KEN'S POV
Maaga akong nagising kinabukasan ng birthday ni Alexa or should I say ngayon lang ako bumangon pero hindi ako nakatulog. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa nangyari kahapon Tumayo na ako sa kama ko at kumuha ng susuotin sa cabinet ko since magkikita pa kami ni Alexa. Naghahanap ako ng susuotin ng tumunog ang cellphone ko.
" Hello?" usal ko matapos kong sagutin ang tawag.
( Hello sir Ken, ako po yung inatasan niyong magbantay ng puntod ni Miss Sandra. Gusto ko lang po kayo sabihan na pinapatanggal na ng mga magulang ni Miss Sandra yung puntod niya dahil buhay daw ang anak nila.)
Natigilan ako sa sinabi ni Mang Kanor. So tama nga ako, si Cassie at si Sandra ay iisa. Pero bakit ngayon pa?
( Hello po sir, nandyan pa po ba kayo?)
" A-ah o-opo, marami pong salamat sa pagsabi sa akin," nauutal kong sagot sa kaniya.
( Sige po, Sir. Salamat po!)
Hindi na ako hinintay ni Mang Kanor na sumagot sapagkat pinatay na nito ang tawag. Bumuntong hininga na lamang ako. Malaking problema pag naunang masabi ni Sandra kay Alexa ang tungkol sa amin. Napahilamos na lamang ako ng mukha dahil sa iniisip ko. Napagdesisyunan ko na lamang maligo na dahil wala na akong magagawa kung hindi ipagtapat kay Alexa ang lahat. Papasok na sana ako nang banyo ng tumunog muli ang cellphone ko. Hudyat na may nagtext. Dinampot ko naman ito. Unknown number? Sino kaya ito? Binuksan ko na lamang ang mensahe niya.
Sent by Unknown Number: Love, it is me Sandra. I get your number from Tiffany. Let us talk, please.
Kumunot naman ang noo ko sa nabasa kong mensahe pero napabuntong hininga na lamang ako sapagkat alam ko na kailangan ko munang ayusin ang mayroon sa amin ni Sandra noon bago ko kausapin si Alexa lalo pa at magkakambal sila.
Sandra was my girlfriend way back in the States then of course I know that she has a twin. Pero hindi ko alam if identical ba sila or not since nababanggit lang siya ni Sandra sakin pero hindi niya nabanggit ang name even once.. Nagtataka nga rin ako ngayon kung bakit Sandra did not have the same surname with Alexa kaya hindi ko din nalaman noong una kong nakilala si Alexa na kambal pa sila. Even the information I have about her ay confidential ang tungkol sa kanilang magkakapatid. But since Sandra was declared dead of course I need to move on.
" Ken, di pa ba tayo papasok?"
Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Caleb. Nilingon ko lamang siya. Kumunot lalo ang noo ko na makitang nakasilip lamang siya sa pintuan. Anong trip ng lalaking ito?
" Mauna ka na. May dadaanan lang ako," Turan ko sa kaniya.
" Okay, susunduin ko pa si Rhea eh." Tugon niya saka sinara ang pinto. Tingnan mo yun, girls over friends na ang motto sa buhay.
Napailing na lamang ako sa inasta ni Caleb at dumiretso na sa banyo upang maligo. Makalipas siguro ang labinlimang minuto ay natapos na akong mag-asikaso kaya naman mabilis ko na ring tinungo ang school namin sa pamamagitan ng kotse ko. Pagkaparada ko ng sasakyan sa parking lot ay bumaba na rin ako upang puntahan si Alexa.
" Love,"
Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pamilyar na boses kaya napalingon ako. Nakita ko si Sandra na nakasandal sa kotse. Nilapitan ko siya.
" Love," tawag niya muli sa akin at sinubukan niyang lumapit sa akin. Marahil ay hahalikan niya ako sa pisngi sapagkat ginagawa niya iyon dati. Ngunit bago pa dumampi sa pisngi ko ang labi niya ay agad akong umiwas.
" What is wrong?" Takang tanong niya sa akin. Kita sa mga mata niya na nasaktan siya sa ginawa ko.
" Please stop calling me that. Alexa will not appreciate it if she heard you calling me that way," malumanay ngunit seryoso kong turan sa kaniya.
" W-what? I am your girlfriend. Why should I not call you that way?" Nasasaktang tanong ni Sandra sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.
" You were my girlfriend. Pero hindi na ngayon. Hindi porket bumalik ka ay may babalikan ka pa. You were declared dead two years ago," Seryosong turan ko sa kaniya saka tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.
