Forced Marriage to a Billiona...

By Marieseda

70.5K 1.4K 71

Ellaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera da... More

P R O L O G U E
C H A P T E R 1
C H A P T E R 2
C H A P T E R 3
C H A P T E R 4
C H A P T E R 5
C H A P T E R 6
C H A P T E R 7
C H A P T E R 8
C H A P T E R 9
C H A P T E R 10
C H A P T E R 11
C H A P T E R 12
C H A P T E R 13
C H A P T E R 14
C H A P T E R 15
C H A P T E R 16
C H A P T E R 17
C H A P T E R 18
C H A P T E R 19
C H A P T E R 20
C H A P T E R 21
C H A P T E R 22
C H A P T E R 24
C H A P T E R 25
E P I L O G U E
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER [SPG]

C H A P T E R 23

2.3K 58 1
By Marieseda


“Na sa photoshoot na ba mga model natin para sa endorsement?”

“Kaaalis lang Ms. Go, kasama ang team. Tayo na lang ang hinihintay,” sagot ng assistant niya.

Isinuot niya ang sunglass habang naglalakad palabas ng building. Nang tumigil sa tapat nila ang kotse ay sumakay sila ng assistant sa passenger's seat at pinaandar na ulit ng driver ang sasakyan.

Matapos ang mahigit tatlong oras na biyahe ay ipinasok ng driver ang kotse sa isang beach resort, tanaw nila agad ang asul na dagat.

Maraming tao sa beach kaya nang itigil ang kotse ay agad silang bumaba ng assistant dala ang bag niya. Hindi naman sila nahirapang makita kung saan naka-set ang photoshoot dahil may mga taong nagkukumpulan, alam niya naman kung sinong dahilan.

Ang buwisit na si Tristan.

Nahawi ang mga tao nang makita siya kaya dumeretso lang siya sa paglalakad papunta sa production team, agad namang nagsibati ang mga ito sa kanya. Nakita niya si Tristan at Kai na inaayusan ng buhok.

“It would be better if we continue the photoshoot in a private place, there's so many people here. They're bothering us,” maawtoridad niyang komento.

Napasulyap ulit siya kay Tristan, he's wearing a white shirt na pinartneran ng blue checkered polo. Khaki short at black slippers.

Matapos itong suriin ay nalipat naman ang tingin kay Kai, napasinghap siya sa ayos nito. Suot ang simpleng blue shirt, black short at brown slippers pero ang nakadagdag sa appeal nito ay ang bandanang suot sa ulo. Napalunok siya bago nag-iwas nang tingin.

“Sige, simulan niyo na ang photoshoot. After that, we will move to the private Island for their next outfit as well as other beach camp accessories,” naupo na siya sa upuang ibinigay ng staff at pinanuod ang dalawa habang na sa harap ng camera.

Tanghali na nang matapos ang photoshoot, napakainit na sa beach kaya sa rest house nila hinintay ang team at sina Tristan. Nagpahatid na rin siya ng pagkain para sa lahat. Nang pumasok sa malawak na kubo sina Tristan at Kai ay agad naghubad ng damit ang mga ito. She couldn't stop herself from looking at Kai's back, It was soaked with sweat. Ang hot nito sa part na iyon habang si Tristan naman ay nagpupunas ng sarili nitong pawis kahit kasama ang personal assistant na nagpapaypay.

“Let's eat guys, marami pa tayong gagawin later.” Nagsimula namang kumain ang team at mga staffs. Kumuha na rin siya ng pagkain habang hindi sila nagpapansinan ni Tristan pero madalas niya itong mahuli na nakatingin sa kanya.

“Hi, kumakain ka nito?” biglang tanong ni Kai na hindi man lang niya namalayang na sa tabi na niya.

“No, it's hard to eat crabs lalo na kapag hindi nagkakamay.” Napatingin ulit siya kay Tristan habang tahimik lang na kumakain. “I mean puwede naman kung may maghihimay para sa akin,” dugtong niya at nginitian si Kai. Kumuha naman ito ng plastic gloves at kinuha ang hawak niyang plato para ilapag sa mesa.

“Wait, anong ginagawa mo?” tanong niya sa lalaki.

“Nilalagyan ka ng gloves, tuturuan kita kung paano kumain ng alimango,” nakangiting sagot ni Kai at kinuha ang kamay niya. Hindi na siya nakakilos pa nang isuot nito sa kamay niya ang plastic gloves.

“Let's eat?” naupo naman sila at tinuruan siya nito kung paano kumain ng seafoods. Na-i-enjoy niya naman dahil masayang kausap si Kai.

“Nagustohan mo ba?”

“Yes, it tastes like lobster pero mas masarap pala kapag pinaghihirapan.”  Sagot niya.

Inilagay naman ni Kai lahat nang nahimay nito sa plato niya kaya natutuwa siya habang kumain nang marami.

Matapos maglunch ay inayos na ng team ang mga gamit dahil sasakay na sila ng bangka papunta sa private Island. Naglalakad sila ni Kai papunta sa dalampasigan nang tawagin nito ang nagtitinda ng ice cream kaya lumapit ang surbetero sa kanila.

“Pabili po ng dalawa,” agad namang nagscoop ang manong ng Ice cream at inilagay sa apa. Matapos magbayad ni Kai ay kinuha na nito ang dalawang ice cream at inabot sa kanya ang isa.

“Kumakain ba ang mga CEO ng dirty Ice cream?” tanong nito sabay ngiti sa kanya.

“Actually ngayon pa lang, bakit nga ba tinawag 'tong dirty Ice cream?” curious niyang tanong. "It looks clean naman, so why they called dirty Ice cream?”

“E kasi sa kalye siya tinitinda, exposed sa mga usok at alikabok.” Paliwanag ni Kai.

“Pero wala tayo sa kalye, nandito tayo ngayon sa beach.” Sagot niya, ngumiti naman si Kai sa kanya habang nakatitig at kumakain ng Ice cream.

“Tikman mo, baka matunaw na.” Natatawa na lang nitong sabi sa kanya.

Inubos lang nila ang Ice cream at inalalayan na siya ni Kai na makasampa sa bangka. Nawala ang stress niya sa paligid, kahit tirik na tirik ang araw ay malakas naman ang hangin.

Mahigit kalahating oras din ang byahe nila sa dagat bago nakarating sa Isla, walang ibang tao roon kung 'di ang caretaker lang kaya nagsibaba na sila.

Ilang saglit pa ay naging busy na naman sa photoshoot ang dalawa at buong team, kung saan-saang parte ng isla pumwesto ang production. Nagpahinga lang ang lahat nang papalubog na ang araw, walang sinayang na oras ang mga photographer at team.

Nang dumilim na ang buong paligid ay bumalik na sila sa resort dahil nagwarning ang caretaker na palakas na ang hangin at alon, delikado kaya dapat na raw silang umuwi nang maaga.

Dumeretso silang lahat sa isang restaurant para magdinner at katabi ang photographer, nakaharap silang dalawa sa laptop at tinitingnan isa-isa ang mga larawang kuha kanina.

“Guys let's congratulates our model, they did a great job at sa inyo rin mga staffs, photographers, stylist at make-up artist. Thank you so much, kung hindi dahil sa inyo hindi magiging succesful ang araw na 'to.” Nagpalakpakan naman ang lahat at mas lalo pang naging masaya nang dumating ang masasarap na pagkain.

“Thank you Ms.Go, ngayon lang naging productive ang company simula nang ikaw ang maupo bilang CEO.” Sabi ng leader ng team, tumango naman siya at nagsimula na rin kumain.

Inabot sila ng isang oras sa restaurant dahil sa masayang bonding. Napansin niya si Tristan na nakikipag-usap lang sa P.A nito kaya hindi niya na rin inintindi.

“Let's go home tomorrow, i-enjoy niyo muna ang pag-stay rito sa resort ngayong gabi, bahala kayo kung anong activities pa ang gagawin niyo. And for those who want to sleep, just rest in your room. Michael?”

“Yes Ms. Go?” tanong ng photographer.

“Please send me all the pictures, pipili ako ng ise-send sa editor natin para sa i-rerelease na magazine and ads next month.” Bilin niya nang makalabas silang lahat sa restaurant.

“Ms. Charrie?”

“Yes Ms. Go?”

“Please take Tristan and Kai to their rest house,” tumalima naman ito at lumapit sa dalawa, naiwan pa sila ng Photographer habang nag-uusap sa labas ng restaurant bago nagpaalam dito.

Pagdating sa tutuloyan ay inilapag niya lang ang mga gamit sa kama at kumuha nang isusuot, nagpalit siya ng one piece swimsuit. Amber color at pin-artneran ng high waste ripped short, naka-bun ang buhok niya at hinayaang nakakalat ang ilang strands ng buhok sa mukha. Sakto naman paglabas sa banyo ay may kumakatok mula sa labas ng rest house kaya binuksan niya ang pinto.

“Hi,” nakangiting bati ni Kai at bahagyang natigilan nang makita siya sa ganoong ayos. “Ba't ganyan ang suot mo? Will you go swimming?”

“How did you know that this is my rest house?” taka niyang tanong.

“Magkatabi lang tayo, at iyong isang rest house sa tabi mo sa ex-husband mo naman.” Tumatawa nitong sabi.

“So magsi-swimming ka nga?”

“Gusto ko munang maglakad-lakad sa tabing dagat.”

“Gusto mo bang samahan kita?” tanong nito at parehas silang napalingon nang magbukas ang pinto ng rest house sa kabila at lumabas si Tristan.

Napatingin ito sa kanila ni Kai kaya isinara niya lang ang pinto ng rest house bago humawak sa braso ni Kai at umalis.

“Ginagawa mo ba ‘to dahil gusto mong pagselosin si Tristan?” biglang tanong ni Kai habang naglalakad na sila, napakalakas na nga ng hangin at nilalamig na rin agad siya dahil sa suot. Backless kasi ang likod ng swimsuit.

“Ikaw? Bakit ginagawa mo 'to?” ganti niya.

“Because I like you.” Natigilan naman siya sa sinabi nito pero pinukaw ulit siya ni Kai.

“Okay ka lang? Do you want coffee?” tanong nito sa kanya.

“Kahit ano, I'll wait you here.” Sagot niya kaya agad itong umalis.

“Mukhang nag-e-enjoy kang kausap si Kai, are you happy?” napalingon siya sa nagsalita at nakita si Tristan habang seryosong nakatanaw sa kawalan.

“ANO NAMAN SA ‘YO NGAYON? Is there a problem with that?” sarkastiko namang tanong ni Ellaine.

“Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Alam ng mga tao na hindi pa tayo naghihiwalay, can't you really wait? Atat na atat ka talagang lumandi e!”  pang-iinsulto niya.

“Kailan ka ba pipirma para magawa ko na ang mga binibintang mo?” ganti nito kaya napabuntong hininga muna siya at malungkot itong tinitigan bago niya kinuha sa bulsa ng short ang divorce paper. Kinuha niya ang kamay ni Ellaine para ilagay doon ang papel na may pirma niya na.

“You can send that to the court now, tutal hindi ka na makapaghintay. Kahit ilang lalaki pa gusto mo, Ellaine. Magpakasaya ka!” malakas na sampal naman ang dumapo sa pisngi niya habang galit na galit si Ellaine.

“Don't I have the right to be happy? Bakit ba palagi mo akong iniinsulto? Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?!!” sumbat nito at umagos na ang luha.

“Hindi ka ba magiging masaya kung ako ang kasama mo? We used to be happy, Ellaine. Alam mo ‘yan! Why are you trying to put a wall between us?!” masama rin ang loob niyang tanong. “Siguro nga hindi mo ako ganoon kamahal, kasi bata ka pa noon. Don't worry, after this project hindi na kita gugulohin pa,” dugtong niya at tinalikuran na ito.

“You give up immediately, Tristan! Am I not worth it to fight?” napahinto siya sa paglalakad dahil sa sinabi ni Ellaine. “Mahal mo ako, pero puro ka lang salita! Why don't you prove it kaysa insultohin ako?!” sigaw nito kaya hinarap niya si Ellaine.

“Patunayan? You're happy with someone kaya ayaw ko nang ibaba pa ang sarili ko sa taong kahit anong gawin ko ayaw na sa akin! Kahit pa siguro lumuhod ako sa harap mo hindi mo na ako tatanggapin. Huwag mo na akong paglaruan, Ellaine!” giit niya.

“Did you ask me if I still love you? Kasi kung tinanong mo ako, I will immediately answer YES! That's all I'm waiting for, Tristan! Bakit hindi mo ginawa at inuna mo pa ang pangbi-bwisit sa akin?” humagulhol na ng iyak si Ellaine. Tumalikod na ito at naglakad palayo sa kanya kaya umagos na rin ang luha niya at hinabol ito. Nang maabutan niya ay agad niya itong niyakap habang parehas silang umiiyak.

“Please stay, I don't want you to stay away from me again.” Niyakap niya si Ellaine nang mahigpit habang nakasubsob ang mukha sa balikat nito.

Continue Reading

You'll Also Like

87.2K 2.1K 43
Adriel Jimenez and Allen Sandoval are in love with each other. They share things, and problems all the time. They get married because Adriel was preg...
1.4M 32.9K 32
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagan...
10.7K 308 32
Unedited Maverick Nathaniel Francia was married to a woman he had never met, so when he returned to the philippines and decided to continue there as...
1.7M 71.5K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...