SDTR: Kabanata 22

111K 3.4K 536
                                    

SDTR: Kabanata 22

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Si Sebastian, karga karga siya ni Dad pero nagpumilit siyang bumaba at tumakbo saka yumakap sa binti ko. Kunot noo akong pinagmasdan ni Dad at ni Mama, pero hindi ko magawang salubungin ang mga titig nila.

Kasunod ni Dad si Briana. Napahinto pa siya nang makita niya ako, pero bandang huli ay nakabawi rin siya.

Lumapit sila saamin.

"Mama Claire.." Masayang masaya ang boses ni Seb habang nakayakap sa binti ko! Nanginginig ang kalamnan ko, hindi ko alam kung ano bang tamang maramdaman ko. Am I just dreaming? Bakit nandito sila?

"Ma!" Tawag ko kay Mama, pero nag iwas siya ng tingin saakin. Para bang nahihiya si Mama na hindi ko maintindihan, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

Hinila ni Dad si Seb saakin, "Hey, bakit kilala mo ang Tita Claire mo?" Halata sa boses ni Dad ang pagkabahala, umiling iling si Seb at tinakpan niya ang bibig. Marahan siyang hinila ni Dad sa pagkakayakap saakin saka binuhat, inakbayan naman ako ni Dad at bumulong sa tainga ko.

"Let's talk." Pakiusap niya, titig na titig saakin si Briana na para bang nagwagi siya. Ikinuyom ko ang kamao ko at pilit kong pinipigilan ang panginginig ng lalamunan ko.

"Claire, isa din ito sa dahilan kung bakit bumalik kami ng Mama mo from Malaysia." Simula ni Dad, nagngingitngit ang katauhan ko. Kung ano man ang sasabihin niya mukhang hindi ko kakayanin at kailanman hinding hindi ko matatanggap. What the hell is happening? Another cliche story of my life?

"This is Briana," Patuloy ni Dad, ginamit ko ang buong lakas ko para titigan si Dad. Katabi ko si Mama at hinawakan niya ang kamay ko saka marahan na pinisil iyon.

"Magiging kapatid mo na siya." Patuloy niya, napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Gusto kong tumawa, muli kong tinitigan si Briana at halos hindi ko maisip kung bakit ngayon ko lang siya nakilala.

"This is so disgusting." Bulong ko na nagpagulat kay Dad, bakit ngayon lang nag sink in sa utak ko na siya ang nakita ko noon na kayakap ni Dad?! Tumayo na ako dahil ayoko nang marinig pa ang mga susunod na sasabihin niya. After all, umuwi lang naman sila dito hindi para saakin.

"Claire." Ma-awtoridad na tawag saakin ni Dad nang makatalikod na ako, mabilis akong humarap sakanya. Kung noon napigil ko pa ang galit ko kay Dad dahil sa panloloko niya saamin ni Mama, ngayon hindi ko na yata kayang kimkimin iyon!

"What? Patitirahin mo dito yang kabit mo?" Biglang bumagsak ang luha ko! Mabilis kong pinunasan iyon, napatingin saakin si Dad. Magsasalita na sana siya pero napansin niyang karga karga niya si Seb. Tumingin ako kay Briana pero kalmado pa rin siya, ni hindi ko siya makitaan ng kahit anong kaba o kahihiyan.

Ibinaba ni Dad si Seb at pumunta iyon kay Mama.

"What are you talking about?" Kunot noong sabi ni Dad, ngumisi ako ng mapait, nakakainis ayaw tumigil ng luha ko!

"H'wag na tayong maglokohan Dad, siya yung babaeng nakita ko noon. Na kayakap mo. Siya yung kabit mo hindi ba? Siya yung ipinalit mo kay Mama! Mas bata, mas magan--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at halos mayanig ang buong katauhan ko dahil sa lakas ng sampal ni Dad saakin! Napaatras si Dad nang dahil sa gulat. Hinawakan ko ang kanang pisngi ko at muli akong bumaling kay Dad, isang matalim na pagtitig ang ibinigay ka sakanya. Ramdam ko ang titig saakin ni Briana, at halos pigain ang puso ko nang marinig kong umiiyak si Seb at isinisigaw ang pangalan ko.

"Thank you so much sa pasalubong from Malaysia Dad, after 4 years." Ngumingising bulyaw ko na nagpagulat sakanya atsaka tumalikod na ako.

"Claire anak!!" Sigaw ni Mama at narinig kong sinundan niya ako sa kwarto ko! Panay ang buhos ng luha ko! Sa buong buhay ko ngayon lang ako napagbuhatan ni Dad ng kamay.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon