SDTR: Kabanata 36

138K 3.6K 309
                                    

SDTR: Kabanata 36

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na siyang naghatid ng matinding pagwawala ng puso ko.

"Stand up." Aniya sa mahinang boses, kusang sumunod ang paa ko sa sinabi niya at hinayaan kong hilahin niya ako ng maingat. Sinalo niya ang dalawang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya, habang ang kanang kamay naman niya ay nakahapit sa baywang ko.

Pinaupo niya ako sa gilid ng kama at saka kumuha siya ng tissue upang punasan ang luha ko. "Tama na." Pag aalo niya sa akin, nanatiling nakatuon ang mga mata ko doon sa sahig habang pinapakinggan siya. Hanggang ngayon, ni hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit ganito nalang kalaki ang tiwala ko sa kanya? Kung bakit kahit na isa lang siyang estranghero sa buhay ko ay may parte sa akin na para bang hinahanap hanap ko siya kahit kasama ko na siya ngayon.

Huminga siya ng malalim at saka binuksan ang cabinet sa bed side table niya. Halos lumundag ang puso ko nang makita ko doon ang notebook na iniiyakan ko. Kukuhanin ko na sana iyon pero inunahan na niya ako at saka inilayo sa akin iyon.

"That--"

"I know." Putol niya sa sasabihin ko, tinignan ko siya ng buong pagtataka.

"Ethan.."

Nakita ko ang pagtindig ng balahibo niya nang tawagin ko siya sa pangalan niya. Lumunok ako at nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Sa akin muna 'to." Aniya na nagpabilog sa dalawang mata ko kaya mabilis kong inagaw sa kanya iyon pero nabawi niya rin kaagad. Tinitigan niya ako ng matalim at napaurong ako nang maramdaman kong dumikit ang braso niya sa braso ko! Para bang may mabilis na kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko at mas lalong nagmadali sa pagtakbo ang puso ko!

"Akala ko ba importante sayo 'to? Pero muntik mo nang maiwan kagabi sa bar." Malamig na aniya na hindi binibitawan ang titig sa mga mata ko, lumunok ako at pilit kong inalis ang dila kong parang nabubuhol at hindi makagawa ng sasabihin.

"I..inatake ako ng sakit, kaya ganon." Pagdadahilan ko, ngumisi siya nang mapait at umiling. Nanlaki ang mata ko nang tumayo siya at mabilis niyang ibalik yung notebook doon sa cabinet at ni-lock niya yon saka ipinasak sa bulsa niya ang susi at muli akong pinagmasdan.

"That's mine!!" Singhal ko! Ngumiti siya at kahit nakangiti siya ngayon ay malamig pa rin ang titig niya sa akin!

"Sayo naman talaga. Magdate tayo, ibabalik ko sayo." Panunuya niya na nagpalaglag sa panga ko.

"What?!" Hindi makapaniwalang sigaw ko, lumunok ako at nakipagsukatan ng tingin sa kanya. Date?! With this stranger? Napakamot siya sa batok niya at bumulong siya ng sobrang hina kaya hindi ko manlang narinig.

"Tsk, Claire, what am I going to do with you? Dati naman ikaw ang nagyayayang magdate."

"Ano?" Untag ko, ngumisi siya at padabog na ibinaba ang kamay na kanina ay kumakamot sa batok niya.

"Wala, ang sabi ko pumayag ka na." Pakiusap niya.

Natahimik kaming dalawa. Bakit ba gusto niyang makipag date sa akin? Aaminin ko, hindi ko maitatangging ang gwapo niya, yung mga titig niyang bawat himulmol yata ng katauhan ko hinahalukay niya, yung labi niyang manipis na medyo pinkish, yung buhok niyang hindi sinadiyang magulo, yung kilay niyang madalas magkasalubong kapag naiinis siya, yung tindig niyang lalaking lalaki at yung pangangatawan niyang bumagay sa katangkaran niya.

Maging yung pamilyar na amoy niyang napakabango ay nagiging dahilan ng pamimilipit ng tiyan ko. Pero, bakit ako? Posible bang totoo ang love at first sight? Damn it, Claire.

"Ah..naniniwala ka ba sa love at first sight?" Nahihiyang bulong ko, napaangat ang labi niya.

"What?" Hindi makapaniwalang sigaw niya. "H'wag mong sabihing itatanong mo rin sa akin, kung naniniwala din ba ako sa love at second sight?" Natatawang sambit niya na nag painis sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at saka tumayo ako at tumalikod sa kanya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon