya, ganoon rin kay Seb."

"Hindi ko kailangan ang pera mo para lang bilhin ang anak ko." Mariin na pahayag ni Dad nagpabaling sa akin sa kanya.

"Dad! Mahal ko siya!" Sa wakas ay may lumabas na rin na salita mula sa labi ko, tumaas ang tingin sa akin nila Lolo at napabuntong hininga sila. Narinig kong umiiyak na si Jenica pero niyakap nalang siya ng kapatid niyang si Kuya Justine upang pakalmahin.

Tumayo si Dad. "Claire, hindi kita pinalaki para makapang asawa ng isang lalaking mataas ang tingin sa sarili! Mayabang! Walang modo!" Sigaw ni Dad na nagpatulo sa luha ko, tumayo ako at hinarap ko si Dad.

"Hindi mo siya kilala, Dad!!" Sigaw ko, kinabig ako ni Ethan at pilit niya akong hinihila patungo sa kanya upang pigilan ako sa pagsagot kay Dad. "Kilala ko siya! Sa loob ng apat na taon nakilala ko ang lalaking iyan, ginagamit ka lang niya!" Pagdidiin ni Dad at dinuro duro niya pa si Ethan sa harap ko, mabilis kong hinawi ang kamay ni Dad na nagpalaki sa mga mata niya, wala akong pakialam kung magalit sa akin ngayon ang pamilya ko pero hindi ko masisikmurang tanggapin ang mga masasakit na salita na ibabato nila sa lalaking mahal na mahal ko.

"CLAIRE!" Sigaw ni Dad!

"Paul John!" Suway ni Mama, bumigat ang paghinga ni Dad at matalim ang titig niya sa akin.

"Dad, mahal ko siya. Sana naman bilang kapalit sa panloloko niyo sa akin ni Mama, pabayaan niyong sumaya ako kasama si Ethan." Umiiyak na sambit ko, ramdam ko ang pagtitig sa akin ng dalawang pinsan ko. Isa isa ko silang pinag masdan at umiling iling ako.

Ngumisi ako ng mapait kasabay non ang pagtulo ng luha ko, "Sa buong buhay ko, akala ko isang perpektong pamilya ang mayroon ako. Masaya, punong puno ng pagmamahal. Pero mali ako." Humihikbing sambit ko, tumayo si Ethan sa tabi ko at hinawakan niya ang balikat ko. "Claire, enough." Bulong niya sa tainga ko, umiling ako.

"Sinungaling ang pamilyang 'to!" Sigaw ko!

"CLAIRE!!" Banta ni Lolo at Lola. "Mag ingat ka sa pananalita mo!" Patuloy ni Lolo.

"No! Bakit? Ayaw niyo bang marinig ang katotohanan? Si Dad na hindi matalikuran ang first love, si Mama na piniling magpanggap na buo at masaya ang pamilya namin para lang hindi ako masaktan. At kayong lahat na piniling itago sa akin ang pagkatao ko nung panahong nawala ang alaala ko! Natatakot kayong masaktan ako, pinoprotektahan niyo ako pero bandang huli, winasak niyo pa rin ang pagkatao ko!" Humahagulhol na sigaw ko at maging ang sariling paghikbi ko ay naririnig ko na, ang sakit sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko ay may bato nanamang nakasabit sa puso ko at ang bigat bigat nito.

"PUNONG PUNO NG KASINUNGALINGAN ANG PAMILYANG ITO!" Sigaw ko sa kanilang lahat at kusang bumagsak ang pababa ang katawan ko. Napaupo ako at tinakpan ko ang mukha ko saka hinayaan kong humagulhol ako. Naramdaman kong umupo si Ethan at niyakap ako mula sa balikat ko. "Baby, stop crying." Mabigat na bulong niya.

"Mahal kita! Bakit ba hindi nalang nila tanggapin yon?!" Panunumbat ko sa mga tao sa paligid ko. "Claire..." Boses iyon ni Mama na ngayon ay umiiyak na rin.

"I'm so sorry, Claire!" Umiiyak na sigaw ni Mama.

"Aalis na tayo, alam mong ayokong umiiyak ka." Namamaos na bulong niya sa tainga ko, pilit niya akong itinayo pero nanghihina ako, pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko dahil sa kaiiyak. Para bang nalulusaw ako at hindi ko magawang ibalik sa dati ang lakas ko.

"Come on, baby." Aniya, tatayo na sana ako pero nanlaki ang mata ko nang biglang tumalsik si Ethan sa may gilid ng upuan.

"Dahil sa walang kwentang lalaking ito, nawalan ka na rin ng modo!" Sigaw ni Dad at doon ko lang napansin ang dugo sa gilid ng labi ni Ethan.

"Paul John, tama na!!" Ani Mama, pilit akong lumapit kay Ethan pero bago pa man din ako makalapit ay napahinto at nanlaki ang mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ni Dad! Napasinghap naman sila Jenica at Tita Kristine!

"I'm begging you, Sir. Please, just give me a small chance. Kahit maliit na pagkakataon lang, papatunayan ko sa inyong karapat dapat ako sa anak niyo." Nahihirapang sambit ni Ethan habang nakaluhod, mabilis akong lumapit sa kanya at pilit ko siyang itinayo.

"No! Ethan, hindi mo kailangang lumuhod para sa pamilyang 'to." Umiiyak na sabi ko sa kanya. Kailanman ay hindi ko inisip na luluhod siya para lang sa pamilya ko, hindi siya ang kilala kong Ethan Luke Cando, hindi siya yung tipong hihingi ng awa para lang makuha ang gusto, pero ginawa niya para sa aming dalawa, ginawa niya at nasasaktan ako!

"Ethan!"

"Please, Sir." Pagbabaliwala ni Ethan sa akin, mas lalo akong umiyak ng umiyak at hinampas ko ang braso niya. "Hindi mo kailangang gawin 'to!!" Singhal ko sa kanya.

"Enough." Boses iyon ni Lolo na pumagitna sa amin ni Dad.

"Stand up, Ethan." Sabi ni Lolo at siya na rin mismo ang tumulong sa aming dalawa ni Ethan upang tumayo. Panay ang hikbi at tulo ng luha ko. Hinawakan ni Lolo ang pisngi ko.

"Stop crying, hija." Aniya at pinunasan ang luha ko. "I'm sorry, kung nasasaktan ka sa pamilyang ito. Pero, kahit anong mangyari, kami pa rin ang nag iisang pamilya na mayroon ka. Siguro nga ay may mga pagkakataong nagsinungaling kami sayo, pero tandaan mo, lahat ng ginawa namin para sayo ay upang mailayo ka sa ano mang kapahamakan." Paliwanag niya, tumungo ako at hinayaan kong umagos ang luha ko.

"We love you, Claire." Bulong ni Mama.

"Mahal ko rin kayo." Humihikbing sagot ko.

"I'm sorry." Bulong ni Dad at ibinagsak niya ang katawan doon sa single sofa at tumungo, niyakap siya ni Mama at umiyak siya sa balikat nito.

"Lolo, Lola, Mama, Dad, Tita Kristine" Isa isang tawag ko sa kanila, "Tito Jess, Jenica, Kuya Justine...at Dad." Patuloy ko, "Gusto kong makasama si Ethan sa buhay ko. Gusto kong ako yung babaeng makasama niya sa araw araw, gusto kong ako yung maging dahilan ng pag ngiti niya." Pakiusap ko sa kanila.

"Sa buong buhay ko, sa kanya lang ako nakaramdam ng sobrang kasiyahan. Dad, naiintindihan kita, pero sana maintindihan mo rin ako." Bulong ko.

Namayani ang katahimikan sa buong opisina at tanging pag hikbi lang namin nila Mama ang naririnig. Panay ang halik ni Ethan sa buhok ko at pilit akong pinapakalma.

"Dalhin mo ang pamilya mo dito bukas, Ethan." Sambit ni Dad na nagpaangat ng tingin ko sa kanya.

"Hindi ako sang ayon, pero kung doon sasaya si Claire ay wala na akong magagawa pa." Pagtatapos ni Dad at piniling lumabas ng opisina, napatingin ako kay Mama at tinanguan niya ako habang umiiyak at marahan na ngumiti.

"You heard him, young man?" Sambit ni Lolo, naramdaman kong tumango si Ethan. Kinuha ni Lolo ang kanyang tungkod at piniling lumabas na rin ng opisina, sumunod sa kanya si Lola at si Tito Jess.

Lumapit naman sa akin si Mama at niyakap ako ng napaka higpit. "I'm so sorry, anak." Umiiyak na bulong ni Mama, wala akong ibang naisagot kundi pag iyak lang din. Si Tita Kristine naman ay hinahaplos ang buhok ko, habang si Kuya Justine at Jenica ay pinapanood ang pag agos ng luha ko.

Sandali pa akong nag sawa sa yakap ni Mama bago ako bumitiw.

"Ma, siya si Ethan." Pakilala ko, alam kong hindi ito ang unang pagkikita nila, pero gusto kong ipakilala ng maayos ang lalaking mahal na mahal ko sa babaeng nagluwal sa akin sa mundong 'to.

Nginitian siya ni Mama at nilapitan niya ito upang yakapin. "I'm sorry alam kong malaki ang kasalanan sayo ni Paul John sa loob ng apat na taon." Bulong ni Mama, marami pa akong hindi nalalaman simula nang mawala ang alaala ko, kagaya ng sinabi sa akin ni Ethan noon, sasabihin niya sa akin ang lahat kapag maayos na ang lahat ng problema namin sa pamilya ko.

Alam kong hindi pa sang ayon si Dad, pero hindi ako titigil hangga't hindi natatanggap ng pamilya ko ang lalaking mahal na mahal ko.

"Tita Kristine, si Ethan." Bulong ko.

Pinagmasdang mabuti ni Tita si Ethan at nakita ko ang kasiyahan sa mga mata niya. "Kamukhang kamukha mo ang Daddy mo." Aniya na nagpataka sa akin, kinamayan niya si Ethan at nginitian ito, ginantihan naman siya ni Ethan ng ngiti.

"Aray, baby." Daing niya nang diinan ko ang sugat sa gilid ng labi niya, nandito na kami ngayon sa unit niya at ginagamot ko ang sugat na ibinigay sa kanya ni Dad. Bagong paligo na kami pareho at namamaga pa rin ang mata ko dahil sa pag iyak.

Huminga ako ng malalim, "Hindi ka dapat lumuhod kanina." Suway ko sa kanya, huminga siya ng malalim at kinuha niya sa kamay ko ang bulak saka itinapon iyon sa bed side table. Hinawakan niya ang kamay ko at inihaplos niya iyon sa pisngi niya.

"Alam mo naman sigurong ayokong umiiyak ka. Naninikip na yung dibdib ko kanina dahil sa pag iyak mo, at gusto kong tumigil ka na. Baby, simula nang magkasama tayo, wala ka ng ginawa kundi ang umiyak." Litanya niya, nagtititigan lang kaming dalawa at para bang wala kaming kasawaan sa isa't isa. Yung kilay niyang madalas magkasalubong sa tuwing naiinis siya, ngayon ay magkahiwalay dahil sa kasiyahan sa mga mata niya.

"Hindi man tayo buong buo na tanggap ng Daddy mo, sapat na sa akin na binigyan niya ako ng pagkakataon para malaya kang mahalin." Aniya.

"Kaya dapat, simula ngayon, hindi ka na iiyak. Kung papatak man ang luha sa mga mata mo, gusto kong, dahil sa kasiyahan." Pakiusap niya sa akin, hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko habang nakatitig sa mga mata ko, walang tigil sa pagwawala ang puso ko at pakiramdam ko ay muli nanaman akong lumulutang sa ere dahil sa pagtitig niyang punong puno ng pagmamahal.

