SDTR: Kabanata 42

158K 3.7K 309
                                    

SDTR: Kabanata 42

Sandali niya akong pinagmasdan sa mga mata ko pero kaagad din siyang nag iwas ng tingin sa akin.

"No." Seryosong sagot niya, hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko ngayon dahil pilit iniiwasan ni Ethan ang mga titig ko. Ibinalik niya ang sarili sa pagbibilang ng petty cash.

Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya at mukhang naramdaman niya iyon dahil muli niya akong binigyan ng napakalalim na pagtitig na hanggang ngayon ay tumatagos sa katauhan ko.

"Kalimutan mo nalang." Sambit niya.

"Kalimutan mo nalang yung notebook na yon." Patuloy niya na halos hindi ko mapaniwalaan, tumayo siya at dumiretso siya sa mini office ng coffee shop. Sumunod ako sa kanya pero abala na siya sa pag tatype ng report tungkol sa sales ngayong araw na ito. Isinara ko ang laptop niya na naging dahilan upang bumalik ang buong atensyon niya sa akin.

"Ethan, please?" Pakiusap ko sa kanya, kahit pa ilang beses ko nang nabasa ang notebook na yon gusto ko pa ring ulit ulitin. Dahil kung noong mga nakalipas na araw ay binabasa ko yon na wala akong ka-ide-ideya na para sa akin ang mga nakasulat tungkol doon at may kung anong kumukurot sa puso ko kapag nababasa ko iyon.

Paano pa kaya ngayong alam ko na ang lahat? Siguro ay magkahalong saya at lungkot ang mararamdaman ko.

Masaya dahil nalalaman ko kung gaano ako kamahal ni Ethan sa mga sulat niya doon. Alam ko naman kasi na hindi ganoon ka-vocal noon si Ethan dahil mas pinipili niyang iparamdam sa akin ang lahat ng nasa isipan niya. Pero iba pa rin pala kapag alam ko kung anong tumatakbo sa isip niya.

Malungkot dahil nalalaman ko kung gaano kasakit mahalin ang isang katulad ko. Kung noon masasabi kong sobra sobra ang sakit na nararamdaman ko simula nang minahal ko siya, pero masasabi kong mas matindi pala ang sakit na naidudulot ko sa kanya. Pinipiga ang puso ko dahil hindi ko lubusang matanggap na yung taong sobra sobra kong minamahal sa loob ng limang taon ay sinasaktan ko ng hindi sinasadiya.

"Give me one month." Pakiusap niya habang titig na titig sa mga mata ko. "One month, baby. Ibabalik ko sayo." Patuloy niya na nagpalambot sa puso ko at halos mamilipit ang tiyan ko nang hawakan niya ang kamay ko gamit ang mainit na palad niya.

"H'wag mo nang balikan ang mga masasakit na alaala." Bulong niya sa namamaos na boses, tumayo siya at halos magtindigan ang balahibo ko sa batok nang dalawang kamay ko na ang hinawakan niya at pinagsalikop ang daliri naming dalawa.

Nakatingala lang ako sa kanya habang nakikipag titigan sa mga mata niyang punong puno ng pagmamahal.

Huminga siya ng malalim at napatingin ako sa kamay naming dalawa nang marahan niyang ilapit iyon sa labi niya upang bigyan ng maliliit na halik na siyang naghatid ng kakaibang sensasyon sa puso ko.

"Baby, I'm so scared." Sambit niya na nagpakalabit sa puso ko at halos hindi matanggap ng puso ko na muli kong makita ang luha na tumulo mula sa mga mata niya. Kumunot ang noo niya pero patuloy niyang binigyan ng halik ang mga kamay ko.

"I'm scared that we just won't be the same again." Malalim ang paghinga niya nang sabihin niya iyon.

"I just realized that you don't need to remember everything, I'm sorry, baby. I'm sorry." Paumanhin niya at binitawan niya ang mga kamay ko na siyang nagpatulo na rin ng luha ko.

Tumingin siya sa taas upang iwasan ang mga mata ko pero hindi nakatakas sa akin ang makinang na luha niya na patuloy sa pag agos. Pulang pula na ang mukha niya dahil sa iyak na pilit niyang pinipigilan ngunit hindi niya magawang pigilan.

"Ethan.." Tawag ko sa kanya, pero pilit siyang ngumiti at umiling. Pinunasan niya ang luha niya bago muling nagsalita.

"Umuwi na tayo." Anyaya niya at nauna na siyang lumabas ng opisina niya, narinig kong sinabihan niya ang mga staff niya na pwede na ring umuwi ang mga ito after 20 minutes. Ibinigay niya rin ang susi ng shutter sa isang staff bago siya tuluyang lumabas ng coffee shop.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon