SDTR: Kabanata 24

134K 3.5K 322
                                    

SDTR: Kabanata 24

"Teacher Claire!" Napasulyap ako sa estudyante kong si Abby nang sumigaw siya.

"Yes Abby?"

"Si Ethan po inaaway ako!" Pagsusumbong niya na nagpangiti saakin. Nag start na ang OJT ko four months ago at matatapos na rin ito sa wakas. Mamimiss ko ang mga bata dito sa pre-school, lalong lalo na si Abby at Ethan na madalas mag bangayan.

Yeah, apat na buwan na ang lumipas matapos ang huling pag uusap naming dalawa, hindi ko na siya ulit nakita pa pagkatapos non. Naging abala na rin kasi ako sa OJT ko at sa tingin ko abala na rin siya sa kaso nila ni Briana dahil nasabi saakin ni Mama na pursigido si Dad na maipanalo ang side ni Briana. Natatakot ako para kay Ethan, dahil sa pinaplano niyang pagpapabagsak sa isang company ni Dad ay mas lalong uminit ang bangayan nilang dalawa.

Umalis na rin ako sa bahay namin dahil pakiramdam ko hindi naman ako kabilang sa totoong pamilya ko, kahit na ramdam ko naman ang araw araw na pagsisisi ni Mama. Unti unti ko siyang pinapatawad, hindi naman kasi pwede na isang araw lang ay maging maayos na kami ni Mama kaagad, dahil alam ko sa sarili ko na hindi maitatangging may hinanakit pa rin ako sakanya.

Pansamantala akong tumutuloy sa bahay nila Jenica. Kung saan madalas pumunta si Jerome at ang ibang barkada pa nila. Gustuhin ko man awayin si Jerome nangunguna pa rin yung pag gana ng isip ko na wala namang magbabago kahit pa sigaw sigawan ko siya.

Nagkaroon na rin kami ng komprontasyon ni Dad tungkol kay Ethan, doon ko nalaman ang lahat lahat. At sa tuwing maaalala ko ang gabing iyon ay patuloy pa rin ang pagpiga sa puso ko.

"Ama ka rin naman diba Dad? Bakit hindi mo nalang hayaan na maging masaya si Seb kasama ang Daddy niya?!" Umiiyak na sigaw ko nang sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob para kausapin siya.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Dad, "Totoo nga na naloloko ka sa lalaking yon?" Mariin na pahayag niya na nagpatigas saakin sa kinatatayuan ko.

"Briana is right, may namamagitan sa inyo ng asawa niya. Anak, kasalanan ang ginagawa mo." Bulyaw saakin ni Dad, walang tigil sa paghilamos ang luha ko sa pisngi ko. Panay na rin ang paninikip ng dibdib ko sa bawat paghugot ng hininga na ginagawa ko.

My Dad is a Lawyer. Bukod sa pagpapatakbo ng negosyo, minsan na rin siyang humawak ng kaso ng ilan sa mga kamag anak namin at lahat ng iyon ay napapanalo niya. Wala pa akong natatandaan na natalo siya sa isang kaso.

Minsan sumasagi na rin sa isip ko na totoo kaya ang sinasabi ng iba? Na magaling magsinungaling ang mga lawyer? Ibig sabihin ba nito ganun na rin ang Daddy ko?

"Dad, naririnig mo ba ang sarili mo?" Humihikbing bulong ko, pilit akong hinihila ni Mama pero kumakawala ako sa mga kapit niya saakin! "No, Ma! Nasasawa na ako! Ako ang anak mo! Ako dapat ang kinakampihan mo! Sariling dugo mo ako Dad! Pero bakit pakiramdam ko ako ang sampid sa pamilyang 'to?!" Nanginginig ang katauhan ko sa bawat pag sigaw na ginagawa ko ngayon, naririnig ko na rin ang pag hikbi ni Mama sa tabi ko. Kitang kita ko ang pagka gulat sa mga mata ni Dad dahil sa pagsigaw na ginagawa ko ngayon, siguro ay hindi makapaniwala si Dad na makakaya ko siyang kalabanin.  Kitang kita ko sa mukha niya na nasampal ko siya sa mga salitang binitiwan ko.

"Claire," Tawag niya saakin, mariin kong pinunasan ang luha ko at umiling iling ako. "Anak, tama na. Tumigil ka na." Suway saakin ni Mama at nagtangkang hihilahin nanaman ako palabas ng kwarto nila, hinawi ko ang kamay ni Mama at humarap ako sakanya!

"Ikaw Ma, hanggang kailan ka magpapaka-martyr sa piling ni Dad?! Hanggang kailan mo titiisin lahat ng kahibangan mo sakanya? Hindi ba dapat sa ganitong panahon ikaw ang kasama ko? Mama kita, pero bakit hindi ko maramdaman ngayon yung pagkalinga ng isang ina?" Umiling iling si Mama at pilit niyang pinupunasan ang mga luhang lumalandas sa kanyang mukha.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon