SDTR: Kabanata 15

149K 3K 169
                                    

SDTR: Kabanata 15

Kanina ko pa pinagmamasdan sa malayo si Ethan, magmula kasi kagabi hawak na niya yung cellphone niya at mukhang may kinakausap siyang importante.

"Thennnnnn?" Napapitlag ako sa pagsigaw ni Seb kaya nagbalik ako ng tingin sakanya, nakaupo kami ngayon sa sand. "Ayun nga, sumugod yung mga monster sa castle ng Prince pagkatapos akala nila matatalo nila ang Prince, pero hindi nila alam may special power pala iyon!" Kinukwentuhan ko siya ngayon ng isang libro na nabasa ko sa pre-school, natutuwa ako dahil next sem ay mag o-ojt na ako at pagkatapos makakagraduate na ako.

"Anong special power niya?!!" Excited na sigaw niya magsasalita na sana ako pero napahinto ako nang biglang tumakbo palapit saamin si Ethan at kiniliti ng kiniliti si Seb sa tiyan! Panay ang hagikhik nito!  "Ang special power niya ay ang kilitiin ang makulit na bata!" Sigaw ni Ethan na may halong paghalakhak.

Pinagmasdan ko lang silang dalawa na ngayon ay punong puno ng buhangin dito sa beach dahil sa kaharutan nila, terno pa ang suot nilang beach shorts na sa tingin ko ay ginawa din ni France para sakanilang dalawa lang. Ang suot ko ring two piece ngayon ay ginawa daw ni France sabi ni Ethan, may dala dala nanaman kasi siyang damit na para saakin din.

Napahinto sa pakikipag laro si Ethan at bumaling saakin, tinignan ko siya ng buong pagtataka. Sandaling lumayo saamin si Seb at dinala yung mga laruan niya saka naghukay ng naghukay doon sa buhangin. "Seb! H'wag lalayo!" Suway ko sakanya, ngumisi siya saakin at tumango tango.

"Mukhang may kausap ka simula pa kagabi." Simula ko sakanya, ngumiti siya ng marahan. "Attorney ko." Sagot niya saakin, napatigil ako at tumingin sakanya.

"May laban naman daw ako, maaaring hindi valid ang kasal naming dalawa ni Briana dahil walang parents consent." Paliwanag niya, napakunot ang noo ko.

"How about France? Hindi ba siya ang tumayong magulang mo nung kasal?" Tanong ko sakanya, tumango siya bilang sagot.

"Yeah, nakausap ko na si France. Maaaring mapahamak siya sa paglilitis ng kaso, but I promised him na hindi ko siya ipapahamak." Paliwanag niya.

"Sasabihin mo na sa parents mo?" Usisa ko sakanya, nagkibit balikat siya. "I don't have a choice, kung gusto kong mapasaakin ka ng buong buo kailangan." Seryosong sabi niya na nagpakalabog sa puso ko.

"Pero hindi ko muna sasabayan ang problema ni Marcus, tatapusin ko muna yung problema niya kay Ara bago saakin." Paliwanag niya, tumango ako sakanya.

"Artista na rin pala si Marcus? Parang si Ara lang walang pasabi." Ewan ko sa tono ng pananalita ko alam kong nagtatampo ako kay Ara.

"Yeah. He asked me to help him, baliw na baliw kay Ara yung loko na yun. Buong unit pinalagyan ng camera sa mga staff ko sa tower." Ngumingising kwento niya na nagpalaki ng mata ko, nginitian niya ako ng sobrang lapad at kinindatan niya ako.

"Namimiss mo na ang best friend mo ano?" Nakatawang aniya, ngumuso ako at tumango. "Ibibigay ko sayo ang unit number ni Ara in one condition." Pilyong aniya na nagpakunot sa noo ko.

"What?!!" Sigaw ko sakanya, pero nginisian niya lang ako. Lumapit siya lalo saakin at bumulong sa tainga ko nang.

"Ipangako mong pakakasalan mo ako once na maayos ko na lahat ng ito." Halos mamula ang mukha ko dahil sa sinabi niya, napangisi din siya dahil napansin niya ang pamumula ko!

"Biro lang. Di kita mamadaliin, aayusin ko muna ang lahat. Sinisimulan ko na. Hintayin mo ako." Nakangiting pangako niya, hindi ko alam pero para kasi akong nabunutan ng tinik dahil sa ibinalita niya saakin tungkol sa attorney niya. Mali ba na magkaroon ako ng pag asa para saamibg dalawa?

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon