SDTR: Kabanata 1

322K 5.2K 428
                                    

SDTR: Kabanata 1

"Ano ka ba? 18 years old ka na, pwede ka nang gumimik noh." Anyaya saakin ng pinsan ko.

Umiling iling ako, "Walang kasama si Mama." Bulong ko, huminga ng malalim ang pinsan ko at hinampas ako sa braso.

"Tulog na ang Mama mo, katabi niya ngayon si Lola. Alam mo tama din ang Mommy ko, sabi niya kasi kahit gaano ka na katanda, kapag nasaktan ka o may problema ka, sa nanay at sa nanay ka pa rin tatakbo para umiyak at magsumbong." Kwento ng pinsan kong si Jenica, tumingala ako sa hagdan, ngayon ko lang napansin na magtatatlong oras na sa taas si Mama kasama ang Lola ko.

"Ano? Sasama ka ba saamin? Nagpaalam na ako kay Daddy, mauubos ang oras natin, hanggang 2am lang tayo." Tanong ni Jenica.

"Sumama ka na." Pagpupumilit ni Kuya Justine. "Kasama naman ako, wala kayong dapat ikatakot." Aniya.

Mas matanda saakin ng dalawang taon si Jenica, habang si Kuya Justine naman ay mas matanda saakin ng apat na taon, madalas silang gumimik sa mga bar, nakikita ko iyon sa mga pictures ni Jenica sa facebook.

"Si-sige na nga." Bulong ko.

__

Para akong na-culture shock nang makapasok ako sa loob ng bar, punong puno ng usok ang paligid, panay rin ang ikot ng neon lights na talaga namang nakakasilaw sa mga mata ko. Amoy alak na rin ang ilan sa mga nadadaanan namin ng mga pinsan ko, may mga bumabati sakanila na talaga namang sa tingin ko ay madalas nilang kasama.

Malalakas na hiyawan, may mga nagpagulat din saakin, may naghahalikan at halos hubaran na ang isa't isa gitna ng dance floor.

"Tara!" Hiyaw ni Jenica saakin atsaka naupo kami sa isang itim na couch, pinalibutan kami ng mga nag gagandahang kababaihan at nag-gagwapuhang kalalakihan.

Pero may isang nakahuli ng buong atensyon ko, nakatitig siya saakin ngayon, may hawak siyang alak habang ang kaliwang kamay niya ay nakapasak sa bulsa ng pants niya, lalaking lalaki ang tindig niya, at hindi ko alam pero may pakiramdam akong hinahalukay niya ang buong sistema ko sa lalim ng titig niya saakin. Tinungga niya ang isang bote ng beer na hawak hawak niya na hindi inaalis ang tingin saakin.

"And who's this pretty lady?" Hiyaw ng isang lalaki na nagpagising sa katauhan ko mula doon sa lalaking nakatitig saakin.

"Pinsan ko siya Jerome, kaya hindi mo siya pwedeng paglaruan." Pagtataray ni Jenica, ngumisi naman si Jerome at inilahad niya ang kamay niya saakin.

"Hi, I'm Jerome Lagdameo." Pakilala nito saakin, tinanggap ko ang kamay niya pero kaagad ko ding binawi iyon.

"First time?" Usisa ng isang babae, tumango naman ako sakanya bilang sagot.

"Oy, h'wag niyong pagtitripan ang pinsan ko ha! Birthday niya ngayon, 18 years old guys, legal na!" Hiyaw ni Jenica sabay tumungga ng alak.

Naghiyawan sila, "Legal na pala eh! Bigyan ng alak yan!" Sigaw ng isang babae at inabutan niya ako ng isang shot glass na ang itsura ng laman ay mukhang tubig.

"Come on sweety, pam-paalis ng badtrip yan." Bulong ni Jenica saakin, napalunok ako ng sunod sunod. Muli kong tinignan yung mga nakapaligid saamin, lahat sila hinihintay ang gagawin kong pag inom, napatingin din ako doon sa lalaking kung makatingin saakin ay para akong kakainin ng buhay.

Nanlaki ang mata ko nang umiling iling siya, humigpit ang hawak ko sa shot glass dahil sa titig niya saakin.

Nag chant na sila tungkol sa pag inom ko kaya naman kahit na kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan, tinungga ko ang laman non at halos maubo ako dahil sa tapang ng alak na yon. Naghiyawan silang lahat at para silang bula na bigla nalang nag sialisan patungo sa dance floor.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon