SDTR: Kabanata 31

149K 3.5K 416
                                    

SDTR: Kabanata 31

Kanina pa ako paikot ikot sa harapan ng full body mirror dito sa guest room nila Jam. Naka-shorts at naka-bra lang ako ngayon habang kunot noong pinagmamasdan ang dreamcatcher tattoo ko. Mag aapat na buwan na rin nagiging pala-isipan sa akin ang bagay na ito sa tuwing matatapos akong maligo.

Hinaplos ko iyon pababa at bigla akong napahawak sa ulo ko nang kumirot ito! Damn it! Ito nanaman yung matinding pagkirot ng ulo ko, madalas sumakit ang ulo ko pero nitong nakalipas na dalawang araw ay sobra sobrang sakit nito at halos dalawahin ko na ang gamot na ipinapainom sa akin.

Mabilis kong hinalungkat ang bag ko upang hanapin ang gamot ko. Hingal na hingal ako nang sa wakas ay mainom ko iyon. Sumandal ako sa gilid ng kama at nakatitig pa rin ako doon sa salamin kung saan kitang kita ko ang napakalaking tattoo ko.

"Bakit hindi mo alam na may ganito ka, Claire?" Bigong tanong ko sa sarili ko, ipinikit ko ang mata ko at pilit pinapakalma ang kumikirot kong ulo.

"I understand, baby. Kaya mo yung sakit." Bulong niya.

Napasinghap ako nang lumapat ang labi niya sa labi ko! Nakakalasing ang pakiramdam na iyon. Ipinatong niya ako sa isang island ng kitchen at halos huminga ako ng malalim sa pilit na pag gising nang maramdaman kong pinisil niya ang dibdib ko!

Kunot noo kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. That was me in my dreams. At yung lalaking nasa panaginip ko magmula nang dumating ako dito kela Jam ay iisa. Pero malabo, malabong malabo ang kanyang mukha. Ang bilis ng pagkalabog ng puso ko, bakit pakiramdam ko ay may malaking parte ng buhay ko ang nawawala?!

Napatigil ako sa pagsuri sa sarili ko nang marinig kong may sunod sunod na pagkatok mula sa pintuan, mabilis akong tumayo at humila ng isang tshirt sa cabinet at tumungo sa pinto upang buksan.

Bumungad sa akin si Jenica na nakabihis na. "Di ka pa ready?" Tanong niya, tinalikuran ko siya at narinig kong pumasok siya sa loob.

Umupo ako sa kama at hinayaan kong bumagsak ang mga mata ko doon sa sahig. Nagyayaya silang pumunta sa 18BC Music Lounge para manood ng live band, ipapakilala daw kami ni Jam sa mga kaibigan niyang may banda.

"Bakit hindi ka pa nakabihis? Nakatulog ka nanaman ba? At ano 'to? Bakit nagkalat ang meds mo? May masakit ba sayo?!" Punong puno ng pag aalala ang boses ni Jenica, pero hindi ko magawang pansinin iyon dahil abalang abala ang isip ko sa ibang bagay.

Bakit may pakiramdam akong parang sasabog na ang puso ko ngayon? Bakit sobrang bilis ng tibok nito simula nang mapanaginipan ko ang lalaking iyon. Sino siya? At bakit sobrang hapdi ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya sa pagtulog ko.

Tinitigan ko si Jenica na ngayon ay abala sa pag aayos ng mga gamit ko. "Claire!" Hiyaw niya sa akin, diretso ko siyang pinagmasdan.

"May masakit ba sayo?" Ulit niya.

"Meron. Yung literal na pagkirot ng puso ko hindi maganda." Sagot ko sa kanya, nakipag titigan siya sa akin na para bang sinusuri niya ako. Bumaling ako sa pintuan at nang makumpirma kong nakasarado iyon ay marahan kong hinubad ang tshirt ko.

"Jenica, hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng ganito. May alam ka ba?" Gulong gulong tanong ko sa kanya, lumunok siya at umiling.

"You sure? Hindi ba palagi tayong magkasama." Huminga ako ng malalim. "Jenica, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga panaginip ko. Pero mayroong isang lalaki na palaging pumapasok sa pagtulog ko, at hindi biro ang sakit na nararamdaman nito." Hinawakan ko ang kaliwang bahagi ng dibdib ko.

Tinignan ko si Jenica at pansin ko ang pagkabalisa sa itsura niya. "B..baka sila Kuya Justine o mga pinsan nating lalaki?" Halos hulihin na niya ang mga salitang pinakawalan niya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon