SDTR: Kabanata 50

170K 3.8K 270
                                    

SDTR: Kabanata 50

Halos magkasabay lang kaming dumating ng parents ni Ethan dito sa bahay namin sa Antipolo. Mabilis na humalik si Ethan sa pisngi ng Mama at kapatid niyang si Monique, sandali naman siyang yumakap kay Tito Kyle, Marcus at Troy.

"Thank you, buti Dad, hindi kayo naligaw." Biro niya kay Tito Kyle.

"Haay naku, Kuya, muntik na nga." Nguso ni Monique, kinurot naman ni Ethan ang pisngi ng kapatid at mukhang naasar naman ito.

"Good morning po." Bati ko sa kanila, sa una ay nahiya pa akong lumapit pero kalaunan ay si Tita Kei na mismo ang lumapit sa akin upang halikan ako sa pisngi.

"Kumusta? Maayos ka lang ba? Pasensya ka na kay Ethan kung may mga bagay siyang nagawa para masaktan ka." Paumanhin ni Tita Kei sa akin, namula ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay hindi lang naman ako ang nasaktan sa aming dalawa ni Ethan.

"Okay lang po ako, at saka salamat po sa pag punta." Nahihiyang sagot ko.

Nginitian ako ni Tito Kyle at ng tatlong kapatid ni Ethan, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at hindi ako makapaniwala na buong pamilya niya nga ang kasama.

"Nasaan si Ara?" Usisa ko kay Marcus, ngumiti siya bago sumagot. "Nasa Lucban sila ngayon ni Austin, mamaya ay susunod ako doon dahil birthday ni Tatay Ariel." Kwento ni Marcus at halata sa mukha niya ang kasiyahan, tinanguan ko naman siya. Masaya ako dahil alam kong masaya ang kaibigan ko, kahit pa noong una ay  para bang naisip ko na kasalanan ko kung bakit hindi kami sabay naka-graduate ni Ara.

Magsasalita pa sana ako pero natigilan ako nang marinig ko ang pagtikhim ni Lolo mula sa may pinto.

"Good morning, Mr.Dela Cruz." Masiglang bati ni Tito Kyle kay Lolo, sandali siyang pinagmasdan ni Lolo bago sinagot ang pagbati. Hindi ko alam pero may pakiramdam ako sa mga titig ni Lolo.

"Magandang umaga, akala ko ay hindi na tayo magkikita. Ilang taon na ang lumipas." Seryosong sambit ni Lolo na hanggang ngayon ay nakakapag taka sa akin. Tinitigan ko si Ethan pero pinulupot niya lang ang kanyang braso sa aking baywang.

"It's been twenty three years Mr.Dela Cruz." Pagngisi ni Tito Kyle at saka lumapit kay Lolo upang makipag kamay, marahan namang tinanggap ni Lolo iyon.

"Halina kayo sa loob, lumalamig ang mga hinandang pagkain nila Tanya at Kristine." Anyaya ni Lolo at saka magkakasunod kaming pumasok sa loob.

Laking pasasalamat ko dahil malaki talaga ang dining area namin dito sa Antipolo. Siguro ay kasya ang bente katao dito tuwing may okasyon, sa pagkakatanda ko kasi ay itong dining area ang mas pinag bigyang pansin ni Lolo noong ginagawa pa lang itong bahay dahil gusto niyang kapag may salo salo ang pamilya ay maluwag at malayang makakagalaw kaming magpipinsan.

Sa mahabang hapag ay may limang putahe ng ulam na sa amoy pa lang ay masasabi kong nakakagutom at nakakatam na. May cake din doon na sa tingin ko ay si Tita Kristine ang nagbake.

Abala ang tatlong kasambahay ni Lolo sa paghahain ng mga plato nang marinig ko na ang yapak nila Mama pababa. Humawak ako sa braso ni Ethan at bumulong.

"Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?" Bulong ko sa kanya, narinig ko ang pag ngisi niya. "Kasama mo daw kasi ako kaya mabilis ang pagtibok ng puso mo." Pagyayabang niya, hinampas ko ang braso niya pero humalakhak lang siya ng mahina.

Pinagmasdan ko si Tita Kei at Tito Kyle na magkahawak kamay habang hinihintay na bumaba sila Mama. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita ko nanaman ang ma-awtoridad na pagtitig ni Dad sa pagkakahawak ko sa braso ni Ethan, imbis na bitawan ko iyon ay mas lalo kong hinigpitan ang pagkapit.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon