SDTR: The Road To Forever [1]

207K 4.2K 566
                                    


SDTR: The Road To Forever

Finale Part 1

Nag inat inat ako nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko. Ayoko pa sanang imulat ang mata ko pero naabala ako ng mabangong amoy niya, kahit medyo naniningkit pa sa antok ang mata ko ay nagawa ko pa ring pagmasdan ang gwapong mukha niya na sa tingin ko ay talaga namang kinahuhumalingan ng marami. Siguro nga ay may kamukha siya o kakambal, pero bakit sa mga mata ko ay iba siya? Mas gwapo siya at mas kilala siya ng puso ko.

"Good evening, sleepy head." Nakangising bati niya sa akin, nakaupo siya sa gilid ng kama habang titig na titig sa mga mata ko. Ngumiti ako at pumikit saka hinila ko siya doon sa neck tie niya upang lumapit lalo sa akin at bigyan siya ng isang malambing at masarap na yakap. Narinig ko ang mahinang halakhak niya na punong puno ng galak, binalot niya ako sa bisig niyang napaka init upang gantihan ang yakap ko.

"Bango." Bulong niya, umungol ako dahil ayan nanaman siya sa panunuya niya sa akin. "Miss me?" Patuloy niya.

Humugot ako ng napakalalim na paghinga. "Ang tagal mo, natulog lang ako maghapon." Sambit ko sa kanya.

"Hindi ka kumain?" Medyo may halong pagbabanta ang boses niya.
"Hmm, I want to eat with you." Bulong ko sa kanya, huminga siya ng malalim at akmang hihiwalay siya sa yakap naming dalawa pero hindi ko siya pinakawalan.

"I miss you, baby." Paglalambing ko sa kanya.

Napahinto siya at mas lalong lumakas ang pintig ng puso niya. Gustong gusto kong marinig iyon, siguro sa lahat ng musikang napakinggang ko, yung pintig ng puso niya ang pinaka maganda sa pandinig ko. Kumbaga sa music charts, yung tibok ng puso niya ang palaging numero uno sa listahan at puso ko.

Naramdaman kong hinalikan niya ang leeg ko at yung init ng paghinga niya ay tumama sa may tainga ko kaya naman napangiti ako.

"Claire, kung panaginip lang lahat ng ito..." Simula niya sa namamaos na boses,  "Please. Don't wake me up, baby." Pakiusap niya, mas lalo kong ipinikit ang mata ko at mas dinama ang halik niya sa leeg ko. Hinaplos ko ang likod niya.

"Kung panaginip man ito, sabay tayong hindi gigising. Dahil kung sa isang panaginip lang kita makakasama, handa akong samahan ka sa matamis na panaginip na ito, Ethan." Bulong ko sa kanya, mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman kong inilubog niya ang mukha niya sa balikat ko.

Sandali naming ninamnam ang malambing na katahimikang nabalot sa paligid naming dalawa. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ng puso ko, masaya...sobrang saya na para bang ang hirap hirap habulin ng paghinga ko dahil sa sobrang kasiyahan. Yung sayang alam kong pang matagalan.

Yung sayang pakiramdam ko ay walang hanggan.

Kumilos siya at maingat niya akong pinaupo. Binigyan niya ako ng isang magandang ngiti.

"You're so beautiful, Claire." Aniya na nagpapula sa mukha ko, inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakatakas at hinalikan niya ang noo ko bago muling inangkin ng mga mata niya ang mata kong nanginginig sa mga titig niya.

"What do you want to eat?" Usisa niya at hinawakan ang kamay ko saka pinisil pisil iyon.

Bigla akong napaisip kung anong masarap kainin at para akong nabuhayan nang maisip ko yung sardinas. "Naaalala mo pa ba yung ulam na niluto mo nung unang beses kong makapunta dito?" Usisa ko sa kanya, sandaling kumunot ang noo niya pero kaagad din siyang nakabawi.

"Sardinas?" Pagtataka niya, ngumiti ako saka tumango! "Yes, yung saba na sardinas na nilagyan mo ng patatas. Namimiss ko na yun." Paglalambing ko sa kanya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon