Love Begins Here (Completed)

By terelou1220

3.5M 84.1K 3.3K

FINALE More

Prologue
Chapter 1 part 1
Chapter 2 part 1
Chapter 2 part 2
Chapter 3 part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4 part 1
Chapter 4 part 2
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6 part 1
Chapter 6 part 2
Chapter 7 part 1
Chapter 7 part 2
Chapter 8 part 1
Chapter 8 part 2
Chapter 9 part 1
Chapter 9 part 2
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13 part 1
Chapter 13 part 2
Chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16 part 1
Chapter 16 part 2
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 18 part 1
Chapter 18 part 2
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40
Epilogue

Chapter 1 part 2

63K 1.5K 27
By terelou1220

@ellahcaballero




Chapter 1 part 2


Nagsimula ng mailang si Ellie ng mapansin niyang panay ang tingin sa kanya ng mga lalaking nasa kabilang mesa. Hindi rin ito nakaligtas kay Luisa hinala niya na ang kapatid ang pinag-uusapan ng mga ito kaya naman dali-dali na niyang niyaya ito. Ngunit sa ayaw at gusto nila ay madadaanan nilang magkapatid ang mesa ng mga lalaking ito.



"Wow! Hindi lang mukha ang maganda pati ang katawan." Nakangising sabi ni Oliver habang pinagmamasdan si Dale na titig na titig din sa dalaga.




"Mauuna na ako." Sabay tayo na rin ni Dale pero ang balak niya ay sundan ang dalaga sa kabilang mesa. Bahala na kahit magalit pa ang kanyang pamilya ang mahalaga makilala niya ang babae.



____________



"Ellie, mag-iingat ka." may pag-aalala sa boses ni Luisa, hindi niya alam kung bakit hindi siya kampanteng iwanan ang kapatid na mag-isa.




"Ate, I'm too old and I can handle myself. Hindi na ako teenager para alalahanin mo pa." Nailing na wika ni Ellie.



"Okay, okay bata magtext ka kapag na nasa bahay ka na." pahabol pa nito bago tuluyang iniwanan ang kapatid.




Naitirik na lamang ni Ellie ang mga mata, napakaimposible talaga ng mga taong nakapaligid sa kanya. May mga pagkakataong halos ipagtulakan na siya ng mga itong mag-asawa pero kung ituring siya ng mga ito ay daig pa ang isang teenager. Mula ng mangyari ang insidenteng yun ay lalong naging protective ang pamilya sa kanya.


Dumiretso si Ellie sa department store para makapamili ng pasalubong sa kanyang papa at mga kaibigan. Tuwing lumuluwas siya ng Manila ay parang mga batang naghihintay ang mga ito ng mga pasalubong kaya naman obligado syang mamili. Sa bahay pa lamang ay nakaplano na ang bibilhin niya kaya hindi na siya nahirapang mamili at isa pa ayaw din naman niyang masyadong gabihin sa pag-uwi lalo na marami siya napapanood sa TV tungkol sa mga krimeng nagaganap sa lungsod.



Samantalang si Dale naman ay nagulat dahil ngayon lang siya nakakita ng babaeng mabilis magshopping akala niya ay aabutin ng ilang oras sa pamimili ang sinusundan. Kailangan niyang makagawa ng paraan para makilala ito.




Nagmamadali ang bawat hakbang ni Ellie palabas ng shopping mall kaya hindi na niya namalayan na may lalaking sumusunod sa kanya. Nagulat na lamang siya ng biglang may bumunggo sa kanya at sumambulat ang mga pinamili. At ang sama pa nito ay hindi man lang ito nanghingi ng paumanhin.




Nagulat din si Dale sa nakita, kitang kita niya ang ginawang pagbunggo ng kaibigan sa dalaga. At nang magtapat sila ng kaibigan ay binulungan pa siya nito.




"Dude, you owe me." Sabay kindat nito kay Dale.




Napangisi si Dale sa sinabi ng kaibigan bago mabilis na nilapitan ang dalaga at tinulungan ito sa pagdampot ng mga nagkalat na pinamili.




"Thanks." Nahihiyang sabi ni Ellie ng iabot sa kanya ng lalaking tumulong ang huling paper bag na nabitawan.




"Next time mag-iingat ka. Mabuti na lang hindi ka nasaktan." Mababakas ang pag-aalala sa boses ni Dale.



Nginitian lang ni Ellie ang binata at ng mapagmasdan niyang mabuti ang mukha nito ay nagulat siya dahil isa ito sa grupo ng mga gwapong lalaki na nasa restaurant kanina.



"Salamat ulit." At nagmamadaling lumakad na ng palayo si Ellie.


Mabilis na hinabol ni Dale ang babae, hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito na hindi niya ito makikilala. "I'm Dale Monteverde." Simula niya ng makaagapay sa paglalakad ang dalaga.




Napatigil si Ellie, ayaw naman niyang maging bastos sa lalaking tumulong sa kanya. "I'm Ellie Rodriguez." Maiking tugon niya sa binata sabay tanggap sa kamay na nakalahad.




"Nice name." palakaibigang sabi ni Dale. "Saan ka nakapark? Ihahatid na kita." Dugtong niya.




"Wala akong dalang sasakyan, I'll just take a cab. I'll go ahead Mr. Monteverde." Pormal na paalam ni Ellie.




"Whoa! Sobrang pormal naman nun, you can call me Dale. Kung wala kang dalang sasakyan pwede mo akong maging driver, ihahatid na kita." Habol ni Dale.




Napabuntong hininga si Ellie dahil sa kakulitan ng lalaking ito. "Thank you Dale, hwag ka ng mag-abala dahil kaya kong umuwing mag-isa." Prangkang sabi ni Ellie.




Naumid ang dila ni Dale ngayon lamang siya tinanggihan ng isang babae. Kaya lalo naman siyang naintriga sa pagkatao nito.



"Okay, I hope you don't mind if I'll ask your email address." Pinalungkot pa ni Dale ang mukha para mapagbigyan siya ng kausap sa gusto niya.



 

"Bakit email address?"  nagtatakang tanong ni Ellie dahil usually cellphone number ang hinihingi.




"I'm comfortable using an email and besides madalas akong mawalan ng phone." Paliwanag ni Dale sa dalaga.



Para matapos lang ito at makauwi na siya ay ibinigay na lamang niya dito ang business card niya.


Nangiti si Dale ng iabot sa kanya ni Ellie ang calling card nito.  Sinundan na lamang niya ito ng tingin ng magpaalam. Alam niyang hindi ito ang huli nilang pagkikita.


 

"Dude, okay ba?" nakangising tanong ni Oliver ng lapitan ang kaibigan. Ito rin ang bumunggo kay Ellie kanina. Nang lumabas ng restaurant si Dale ay lihim niya itong sinundan dahil alam niyang may binabalak ito sa magandang dalaga na nasa restaurant kanina.




"Akala ko hindi ako makaka first base ang sungit ng babaeng yun." Natatawang sabi ni Dale. "Thanks dude." Sabay tapik nito sa balikat.



"So, what's the next plan? Siya ba ang flavor of the month mo ngayon?" pang-aasar nit okay Dale.





"I think I'm serious this time." Sabay kindat niya kay Oliver bago tuluyang tumalikod. 


__________________


A.N.

Enjoy reading guys :)

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

Continue Reading

You'll Also Like

214K 4.4K 33
Pag-ibig na nagsimula sa kasinungalingan.. Who would have thought na ang kasinungalingan ay mauuwi sa pagmamahalan.. Warning: ito ang unang story na...
3.4K 113 44
JSeries #2 : Once Upon a Time Lahat ng kwento nagsisimula sa 'Once Upon a Time' ngunit hindi lahat nagtatapos sa matamis na 'Happily ever after'. Bak...
868K 29.9K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4.8K 100 34
Timothy Clifford Zantibaniez hated me eversince. Kaya naman nawindang ang mundo ko nang biglang mag-iba ang ihip ng hangin at bumait siya sa akin. An...