" But you still love me, right? " nagsusumamong tanong sa akin ni Sandra habang sinusubukan niyang abutin muli ang kamay ko.
" Mahal ko ang kakambal mo. Mahal ko si Alexa," pag-amin ko sa kaniya. Alam kong masasaktan siya pero marami na ang nagbago ng mawala siya. It includes my feelings toward her.
" Do you love her? Or you just love her because we exactly look the same?" Matapang na tanong sa akin ni Sandra.
" Cassie, stop," ma-awtoridad na turan ko sa kaniya sapagkat hindi ko kaya na makitang nasasaktan ang babaeng minsan ko ding minahal.
" Cassie? You never called me like that," mapaklang ngumiti sa akin si Sandra. Nakita ko din ang pagkuyom ng kamao niya. Tila pinipigilan niyang umiyak kahit na nagtutubig na ang mga mata niya.
" Uulitin ko ang tanong Ken. Mahal mo ba talaga siya o nakikita mo lang ako sa kaniya?" Tanong niyang muli sa akin habang pinapakalma ang kaniyang sarili.
" Sandra," Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya.
ALEXA'S POV
" Ken," Tanging nausal ko dahil sa narinig ko. Si ate Cassie at si Sandra ay iisa?
Tila nagulat naman si Ken dahil napatalon ito ng bahagya saka lumingon sa akin. Samantalang, nakita ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ni ate Cassie pero agad din yung nawala.
" A-alexa ka-kanina k-ka p-pa di-diyan?" nauutal na tanong ni Ken sa akin.
" Totoo ba yung narinig ko? Tinawag mong Sandra si ate Cassie?" Matapang na tanong ko sa kaniya saka siya tiningnan sa mata.
" L-let m-me ex-explain," turan niya sa akin. Ngunit ang pagpulupot ng braso ni ate Cassie sa braso ni Ken ang mas napansin ko.
" Lex, magkakilala pala kayo? " Tanong niya sa akin habang nakangiti.
" O-oo, si-siya y-yung ipapakilala ko dapat sa iyo," tugon ko. Naguguluhan ako sa nangyayari.
" How? How did you meet my boyfriend?" Nakangiti niya pa ring tanong sa akin.
" Bo-boyfriend?" Nauutal kong tanong sa kaniya.
" Yes, siya yung kinukwento kong boyfriend ko sa States," Sagot niya. Napaawang ang labi ko sa sinabi ni ate Cassie at nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Dumako ang tingin ko kay Ken. Mukhang nagulat din siya sa sinabi ni ate Cassie.
" Sandra, stop!" ma-awtoridad na saway ni Ken sa kaniya saka tinanggal ang pagkakapulupot ni ate Cassie sa kaniya.
" Why? Wait, why are you crying?" Naguguluhang tanong ni ate Cassie. Nagpalipat-lipat din ng tingin si ate Cassie sa aming dalawa ni Ken. Ngunit nanatili akong tahimik na umiiyak. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
" Sandra, pwede bang iwan mo muna kami?" Mahinahon ngunit madiin na turan ni Ken.
" Bakit? May hindi ba ako alam?" Inosenteng tanong ni ate Cassie.
" Please," tanging nasambit ni Ken. Tila naman nag-uusap sila sa mata.
" Fine, but call me okay? Hindi na ako makapaghintay na ipakilala ka sa parents ko," nakangiting sambit ni Cassie sa kaniya. Ouch! Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon?
Mas lalo akong nasaktan ng mabilis na hinalikan ni ate Cassie si Ken sa pisngi sa harap ko. Kahit mukhang nagulat si Ken sa ginawa ni ate Cassie ay hindi maaalis sa akin ang katotohanang narinig ko. Lumapit naman sa akin si ate Cassie,
" Call me once done na kayo mag-usap ng boyfriend ko para makauwi na tayo," madiin na bulong niya sa akin habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Tumango na lamang ako sapagkat si Ken ang gusto kong makausap.
" Okay, see you later, Love, lex," paalam niya sa amin saka lumakad palabas ng parking lot,
Ilang minuto ding tumahimik ang paligid matapos umalis ni ate Cassie. Sa sobrang tahimik ay naririnig ko ang pag-echo ng mga hikbi ko.
" Lex," tawag sa akin ni Ken at sinubukan niya akong hawakan. Marahas kong pinahid ang mga luha ko.
" Huwag kang lalapit sa akin," ma-awtoridad kong turan sa kaniya.
" Alexa, just let me explain, okay?" pagsusumamo niya. Kita ko rin ang sakit sa mga mata niya.
" Totoo ba ang lahat ng sinabi ni ate Cassie?"
ITUTULOY!