Mad and Vicious: Empress Vilan

By axisixas

12.3K 794 32

They said don't make a deal with a god. I did. Now look at me. I am bonded with one. This is a story of ho... More

Mad and Vicious: Empress Vilan
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21 (Season Finale)
Part Two
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37

Kabanata 17

194 23 2
By axisixas

Vicious

Second semester sinubukan kong kunin ang mga subjects na meron si Vilan na pwede kong kunin.

Iba ang curriculum namin. Mas maiksi ang panahon namin mga prinsipe sa academia kaysa sa normal na estudyante. Yun ay dahil wala kaming general subjects na di naman namin kailangan.

Paborito ako ng mga intructors.

Pano ba 'yan? Hirap talaga maging gwapo.

Umupo ako sa tabi ni Vilan. Pumahalumbaba at tinitigan siya.

Tumaas ang kilay niya sa akin.

"Ginagawa mo?" bulong niya.

Napangiti lang ako at nagkibit-balikat.

Nagsimula na kanina pa ang klase at hindi ko naman kailangang makinig para makasapasa.

Tumikhim lang siya at binalik na ang atensyon sa professor. Seryoso siya sa pag-aaral. Hinahabol niya ang mga salita ng professor at sinusulat iyon. Ni hindi ko mabasa ang sulat niya kaya natatawa ako.

Napansin ko yung pagkunot ng noo niya kapag hindi niya nahabol yung salita, sa natataranta niyang mata na nakatuon sa pisara, sa pagtapik ng dalawa niyang daliri sa notebook niya.

Napakurap ako nang tumama sa ilong ko ang basura na binato ni Vilan.

Irita ang mukha niya at bumalik ulit sa pagsusulat. Napansin kong medyo namumutla siya kasi may mga nakaligtaan siya sa sinabi ng professor.

Hindi pala basura. May nakasulat sa papel na binato ni Vilan.

Binasa ko:

Pwede bang imbes na panoorin mo ako, sundan mo yung lesson ng prof? Tapos pakopya ako.

Napangiti ako. Ang pangit niya magsulat. Muntikan ko nang 'di maintindihan. Tinago ko ang papel pagkatapos tupiin.

Masyado namang seryoso 'to si Vilan.

Sabihin niya lang sa akin kung gusto niyang mapasa ang subject na 'to. Kakausapin ko ang guro.

If she asked for someone's head on a platter. I would give it to her. Magsabi lang siya.

Pero ayon nga. Gusto niyang makinig ako at magtake ng notes. Gagawin ko.

Nagdouble take pa siya bago marealized na nakikinig na ako sa tinuturo ng prof.

Ang gara naman pala ng lesson. Pilospikal. Wala akong maintindihan.

Sumunod na buwan. Naging kaibigan ni Vilan ang isang Academy Guards.

Hindi siya nakikipag-usap sa akin pero magdamag niyang ginugulo yung guard?

Ano 'yon Vilan? May gusto ka ba sa guard na 'yon na mukhang 'di naliligo?

"Your Highness. Nakayuko ka na naman. And pwede ho bang tigilan niyo na kakangatngat sa kuko mo?"

Agad kong inayos ang posture at hindi pinansin si Jaan. Puro sermon lang alam.

"Your Highness? Gusto mo bang iutos ko na ipwesto ang guard na 'yon sa malayong parte ng academia?"

Napalingon ako sa kan'ya.

"Bakit ngayon mo lang naisip 'yon?" sigaw ko sa kan'ya at tumayo at pumalakpak.

Pinanood ko lang sila habang umalis naman si Jaan para ata gawan ng paraan ang naisip at binilin ako sa malapit na guard para bantayan. Psh. Kaya ko naman mag-isa.

Bakit ba ang daldal ni Vilan? At bakit hindi pa bumabalik sa pwesto yung guard na 'yon?

Napasabunot ako sa buhok.

"Your Highness? Okay lang kayo?"

"Mukha ba akong hindi okay?"

Tumahimik na nga ang guard.

Dalawang buwan ang nakalipas. Talaga bang seryoso si Vilan na magpapanggap kaming hindi magkakilala? Hindi patas 'yon!

Nakasibangot ako habang pinapanood na binubogbog si Vilan ng lalaking kalaban sa duelo. Isa ito sa mga klase na kinuha ko.

Pinili siya nung lalaki dahil patpatin siya at sobrang putla na parang hihimatayin makakita lang ng ipis.

Parang nakalimutan din ng mga tao ang rumor na ginawa niya kay Lady Sarika kaya ayan. Nandiyan siya sa sitwasyong 'yan.

Sa tingin ko walang proper training sa pakikipaglaban si Vilan kumpara naman sa kalaban niyang kumpleto ang muscle sa katawan combine pa sa difference ng lakas ng lalaki sa babae ay syempre bugbog si Vilan.

Si Jaan na akala ay may lihim akong pag-ibig sa babaeng 'yon ay hindi mapakali.

"Wala ka bang gagawin, Fifth Prince? Hindi ka ba naaawa?"

Natatawa lang ako sa itsura niyang nagpapanic.

"Halt!"

Napatigil ang lahat sa lakas ng boses ko. Nagbow ang lalaking kaduelo ni Vilan sa gawi ko.

Ni hindi ko kailangang tumayo para makuha ko ang atensyon ng lahat.

Dinira ni Vilan ang dugo sa bibig. At lihim na tinapunan ako ng masamang tingin. Ha!

"Fifth Prince?"

As if a fool showing a newly discovered trick.

Tumubo ang patulis na silver mula sa kinapupwestuhan ko papunta sa pwesto ng nagduduelo. Palaki ito nang palaki at patulis nang patulis. Vilan rolled over para maiwasan ang huling talim. The earth has metals yes but not every ground has it. So I created it from nothing.

"Isn't it pretty?" tanong ko pero para kay Vilan lang naman talaga ang tanong na 'yon. 

Nang hindi siya sumagot ay unti-unti kong ginawang ice ang silver. Hindi ko rin alam kung paano ko nagagawa iyon. 

Ang alam ko lang whenever I conjure this power. Something in me pays for every power I produce. 

Hanggang sa sumabog ito in bits of ice at tinamaan ang iba. 

One thing I like about this power is its decorative beauty. It entrances people somehow. But they penetrate through the skin to bones. 

Hindi ko pa nasusubukan sa tao pero nasubukan ko na sa sarili ko. I bled inside when I tried to hurt myself using this power. And then that part inside shattered and my skin to bones erupted like frozen pieces of metallic silver. 

And that was my left arm. It healed in minutes. 

I felt like a god. 

And it's getting in my head. 

Vilan was impressed at lalo akong yumabang. I want her to see more. Gusto ko siyang bumilib at humanga sa akin. 

Pinigilan ako ni Jaan nang mapansin niyang itatas ko ulit ang kamay para ituloy. And he knows that stance I was ready to do more or maybe impale someone. 

Ah. Now I crave her attention. 

I want her to see me. 

Inutusan ko si Jaan na ipadala ang isang mensahe kay Vilan. 

Sana dumating siya kasi maghihintay ako. 




Continue Reading

You'll Also Like

78.3K 5.3K 44
(DISCONTINUED) Seven years ago, there were four kings who ruled in domecastle. They were known as 'the great four kings', they have everything that p...
41.9K 1.6K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
302K 10K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...