SDTR: Kabanata 11

186K 4K 524
                                    

SDTR: Kabanata 11

Lumunok ako nang makita kong nakatayo si Sebastian mula sa pintuan ng kwarto ni Ethan habang kinukusot kusot nito ang mata, huminga ng malalim si Ethan at nilapitan ang anak, iniluhod niya ang isang paa niya para mabuhat ito.

"Gising na kaagad ang anak ko?" Patay malisyang tanong niya sa anak, tumungo si Seb sa balikat niya at muling pumikit.

Umupo siya sa mahabang sofa at hinaplos niya ang likod nito, tinapik naman niya ang bakanteng sofa habang nakatingin saakin kaaya kaagad akong lumapit sakanya at naupo doon.

"Daddy...may nightmare ako." Bulong ni Sebastian, tinitigan ko lang siya habang yakap yakap ang anak niya. "Anong nightmare mo? May monster ba?" Usisa niya.

Umalis sa pagkakatungo si Sebastian para makatingin ng maayos sa ama, "No. You are leaving me Daddy, iiwanan mo daw ako kela Lola."

Ngumiti si Ethan at hinalikan ang ilong ng anak, "Hindi kita iiwanan, alam mo namang love na love ka ng Daddy diba?" Paglalambing niya, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing makikita ko yung ngiti sa mga labi niya, higit sa lahat sa tuwing makikita ko ang pagmamahal na pinapakita niya sa anak.

Biglang bumaling si Seb saakin, inilahad niya ang dalawang braso niya na para bang nagpapakarga siya saakin. Tinignan ko si Ethan ng buong pagtataka, "O-okay lang?" Nahihiyang tanong ko sakanya, ngumiti si Ethan at tumango tango.

"Of course."

Marahan kong kinuha si Seb at iniupo sa hita ko, panay ang kusot niya sa mata niya.

"Tita Claire? Wa-why are you kissing my Daddy?" Tanong nito na nagpaawang sa bibig ko, nagkatinginan kami ni Ethan, pero hindi ko manlang mabasahan ng takot sa mukha si Ethan. Panay naman ang kalabog ng puso ko dahil sa sobrang kaba.

"She's not kissing me young man." Tumatawang sagot ni Ethan, "Maybe you are just dreaming?" Pagpupumilit niya sa anak, nakakaramdam ako ng inis sa sarili ko dahil nagsisinungaling kami sa isang bata.

"Maybe. Because I never saw my Daddy kissing my Mom." Inaantok na bulong niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Masyadong matalino ang anak ni Ethan para sa batang mag aapat na taon, marami siyang tanong at mapagmasid din siya.

Tinignan ko si Ethan, pero hindi niya ako pinag bigyang pansin at hindi ko nanaman makuhang basahin ang emosyon niya.

"I wanna go home Daddy, diba sabi mo dapat maging big boy na ako, dapat hindi na ako umiyak kapag hinahatid mo ako sa house nila Lola." Bulol bulol pa siyang magsalita pero hindi sagabal iyon para hindi maintindihan ang sinasabi niya.

"Are you sure?" Usisa niya sa anak, "Yes Daddy! Gusto ko sa weekends dito ako, gusto ko magplay tayo ng cars." Masiglang sabi niya, "Play din tayo Tita Claire." Nakangiting sabi nito saakin, nginitian ko din siya at tumango tango ako bilang sagot.

Bumaba na sa pagkakarga ko si Sebastian at tumungo doon sa mga laruan niya, bumaling ako kay Ethan. "Matalino ang anak mo. Mana sayo." Natatawang bulong ko pero kasunod non ang pagpawi ng ngiti sa labi ko dahil hindi pa rin maiaalis na niloloko namin ang anak niya.

Tumingin siya saakin, "Pasensya ka na, ganyan lang talaga si Sebastian lahat ng nasa paligid niya napapansin niya." Sagot niya saakin, "Aayusin ko muna yung mga gamit niya, pagkatapos ihahatid ko na muna siya." Aniya at hinalikan ang ibabaw ng kamay ko.

"Tulungan na kita?"

Ngumiti siya at umiling iling, "Hindi na, kaunti lang naman yung gamit niya."

Tumayo na siya at tumungo sa kwarto niya dala dala yung bag na lalagyan ng damit ni Sebastian. Pinanood ko nalang si Seb na malayang naglalaro doon sa center table ng mga kotse niya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon