BLIND DATE | COMPLETED |

By Bb_BlossomHearts

2.2K 207 15

They say mapagbiro ang tadhana. At sa dinami-dami ng taong pwede netong paglaruan tayo pang dalawa. Will we w... More

CHAPTER 1: WRONG START
Chapter 2: Girlfriend
Chapter 3: No Choice
Chapter 4: His Rules
Chapter 5: Project
CHAPTER 6: GHOST OF THE PAST
CHAPTER 7: CHAT MESSAGE
CHAPTER 8: A DAY WITHOUT HIM
Chapter 9: ALEXANDER LIM
KABANATA 10: LOVE QUARREL?!
KABANATA 11: MAN TO MAN TALK
KABANATA 12: NURSE KEN
KABANATA 13: RECONCILIATION
KABANATA 14: MR. AND MS. BEU
KABANATA 15: LOVE SICK
KABANATA 16: NEW PROBLEM?!
KABANATA 17: THE OLD ALEXA IS BACK
KABANATA 18: NEW STUDENT
KABANATA 19: BROKEN VOW
KABANATA 20: THUG OF FEELINGS
KABANATA 21: PROTECT
KABANATA 22: A SANDAL AND A KISS
KABANATA 23: CONCERN
KABANATA 24: SEE YOU?
KABANATA 25: STRESSFUL DINNER
KABANATA 26: DISCOVER
KABANATA 27: FIGHT
KABANATA 28: HIS PLEAD
KABANATA 29: CONVERSATION
KABANATA 30: LAST REHERSAL
KABANATA 31: CONFUSE
KABANATA 32: CORONATION NIGHT
KABANATA 33: SABOTAHE
KABANATA 34: Q AND A
KABANATA 35: MIXED EMOTION
KABANATA 36: OUR NEW MR. AND MS. BEU
KABANATA 37: CELEBRATION PARTY
KABANATA 38: MS. CHEATER BEU
KABANATA 39: LIVING IN TRUTH
KABANATA 40: THE PLAN
KABANATA 41: CAMPING
KABANATA 42: STRANDED
KABANATA 43: FEELINGS
KABANATA 44: PAGPAPALAYA
KABANATA 45: BIRTHDAY PLAN
KABANATA 46: BIRTHDAY SURPRISE ( PART 1)
KABANATA 47: BIRTHDAY SURPRISE ( PART 2)
KABANATA 48: SHE IS ALIVE
KABANATA 50: FALLING APART
KABANATA 51: KNOWING THE TRUTH
KABANATA 52: CONFRONTATION
KABANATA 53: WHAT HAPPENED IN THE PAST
KABANATA 54: FORGIVENESS
KABANATA 55: SACRIFICE
KABANATA 56: I LOVE YOU, GOODBYE
KABANATA 57: HOMECOMING
KABANATA 58: WHERE IT STARTED
KABANATA 59: ONE MORE CHANCE
EPILOGUE: THINGS WENT RIGHT, FINALLY!
AUTHOR'S MEMOIR

KABANATA 49: CONFUSION

20 1 0
By Bb_BlossomHearts

ALEXA'S POV

" Hi, Alexa! "

Napatayo ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali pero paano? Maging ang mga bisita ay nagsimula na ring ilibot ang kanilang mga mata. Maya-maya ay nakarinig kami nang tunog ng heels papasok ng venue.

" Long time no see, my twin," sambit ng babaeng pumasok na mayroong kaparehang desinyo ng aking damit maliban na ang kulay ng damit ko ay puti habang ang kaniya ay itim.

Lahat ay napasinghap ng makita siya. Nag-umpisang mag-unahan ang luha sa mga mata ko. Maraming katanungan sa isip ko ngunit ang nagawa ko lamang ay hawakan ang aking mga labi dahil sa pagkabigla ng makita siya. Hindi ba ako nanaginip?

" Ate Cassie," halos pabulong kong tawag sa pangalan niya pero alam kong maririnig ng lahat iyon sapagkat nakamikropono ako.

Naisin ko man lumakad papunta sa kaniya ay nanlalambot ang aking mga tuhod. Totoo ba talaga lahat ito? Buhay ba talaga siya? Pero paano?

Napahinto ako sa pag – iisip nang makita ko na patakbong lumapit si mommy sa kaniya pati na rin si daddy at niyakap siya. Rinig na rinig sa buong venue ang hikbi ng aking ina ng mayakap niya si Ate Cassie.

" Princess," tawag sa akin ni Kuya Sebastian.

" Kuya..." paos kong tawag sa kaniya.

Inalalayan niya ako na makababa sa inuupuan ko at inakay papunta sa exit ng venue. Gayundin ang ginawa ni Kuya Xander sa mga magulang ko. Nagpatuloy lamang ako lumuha habang dinadala nila kami sa hotel room namin.

XANDER'S POV

" Long time no see, my twin," Napatayo ako nang makita kung sino yung dumating. Imposible, buhay ba talaga siya? Pero ang sabi ng awtoridad ay patay na siya.

Agad kong nilingon ang kinaroroonan ni Alexa. She was too stunned to move. Lalapitan ko na sana siya ngunit naunahan na ako ni Sebastian kaya naman sila tita at tito na lang ang nilapitan ko.

" Tita, tito, let's go to your hotel room first," suhestiyon ko sa kanila habang inaalalayan si Tita na tumayo habang si tito naman ay inalalayan si Cassie na tumayo sapagkat napaupo din siya kanina ng yakapin siya ni Tita.

" That will be a good idea, Xander. Please take care of this event," utos ni tito. Tumango naman ako ngunit bago ko lumapit sa emcee ay inalalayan ko muna si Tita palabas ng event hall.

Tinapik lang ako ni tito sa balikat at saka lumapit sila Alexa at Sebastian. Sama-sama silang pumasok sa elevator kasama ang mga personal guards ng pamilya. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata ng bisita ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at saka lumapit sa emcee.

" Tell them that the event is over. They can stay here to eat or leave immediately," bulong ko sa emcee. Tumango naman ito kaya mabilis akong tumakbo palabas ng venue at sumakay ng elevator. I need to know what happened to her. Paanong buhay siya at lumitaw after almost 2 years?

JAMES' POV

" Ate Cassie," mahinang bulong ni Alexa ngunit sapat upang marinig ko. Napatayo ako dahil sa pangalang tinawag niya. Hindi maaari! Ganitong paraan niya pala gustong bumalik sa buhay ni Alexa. Ano ang gagawin ko? Paano ko poprotektahan si Alexa sa mismong kakambal niya?

" Ladies and gentlemen, according to the family ng birthday celebrant, the event is over. You can still enjoy the food as much as you want and do not forget to get some souvenirs before you leave the event hall. Thank you for coming and take care," Anunsyo ng emcee. Pagkatapos ay umalis na rin ito. Ayun na rin ang naging signal ko upang umalis sa event hall.

Palabas na ako sa hotel ng makita ko si Tiffany na nakasandal sa kotse ko.

" Anong ginagawa mo dito?" naiinis kong turan sa kaniya.

" Chill! May pinabibigay lang sa iyo si Cassie," turan niya saka inabot sa akin ang itim na envelope.

" Ano to?" tanong ko sa kaniya.

" Ewan ko. Basahin mo na lang. May mata ka naman eh," pagtataray niya saka ako nilagpasan. Inis ko namang binuksan ang envelope na ito.

" Time is up! I will decide her life, now! "

Ayan ang nakasulat sa envelope. Tsk! Nababaliw na talaga ang babaeng yun. Paano ko mapoprotektahan si Alexa ngayon?

KEN'S POV

" Long time no see, my twin," Rinig kong sambit ng pamilyar na boses kaya napatayo ako. Lumingon ako upang hanapin kung nasaan siya. Nang makita ko siya ay hindi ko maigalaw ang katawan ko. Paano nangyari to?

" Ate Cassie," Lalo akong nabato at napasinghap sa sinambit na pangalan ni Alexa. Siya yung Cassie na kinukwento sa akin ni Alexa.

Tila hindi nagsisink-in sa akin ang nagaganap. Nakita ko na lamang ang parents ni Alexa na tumatakbo papunta sa kaniya at umiiyak na hinagkan ang babaeng iyon. Pagkatapos ay inalalayan ni Xander sila palabas ng event hall.

" Ladies and gentlemen, according to the family ng birthday celebrant, the event is over. You can still enjoy the food as much as you want and do not forget to get some souvenirs before you leave the event hall. Thank you for coming and take care," Anunsyo ng emcee.

" Bro, tara na,"

" Ken," Napapitlag ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Caleb kasabay nang paghablot niya sa kamay ko.

" A-ah, o-oo, ta-tara n-na," nauutal kong turan sa kaniya.

Inalalayan naman ni Caleb si Rhea na gaya ko ay mukhang nagulat din sa nangyari. Paglabas namin ng hotel ay dumiretso na rin kami sa kotse ko. Kinuha ni Caleb ang susi sa akin at siya na ang nagmaneho. Idinaan muna namin si Rhea sa bahay nila at nang masiguro namin na kumalma na siya ay nagpaalam na rin kami.

Pagdating namin sa condo namin ni Caleb ay pabagsak akong umupo sa sofa. Hindi pa rin kasi nagsisink-in sa akin ang nangyari kanina. Ibig pa lang sabihin ay kakambal niya si Cassie na akala ko dati ay sort of like her bestfriend lang. Pero, ang mas nakakabigla ay...

" Totoo ba talaga yung nakita ko? Kamukhang kamukha siya ni Alexa at tinawag pa niya si Alexa na twin. Higit sa lahat..."

" Stop, Caleb!" Pag-awat ko sa kaniya dahil nabibingi ako sa sigaw niya. Mas tinalo niya pa ang babae.

" How could I stop, Ken? She exactly look like ---"

ITUTULOY!

Continue Reading

You'll Also Like

5.9K 203 7
Totoo nga bang kapag nagkagusto tayo sa isang tao ay hindi na natin ito kayang pigilan? Well, I guess so. Like Celine who liked Samuel in the very fi...
66.6K 2.8K 27
Commitment and marriage are serious matters. The moment you decide to commit yourself to marriage, you have to deal with the difficulties and fallout...
1.7K 675 55
COMPLETED | RAW/UNEDITED "I met you as enemy but ended up being your forever." Everleigh Carter is an ordinary new student at Parker High and only wa...
Toxic Love By _Miss_C

General Fiction

27.3K 465 50
Aleena is the type of girl who will give everything to the one she loves, even this means breaking her heart and soul. She's the type of girl who wil...