Mad and Vicious: Empress Vilan

Od axisixas

15.2K 863 40

They said don't make a deal with a god. I did. Now look at me. I am bonded with one. This is a story of ho... Více

Mad and Vicious: Empress Vilan
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21 (Season Finale)
Part Two
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38 (Full chapter)

Kabanata 1

1.5K 41 1
Od axisixas

Mad

Sinarado ko ang Mírame ang librong higit na pinagbabawal na ariin, aralin at itago sa buong emperyo ng Maran. Sinunog ang lahat ng kopya nito noon, at hanggang ngayon may kamay ang gobyerno para patigilin ang pag-ikot ng mga natirang kopya ng Mírame.

Dito rin kasi nakalagay sa libro ang turo ng pinagbabawal na relihiyon sa buong emperyo na kapag nalaman nilang inaaral at sinusunod mo ito ay matinding kaparusahan ang kapalit.

Sinarado ko na ang libro at isinilid nang marahan sa loob ng isa pang libro. Binuklat ko naman ang isa pang libro dahil pakiramdam ko aangat na ng tingin ang ama.

Kailangan kong pumasa sa susunod na pangkalahatang eksaminasyon sa National Merumdel. Mahirap makapasok rito dahil anak ng mga opisyales at pinakamatatalino lang ang nakakapasok dito. Ito rin ang pinakamalaking akademia sa Emperyo ng Maran.

Kanina pa ako nakaluhod sa asin. Sobra na yung hapdi. Masama lang akong tumingin sa gawi ng aking ama kung nasaan nagbabasa siya ng mga gawa ng mga tanyag na scholar at mga naunang adviser para makapasok siya sa politika.

Kakamatay lang ng huling First Hand ng emperor sa hindi malamang pangyayari at nagbukas ang Central Administration para makapagpasa ng aplikasyon ang kung sino mang nais na maging susunod na First Hand ng emperor.

Suminghal ako. Sa tingin ba ng ama ko makakapasok siya? Hamak na merchant lang siya. Ni hindi nga rehistrado ang negosyo siya, gusto niya ba talagang ipakain kami sa great white sharks na nasa Diro? Diro ang pinakamalalim na kulungan sa emperyo. Wala pang nakakalabas ng buhay doon.

Pakiramdam ko nagsisimula nang dumugo ang tuhod ko. Ayoko na.

"Mada Vilan." Sa pagkasambit ng ama ko sa pangalan ko ay siyang dahan-dahan akong tumayo.

Hindi ko hinawakan ang tuhod na pakiramdam ko nang pagkatayo ko ay pumasok pa ang asin sa sugat ko. Huminga akong malalim para patigasin ang sikmura ko at para pigilan ang luha sa gilid ng mata ko.

Lumapit ako sa ama ko, ang salamin niyang sobrang baba na sa ilong niya ang una kong napansin. Basag ang kabilang salamin niya dahil tinamaan ng bala ang salamin ng cargo namin nang maraid kami at tumama ito sa salamin niya.

Ni hindi ako nilingon ng ama. Patuloy siyang nagbabasa. Matalino siya. Sobrang talino niya. Pero kailanman hindi niya nagamit sa tama ang talino niya.

"Sisiguraduhin mo bang makakapasa ka na sa exam? Alam mong kailangan mong makapasok sa Merumdel para maging solido ang aplikasyon ko."

Tumango lang ako.

"Nasaan si Era? Naipakita niya ba sa'yo ang susuotin mo sa tea party ng anak ng Sector Governor?"

"Nasa plantasyon siya."

Hanggang sa tumama sa mukha ko ang likod na palad niya. Hindi pa rin ako nasasanay kaya muntikan akong matumba. Dumugo ang labi ko at humampas sa mukha ko ang hanggang panga kong buhok.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na 'wag mong bawasan ang ensayo mo? Bakit hindi pa rin metal ang katawan mo?"

Punto niya dahil hindi siya natuwa na medyo nawala ang balanse ko nang sampalin niya ako. Bukod kasi sa pag-eensayo para pumasa sa mga tea party etiquette, at ball dances na naubos na ata ang ipon niya dahil sa mahal ng bayad sa instructor ay sa gabi kailangan kong maging mas malakas pa sa lalaki pagdating sa pakikipaglaban.

Sumusuka na ako ng dugo. Paano ko ba naman kasi mababawi ang lakas ko kung puro sabaw ng manok ang pagkain ko? Ni wala mismong karne at kanin.

"Paumanhin, ama."

Bumalik na siya sa binabasa.

Pumanik na nga ako at nadatnan ko ang pangalawang dress na meron ako. Sinampay ko muna iyon. Umupo na ako para magsimulang mag-aral ulit. Kaso napalingon ako sa dress.

Hindi man nila ako kukutyain sa naulit na dress, kukutyain naman nila ako sa pangit ng kulay at disenyo nito. Kulay yellow ito na sobrang tingkad. Parang lagpas na ang edad ko sa disenyo at sa uso.

Ang pangit talaga pumili ni Era ng damit. Pinikit ko ang mata nang may maramdamang mahapdi..

Nakalimutan ko ng hugasan ang tuhod na may asin kaya pumunta ako sa labas. Naghuhugas ako ng sugat nang mapansin ko na naman ang batang lalaki. Siguro kaedad ko siya, hindi ko alam pero ilang araw na siyang nalalagi sa bakuran ng plantasyon.

Ang pangit kasi ng pwesto ng plantasyon, katabi no'n ay isang monasteryo, nasa paanan ng bundok ang bahay namin.

Batang monghe siguro. Hindi ko alam. Pero kalbo kasi siya.

"Ano na naman bang ginagawa mo rito?" sigaw ko sa kan'ya.

Medyo malayo ang maliit na balon sa bahay. Mas malapit ito sa gitna ng plantasyon. Ang plantasyon ay literal na pinagpaplantahan ng kung ano-anong bulaklak, ang iba ay kapag dinikdik, nagiging gamot, pabango, o hallucinogen, ang iba pagnapasobra ay nagiging droga. Mistulang taniman lang pero iba na kapag titingnan mong maigi.

Korap ang District Chief namin kaya bigyan lang ng kaunting 'panlibang' na nanggaling sa katas ng mga bulaklak ay masaya na 'to at hindi na pinapakialaman kung ano mang tunay na negosyo ng ama.

"Bakit ang pangit mo lagi kapag nakikita kita?"

Sa sinabi niya ay pumulot ako ng bato at ibinato iyon sa kan'ya. Hindi niya inaasahan ito at natumba siya sa pag-ilag.

"Sorry na! Sorry na!" sigaw nito.

Lumapit ako sa kung nasaan siya at nagmistulang tore ako nang tumayo ako sa kung nasaan siya.

"Ulitin mo yung sinabi mo?" May hawak pa rin akong bato.

Unang beses kong nakahawak ng bato, ay inutusan ako ng ama ko na ihampas ito nang paulit-ulit sa dating sekretarya ng ama na muntikan na siyang isuplong. Ayokong gawin 'yon. Pero mas malala ang parusa sa akin kapag hindi ko hinampas nang paulit-ulit ang ulo ng traydor hanggang sa mamatay ito.

Sabi ng ama, pinalalakas niya lang ang loob ko. Ang sabi ko sa sarili ko, kapag nagpatuloy 'to mawawala ang pagiging makatao ko. Pero ano nga bang magagawa ko? Wala, hawak niya ako sa leeg at hindi ko kayang suwayin siya dahil ganito niya ako pinalaki.

"Hindi ka pangit!"

Nakita kong pinipilit niyang maging matapang kahit na gusto nang makawala ng hikbi niya. Naalala ko ang sarili ko saglit sa kan'ya kaya binaba ko ang malaking batong hawak na ipupukpok ko sana sa ulo niya.

Naihi na siya sa takot. Tiningnan ko lang siya.

Hindi ako makaramdam ng awa. Simula iyon ng unang beses kong makapatay ng tao hanggang sa paulit-ulit akong pinilit na kumitil ng buhay. Doon ko napagtanto na alam ng ama ko na wala akong awa.

Empathy, kaya kong gayahin iyon kung kinakailangan, madali lang naman gayahin lalo na lagi kong nakikita iyon sa mukha ni Manong Mao, tagapagbantay sa plantasyon.

Naupo na lang din ako sa gilid nung lalaki.

"Nahihibang ka na ba? Paano kung napatay mo ako ng bato? Ihahampas mo ba talaga iyon sa ulo ko?"

Nagpunas siya ng luhang umalpas. Natawa ako sa kan'ya, unang beses may hindi tumakbo ng sobrang bilis nang tabihan ko.

O baka hindi kaya ng tuhod niya.

Ang panghe na niya.

"Anong pangngalan mo?" tanong ko.

"Vic," sabi niya. Galit pa rin ang mata pero nandoon ang takot at mangha.

Nakakatuwa naman siya. Light brown ang kan'yang mata.

"Ang ikli naman."

"Hindi ko pwedeng sabihin ang buong pangalan ko."

"Bakit? Hinahanap ka ba ng otoridad?"

Masama siyang tumingin sa akin.

"Oo, parang gano'n na nga."

Tumayo na ako.

"Sa susunod 'wag ka ng bumalik dito."

"Sa isang linggo kong pumupunta rito ngayon mo lang ako kinausap," sabi niya.

"Oo, dahil binabantaan na kita. Kapag nahuli kitang palagi-lagi ulit dito, itutuloy kong ihampas sa ulo mo ang bato."

Dahil doon napatayo siya at kakaripas sana ng takbo kaso nadapa siya sa takot. Lumingon siya sa akin, may mapang akusang tingin. Hiyang-hiya siya sa sarili dahil naamoy niya ang sarili.

Bumalik na ako sa loob at sinuklay ang itim kong buhok na sobrang ikli hindi man lang umabot sa leeg ko.

Bago mag alas sais pinaghahampas ng ama ang metal na tungkod sa kahoy na sahig at nagsisigaw na handa na ang karo para ihatid ako sa lupa ng Sector Governor.










Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

21.7M 798K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
167K 7.8K 60
Andrea Castillo is an orphan who loves to cuss. Everyday is a cussing day for her and she loves it whenever she see how people's faces contorted upon...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
938K 32.9K 55
Haily Constello is an orphan who lives alone and who loves to make a mess. But an unexpected accident happened that changed her life. She got reincar...