"Hindi mo lang alam kung gaano gustong sumabog ng puso ko dahil ipinaglaban mo ako kanina. Pero, Claire, ayokong kamuhian mo ang pamilya mo dahil lang sa akin. Unang una, kadugo mo sila, at nag iisa lang sila sa buhay mo." Pangaral niya sa akin, hinayaan kong makinig sa mga sinasabi niya, dahil alam kong simula't sapul malaki ang pagmamahal niya sa pamilya niya at alam kong ayaw niyang mabaliwala ang nga pinagsamahan namin ng pamilya ko sa isang iglap lang.

Hinila niya ako at humiga kami saka ipinaunan niya sa akin ang matipunong dibdib niya na naging dahilan upang marinig ko ang mabilis na pagwawala ng puso niya.

"Nagsinungaling ang pamilya mo sayo dahil ayaw ka nilang masaktan. Ganoon rin naman ako hindi ba? Nagsinungaling ako sa pamilya ko dahil ayoko silang masaktan, pero nag sisisi ako dahil bandang huli ay mas matinding pasakit ang naibigay ko sa kanila." Kwento niya habang hinahaplos haplos ang likod ko. Hinayaan kong makinig sa mga sinasabi niya at unti unti nararamdaman ko ang paglambot ng puso ko para sa pamilya ko.

"Lalo na nang makita kong umiyak si Mama, hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong saktan ang sarili ko. Tinotorture ako ng luha ni Mama nung panahong wala ka sa tabi ko. Nung panahong inamin ko sa kanila ang lahat para makalapit sayo." Natatawa pero seryosong kwento niya sa akin.

"Kaya sana, h'wag kang magtanim ng galit sa pamilya mo. Dahil nasasaktan din sila, wala namang perpektong pamilya, baby, lahat nagkakamali, lahat nagkakasakitan, pero sa huli, sila pa rin yung nag iisang matatawag mong pamilya, magkaasawa ka man o magkaroon ka man ng sariling pamilya, nag iisa at nauna pa rin sila sa buhay mo." Payo niya sa akin at naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. Tumingala ako sa kanya upang matitigan ang mga mata niyang nagpapawala sa sistema ko.

"I'm sorry, Ethan." Bulong ko, ngumiti siya at umiling. Yumakap ako sa kanya at inabot ko ng sandaling halik ang labi niya.

"H'wag kang mag sorry sa akin, baby. Ayoko lang na masira ang pamilyang kinagisnan mo." Paliwanag niya at hinaplos niya ang buhok ko.

Ngumiti ako sa kanya, pinadulas ko ang hintuturo ko mula sa noo niya, pababa sa tungki ng ilong niya at sa labi niya. "Napaka swerte ko dahil ako ang mahal mo." Sambit ko na nagpangiti sa kanya, hinuli niya ang kamay ko at iniyakap niya iyon sa ulo niya saka pumaibabaa siya sa akin nang hindi inaalis ang pagtitig sa mga mata ko.

"Maswerte rin naman ako, dahil sinuklian mo ang pagmamahal ko kahit na hindi ako perpekto." Aniya at pinaulanan niya ng halik ang noo ko, tungki ng ilong ko, pisngi at labi ko na mabilis kong tinugon!

Malalim na halik at punong puno ng pagmamahal na hinding hindi ko pagsasawaan kahit kailan.

"Let's make a piece of us." Ngumingising aniya at kasunod din non ang pagtawa ko nang simulan na niyang halikan ang labi ko ng punong puno ng panunuya!

___

Yumakap siya sa likod ko habang nag pe-face powder ako. "Di mo na kailangan yan, maganda ka na." Pambobola niya, ngayon na ang pakikipag kita ng pamilya ko sa pamilya ni Ethan. Narinig ko kagabi sa pakikipag usap niya sa Daddy niya ang pakiusap na pumunta sa amin ngayon.

"Ethan, male-late na tayo." Suway ko sa kanya, hindi ko alam pero natatawa ako sa kanya dahil habang tumatagal yata ay mas lalo siyang nagiging malambing sa akin, nakakatuwa lang isipin na kung dati ako itong atat na makasama siya, ngayon naman ay pareho kaming dalawa.

Maging sa pagligo ay palagi na kaming magkasabay, noong una ay nakakaramdam pa ako ng hiya pero nang ilang beses na kami magsabay maligo ay para bang ayos lang sa akin.

"Tama na yan, baby." Suway niya sa akin at kinuha ang face powder saka binato iyon sa kama at hinarap niya ako sa kanya. "Maganda ka na." Aniya at hinalikan ang labi ko!

"Lalo na kapag tinaas mo 'tong maputing kili kili mo!" Aniya at siya mismo ang nagtaas ng kili kili ko saka hinalikan iyon kaya nagsisigaw ako! Hinampas ko ang braso niya pero humalakhak lang siya ng humalakhak!

"Ethan!!" Tili ko at itinulak ko siya, mali talagang mag sleeve less na blouse ako ngayon dahil sa pag ligo palang kanina ay trip na trip na niyang kilitiin ng halik ang kili kili ko.

Tumawa siya at inayos niya ang damit ko. "H'wag nang mainis, pinapatawa lang kita, parang kinakabahan ka nanaman kasi." Nakangiting aniya at inakbayan na niya ako saka naglakad na kami palabas ng unit niya.

"Alam mo namang malakas ang kiliti ko sa kili kili." Nguso ko.

Pinindot niya ang elevator at tumawa siya dahil sa sinabi ko. "Ang puti puti kasi, baby, bat ganyan? Sexy mo lalo kapag tinataas mo yan." Nakangising aniya.

Bumukas na ang elevator kaya sumakay na kami, nakaakbay pa rin siya sa akin kaya yumakap ako sa kanya.

"Siguro dati mo pa sinisilipan ang kili kili ko ano?!" Tumatawang sigaw ko sa kanya, natahimik siya kaya tiningala ko siya. Napansin kong namula ang mukha niya!

"Uyyy, naninilip ng kili kili ko ang isang tao dito." Pang aasar ko sa kanya, tumikhim siya at para bang mas lalong namula ang mukha niya.

Hindi ko na napigilan ang paghalakhak hanggang sa bumukas na ang elevator sa parking. Nauna na siyang maglakad kaya lakad takbo ang ginawa ko para maabutan ang namumulang mahal ko.

Pinatunog niya ang sasakyan niya.

"Get in, Claire." Seryosong sabi niya habang namumula ang mukha!

"My god, Ethan! Nagba-blush ka!" Sigaw ko nang makasakay na ako sa kotse niya, pinaharurot niya ang sasakyan na hindi ako nililingon.

"Since when?" Pilyang pang aasar ko sa kanya. "What?!" Pagsusungit niya, nakakamiss rin palang magsungit ang isang ito.

"Na sinisilipan mo ang maputi kong kili kili?!" Ngumingising sambit ko.

"Claire, stop!" Suway niya pero natatawa na rin siya at alam kong pinipigilan niya yon.

"Hindi nga, Mr.Ethan Luke Cando?!" Patuloy na pang aasar ko.
Pero natigilan ako nang ibalik niya sa akin ang pang aasar.

"Ms.Claire Lataza, kailan ka nagsimulang maging stalker ko? At pati yung grupo noon sa University ay pinatulan mo para lang makilala ako ng lubusan? Since when? Ms.Lataza?"

***

AN: Malapit na..malapit na ang pagtatapos haha. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa. Sa mga maraming tanong, may sagot din ang mga yan, soon. :) Thank you po!

Love lots.

Ate Ash.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

195K 1.7K 7
"You just assumed that there's something going on between us. Sorry not sorry, but you fell on my trap." -CM Claudio Martinez-the mysterious but dang...
11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
632K 9.7K 38
Masayang masaya na si Ryle Sofia Harris. She has everything, family, friends, fame, power and a man that loves her but what if she lost something tha...
5.4K 222 10
[Ongoing] My Porker-Faced Guy Book 2 Matapos ang apat na taon, 2 years with no communication, ay nagkitang muli sina Mica at Xander. This time, hindi...