SDTR: Kabanata 4

223K 4.3K 407
                                    

SDTR: Kabanata 4

Naiwan akong tulala doon sa unit niya, napaupo ako sa sofa at naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko.

"What the hell are you doing Claire?" Bulong ko sa sarili ko.

Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko, kaagad kong sinagot iyon nang mabasa ko ang pangalan ni Jenica doon.

"Jenica." Nanginginig ang boses ko sa pagsagot ko sakanya.

"Hey! What happened? Bakit ganyan ang boses mo?" Pagtataka niya.

"Where are you? Kailangan kitang makausap." Bulong ko, nang sabihin niya kung nasaan na siya ay mabilis akong lumabas sa unit ni Ethan.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para bang hinahabol ako ng kung ano dahil sa sobrang kaba.

"What?!" Sigaw ni Jenica at halos panlakihan na niya ako ng mata. Ikinuwento ko sakanya ang muntikan ng mangyari saamin ni Ethan, mabuti na lamang at may tumawag sakanya kanina, kung hindi wala na, nadala na ako ng emosyon ko.

"My god Claire! Hindi yan ang itinuro ko sayo, ang sabi ko makipag date ka lang, hindi ko sinabing umabot sa point na ibigay mo yan." Sermon niya saakin.

"Hindi nga natuloy diba!" Sagot ko sakanya.

"Kahit na! Ano ka ba? Paano kung natuloy yun? Wala na!" Naiinis na bulyaw niya saakin, panay pa rin ang sermon niya pero hindi ko na siya pinakinggan pa.

Hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa isip ko, pero kapag kasama ko na siya kusang nagdedesisyon yung puso't isip ko. Naiinis ako sa sarili ko.

"Are you in love with a Cando, Claire?" Bulyaw saakin ni Jenica na nagpagising saakin, napalunok ako ng sunod sunod. Hindi ako makasagap ng tamang sagot sa itinanong niya, pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Sa tatlong taon na pagtitig ko kay Ethan mula sa malayo, hindi ko inaasahan na darating sa point na ang pagkagusto ko sakanya madadaan sa pagmamahal. Posible pala yon? Posible palang ma-in-love ka sa isang taong kahit sa malayo mo lang panoorin kusa kang mahuhulog.

"Gosh." Bulong ni Jenica at halos sabunutan na niya ang sarili niya.

"Iwasan mo yang Cando na yan, sinasabi ko sayo Claire hindi magandang ihemplo yan para sayo." Paalala niya saakin, pero umiling iling ako.

"I can't, mahal ko yung tao."

"At bakit? Mahal ka ba niya? He's a playboy Claire! Gusto mo bang magaya ka sa Mommy mo?" Hiyaw niya saakin, napatigil ako at halos uminit ang dalawang mata ko dahil sa nagbabadiyang pagtulo ng luha.

Umupo sa tabi ko si Jenica at hinaplos niya ang likod ko.

"Claire, hindi ako galit sayo. You're like a sister to me, magpinsan tayo oo pero iba ka sa lahat ng pinsan natin, even Kuya Justine, he love's you at ayaw namin na masaktan ka." Paalala niya.

"Pero kung hindi ko susubukan na mahulog saakin si Ethan hindi ko naman malalaman kung anong kalalabasan nito. Gusto kong subukan Jenica, kahit na sa simula palang alam ko nang dehado ako. Katangahan nga siguro, but I really love him." Hindi ko alam kung ano bang mayroon si Ethan para maramdaman ko sakanya ang ganitong klase ng pagmamahal.

Niyakap niya ako, "H'wag mong ipapaalam kay Kuya Justine yan, alam mo ang kayang gawin ni Kuya, kaya ka niyang hilahin papunta sa Malaysia with your parents." Paalala niya saakin, tumango ako sakanya bilang sagot. Kay Kuya Justine kasi ako ibinilin ni Mama dahil siya ang nag aasikaso ngayon ng isang business namin dito sa Pinas, at isang tawag niya lang kela Mama tapos na ang maliligayang araw ko dito sa Pilipinas.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon