Must Have Been The Wind (3G S...

By Maecel_DC

6.1K 780 16.1K

Must Have Been The Wind (3rd Generation Series #1: Jeremiah Laze) Description: "Laze handa ka na ba?" Natigil... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue

Chapter 17

74 11 164
By Maecel_DC

Hakuna Miran's Point of View.

Habang nakaupo sa terrace ay nagtataka kong sinulyapan si Laze ngunit nakalahad na ang palad niya sa harapan ko at nandoon ang cellphone niya. "Call your mom." Nag-aalangan kong tinanggap 'yon at sinunod siya.

Pero hindi 'yon sinagot kaya tinawagan ko si Yamato, this time ay sinagot niya na. "Hello, Kuya Laze."

"Ako 'to." Mahinang sagot ko.

"Ate, napano ka? Nakita ko tumawag ka sa akin kanina." Huminga ako ng malalim at kinwento sa kaniya ang nangyari at dahil doon ay galit na galit na naman siya sa kabilang linya.

"Tinetext kasi kita ate kanina na huwag ka na umuwi, hindi mo po yata nabasa. Nakakainis talaga si Tito Jubal kailan ba siya kukunin ni Papa Jesus." Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko sa sinabi niya.

"I-Ikaw naman kung ano-ano sinasabi mo—"

"He'll go in hell, not up there." Nanlaki rin ang mata ko sa pagsingit ni Laze at alanganin na tumawa.

"HAHAHAHAHAHHAHAA totoo kuya—"

"Yamato." Nambabanta kong tawag sa pangalan niya.

Ni-loudspeaker ko 'yon para makapag-usap rin ang dalawa hanggang sa biglang nagsalita si Yamato. "Ate wala ka ba talagang gusto kay Kuya Laze? Gwapo naman siya—"

"Yamato ano ba.." bahagyang namula ang mukha ko at hindi masulyapan si Laze na blangkong nakatingin sa akin.

"Hindi ka kinikilig sa kaniya? Talaga—"

"Yamato!" Singhal ko at mabilis na pinatay ang tawag, ginagawa niyang awkward ang lahat, inabot ko na 'yon kay Laze at hindi siya sinulyapan man lang.

"Get rest." Mahinang sabi niya kaya tumayo ako at sinundan siya, maya-maya ay huminto kami sa isang kwarto na hindi naman malayo sa kwarto nila.

"Rest ka na ate, knock ka na lang sa doors namin pag may need ka po." Tumango ako at ngumiti.

"Thank you Jami." Ngumiti siya at napangiti ako lalo ng kumaway pa siya bago paatras na naglakad at dumeretso sa kwarto niya.

"G-Goodnight." Mahinang sabi ko kay Laze na nakatayo sa harap ko, tumitig siya sa akin at tumango lang bago ako tinalikuran. Pagkapasok ko sa kwarto ay nayakap ko ang sarili sa lamig ngunit namangha ako ng makita ang malambot na kama.

Kinaumagahan ay sinamahan ako ni Laze umuwi sa amin. "What are you planning?" He asked, naglalakad pa lang naman kami papalapit sa bahay.

"Syempre uuwi na baka mapahamak pa sila mama." Nakangusong sagot ko.

Hindi na siya sumagot at sinamahan akong maglakad pero nang makauwi ay halos mapaatras ako kaagad ng humagis ang bag sa harapan ko, nagulat kong tinignan si mama na mukhang galit. "B-Bakit po?" Si Laze ay nanatiling tahimik sa likuran ko.

"Lumayas ka, lumayas ka ng pamamahay ko!" Bahagyang umawang ang labi ko sa biglaang pagsigaw ni mama, sinulyapan ko si Tito Jubal na tahimik na umiinom ng kape.

"M-Mama bakit po? A-Ano pong nagawa ko mama?" Nagtataka kong tanong at lalapitan na sana siya ngunit dumapo ang palad niya sa pisngi ko.

"Lumayas ka na at huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa akin! Huwag ka ng umuwi!" Nagwawalang sigaw niya kaya naluha ako habang hawak ang pisngi.

"M-Mama." Sinubukan ko siyang lapitan ngunit tinulak niya ako dahilan para maiyak ako sa harapan niya.

"M-Mama bakit po? A-Ano pong nagawa k—"

"Ang kapal ng mukha mong bata ka! Ikaw na 'tong inampon at inaruga pati ang Tito Jubal mo aahasin mo pa!" Nanlaki ang mata ko at nabuo ng pagtataka.

"Lumayas ka! Ilayo layo mo sa akin 'yang sarili mo! Hindi ako nagpalaki ng batang katulad mo!" Sigaw niya kaya naman hinanap ko si Yamato pero wala siya sa paligid.

"M-Ma.. A-Ano po bang sinasabi mo? A-Ampon po ako?" Gitil ko, sinubukan ko siyang hawakan pero pinigilan ako ni Laze.

"M-Mama.."

"Galit ka lang po 'di ba? Mama." Masama ang tingin niya sa akin.

"Ilayo mo sa akin 'yan, ilayo mo!" Sigaw ni mama kaya wala akong nagawa kundi umiiyak na lumabas ng bahay.

H-Hindi niya ako tunay na anak? P-Pero sabi niya bunga ako ng pagmamahalan nila ni papa?

Buhat buhat ni Laze ang bag ko ngunit blangko pa rin ang emosyon niya. Napaupo ako sa gilid ng bahay namin at yumuko sa sarili kong tuhod. Hindi ko maawat ang mga likidong tumutulo mula sa mata ko, panay ang hikbi at singhot ko.

"Psst." Natigilan ako at tiningala ang sumitsit sa akin mas napanguso ako ng makita ang mukha ni Laze at ang palad niyang nakalahad. "Let's go?" Mas napahikbi ako at tinanggap ang kamay niya.

Bakit ganoon?

Hindi ko alam kung saan niya ako dinala pero nanatili akong tulala. Hanggang sa makita ko ang cafe, napaupo ako sa harapan niya at tsaka ko isinubsob ang mukha ko sa mesa.

"You can stay with us while finding a home." Ngumuso ako lalo sa suhestyon niya.

"B-Bakit ganoon? Ganoon ba ako kamalas?" Nanlulumo kong tanong.

"Let it sit for a week, then try to make peace with your mom." Nalulungkot akong tumanaw sa labasan ng cafe, hindi ko na alam ang gagawin.

"A-Ampon ako?" Pabulong na sabi ko.

"Your mom told you tha—"

"Laze ang manhid mo naman talaga." Napipikon na sabi ko. Halata naman na nagulat siya pero ang emosyon niya ay ganoon pa rin.

"Manhid?" He asked.

"Yeah, numb. Numb, you are numb." Masama ang loob kong sabi.

"Well, you can say that since it doesn't hurt me. Maybe I'm numb." Nang sumangayon siya at hindi nainis ay mas nairita at napikon ako.

At dahil nga wala akong matuluyan ay malungkot akong sumama sa kaniya pauwi, nagulat naman ang grandparents niya. "Hmm are you two dating?" Nanlaki ang mata kong tinignan si Sir Vince.

"H-Hindi po." Mabilis kong sagot.

"Miran, what happened to you?" Kauuwi lang pala nila galing Palawan.

"A-Ano 'yan bakit ka may pasa sa leeg?" Lumapit si Ma'am Miyu sa akin ay hinawakan 'yon kaya nahihiya akong lumunok.

"She doesn't want to let us know, lola. Let her be." Walang emosyon na sabi ni Laze.

"Naku.."

"Alright, I won't ask. That's so bothering, have you set an appointment to a doctor?"

"Ayos na po ako Ma'am Miyu. Pasensya na po." Bahagya akong yumuko.

"It's okay, It's alright." Sagot niya at ngumiti, nag-aalala pa rin ang tingin sa akin.

"Apo let her rest," nakita kong pasimpleng itinulak ni Sir Vince si Laze kaya naman hinintay ko si Laze na samahan ako.

"Thank you po." Pagpapasalamat ko sa grandparents niya.

Sandali akong natulala ng sa terrace niya nila ako dalhin. "Are you sad?" Tanong niya kaya ngumuso ako.

"H-Happy siguro," sarkastikang sabi ko.

Sinamahan niya muna akong tumambay sa terrace nila kaya naman hinayaan ko ang sarili na mag-isip.

Makalipas ang ilang araw ay hinanda nila kami sa college ball, nanlumo ako lalo dahil hindi naman kami okay ni mama pero obligado kaming pumunta to meet our seniors.

"You'll just need to wear a dress, not a ball gown like Belle from Beauty and the Beast." Ngumiwi ako sa sinabi ni Laze.

"Sabi mo eh."

"You've change." Biglang sabi niya dahilan para matigilan ako sa paglalakad at titigan siya.

"U-Uhm ibig mong sabihin?" Nagtatanong kong sagot pero pinagkrus niya ang braso sa harapan ko.

"You're not shy anymore, you've become fierce. Is it because I am your friend?" Nahiya ako at alanganin na tumawa.

"H-Hindi?"

"Hindi naman syempre, w-wala lang ako sa mood." Napakamot ako sa sintido dahil bigla akong nahiya.

"You sure?" He asked.

"Sus, concern na concern sa akin. Crush mo talaga ako 'no?" Sa paghakbang ko papalapit sa kaniya ay napaatras siya kaya napangiti ako.

"I can't read any expression, but I guess silence means yes?" His lips slightly opened due to what I've said impulsively.

"You think so Miran?" Sa pagsabat at bahagyang pagyuko niya ay ako ang napaatras ng dal'wang beses dahil magiging magkalapit ang mukha namin, bahagyang nag-init ang mukha ko at tinitigan siya.

"No, I was just kidding." Mabilis kong bawi at tinapik siya sa braso tapos ay sumenyas na maglakad na kami dahil gumagawa na kami ng eksena sa malaking daan rito.

Nang may maalala ay natigilan ako at hinarap si Laze. "Sunduin mo na si Bullet, may nakalimutan ako sa locker! Ingat babye!" Malakas na sabi ko at itinulak siya tapos ay tumakbo ako pabalik sa locker.

Pagkatapos kong kunin ang wallet ko sa locker ay nagmamadali rin akong bumalik sa main gate, patakbo dahil makakalabas na ng ospital si Bullet. Habang inaayos ko ang pagkasuot ko sa bag ay may nakabanggaan ako at sabay kaming nagulat at tumilapon sa sahig.

Ngunit ng magkatinginan kami ay sabay kaming napangiti kaya natawa ako at tumayo kaming dalawa. "Sorry, hindi kita nakita." Mabilis na sabi ko.

"Ako rin, sorry. Inaayos ko kasi yung gamit ko dahil kaka-transfer ko lang." Napansin ko ang mahaba niyang buhok kaya ngumiti ako.

"Uhm what's your name?" Nakangiting tanong niya, maganda siya at tama lamang ang kutis. Pero ang buhok niya ay may kulay ito sa ibaba at sa taas ay black na.

"Miran, Hakuna Miran." Inilahad ko ang kamay at dahil doon ay tinanggap niya 'yon.

"Janella Gonzales. Nice meeting you!" Napangiti ako ng mukhang masaya siyang nakilala ako pati na sa pamamaraan niya ng pakikipagkamay sa akin, para siyang tuwang tuwa.

"Never akong nagkaroon ng friend, maybe we can have each other's number?" Ngumiti ako at tumango tango bilang sagot.

We exchanged our phone numbers and then left each other with a nice goodbye. Pumasok na rin ako sa cafe at doon na hinintay sila Bullet, matapos kong magtrabaho ay gabi na naman ng mag-out ako.

"Miran!" Nalingon ko si Jem sa kaniyang pagtawag, ngumiti ako at hindi na nagsalita.

"Saan ka ngayon? Bus stop?" Tanong niya kaya umiling ako.

"May hinihintay lang ako." Nakangiting sagot ko pero ang totoo ay si Laze ang hinihintay ko sabi niya kasi ay dadaanan niya kami ng driver niya.

"Hatid na kita sa inyo?" Ngumiti ako at umiling.

"Sa susunod na lang Jem, may iba pa kasi akong pupuntahan." Ngumiti siyang muli at tumango.

"Kung ganoon, mag-iingat ka sa pupuntahan mo. Delikado ang gabi sa mga babae, pwede ko ba makuha yung number mo?" Mahina kong nakagat ang labi sa kaniyang tanong at tumango.

"Eto." Ipinakita ko sa kaniya 'yon at tinipa niya naman sa cellphone niya, sandali pa siyang tumayo sa tabi ko at ng makita na si Laze ay binati niya ito.

"Good evening Sir Laze." Tumango lang si Laze at habang nasa loob siya ay binuksan niya ang pinto at bumalik sa pwesto niya.

Sumakay na ako at kinawayan si Jem. Umalis na ang sasakyan namin, nang makarating sa kanila ay naunang bumaba si Bullet kaya nakangiti ko siyang pinanonood. "Oppa! Kakain na bilis!" Senyas ni Jami at kinawayan rin ako.

Sa sobrang bait ng pamilya nila ay kahit mga katulong nila sa bahay ay kasabay rin nila kumain kung kaya't hindi ako gaano nailang. "Kumusta pakiramdam mo hija?" Napatingin ako kaagad kay Ma'am Miyu na nakatingin sa akin.

"O-Okay naman po Ma'am Miyu."

"Hindi ba sumasakit yung ulo mo? Nagpa-check up ka na ba?" Ngumiti ako at umiling.

"Okay lang po ako ma'am." Paninigurado ko.

"Stay here if you're still in bad terms with your mom, alam mo ba when I was in your age. Lumayas rin ako at tumira sa bahay nitong si Vince, sobrang sumama kasi ang loob ko dahil hindi ko maramdaman na mahal niya ako tulad ng noon." Napangiti ako ng mag-open ito sa amin.

"Moms can be harsh sometimes but we'll all learn from our mom. Just be patient and understand them, yung mga parents nila? Naku naging pasaway at sutil rin sa akin." Napangiti ako habang si Sir Vince ay natatawa.

"Yung magulang kasi ni Laze bata pa lang magkakilala na, sa totoo lang nasa sinapupunan pa lang ang mommy niyan pinangakuan ng ikakasal." Natuwa ako at mukhang kinilig naman si Jami.

"Mommy and daddy are still sweet, they never change a bit." Jami added, smirking.

"Arrange marriage po?" Tanong ko.

"Of course not, we'll not arrange our kids for our own sake. Pinili nila ang mapapakasalan nila." Sagot niya mukhang masayang binabalikan ang nakaraan.

Kinaumagahan ay tinext ko si Janella, siya yung na-meet ko kahapon si Janella Gonzales. Hindi ako sumabay kay Laze dahil balak naming kumain ni Janella ng sabay hanggang sa matanaw ko siya ay masaya niya akong kinawayan kaya kumaway ako pabalik.

Ang ganda niya, sobrang ganda niya. Mapungay rin ang mga mata niya, nang makalapit ay kumapit siya kaagad sa braso ko. "I know we've just met but I am really excited that you're my friend!" Pakiramdam ko ay nalusaw ang puso ko ng makita kung gaano siya ka-sincere.

"T-Talaga?"

"Oo kaya! I just got home last week galing states since yung dad ko may business dito mas pinili niya na lang bumalik kami after so many years." Ngumiti ako at tumango.

"Ang ganda mo mare!" Hinawakan niya pa ang buhok ko.

"Huwag mo akong bolahin, baka maniwala ako Mareng Janella." Umawang ang labi niya at natawa.

"Mareng Hakuna maganda ka, tanggapin mo 'yon kasi maganda ka talaga. No lies," wika niya. Higit na mas matangkad siya sa akin ng ilang centimeters pero ang lambing niyang kaibigan.

"So saan tayo kakain? Ay anong class ka pala?" Kwestyon niya.

"Engineering ako." Pahabol niya.

"Archi!" Nanlaki ang mata niya at naturo ako.

"Oh my god! Pwede tayo maging friend company in the future!" Ngumiti ako at tumango tango.

"Dahil diyan kukunin kitang architect ng bahay ko at ako ng bahala sa bahay mo." Masaya akong tumango muli at kumapit rin sa braso niya.

"Gaan ng pakiramdam ko sa'yo mare, ginayuma mo ata ako." Biglang sabi niya kaya natawa ako.

"Grabe ka naman parang sinasabi mo namang ang saya-saya mo sa akin, hahahahahahaha!" Nagtawanan kami hanggang sa makarating sa cafeteria.

"Kinakabahan na ako mare! First day ko ngayon!" Sambit niya ay napaupo sa harapan ko habang hawak hawak ang dibdib niya.

"Liit ng boobs ko Mareng Hakuna—"

"Uy! Marinig ka." Sita ko at dahil doon ay natakpan niya ang bibig at natawa.

"Ang weird na kasi pakinggan pag Mareng Miran itatawag ko sa'yo, pag Mareng Hakuna naman parang ang haba, pero woah alam ko na Mareng Kuna?" Masayang suhestyon niya kaya natawa ako.

"Hay nako ikaw bahala, ginawa mo akong crib ng bata." Natawa siya at inabutan ako ng drinks.

"Ang cute kaya, at least ako lang ang tatawag sa'yo no'n 'di ba? Tawagin mo na lang akong Nella!" Tumango ako at kumain na.

"Pwede, Mareng Nella?" Ngumiti siya at nag-thumbs up.

"I have a cousin here eh, she's also an architect student. Mabait siya, I'm sure pwede kayo maging friends." Ngumiti ako.

"L-Lahat kasi ng classmates ko ayaw sa akin, isa lang ang kumikilala sa aking kaibigan doon." Sagot ko.

"Maraming sections baka magkaibang section kayo kasi malabong hindi ka niya gustuhin." Sagot ni Janella at ngumuya na.

"Sana nga." Sagot ko naman.

"Ewan ko ba sa students rito, medyo masasama ugali. Mga isip bata pa, tinalo pa nila yung makukulit na daga." Ngumisi na lang ako at kumain na.

"Kain tayo ulit mamaya? Deal?!" Tumango ako.

"Sure! Pero may work ako sa cafe, masarap ang foods doon at sulit!" Natigilan siya at may nilingon sa magkabilang paligid kaya napatingin rin ako doon.

"May pogi ba Mareng Kuna?" Nanlaki ang mata ko at natawa.

"Marami naman." Nanlaki rin ang mata niya at napapalakpak.

"Nice! G ako doon later!" Natawa kaming dal'wa. Pagkatapos mag-umagahan ay pumasok na kami sa kanya-kanyang mga klase, chinika pa niya ako ng chinika sa text bagay na ikinatutuwa ko.

Nang makapasok sa room ay naupo ako malapit sa tabi ni Laze. "Kumusta?" Tanong ko.

"I waited for you." Nangunot ang noo ko sa biglang hirit niya.

"Saan?" Ang tingin niya ay nabaling sa akin ng sandaling magtanong ako, he both hels his hands and stare at me blankly.

"You left early, I was about to ask you to go school with me and have breakfast." Hindi man nababasa at nakikita ay tila nagmamaktol siya.

"B-Bakit naman?"

"Never mind." Gitil niya bigla at binuksan na ang libro niya, hindi niya na ako pinansin kahit anong kulit ko sa kaniya.

Tinotopak ba siya? Bakit niya ako isasabay sa umagahan? Parang hindi si Laze, sinaniban yata ng mabait na elemento.

///

"She's your cousin?"

@/n: Any thoughts? Sorry for late update! Keep safe!

Continue Reading

You'll Also Like

213K 3.7K 40
* Ken Chan - Rusty * Katrina Halili - Lilet * Lharby Policarpio - Wendell * Kiko Estrada - Andy * Enzo Pineda - Buddy * Wilbert Ross - Kris * Anjo Da...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
131K 1.7K 39
He left you with no reason. But what if, one day he came back and begged for you to stay with him for 100 days? Is it a deal or no deal?
41K 3.5K 37
[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin an...