SDTR: Kabanata 6

227K 4.4K 1.2K
                                    

SDTR: Kabanata 6

Hindi ko alam kung paano ko nasikmurang titigan na iniwanan ako ni Ethan, iba ang sinasabi ng bibig niya sa ipinapakita niya saakin. Alam kong may mali dito, alam kong may pumipigil sakanya para lapitan ako.

"Tama nga ang desisyon ko na sundan ka." Humarap ako sa lalaking nagsalita mula sa likod ko, titig na titig siya saakin ngayon habang nakapamulsa.

"A-anong ginagawa mo dito?" Pinunasan ko ang luha ko at pilit kong pinatatag ang boses ko.

"Ganyan ba ang isang Claire Lataza? Naghahabol sa walang kwentang lalaki?" Taas kilay na tanong saakin ni Jerome.

Magsasalita na sana ako pero inunahan na niya ako. "Ihahatid na kita." Aniya at hinila niya ako sa kamay ko, nanghihina ako kaya naman hinayaan ko na lamang na dalhin ako ng mga paa ko patungo sa nilalakaran niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at maingat akong pinasakay doon, umikot naman siya sa harap para sumakay sa drivers seat.

Ibinigay niya saakin ang isang box ng tissue. "Punusan mo ang luha mo, baka sabihin nila Justine pinaiyak kita." Bulong niya at nagsimula na siyang magmaneho.

Nakatanaw lang ako sa bintana ng kotse niya habang pinagmamasdan ko ang mga nadadaanan namin.

Bakit ganito? Habang tumatagal mas lalong lumalalim yung pagmamahal ko kay Ethan, mas lalong pigilan ko mas lalong tumitindi at sa pagtatagal na iyon alam kong unti unting naghahatid iyon ng kirot sa puso ko.

__

"Sabi ko naman kasi sayo tigilan mo na siya." Sabi ni Jenica habang naglalagay ng moisturizer sa mukha niya, dito ako matutulog ngayon sa bahay nila, dito kasi ako inihatid ni Jerome kanina.

"Hindi ko kaya." Bulong ko, narinig kong huminga siya ng malalim bago bumaling saakin.

"Napaka tanga mo talaga Claire, hindi mo ba nakikita? Duwag si Ethan, at kung mamahalin mo pa siya ng tuloy tuloy mahuhulog ka sa kumunoy dahil hindi ka niya sasaluhin." Naiinis na pahayag ni Jenica saakin, sigurado ako na kung si Ara ang kausap ko ngayon ganyan din ang sasabihin niya saakin, kasalanan ko ba kung mahal ko si Ethan? Kasalanan ko ba na sa unang pagkikita palang namin nahuli na niya ang buong atensyon ko?

Humiga na rin sa tabi ko si Jenica pero magkaharap pa rin kami habang nagkukwentuhan.

"Alam mo, kung gusto mo talagang masungkit yang Cando na yan ipakita mo sakanya na ikaw ang hinahabol. Ano ka ba? Ang dami daming nagkakagusto sayo noh?" Bulyaw niya saakin, totoo naman ang sinasabi ni Jenica may mga gustong manligaw saakin pero ipinagwawalang bahala ko iyon dahil nakatatak na talaga sa isip ko si Ethan.

"Hmm, look at Jerome Lagdameo, may idea ka ba kung bakit bumalik siya dito sa Pinas? Samantalang nasa Malaysia ang buong pamilya niya." Tanong niya saakin, umiling iling ako bilang sagot.

"See? Hindi mo nakikita ang ginagawa ng ibang tao para sayo dahil bulag na bulag ka sa pagmamahal mo diyan kay Ethan, Claire...bumalik si Jerome dito dahil gusto ka niya." Paliwanag niya saakin na nagpalaki sa dalawang mata ko.

"H'wag mo akong pandilatan ng mata, yan ang sinabi saakin ni Kuya Justine, at alam mong boto kay Jerome yon." Sabi niya atsaka tinapik tapik niya ang pisngi ko.

Kinabukasan maaga akong gumising dahil may klase pa ako, ang sakit sakit ng ulo ko dahil napuyat ako sa pakikipag kwentuhan kay Jenica, masyado siyang maraming nalalaman saakin na hindi ko naman napapansin sa sarili ko, para siyang si Ara.

"Papasok ka na?" Halos mapalundag ako nang biglang may sumulpot sa harapan ko, si Jerome, naka itim na tshirt siya at pants lang, mukhang bagong paligo siya dahil medyo basa pa ang buhok niya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon