SDTR: Kabanata 32

152K 3.9K 571
                                    


STDR: Kabanata 32

"I don't understand!" Singhal ko sa kanila at saka iniwanan ko silang nagkakagulo doon sa sala.

Naiinis ako dahil bigla nalang silang magbabago ng plano, kung kanina ay nasa 18BC Music Lounge kami, ngayon ay nasa bahay na ulit kami. Nakakainis lang isiping tatlong oras lang ang itinagal namin doon sa Music Lounge, ni hindi ko manlang na-enjoy dahil nag away lang ang magkapatid na si Jenica at Kuya Justine, pagkatapos bigla nila akong patitianudin sa mga desisyon nilang umuwi nalang at dito mag inuman sa bahay?

Tinalpak ko ang pintuan ng guest room at kahit pa panay ang pagkatok nila ay hindi na ako nag abala pang buksan iyon. "Leave me alone!" Sigaw ko at ibinato ko yung sling bag ko doon sa bed at dumiretso sa cr upang mag shower.

Nang matapos akong mag shower ay gumapang na ako sa kama at doon kinalikot ang cellphone ko, maraming missed calls si Mama kaya naman nagtext ako sa kanya na nakauwi na kami para hindi na siya mag alala pa. Pero maya maya pa ay tumawag na si Mama.

"Ma?"

Huminga ako ng malalim nang marinig ko na ang nag aalalang boses ni Mama.

"My God, Claire! Pinag alala mo kami ng Daddy mo! Bakit hindi ka tumatawag? May nangyari ba sayo? Yung gamot mo dala mo ba? Nasa--"

"Ma, maayos lang ako." Sagot ko, "Wala kayong dapat ipag alala ni Dad."

"No, bumalik ka na dito sa La Trinidad." Maawtoridad na sambit ni Mama na nagpaangat sa labi ko.

"Ma!"

"Go home, Claire. Nag aalala kami sayo."

Bakit ba pakiramdam ko ay napakabaldado kong tao ngayon? Bakit ba lahat sila ay nag aalala sa akin gayong maayos na maayos naman ako.

"Ma, ayoko."

"Clai--"

"Ma! Ano bang nangyayari sa inyo? Kanina si Kuya Justine at Jenica nag away, dahil lang sa maliit na bagay tungkol sa akin, ngayon nagagalit ka dahil nag aalala ka na baka may mangyari sa aking masama? What's going on?! Bakit ba ganyan niyo ako itrato? Para bang napaka walang kwentang tao ko!" Halos mabunutan ng tinik ang puso ko dahil sa nga salitang binitawan ko na kailanman ay hindi ko inaasahan na maririnig ko sa sariling bibig ko.

Narinig ko ang marahang paghikbi ni Mama bilang tanda ng pag iyak niya. Maging ang luha ko ay hindi ko na napigilan. "Ma, ang weird. Bakit ganito? Iba yung trato niyo sa akin? At bakit pakiramdam ko may kulang sa akin?" Bulong ko na nagpasinghap kay Mama.

"Tell me, anong nangyari Ma? Bakit may mga bagay akong hindi ko natatandaan sa tuwing may nababanggit si Jenica? Si Gray Ma? Nagkita kami noon? Pumunta ba silang Antipolo galing Lucban?" Sunod sunod na tanong ko, ang babaw babaw ng mga tanong kong iyon pero pakiramdam ko ay napakalaking bagay noon dahil kumikirot ang puso ko. Kanina ay pinag wawalang bahala ko ang mga kwentuhan nila Jenica tungkol sa pag inom ko kasama sila Gray, pero nang bigla nalang nila akong hilahin pauwi ay naging isang malaking katanungan iyon sa isip ko na para bang naghahanap ng kasagutan.

Pero ni hindi ako nagawang sagutin ni Mama, sa halip ay nagpaalam na siya sa akin at pinagpahinga na niya ako. Hindi ako kumbinsido dahil wala akong natanggap na kasagutan mula sa kanya at hindi gusto ng utak ko iyon dahil sumasakit nanaman ito.

Huminga ako ng malalim at hinila ko ang sling bag na gamit ko kanina, nandoon ang notebook pero napakunot ang noo ko nang makita kong wala na doon ang kulay gray na isang bonet ko na dala dala ko kanina nang nagpunta kami sa bar. Luminga ako sa tabi ko at nandoon ang kulay pula pero hindi ko talaga makita yung gray.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon