SDTR: Kabanata 46

148K 4.2K 454
                                    


SDTR: Kabanata 46

Claire,

I don't know, why are you doing this to me. Sa mga titig at yakap mo, alam kong nagbalik ka na. Sa mga haplos at ngiti mo alam kong naaalala mo na ako. Hindi ba dapat ay masaya ako?

Pero bakit hindi saya ang nararamdaman ko? I was trying to be happy, sa tuwing magkasama tayo, dahil ayokong maramdaman mo yung sakit na nararamdaman ko.

But, baby, this pain is too much. Why can't you trust me? Kung ano man ang tumatakbo diyan sa isipan mo, sana ay isama mo ako. I fucking want to be the part of your life. Kahit kaunti lang sana.

Bakit ba napakahirap manlimos ng pagmamahal mula sayo?

Pinilit kong punasan ang luha sa pisngi ko at isinara ko ang journal na kanina ko pa binabasa. Mabilis akong tumayo at tumakbo pababa sa sala.

Napahinto pa ako nang madatnan ko si Jenica, Jerome at Jamille doon sa sala kasama si Kuya Justine. Punong puno ng pag aalala ang mga titig nila, ngunit namuo ang hinanakit sa puso ko dahil alam kong simula't sapul ay nag sinungaling na sila sa akin.

Hindi tamang magalit ako sa pamilya ko, pero bakit yon ang nararamdaman ng puso ko. Marahas kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko at saka padabog akong naglakad palabas ng bahay.

"Claire!!" Sabay sabay na sigaw nila at narinig kong sinundan ako ng mga yapak nila. Hinila ni Jenica ang braso ko pero marahas kong tinabig iyon!

"Claire, gabi na!" Suway sa akin ni Kuya Justine pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy na akong maglakad palabas ng Subdivision at patuloy pa rin sila sa pagsunod at pag sigaw ng pangalan ko.

"Claire, naman! Delikado naman yang gagawin mo!" Sigaw sa akin ni Jerome, habang tumatagal ay mas lalong bumibigat ang puso ko, mas lalong nag uunahang bumagsak ang luha ko.

"Stop following me!" Umiiyak na suway ko sa kanila at mas binilisan ko ang lakad ko pero mabilis na akong nahablot ni Jenica sa braso ko at hinarap ako sa kanya.

"Ihahatid nalang kita! Saan ka ba pupunta? Kay Ethan?!" Sigaw niya sa akin, tinignan ko siya ng masama at umiling ako na para bang hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.

"Stop acting like you really care about me." Matigas na sambit ko na nagpa-estatwa sa kanya, pilit ko siyang tinignan ng matalim kahit na nilalabag iyon ng puso ko. Parang kapatid ko na si Jenica, pero bakit kailangang dumating yung panahong kamumuhian ko siya.

"Claire, alam mong mahal kita." Bumagsak ang luha sa mata ni Jenica.

"Ayoko lang masaktan ka." Patuloy niya na nagpatawa sa akin.

"Ayaw mong masaktan ako, pero anong nangyari? Nakalimutan ko ang lahat at mas pinili niyong maglihim sa akin kahit na alam niyong bandang huli masasaktan lang din ako!" Sigaw ko na nagpaiyak na rin kay Jamille at nagpakuyom ng kamao ni Kuya Justine at Jerome.

"Hindi siya ang tama para sayo!" Humahagulhol na sigaw niya sa akin, hinawakan na siya ni Kuya Justine sa magkabilang balikat.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon kung sino ang tama para sa akin!" Singhal ko sa kanya, parang paulit ulit na pinipiga ang puso ko dahil kailanman ay hindi ko naisip na magkakaganito kaming dalawa ni Jenica.

"Mahal ko siya, Jenica. Sobrang mahal na mahal ko si Ethan. Kaya parang awa niyo na, kahit ito nalang ibigay niyo na sa akin. Kasi, kung hahayaan kong mawala pa ulit siya sa buhay ko, hindi ko na alam kung paano ulit ako magsisimula." Patuloy ang pag agos ng luha sa mata ko at para bang walang balak huminto iyon.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon