Mad and Vicious: Empress Vilan

By axisixas

15.2K 863 40

They said don't make a deal with a god. I did. Now look at me. I am bonded with one. This is a story of ho... More

Mad and Vicious: Empress Vilan
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21 (Season Finale)
Part Two
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38 (Full chapter)

Kabanata 3

583 33 0
By axisixas

Mad

Tagilid ang ama. On edge siya ilang araw na dahil ngayon ang pasahan ng mga aplikasyon para sa posisyon ng First Hand. Kaya ako ang napagbubuntungan niya ng stress. Sigaw siya nang sigaw. Galit siya sa mundo kaya galit siya sa akin.

Sinampal na naman niya ako dahil lahat ng bagay naiirita siya.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo 'wag kang titigil sa pag-aaral kahit na nasaang parte ka ng bahay?"

Kumakain ako ngayon. Ayoko ng magbasa. Sumasakit na ang ulo ko. Kanina pa akong umaga nagbabasa. Naduduling na ako. Umiikot na ang mga letra at wala na kasing pumapasok sa utak ko.

Masama lang akong nakatingin sa sabaw na wala na namang ni karne o kanin dahil sinasanay niya ang katawan ko na walang pagkain. Sabi niya balang araw papasalamatan ko siya dahil baka dumating ang araw na magkaroon ng giyera at kulang sa tubig at pagkain.

Hindi ko makuha ang konsepto niya. Masasanay naman akong walang pagkain kapag mismong giyera na. Pero ngayon bigyan niya man ako ng kanin.

Tumango na lang ako at kinuha na ang libro at bumalik para ubusin ang sabaw pero pagbalik ko wala na ang sabaw. Para akong mangungunyapit sa galit.

Gutom na gutom na ako. Ayoko ng magfasting. Gusto ko nang manakit. Napansin kong aalis na siya dahil dala niya na ang sumbrero at isang journal. Mangunguha na ng impormasyon 'yan sa sentro bago magpasa ng aplikasyon.

Kaya habang wala siya pumunta ako sa silid niya.

Maaliwalas ang bahay namin. Masyadong maring bintana kaya minsan mahangin minsan sobrang init na singaw ng labas. Ang mga puting kurtina ay humahangin at diretso ang pasok ng araw sa silid niyang may balkonahe.

Matunog ang yapak ko sa kahoy na sahig. Kinuha ko kung saan nakatago ang aplikasyon niya. May tatlo siyang kopya. Kinuha ko rin ang iba pang papeles na susuporta sa dokumento niya para sa aplikasyon niya.

Pinunit ko ang tatlong papel na naglalaman ng personal niyang detalye. Hindi ko mapunit ang iba pang dokumento kaya sinindihan ko iyon.

Nagwala rin ako sa silid niya. Nagsisigaw ako. Sa gutom, sa pagod at sa bwisit. Pinagtatapon at pinagbabasag ko ang mga natirang ornamento na galing pa sa kanununuan niya.

Hinahanap ko sa buong silid niya kung may ekstra pa siyang kopya para sirain din. Wala na. Ang gulo ng silid aklatan niya. Nilabas ko ang posporo.

Susunugin ko pa sana ang buong silid aklatan niya nang dumating na si Mang Mao narinig niya siguro ang mga sigaw ko sa galit at ang mga nagkalat at nabasag na gamit.

"Jusko, Miss Mada. Huminahon ka."

Tinapon ko na ang kahon ng posporo at iniwan siya. Mamaya pa uuwi ang ama at gusto kong makita kung gaano siya mamilipit sa galit oras na makita niya ang nangyari sa silid at sa aplikasyon niya.

Kaya lumabas muna ako sa plantasyon, at nakita ko na naman ang batang kalbo. Tumakbo ako papunta sa kan'ya. Hindi ba sinabihan ko nang papatayin ko siya oras na makita ko siya ulit na nandito?

Napansin kong napaatras siya nang makitang kumakaripas ako ng takbo. Pero hindi siya tumakbo. Naghanap ako ng bato nang malapit na ako sa kan'ya.

"Tinaggal ko lahat ng bato. Wala kang magagamit sa akin!"

Nakita ko kung paano niyia sinusubukang magmatapang.

"So, bakit nandito ka na naman? Hindi ba binantaan na kita?"

Natahimik siya at lumingon sa monasteryo. Kinamot niya ang braso niya saka tumingin sa akin. Na parang sinasabi na mas okay na harapin ako kaysa bumalik doon.

Lumapit ako sa kan'ya takot siya pero nanatili siya sa kinatatayuan.

"Parte ka ba ng monasteryo?"

"Monasteryo? Ang alin, ayon? Ministeryo 'yon hindi monasteryo," pagkontra niya.

Pinilig ko ang ulo ko.

"O tapos? Pareho lang 'yon."

"Magkaiba 'yon. Paanong magkakaroon ng monasteryo dito kung pinagbabawal ang relihiyon?"

Natahimik ako. Mali ako? Simula bata ako akala ko monasteryo yung nasa paanan ng bundok. Hindi pala? Magkaiba ang monasteryo sa ministeryo? So mali ako ng rinig noon sa mga tao?

Oo nga naman, pero malaki kasi ang kutob ni ama na merong isang relihiyon na sinasamba ng Emperor, tinatago niya lang raw kasi ayaw niyang ipaalam ito sa mundo dahil gusto niya siya lang ang pagpapalain ng kung sinong diyos ang sinasamba ng emperor.

"Oh, eh bakit tumatakas ka? Ano bang meron sa ministeryong 'yan?"

"Bago ka lang bang nakatira dito?" tanong niya. Umiling ako.

"Hindi mo alam na Jade Ministry ang nakatayo dito?" Dismayado ang mukha niya at hindi makapaniwala sa akin.

"Marami akong mas importanteng alalahanin."

Umirap na lang siya sa akin at nagulat ako.

"Ang Jade Ministry ang pundasyon ng Emperyo. Hindi ba 'yon naituro sa paaralan mo?"

"Hindi pa ako nakakapasa sa Merumdel."

Napakunot siya ng noo.

"Teka ilang taon ka na ba?"

"16. Bakit?"

"Kaedad lang kita! Bakit mas matangkad ka sa akin?" Gulat na gulat siya. Wirdo.

Mukha siyang maliit pero ilang sentimetro lang naman ang liit niya sa akin.

"So, anong ginagawa niyo d'yan sa Jade Ministry? Minahan ba 'yan?"

Tumawa siya nang malakas. Tumingala ako para maghanap ng mangga. Meron akong nakita. Mabilis kong inakyat iyon at binato sa kan'ya. Natigil siya sa pagtawa at nang makita ang binato sa kan'ya ay lalo siyang natuwa.

"Wow, salamat! Ang bait mo naman. Pero hindi 'yan minahan. Hindi rin monasteryo. Bakit wala kang alam sa mundo?"

"Oh eh, ano nga? Kaya nga ako nagtatanong hindi ba?"

Tiningnan ko ang ministeryo. Kita kong halos tinatago ito ng malalawak na puno na hagdan lang nito ang nakikita. Yung hagdan pa lang parang wala ng katapusan.

"Iba-iba. D'yan pinoproseso ang mga Jade Artifacts. Mga bago at lumang kultura. Hawak ng ministeryo ang pangkalahatang agrikultura ng emperyo."

Kung ganoon pala, malaki pala ang sakop nito. Tiningnan ko ang plantasyon, hindi ba delikado ang ama dahil sobrang lapit lang ng lugar ng negosyo sa isang branch ng gobyerno?

"Ako naman ay kasali sa pag-aaral ng doktrina ng ministeryo. At gusto ko ng umalis."

"Bakit naman?" Hindi ko mapigilang maging curious.

Umiwas siya ng tingin at sinabing, "Hindi ko lang gusto ang doktrina nito."

Bumalik na ako sakto sa bahay at naupo ako sa usual na upuan ko sa lamesa. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa at pag-aaral kahit na mas excited ako sa magiging reaksyon ng ama.

Nadatnan ni ama si Manong Mao na pinipilit ayusin ang mga binasag at ginulo kong silid-aklatan.

"Mada Vilan Kesegi!" Buong pangngalan ko na ang sinigaw ng ama na tila parang naging malutong na mura.

Lumalawak na ang ngisi ko. Konti na lang tatawa na ako. Nang makita ng ama ko na nagpipigil akong tumawa ay parang pinipilit niyang pigilan ang galit dahil alam niyang mas lalo akong mananalo.

Pulang-pula siya.

Hanggang sa nagsisigaw ang ama. Nagwala siya. Pinaghahampas niya ang kahoy na dingding. Pinagbabalibag niya ang mga malapit sa kan'ya.

Hindi ako tumawa pero satisfied ako sa reaksyon niya.

"Nasaan ang mga dokumento?! Nasaan mo dinala, Vilan!" sigaw siya nang sigaw na tipong naiiyak na siya.

Gusto kong magdiwang.

Hindi ko siya kayang saktan, hindi ko siya kayang sigawan dahil pinalaki akong ganito. Pero ginutom niya ako at tinapon ang sabaw ko. Hindi niya ako binibigyan ng kanin o kahit gulay man lang ilang buwan na. Hindi niya ako pinagpapahinga sa pag-aaral kahit dalawangpung oras na akong nagbabasa.

Mamaya ay mag-eensayo pa ako gamit ang kahoy at hahampasin na naman iyon. Pagod na ako ayoko ng ganitong buhay.

Sinampal ako ng ama. Pero nanatili ako sa kinatatayuan. I steeled my back. Hindi ako natumba kahit parang ang sampal niya ay doon niya nailagay ang buong galit niya.

"Nasaan Kesegi Vilan?! Nasaan?"

Hinampas niya na ang metal na tungkod sa gilid ko. Natikman ko ang dugo sa labi ko sa sampal niya kanina.

"Mao, kunin mo ang latigo."

Ngumiti lang ako at binigay sa ama ko ang piraso ng sunog ng mga dokumento at hinulog ko rin ang abo sa sahig.

Tapos kumirapas na ako ng takbo nang nakita kong pabalik na si Manong Mao.

"Mada Vilan!"

Nang madaling araw ay bumalik ako sa bahay ay sunog na lahat ng gamit ko. Nadatnan ko si Era na nagwawalis.

"Bakit mo naman kasi ginawa 'yon, Miss."

Lahat ng sa tingin ng ama ko importante sa akin sinira niya. Akala niya lang 'yon. Lahat ng meron ako simula maliit hanggang sa pinakamalaking material na bagay ay disposable sa akin. Nasanay ako na pwedeng mawala ang lahat ng pagmamay-ari ko. Kaya tiningnan ko lang ang mga abo at mga punit na mga bagay sa silid ko at umupo na sa kama.

Nakita kong hindi niya sinira o pinunit ang mga dress na binigay ng mga Miss. Iniwan niya rin ang mga damit at bagay na kakailanganin ko para sa estado niya.

Umalis na ang ama at si Manong Mao. Ginawan siguro ng paraan kung paano makakapasa pa rin ng aplikasyon.

Continue Reading

You'll Also Like

15.1K 481 48
Isang babaeng walang ginawa kung hindi ang magbasa nang magbasa. Sabi nila ang pagbabasa ay isang mabuting gawain. Pero sa sitwasyon niya, isang dal...
241K 9.8K 53
[COMPLETED] Unfortunately, he died early without money or fortune, pero totoo ang kasabihan na hindi mo madadala ang mga iyon sa hukay, cause not eve...
72.8K 3K 60
"All this kindness and where did it get me? It turned me blind." -Morana Viole Fleur ______________________ Copy pasted from WRAWA so expect some...
213K 11.3K 46
What if bigyan ka ng chance ng tadhana para makilala yung favorite character mo? What if there's a chance na mapasaya mo yung favorite character mo n...