Forced Marriage to a Billiona...

By Marieseda

69.3K 1.4K 71

Ellaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera da... More

P R O L O G U E
C H A P T E R 1
C H A P T E R 2
C H A P T E R 3
C H A P T E R 4
C H A P T E R 5
C H A P T E R 6
C H A P T E R 7
C H A P T E R 8
C H A P T E R 9
C H A P T E R 10
C H A P T E R 11
C H A P T E R 12
C H A P T E R 13
C H A P T E R 14
C H A P T E R 15
C H A P T E R 16
C H A P T E R 17
C H A P T E R 18
C H A P T E R 19
C H A P T E R 20
C H A P T E R 21
C H A P T E R 22
C H A P T E R 23
C H A P T E R 24
C H A P T E R 25
E P I L O G U E
SPECIAL CHAPTER [SPG]

SPECIAL CHAPTER

3.5K 83 27
By Marieseda

Humahakay pa si Ellaine nang lumabas sa kuwarto, wala na si Tristan sa tabi niya nang magising kaya dumeretso siya sa kuwarto ng anak nilang si Axel na himbing pang natutulog.

Magulo ang kuwarto nito dahil nakakalat pa ang mga laruan sa sahig. Sinara niya ulit ang pinto at naglakad pababa sa hagdan. Nasalubong niya naman si Ellish at agad itong naglambing sa paa niya kaya binuhat niya ang alagang pusa ni Tristan.

Bumaba sila at nagtungo sa kitchen, naabutan nila si Tristan na busy sa pagluluto kaya inilapag niya ang pusa sa sahig at agad na nilapitan ang asawa habang nakatalikod.

“Good morning,” bati niya sabay yakap sa likuran nito, agad naman itong napalingon at hinarap siya.

“Ba't ang aga mo? Gusto mo ba ng kape?” tanong ni Tristan.

“Yes please, nagising kasi ako wala ka na sa tabi ko.”

“Maupo ka na, magtitimpla na ako ng kape mo.” Naghilamos muna si Ellaine bago naupo.

“Sorry nga pala kung hindi kita matulongan sa gawaing bahay, ang dami ko kasing ginagawa sa company. Hindi ko tuloy kayo maasikaso ni Axel.” Nalulungkot niyang sabi, sa totoo lang dapat naman talaga ay siya ang nag-aasikaso sa mag-ama niya pero mas gusto ni Tristan na ito ang mag-asikaso sa kanila.

Naging hands on ito kay Axel at sa gawaing bahay simula noong baby pa ang anak nila hanggang ngayon.

Inilapag ni Tristan ang kape sa mesa bago pinisil ang pisngi niya.

“'Di ba sabi ko naman sa iyo, okay lang sa akin at masaya ako sa ginagawa ko. Saka hindi mo na rin naman kailangan magtrabaho, pinahihirapan mo lang sarili mo d’yan sa kompanya niyo.” Paliwanag nito, at tama si Tristan dahil malaki ang savings nito at may mga negosyo na ring naipatayo.

“Wala nang aasahan si Dad kung ‘di ako at si ate na lang, saka para rin naman sa inyo ni Axel itong ginagawa ko.” Sagot niya at nahihiyang nag-iwas nang tingin kay Tristan.

“Alam ko naman iyon, naiintindihan kita. Kaya nga mas pinili kong pagsilbihan kayo ni Axel, at hindi ako magsasawang alagaan kayo, okay?”
nag-angat ulit siya nang tingin at pinagmasdan ang asawa niya sabay ngiti. Ngayon niya lang napansin na nakasuot ito ng apron kaya nadagdagan ang paghanga niya rito.

“Iniisip ko lang kasi na baka nahihirapan ka na, lalo pa at ayaw mo nang may kasamang maid dito sa bahay. Baka napapagod ka na, hindi mo lang sa akin sinasabi.”

“Hindi ako napapagod. I enjoy being a handsome full time husband.” Pagpapapogi nito kaya hindi na naalis ang ngiti niya sa labi.

“Mukha naman talagang masaya ka d'yan, sige i-push mo 'yan.” Biro niya, tumalikod na ito at inasikaso ulit ang niluluto.

“Siya nga pala, kumusta si Axel sa school?” tanong niya habang nakatalikod si Tristan at panay ang halo sa niluluto, tinakpan muna iyon bago humarap ulit sa kanya.

“He's good at academics and activities, marami na rin siyang friends at maraming may crush sa anak mo. Kanino ba magmamana? Siyempre sa akin,” pagyayabang ni Tristan kaya napaismid siya. Inubos niya lang ang kape at tumayo na.

“Saan ka pupunta? Maghahanda na ako ng breakfast, malapit na 'to.” Tanong ni Tristan.

“Maliligo na muna ako, baka ma-late ako e, don't worry, dito ako mag-aalmusal.”

“Okay bilisan mo, gigisingin ko na rin si Axel pagkatapos ko rito.” Pahabol ni Tristan, pagdating sa kuwarto ay hinanda niya sa kama ang isusuot at pagkatapos ay dumeretso na sa banyo para maligo.

Matapos magbihis at ayusin ang sarili ay lumabas na siya sa kuwarto at pinuntahan ang anak nila. Naabutan niya roon si Tristan na ginigising na si Axel pagkatapos ay pinulot ang mga laruang nagkalat sa sahig. Nang bumangon ang anak nila sa kama ay agad niya itong nilapitan at kinarga kahit na sobrang bigat nito. Malaki at malusog na bata kasi si Axel.

“Maybe I should put an alarm clock here in your room para hindi ka na kailangang gisingin ng daddy mo. You're a bigboy now Axel, you also need to learn how to organize your toys. Kapag nagawa mo iyon, I have a surprise for you,” natutuwa niyang sambit at hinalikan ito sa pisngi.

“Okay Mom, I will help dad.” Ibinaba niya naman ito at tinulongan si Tristan sa pagliligpit ng mga laruan. Matapos iyon ay lumabas na rin silang tatlo at dumeretso sa dining area.

“What did your classmates say to your dad?” tanong niya kay Axel habang kumakain sila nang agahan.

“Sabi nila ang pogi raw po ni dad, even teacher Clarisse, knows him because my dad used to be a celebrity daw.” Madaldal na sagot ni Axel.

“Hmmm, talaga lang ha? Wala bang lumalapit sa dad mo kapag hinahatid at sinusundo ka niya sa school?” tanong niya sabay tingin kay Tristan na tinatawanan lang sila.

“Marami po,”

“Oo marami, but they just take a picture at nagpapa-autograph lang naman. That's all. Axel? didn't I tell you not to lie? That's bad..” napakamot naman sa ulo ang anak nila.

“E dad, I'm not lying. Hindi pa naman po kasi ako tapos magkuwento.”

“Masyado kang obvious,” nakaloloko niyang sabi kay Tristan.

“Nagpromise ako sa iyo na hindi gagawa nang kahit anong ikasasama ng loob mo. Ang swerte-swerte ko na sa inyong dalawa. Saka Axel, ang mommy mo lang ang maganda sa paningin ko okay?”

“Yes dad, si Mommy lang rin po ang pinakamagandang mommy sa buong universe!” sagot naman ni Axel, napatingin naman siya sa wrist watch at pagkatapos ay nagmadali nang kumain.

“Aalis ka na?” tanong ni Tristan nang tumayo na siya.

“May board meeting kami ngayon, hindi ako puwedeng ma-late.” Dumeretso siya sa kitchen para magtoothbrush, pagbalik niya ay hinalikan niya si Axel.

“Bye baby, see you later. Behave kay daddy huh?” tumayo na rin si Tristan at sumama sa kanya palabas ng bahay para buksan ang gate.

“Ikaw na bahala kay Axel, tatawag ako mamaya pagkatapos ng meeting namin. I love you!” hinalikan niya si Tristan sa labi, pero hindi agad siya nakaalis dahil niyakap siya nito nang mahigpit.

“Miss na miss na kita, kailan kaya ulit kita masosolo?” malambing nitong tanong sa kanya.

“Kapag hindi na ako busy,” nakangiti niyang sabi sabay kindat kay Tristan, Napakagat labi naman ito sabay ngiti.

“Hindi ba puwede mamayang gabi?” request nito.

“Hay naku Tristan, tigilan mo ako mali-late na ako,” natatawa niyang sabi.

“Ingat ka pagmamaneho, I love you!” kumalas na ito, kaya sumakay na siya sa kotse at binuksan ang makina habang si Tristan naman ay binubuksan ang malaking gate.

Nang makalabas ang sasakyan ay kinawayan niya pa ito bago pinaandar ang sasakyan palayo.

MATAPOS PALIGUAN at bihisan si Axel ay sinuklayan niya naman ito bago nagmadaling chin-eck lahat ng homeworks at sinilid ulit sa bag ang mga gamit.

“Let's go Axel, baka ma-late ka na.”  Sinilid ni Tristan sa snack bag ang mga baon nito at binitbit palabas habang hawak ng kabilang kamay niya si Axel.

Binitiwan niya lang ito nang pasakayin sa kotse. Hinatid niya si Axel sa private school na pinapasukan nito at hinatid mismo sa room ang anak niya. Agad naman silang sinalubong ng teacher kaya binigay niya na kay Axel ang bag nitong bitbit pati lalagyan ng baon.

“Behave anak ha?” tumango naman ito at kumaway bago tumalikod sa kanya.

“Kayo na po bahala sa anak ko ma'am, if there's a problem, just call me immediately.” Bilin niya sa teacher na nakangiti na lang sa kanya.

“Y-yes Tristan, h'wag kayong mag-alala ako na bahala kay Axel.” sagot nito, tumango naman siya at nagpasalamat bago tinanaw ulit si Axel. Kinawayan niya ito bago tuloyang umalis.

Dumeretso siya sa pinagagawang restaurant at naabutan si Jihun doon, ang Engineer na kinontrata niya.

“Kumusta? Mukhang busy ka ah!”

“Oo, ayaw ko kasing ma-disappoint sa akin ang asawa ng kaibigan ko,” sagot nito. “Tara sa loob para makita mo,” naglakad silang dalawa ni Jihun papasok.

“Gusto mo ba ng kape? Kumusta pala si Ellaine, masyado pa rin bang busy o hindi mo pinapayagang makipagkita sa amin ni Wein?”

“Hindi na, katatapos lang namin magbreakfast. Wala na nga siyang oras para sa akin sa inyo pa kaya? Saka hindi ko siya pinagbabawalan, busy lang talaga siya,” sagot niya.

“Si Axel? Kumusta inaanak ko?” biglang tanong ni Jihun.

“Ayos lang, kahahatid ko lang sa kanya sa school. Bakit hindi ka pa mag-asawa nang hindi kami ang ginugulo mo?” biro niya sa bestfriend ni Ellaine.

“Paano ako mag-aasawa? E ‘yong gusto kong asawahin inasawa mo na?” walang preno nitong sagot, at nasanay na lang talaga siya sa ka-gaguhan nito.

“Ulol!” natatawa niyang sabi at nagsimula nang i-check ang mga materyales na ginagamit sa restaurant.

Tanghali na nang matapos sila ni Jihun, tinawagan siya ni Ellaine at sinabing half day lang ito ngayon at paalis na rin sa opisina.

“Hintayin mo na lang ako riyan, susunduin kita.”

Matapos ang tawag ay agad siyang nagpaalam kay Jihun at sinundo agad si Ellaine.

“Mommy!!!” agad na sigaw ni Axel at masaya silang sinalubong, nagholding hands naman sila ni Ellaine habang masayang nag-uusap hanggang sa makarating sila sa kotse.

“Saan niyo gustong kumain?” tanong niya dalawa nang paandarin ang kotse.

“Mom, I want spaghetti na luto ni lola.”

“Gusto mo bang dumaan muna tayo sa lolo at lola mo bago tayo mamasyal?” masayang um-oo si Axel kaya agad na tinawagan ni Ellaine ang mommy nito at dumeretso sa kanila. Tuwang tuwa naman ang mga magulang ni Ellaine kay Axel at masayang hinanda ang spaghetting paborito nito.

“Ibalik niyo rito si Axel mamaya, dito niyo patulogin, miss na miss ko na apo ko e!” sabi ni chairman kaya nagkatinginan sila ni Ellaine.

“Sige po dad, after namin ipasyal si Axel.” Mabilis pa sa alas kuwatro niyang sagot.

“Gumawa pa kayo ng isa huh?” naibuga ni Ellaine ang juice na iniinom dahil sa sinabi ng ina nito.

“Kayo talaga, aalis na po kami.” Paalam ni Ellaine sa mga magulang nito.

“Ang bilin ko ha, ibalik niyo si Axel dito mamaya!” pahabol ng mga ito.

Pumunta sila sa mall, naglaro sa play station, nanuod ng sine, kumain at nag-Ice skating. Bumili rin sila ng mga bagong laruan at damit ng anak nila. Sobrang saya ni Axel dahil nakasama nila ngayon ang mommy nito kaya natutuwa rin siya habang pagmasdan ang dalawa. Wala na nga talaga siyang mahihiling pa dahil pinagkaloob na ng Diyos ang lahat sa kanya.

“Masaya ka ba Axel?” tanong niya sa anak.

“Opo, sobrang saya po kasi nakasama ko rin po ulit si mommy nang matagal.” Sagot ni Axel habang kumakain ng ice cream.

Alas siyete na ng gabi nang lumabas sila sa mall, hindi na rin kasi nila namalayan ang oras. Hinatid lang nila si Axel sa lolo at lola nito, mabuti na lang nag-i-enjoy na rin si Axel ang pagbisita roon, hindi kagaya ng dati kapag iniiwan nila ito ay umiiyak pa.

“Ba't ang tahimik mo? Anong iniisip mo?” tanong ni Ellaine habang nagmamaneho siya pauwi.

“I'm thinking about our position later in bed, prepare yourself.” Biro niya pero binatukan siya ni Ellaine.

“Puro ka kalokohan, siya nga pala in-invite tayo ni Louie sa binyag ng second baby niya at sa probinsya raw gaganapin. Chance na natin 'to para makabisita rin kina mama, namimiss ko na rin sila e,”

Nang buksan ni Ellaine ang gate ay mas lalo pa siyang na-excite kaya ipinasok niya kaagad ang kotse, hinintay lang niya si Ellaine sa garahe habang isinasara ang gate. Nang makalapit ito sa kanya ay agad niya itong inakbayan at naglakad papasok sa kanilang tahanan.

Continue Reading

You'll Also Like

964K 16.9K 39
"Make her fall in love with you" "Date her and kiss her in Public" "Bed her" those are the things he must do to win the bet... Maganda ang mga nakata...
112K 1.8K 19
She's Reign Caristhea Fortades. A kind-hearted with a wounded heart fragile girl who have been inlove with Evan Montemayor, the one and only jerk an...
773K 10.1K 51
Leviathan Agatha Rivas, the girl who loves her self so much. She believe that she can tame anyone and no one can resist her charm. Simula noong araw...
949K 15K 22
Nagkamali at muntikan na silang mawala sa akin. Tinanggap ko ang pagkakamaling iyon, at gagawin ang lahat para makuhang muli ang tiwala at pag-ibig n...