SDTR: Kabanata 21

132K 3K 524
                                    

SDTR: Kabanata 21

Tinalikuran na niya ako, panay ang pagkirot ng puso ko dahil nakikita ko pa rin sa isipan ko ang mata niyang punong puno ng luha.

Mabilis lumabas si Jenica ng bahay at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya saakin! "Jenica, s-sinaktan ko siya." Humihikbing bulong ko sakanya, hindi maiaalis sa isipan at puso ko ang mga salitang binitawan ko na sumugat kay Ethan. Alam ko sobrang nasaktan ko siya.

"Shhh, tama lang ang ginawa mo Claire.." Pag aalo niya saakin, mas hinigpitan ko ang yakap kay Jenica, gusto ko nalang mamanhid ang buong katawan ko para hindi ko na maramdaman ang nakamamatay na sakit na ito. Sobrang sakit na para bang unti unti akong nalulusaw na kandila.

"Kapag naging tama na ang lahat, doon mo pa lang mararamdaman na masaya ka, sa panahon na yon, hilom na ang sugat diyan sa puso niyong dalawa."

____

Sa sandaang milyong tao sa mundo, hindi ko lubos maisip na umiibig ako sa isang taong alam kong pag aari ng iba. Paulit ulit yang tumatak sa isip ko.

"Nakakatakot." Bulong ni Jersi sa tabi ko, parehas kami ng break time at nakaupo kami ngayon dito sa isang bench. Naikwento ko na rin sakanya ang tungkol saamin ni Ethan nung nakaraan.

"H'wag mo siyang tignan." Suway ko sakanya, huminga siya ng malalim. "Hindi ko maiwasan Claire, ang lalim niyang tumitig sayo." Bulong niya saakin.

Pero kahit ganon hindi pa rin ako bumabaling sakanya, ilang buwan na rin ang lumipas magmula nang huling beses na pag uusap namin ni Ethan. Ilang beses niya akong sinubukang lapitan pero sa tuwing makikita ko siya ay nag iiba ako ng daan. Ganyan na palagi ang set up namin, magkakatitigan kami pero ako ang unang bumibitaw dahil hindi ko makayanan ang mga titig niyang nakikiusap. Nakikiusap na bawiin ko lahat ng sinabi ko sakanya na masasakit. Hanggang ngayon para pa ring pinipiga ang puso ko dahil mas pinili ko na siyang iwanan.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nasabi ko sakanya ang mga bagay na hindi dapat. Ganun na ba ako kasama? Nasaktan ko siya. At ramdam kong may kaunting galit siya saakin dahil sinabi kong mali kaming dalawa, mali siya, mali ako, maling magsama kami.

Hanggang sa dumating yung punto na parang siya na mismo ang umiwas saakin, pero kasunod non ang isang sulat mula sa locker ko, may kasama nanaman iyong rosas. Alam kong sulat kamay niya iyon. Kadalasan pinapakita ko sakanya na itinatapon ko ang mga rose na iniiwan niya sa locker ko, pero itong isang ito na may kasamang sulat hindi ko magawang itapon. Binabalot ng pag asa ang puso ko, pero binabalot ng kamalian ang utak ko.

Claire,

There are times that I just wanted to give up, I just wanted to forget all about you. Fck, your scents, your kisses..Seriously, I miss everything about you...But I can't just forget you baby. Because I love you and I will continue loving you with all my heart.

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, masama bang umasa? Kahit na pakiramdam mo wala ng pag asa. Bumaling ako sa gilid ko at nakita ko siyang nakatayo doon habang nakapamulsa, nanigas ako sa kinatatayuan ko nang lamunin ako ng mga titig niyang napakalalim. Napapikit na lamang ako nang yakapin niya ako mula sa likod ko, bullsht. Yung luha ko nagtatangka nanamang bumagsak, pero kailangan kong pigilan. Ayokong ipakita sakanyang apektado pa rin ako.

Napapikit ako nang halikan niya ang buhok ko, "Mababaliw na ako Claire, bumalik ka na." Pakiusap niya, hinawakan ko ang kamay niya at marahan kong kinalag iyon sa pagkakayakap saakin. Ayoko sanang alisin ang pakiramdam sa init ng mga yakap niya, pero kailangan. Dahil ayokong hanap hanapin iyon, dahil ngayon palang nanghihina na ako sa isiping hindi ko na kailanman mararamdaman ang mga yakap sa bisig niya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon