Forced Marriage to a Billiona...

By Marieseda

70.8K 1.4K 71

Ellaine Go-- the spoiled brat daughter of a Billionaire. Buong akala niya ay nakukuha na ang lahat sa pera da... More

P R O L O G U E
C H A P T E R 1
C H A P T E R 2
C H A P T E R 3
C H A P T E R 4
C H A P T E R 6
C H A P T E R 7
C H A P T E R 8
C H A P T E R 9
C H A P T E R 10
C H A P T E R 11
C H A P T E R 12
C H A P T E R 13
C H A P T E R 14
C H A P T E R 15
C H A P T E R 16
C H A P T E R 17
C H A P T E R 18
C H A P T E R 19
C H A P T E R 20
C H A P T E R 21
C H A P T E R 22
C H A P T E R 23
C H A P T E R 24
C H A P T E R 25
E P I L O G U E
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER [SPG]

C H A P T E R 5

2K 53 1
By Marieseda


“Bakit ang dami mo naman yatang dadalhing gamit? Wala ka na bang balak bumalik?” tanong ni Ellaine habang isa-isa niyang sinisilid ang mga gamit sa travel bag.

“I can't go home, we're busy with the rehearsal.” Walang gana niyang sagot at pagkatapos isilid ang mga gamit ay inayos ang buhok sa harap ng salamin.

“Para sa concert ba ‘yan? Paano ako wala akong kasama rito?” pag-iinarte ni Ellaine.

“Umuwi ka muna sa inyo kung gusto mo,” sambit niya at nag-spray na ng perfume.

“Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng ticket para maka-attend sa concert niyo? It's your responsible because I'm your wife now.” Sarkastiko naman siyang ngumiti bago humarap kay Ellaine.

“Mayaman ka ‘di ba? Why would you ask me for a ticket?”

“Because I’m your wife, saka hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo,” nakanguso nitong sabi.

“Binigay ko na sa kapatid ko,” pagdadahilan niya pero ang totoo, nakalaan na talaga iyon para kay Louie.

“Sayang naman, pero puwede ko bang ma-meet ang kapatid mo para maka-bonding ko siya sa concert?” napasimangot siya sa sinabi nito sabay buntong hininga.

“Huwag ka na lang um-attend, saka 'di ba sinabi ko na sa iyong hindi ka puwedeng makipag-meet sa pamilya ko dahil hindi pa nila puwedeng malaman na nag-asawa na ako?” iritado niyang paliwanag.

“Oo nga pala, pero a-attend ako sa concert mo. Kailan ba release ng mga tickets?” pangungulit ni Ellaine kaya lalo lang siyang naiirita.

“Bakit hindi mo gamitin mga koneksyon mo? Ang dami mong tanong!”

“H-hindi ka man lang ba mag-aalmusal? Ipaghahanda kita ng breakfast,”

“Hindi ako nagugutom kaya huwag ka nang mag-abala pa. Mauna na ako sa baba, pakisunod na lang ang mga gamit ko,” bilin niya at lumabas na sa kuwarto.

Dumeretso siya sa ibaba at pinuntahan ang sasakyan para suriin. Ilang saglit pa ay nakita niya na rin lumabas si Ellaine dala ang mga gamit niya habang hirap na hirap. Binuksan niya naman ang trunk ng sasakyan at kinuha na ang mga gamit para isakay doon.

“Ingat ka, huwag kang magpapagod. Pawis mo, punasan mo agad. Goodluck sa concert manunuod ako!” simangot lang ang isinagot niya sa kadaldalan nito kaya imi-nuwestra niya ang kamay sa gate para buksan nito bago siya pumasok sa sasakyan.

Agad namang tumalima si Ellaine at binuksan ang gate kaya pagsakay niya sa kotse ay pinaandar niya agad iyon palabas ng bakuran. Nakita pa niya sa side mirror na kumakaway si Ellaine pero nagfocus na siya sa pagmamaneho.

“ITO NA ang mga schedule niyo para sa concert, Louie ikaw ang in-charge kay Sho kasama ng wardrobe assistant niya sa dressing room,” sabi ni Ma-ri kaya bigla siyang nakaramdam ng lungkot.

“B-bakit si Sho?” natitigilan niyang tanong dahil nasanay siyang si Tristan palagi ang inaayusan.

“Ako na ang in-charge kay Tristan simula ngayon, at ako na rin ang personal make-up artist niya sa lahat ng mga guestings, show at concert. Bakit? May problema ba tayo roon?” makahulogang tanong ni Ma-ri.

“W-wala naman,” sambit niya at pilit na pinakalma ang sarili.

“Sige na, puwede na kayong maglunch dahil may meeting mamaya lahat ng staffs na naka-assign sa concert at kasama tayo roon.” Tumango naman siya at tumayo na. Dumeretso siya sa canteen at nag-order ng pagkain, dinala niya iyon sa bakanteng mesa at naupo na.

“Puwedeng makiupo? Wala ng bakanteng upuan e,” tanong ng photographer/camera man sa studio. Tumango lang siya kaya ngumiti ito bago naupo sa harapan niya.

“Alam mo pansin ko lately parang palagi kang mag-isa? Okay ka lang ba Louie?” tanong nito habang nagsisimula na sa pagkain pero tumango lang siya dahil hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ng senior nila kanina, hindi na si Tristan ang aayusan niya simula ngayon.

Matapos kumain sa canteen ay agad siyang bumalik sa dressing room pero walang tao roon kaya naupo muna siya sa harap ng dresser at tinitigan ang sarili sa salamin. Malalim at medyo namumula ang gilid ng mga mata niya, parang bagong iyak pero sa totoo lang wala talaga siyang maayos na tulog dahil hindi pa rin sila nag-uusap ni Tristan.

Miss na miss niya na ito, at hindi niya alam kung hanggang kailan siya magtitiis sa ganitong sitwasyon. Para siyang naghihintay sa wala, at nahihirapan na rin dahil sa pagtatago nila ng relasyon. Alam niya sa sarili niyang deserve niyang maging masaya pero naiintindihan niya rin si Tristan dahil mahal niya ito.

Biglang tumunog ang phone niya at lalong nadagdagan ang bigat na dinadala nang makitang ang unknown number na nanggugulo sa kanya. Gusto niyang sumigaw at magwala sa galit, gusto niyang ilabas lahat nang sama ng loob. Pakiramdam niya'y wala na siyang kalayaan para sa sarili. Naramdaman niya na lang ang mainit na likidong nanggagaling sa mga mata, hilam na pala ng luha ang kanyang mukha at nanlalabo rin ang paningin. Hindi ito ang pinangarap niyang buhay dahil simple lang ang gusto niya.

Lalong bumalong ang luha niya nang maalala ang masasayang nakaraan nila noon ni Tristan sa maliit na baryong pinagmulan.

“Anong pangarap mo pagnakatapos ka ng college?” tanong sa kanya ni Tristan habang nakahiga sa damuhan at ginawang unan ang hita niya. Na sa ilalim silang dalawa ng puno ng dalandan sa likod ng paaralan. May mga estudyante rin nakatambay roon habang tinutukso silang dalawa.

“Simple lang, gusto kong pagsilbihan ka habang buhay kasama ng mga magiging anak natin. Gusto ko ng tahimik na buhay, pero kung anong pangarap mo. Pangarap ko na rin ngayon, Tristan.” Deretsa niyang sagot, ngumiti naman sa kanya si Tristan.

“Ako, gusto kong maging celebrity, gusto kong maging sikat na singer at dancer, Louie.” Sambit nito kaya napasimangot siya.

“Iyan ba talaga ang gusto mo?”  malungkot niyang tanong.

“Oo, at kasama ka sa mga pangarap ko kaya huwag kang mag-alala.” Sabi nito sabay pisil sa ilong niya.

“Naku, kapag naging celebrity ka na mas rarami ang mga babaeng maghahabol sa 'yo. Ngayon pa nga lang, marami nang gustong lumandi sa iyo e, paano pa kaya kung maging sikat ka?” nagtatampo niyang sabi, at sa totoo lang natatakot talaga siyang baka isang araw ay maagaw ng mga ito sa kanya si Tristan.

“Bakit? Ikaw rin naman ah! Ang daming gustong manligaw sa iyo. Nakakasakit sila ng damdamin, lalo na ‘yang Kai na ‘yan! Akala mo ba hindi ko alam na pinu-pormahan ka niyan dati pa ha?”

“Kaibigan natin si Kai, natural lang naman na pinu-protektahan niya ako baliw ka ba?” natatawa niyang sabi.

Lalong bumalong ang luha niya nang maalala ang masasayang nakaraan nila ni Tristan na ngayon ay unti-unti nang napapalitan nang lungkot. Naramdaman niya na lang na may yumakap mula sa likuran niya kaya nataranta siya nang makitang si Tristan iyon.

“B-baka may makakita sa atin,” sambit niya habang inaalis ang braso nito pero nagmatigas si Tristan at isiniksik pa ang mukha sa kanyang leeg.

“Please stay Louie, I'm really tired. give me strength,” bulong nito at ramdam niya ang init ng hininga nito sa leeg niya.

“Hindi ka ba natatakot na baka may makakita sa atin?”

“Wala akong pakealam sa kanila kaya please kahit konting minuto lang.”  Malambing nitong pakiusap kaya hinayaan niya na si Tristan.

“Thank you for staying, malapit na, Louie. Kaunting panahon na lang maabot na natin ang pangarap,”  sambit ni Tristan habang mahigpit pa ring nakayakap sa kanya.

“Mahal kita, kaya hindi kita iiwan at palagi kitang susuportahan.” Sambit niya.

“Puwede bang samahan mo akong matulog mamaya? I really missed you Louie,” tumango siya at nilingon ito kaya naglapat nang mabilis ang kanilang mga labi.

“Sorry Tristan kung hindi ako makaka-aattend sa concert mo, kasama ako sa make-up team para sa concert.” Malungkot niyang sabi. Narinig niya naman ang pagbuntong hininga ni Tristan.

“Hindi puwede, naka-reserved na ang ticket para sa 'yo.”

“Alam mo naman ‘di ba? Bawal kaming manuod ng concert niyo, pero hayaan mo, sisilip na lang ako sa performance niyo.” Paliwanag niya kay Tristan.

“Hindi ako papayag Louie, gumawa ka ng paraan.” Pagmamatigas ni Tristan.

PINAPASOK NA ang lahat ng VIP sa concert venue at may mga staffs na nag-assist papunta sa VIP seats at sa harap iyon mismo ng stage.

Nang maupo si Ellaine ay may naupo ring matangkad na babae sa tabi niya kaya hindi niya rin maiwasang mapataas ng kilay. Naka-shades ito at parang sosyal na muslim, nang tanggalin nito ang shades ay saka niya pa lang ito nakilala.

“Teka, kilala kita ah..” turo niya sa mukha nito. Nang tumingin ito sa kanya ay ibinalik nito ang shades sa mata at tumungo.

“What are you doing here? You're a make-up artist, right? Hindi ba bawal kayong um-attend sa concert? Paano ka nakapasok?” mataray niyang tanong.

“Excuse me, sino bang tinutukoy mo?” mataray naman nitong tanong kaya sinipat pa niya itong maigi, nakasuot ito ng white silk cloak na Chanel, branded white longsleeve na naka-tucked in rin sa branded maong pants. Louis Vuitton close shoes ang kanyang suot, at Hermes naman handbag. Mukha siyang modelo dahil maganda siyang magdala ng damit. Kung sabagay, paano nga naman magkakaroon ng branded na suot ang make-up artist na iyon? Sa isip-isip niya.

“Mukhang hindi naman afford ng babaeng iyon ang mga branded na gamit. Well, hindi rin naman ako magpapatalo dahil suot ko lang naman ang dress na mas mahal pa sa buhay ng mga nagbabasa.” Charot HAHAHA!

Ilang saglit pa at namatay ang mga ilaw sa loob ng malaking dome kaya nagsigawan ang mga fans dahil hudyat na iyon na lalabas na sina Tristan. Lumiwanag sa stage at nagbukas ang malaking screen habang naghihintay ng countdown. Matapos iyon ay dumagundong ang malakas na tugtog at ang hiyawan sa likuran nila.

Napuno rin nang makapal na usok sa stage at nang mahawi iyon ay may pitong lalaki ang nakatalikod sa audience. Nilamon nang malalakas na sigawan at hiyawan ang buong dome nang magsimulang kumanta ang grupo nina Tristan.

Hindi mapagkit ang ngiti niya sa labi dahil nasilayan niya ang asawa, napakagaling talaga nitong sumayaw at napakatikas. Nakaramdam siya nang kilig nang magawi ang mga mata nito sa kinaroroonan niya at ngumiti kaya nginitian niya rin ito at kinawayan pero napawi ang mga ngiti niya nang mapansing hindi siya ang nginingitian ni Tristan.

Nilingon niya ang katabing babae, at inilipat ulit ang tingin kay Tristan para masiguradong ito nga ang tinitingnan nito. Para siyang sinaksak ng libo-libong kutsilyo nang makompirmang ang babae nga sa tabi niya ang pinag-aalayan nito nang matamis na ngiti. Nanigas siya bigla sa kinauupuan, nagsisimula na rin manginig ang kalamnan niya dahil sa inis, galit at selos na nararamdaman.

Gusto niyang manakal, manampal at manabunot dahil para siyang sinasaniban ng demonyo sa sobrang selos pero pilit niyang pinigilan at ikinalma ang sarili.

Hanggang sa matapos ang concert ay panay pa rin ang ngitian at sulyapan nang dalawa dahilan para manuyo ang lalamunan niya na para bang may nakabara roon na ang hirap lunokin. Sobrang sakit, para siyang namamanhid sa kinauupuan at parang kandilang unti-unting nauupos, ngayon lang siya nakaramdam nang ganitong klase nang sakit. Parang sinasaksak nang paulit-ulit ang kanyang dibdib.

Tanggap niya naman lahat nang pang-iinsulto at masasakit na salitang sinusumbat sa kanya ni Tristan, tinanggap niya iyon dahil mahal niya ito kahit sobrang baba na nang tingin niya sa sarili. Pero ang may ibang babae sa buhay nito ay hindi niya matatanggap!

Asawa niya na ito at ipaglalaban niya ang karapatang mayroon siya kahit pa sabihing hindi siya ang mahal ni Tristan.

“Ako lang ang karapat-dapat para kay Tristan!” sigaw ng isip niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 35K 58
Vincent Louie Sebastian : a play boy hottie Scarlet Samantha Lucas : a drop dead gorgeous old fashioned girl .
64.7K 1.2K 57
Playboy. That's what she should avoid because she doesn't want to be hurt anymore, she's tired of being hurt. But destiny is playful because the sec...
1.4M 8.9K 14
Matured content Under the Mondragon Billionaire's Boys Club This is MBBC #5 Is your wedding day supposed to be the happiest day of your life? Well, n...
22.3K 808 52
Pag sinabing unromantic, love marami ng pumapasok sa isip natin. Isa na doon ang walang sparks sa relasyon. Bukod tanging init ng katawan lamang ang...