SDTR: Kabanata 45

131K 3.5K 388
                                    

SDTR: Kabanata 45

Claire,

Where the hell are you? Matapos mo akong baliwin nung gabing yon, iiwanan mo ako? Fuck, alam mong hahanapin kita kahit saan.

--

Claire,

Wake up, baby. Please. Wake up.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ka. Come on, baby, don't do this.

--

Claire,

Hindi kita bibitawan, hinding hindi kita tatalikuran. Baby, kung nasasaktan ka sabihin mo sa akin, kung gusto mong umiyak, iyakan mo ako! Gumising ka na, tama na yang pagtulog mo sa kabilang buhay. Dahil Claire, kung sa kabilang buhay kita makakasama, handa kong madaliin ang pagkamatay ko.

--

Claire,

Magiging ina ka pa ng mga anak natin. Gising na. I miss you so much, baby.

--

Claire,

Namimiss ka na ni Sebastian, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Alam kong masasaktan siya, kaya baby gumising ka na, marami pa tayong gagawin. Marami pa tayong ipaglalaban.

--

Claire,

That fucking bastard, (Tyler). Buntis ka lang daw kaya ka tulog ng tulog. Sana nga, pero alam kong hindi. Hindi ko itinuloy dahil alam kong hindi pa ito yung tamang panahon, but I promise you, baby, hindi lang isa o dalawang anak.

Ayaw huminto ng luha ko sa pagtulo habang patuloy kong binabasa ang mga sulat niya sa journal na ibinigay niya sa akin kanina.

"Kaya kang kalimutan ng utak ko, pero kailanman ay hindi ka makayanang kalimutan ng puso ko."

Isang malalim na pagtitig ang ibinigay sa akin ni Ethan. Pero ramdam kong hindi kasiyahan ang mga titig na iyon at hindi ko alam kung bakit.

Biglang gumalaw si Seb mula sa pagkakabuhat ko sa kanya.

"Daddy, drive slowly." Suway niya kay Ethan pero nanatiling nakatitig sa mga mata ko si Ethan nang humingi siya ng paumanhin sa anak.

"I'm sorry, little man." Namamaos na bulong niya, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko nang iwasan na niya ang mata ko at muli na siyang nagmaneho.

Lumunok ako ng sunod sunod at pakiramdam ko ay parang sasabog na ang puso ko sa sobrang katahimikan namin hanggang sa makarating kami sa unit niya.

Maingat niyang inihiga si Seb doon sa kama niya. Kinumutan niya ito bago niya iniwanan ng isang maliit na halik sa noo si Seb, hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang pagmamahal ko sa kanya mula sa pagiging mabuting ama niya.

Bumaling siya sa akin at halos hindi ako makatakas sa mga titig niyang kailanman ay hindi ko mabasa. Naglakad siya palapit sa akin at hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko. Dahan dahan niya akong inilapit sa katawan niya na naging dahilan upang maramdaman ko ang init ng bisig niya.

Ikinulong niya ako sa yakap niya at naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. "Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan mo ngayon. Pero kung ano man yang desisyon mong yan, nasasaktan akong malaman, na hindi buo ang tiwala mo, na isama ako sa mga plano mo." Punong puno ng hinanakit ang boses niya pero hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pangamba sa sinabi niya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon