SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙�...

By TheSecretGreenWriter

114K 9.3K 4.5K

Subdivision Scandal V: He's now a Junior, He touched your Junior! 🍆 More

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛
INTRODUCTION
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
SUBDIVISION CONTEST
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
✓My Accounts 😘
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
The Final Scandal

CHAPTER 60

965 90 19
By TheSecretGreenWriter

FLASHBACK...

Nasa ikalimang baitang na ako ng elementarya ng lalong magbago sa pananaw ko si Lucas.

Sa mga nagdaang taon mas lalo akong naging malapit sa pamilya ng Lim. Hindi na ako iba sa kanila kung ako'y ituring. Katumbas ng panahong yan ay di ko na muli talaga nasilayaan pa si Ama. Nalulungkot ako sa ideyang, iniwan niya na talaga ako.

Si Lucas, mas lalong lumalim ang kagustuhan kong pagsilbihan, proteksyunan at alagaan siya. Kabaliktaran ng ipinararamdaman niya sa akin.

Hindi ko gusto na mas ahead ako kay Lucas ng isang taon sa eskwela, ilang taon akong nagdudusa. Hindi mapakali kung nagkakaroon na ba siya ng mga bagong kaibigan sa kanilang classroom.

Kaya naman sinadya kong ibagsak ang klase ko, upang maging magkaklase kame ni Lucas.

Nahiya ako sa pamilya Lim dahil sa ginawa ko, pero hindi naman naging usapin sa kanila ang bagay na 'yon. Natuwa pa nga si Sir Lewford dahil sa kalokohang ginawa ko.

Pero iba si Lucas, lalo siyang naging mailap sa akin. Hindi niya gusto ang ginawa ko, ang hindi ko pagpasa sa klase ko para lang sa kagustuhan mapantayan ko ang baitang kung saan naroon siya.















"Lucas," pagtawag ko sa kanya. Araw ng sabado, kaya alam kong may oras siya makipaglaro sa akin.

Abala ito sa pagkalikot ng skateboard niya. Naiinis ako sa bagay na 'yon. Simula ng may may makita siyang mga batang naglalaro ng skate board sa isang bakanteng lote ay nawiwili na si Lucas sa bagay na 'yon. Naiinis ako dahil nakakatagpo siya ng bagong mga kaibigan!

"Nangako ka sa akin, sabi mo mangingisda tayo ngayon kasama si Sir Lewford." Sabi ko sa kanya. Pero hindi lang siya nagsalita.

Tumayo siya, nagkaroon ako ng pag asang sasama siya.

Pero nalungkot ako ulit ng ibagsak niya ang skateboard at sinakyan ito.

"Kayo nalang ni Dad, maglalaro ako ng skate." Sabi niya sa akin habang nakatalikod. Nagskate siya paikot sa bakuran ng bahay nila, naiinis ako sa kanya! Ang sabi niya sa akin, hindi siya maadik sa larong yan, pero ano ngayon! Halos di na siya sumama sa akin!

Ibinaba ko ang hawak na pamingwit at naglakad ako palapit sa kanya. Naiinis ako kay Lucas!

Pero napahinto ako ng biglang may mag doorbell, agad siyang napatingin at dali daling binuksan ang gate. Naiinis ako ng biglang bumungad ang dalawang bata! Na nakaporma tulad niya, kapwa may mga hawak na skateboard.

"Wow lee ang laki ng bahay niyo!" sigaw ng batang lalaking napatingin sa akin. Sinimangutan ko naman siya.

"Ang igno mo naman Calvin, nakakhiya kay Lee." Sabad naman ng isa pang batang babae. "Buti nga pinapasok kame rito sa Village niyo e," sabi pa niya.

"Pinaalam ko na kase kayo kay Daddy, siya nagsabi sa guard." Sabi naman ni Lucas.

"Lucas!" bigla ko siyang sinigawan.

Napalingon naman siya sa akin. May sinenyas siya sa dalawa bago lumapit sa akin.

"Maglalro lang kame nila Calvin at Jai," at kilala na niya ang mga bago niyang kalaro! "Kayo nalang muna ni Daddy, babawe nalang ako next time."

"Talagang iiwan mo ako, para sa dalawang yan?" tanong ko sa kanya.

"Ano nanaman ba yang iniisip mo?" inis na tanong niya. "Nagpapaturo lang ako sa kanila magskateboard," sabi pa niya.

"Diba matalino ka naman, pwede ka naman manuod nalang ng mga video diba... kaya mo naman pag aralan mag isa yan e, Lucas naman e nag promise ka na mangingisda tayo ngayon. Pero mas' gusto mo makipaglaro sa mga kakakilala mo palang na mga batang yan!"

"Tss..." na agad na tumalikod. Lumapit siya sa dalawang bata at masaya silang naglakad palayo! Hindi man lang siya lumingon, talagang pinagpapalit na ako ni Lucas sa mga ibang kalaro!

Napabusangot nalang ako ng hindi ko na sila makita.














Natuloy kame ni Sir Lewford pumunta kame sa Laguna kung saan kameng dalawa lang ang nakatambay sa isang Kubo na nakatayo malapit sa isang ilog. Mapuno ang paligid, malinis ang ilog. Kitang kita mo ang mga isda na lumalangoy.

"Bakit ka malungkot?" tanong ni Sir Lewford habang pareho kameng nakaupo sa lupa sa gilid ng ilog at nakababad ang pamingwit sa tubig.

"Sayang po, hindi natin kasama si Lucas." Sabi ko naman. "Mas gusto niya pong makipaglaro dun sa mga bago niyang nakilala," malungkot na pagsusumbong ko sa tatay ni Lucas.

"Ayaw mo bang makipaglaro sa ibang bata ang kaibigan mo?" pagkausap nito sa akin habang sinisindihan ang isang sigarilyo mula sa isang kaha na nakalapag sa tabi niya.

"Naiinis lang po ako, ayoko po kase may ibang kalaro si Lucas." Pag amin ko. Napatingin sa akin si Sir Lewford at manghang ginulo ang buhok ko.

"Hindi ka naman iiwan ng anak ko, gusto lang siguro niya makipagkaibigan sa iba." sabi niya naman. "Para may matutunang iba,"

"Siguro nga po, wala naman kase ata siyang natutunan sa akin. Sa totoo nga po, sa kanya ako maraming natutunan." Mabilis naman na sagot ko.

"Ibig kong sabihin gusto niya mag explore ng ibang bagay sa ibang tao sa paligid niya," muli kameng tumingin sa harap ng ilog. May mga taong dumadaan, may mga dalang sako na may laman na pananim.

Kinawayan ni Sir Lewford ang mga ito, na gumanti naman ng ngiti. Tila kilala na nila ang isa't isa.

"Hindi ka ba niya niyaya?" naringig ko ulit siya magsalita.

"Niyaya naman po." Sagot ko.

"Hindi marunong mamilit ang naka kong 'yon" sabi niya habang nagsisimula ng hithitin ang sigarilyong kagat kagat niya.

"Ayoko lang po talagang makipaglaro sa iba, gusto ko lang po talagang si Lucas ang kasama." Namangha ulit siya sa sinabi ko.

"Ganyan din sa akin ang Tatay mo," tila nabingi ako ng banggitin niya si Ama. Napatingin ako sa kanya. "Tulad mo rin siyang napaka protective sa akin," pagkekwento niya. "Sa sobrang pagdadamot niya sa akin sa iba, may nagawa siyang kasalanan sa akin."

Tinignan niya ako.

Ngumiti siya.

"Pero, kahit ganon pa man... hindi ko kayang tiisin ang kaibigan kong yun." Biglang sabi niya. Nabuhayan naman ako ng saya, dahil tila nagpapahiwatig siya na ayos na rin sila ni Tatay. "Gusto mo na ba makita si Allan?" mabilis akong tumango sa tanong niya.

Gusto ko sana malaman kung ano ang naging kasalanan sa kanya ni Tata. Pero nahihiya ako kay Sir Lewford, kaya naman tahimik ko nalang ibinalik ang sarili sa pamimingwit.

Marami kameng nahuling Isda, ang iba ay niluto namin sa may gilid mismo ng ilog at ang iba naman ay iuuwe naming sa bahay ng mga Lim.

Habang naglalakad kame pabalik sa sasakyan ay kinausap ako ni Sir Lewford.

"Ipangako mo sa akin, popotrotektahan niyo ang isat isa ni Leeford." Nakangiting sabi niya habang bitbit ang mga pamingwit na ginamit namin. "Kung ano man ang problema niyong dalawa pag usapan niyo, masaya akong naging kaibigan ka ng anak ko."

"Pangako po, kaya kong ibuwis ang sarili kong buhay para kay Lucas." napahinto siya sa paglalakad.

Tinabihan niya ako at inakap.

"Alam kong ganun rin si Leeford sa'yo, mahalaga ka sa kanya. Kaya pagpasensiyahan mo nalang ang kaweirduhan non." Humarap siya sa aking nakangiti. "Pareho talaga kayo ng tatay mo," sabi niya. "Pauulit ulit din niyang sinasabing, handa siyang mamatay para sa akin."

Kwinento sa akin ni Sir Lewford kung paano sila nagkakilala ni Ama. Tulad ni Ama gusto kong maging Personal na tagapagtanggol ng mga Lim. Gusto ko maging panangga sa mga mang aaway kay Lucas.

Ipinangako ko kay Sir Lewford na babantayan ko si Lucas, ano man ang mangyari. Hindi ko siya aawayan, hindi ko siya iiwan at hindi ko siya tatraydurin.


















Pag uwe namin ay pinaluto agad ni Sir Lewford ang mga isda. Agad akong pumunta sa silid namin ni Lucas, Nakita ko siyang naglalaro kasama ang dalawang bata kanina! Nakahiga pa sila sa kama namin ni Lucas! Sa sobrang inis ko padabog kong isinara ang pinto at tumungo ako sa Garden ng bahay nila!

Dun lang ako nagmukmuk, hangang sa namalayan kong malalim na ang gabi.

Naglakad ako pabalik sa loob ng bahay, Nakita kong nakatayo si Lucas sa may pinto papasok sa sala. Inis kong inilayo ang tingin sa kanya at dirediretsong pumasok. Agad akong tumungo sa kusina at Nakita ko naman ang mga tirang pagkain.

"Ba't di mo ako pinapansin?"

Tinuloy ko lang ang pagkakamay ko sa kinakain kong inihaw na isda.

"Alam mo bang hinihintay kita dumating kanina?"

Nagpanggap nalang ako na hindi ko siya nariringig.

"Para kang babae, ayusin mo nga yang mga ginagawa mo Rusty." Bigla akong nainis sa sinabi niya.

"Ba't mo pa ako kaylangan hintayin, may mga kasama ka naman diba!" ramdam ko ang pagkunot ng noo ko, yung mga kilay ko salubong na salubong na.

"Dinala ko sila rito para ipakilala sa'yo, gusto karin nila maging kaibigan." Mas lalo akong nainis sa sinasabi niya!

"Ayoko sila maging kaibigan!"

"Bakit naman? Mabait naman silang dalawa." Tanong niya.

"Basta ayoko!"

"Okay."

Tumalikod na siya at umalis.

Nakakainis ang ginagawa niya sa akin, tumayo ako at sinundan siya! Hinawakan ko siya sa braso.

"Nakakainis ka Lucas alam mo ba yun!" mahinang sabi ko sa kanya. Baka kase magising ang mga tao dito sa bahay. Alam kong tulog na sila Sir Lewford, pagod kase siya kanina. Marahil nga pagkarating niya agad dito kanina ay natulog na siya.

"Oh, ako nanaman?" tanong niya. "Ang langsa ng kamay mo," iritang inalis ang kamay ko sa braso niya.

"Bakit may iba ka ng kaibigan Lucas," malungkot na tanong ko sa kanya. "Sabi mo, ako lang ang bestfriend mo? Pero bakit marami ka ng kaibigan?"

"Hindi ko naman sila Bestfriend ah," sagot niya.

"Kahit na, naiinis ako e... Wala ka ng oras makipaglaro sa akin. Lage ka nalang nag eeskate board, tapos pag sa school hindi mo na ako sinasamahan sa Library dahil nawiwili ka na sa pagtatry out sa Swimming Club, paano naman ako Lucas iniiwan mo an ako sa ere, nasasaktan kaya ako."

"Sino ba naman gaganahan na turuan ka, kung ibinabagsak mo rin naman ang mga exam mo kahit sapat naman ang alam mo." Lumapit siya sa akin at tinulak ako ng bahagya. "Hindi nakakatuwa ang ginawa mo Rusty,"

"Gusto ko lang na pareho tayo ng level Lucas," sagot ko. "Masama bang gusto kong makasama ka sa isang Classroom, gusto ko maging magkaklase tayo"

"Hindi ko alam kung anong kahibangan mo sa buhay, bahala ka nga diyan." Tuluyan na niya akong iniwan sa kusina.

Naiwan akong nakaupo, di ko alam ang gagawin.

Isang buwan ata kameng hindi nagpapansinan ni Lucas. Pero hindi ko na kaya ang ganun. Kahit mga magulang niya ay nagtataka sa kinikilos niya. Gusto man ni Sir Lewford kameng pagayusin pero, si Lucas ang umiiwas.

Sa hindi niya pagpansin sa akin at sa pakikipagusap niya sa ibang bata. Hindi ko nagustuhan yun, kaya bawat batang kinakausap niya ay inuumpisahan ko ng angasan at gulpihin.

Nagtuloy tuloy yun, hanggang siya na ang sumuko sa akin.

"Tigilan mo na ang ginawa mo Rusty," sabi niya sa akin. Mag isa ako nakatambay sa likod ng building kung saan ang classroom namin. Naninigarilyo ako. "Tama na yan sabi!" inis niyang kinuha ang sigarilyo ko.

"Ano bang pake mo, diba ayaw mo naman na ako maging kaibigan..." sabi ko sa kanya. Pilit ko mang itago ang lungkot sa dibdib ko gamit ang maangas na titig ay di ko nanaman napigilan ang maiyak. Napabagsak ako sa kaninang kinatatayuan ako.

Isang buwan kong tiniis na hindi siya pansinin, na makipagkaibigan sa ibang bata. Pero nasasaktan ako dahil pakiramdam ko wala siyang pake sa akin.

Kaya nagawa ko narin ang mag cutting sa klase, manigarilyo at gumala kung saan saan na pwedeng pagsugalan.

Ngayon kakagaling ko palang sa Guidance Office dahil sa mga kalokohan ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, nakakahiyang papapuntahin ko sila Sir Lewford dahil sa mga kagagawan ko.

Mas mainam pang, mawala na lang ako sa kanila.

Nakayakap ako sa aking mga tuhod habang umiiyak na parang paslit na inagawan ng pagkain. Ramdam ko ang paglapit niya sa akin, kinuha niya ang sigarilyong nakaipit pa sa aking mga kamay.

Naiangat ko ang tingin sa kanya, pagtingin ko sa paanan niya at tinapaktapakan niya ang kaninang sigarilyong hawak ko. Ibinaling ko sa iba ang aking tingin, ngayon ko lang ulit siya nakaharap ng ganito.

"Ayokong napapasama ka ng dahil sa akin," gumagaralgal ang boses niya. Muli ko siyang tinignan. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya at pati ang pagpipigil ng luha niya. "Ibinagsak mo ang klase mo dahil sa akin, gusto mong siraain ngayon ang buhay mo dahil parin sa akin."

Hindi na niya natagalan, naluha narin siya pero sa ibaba nakatingin.

"Lucas..." mahinang pagtawag ko sa kanya.

"Ayokong nakikitang nagkakaganyan ka Rusty dahil sa akin," muli niyang sabi bago ilahad ang kamay niya sa akin. "Tama na Rusty, bumalik ka na sa akin... aking Bestfriend" hinihintay niyang abutin ko ang kamay niya.

Nagpunas muna ako ng luha, bago ko masayang inabot ang kamay niya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.

"Lucas..."

"Tss..."

"Sorry," nasabi ko nalang.

"Sige na hindi na ako makikipagkaibigan sa iba," sabi pa niya. Gusto kong matuwa, pero nakokonsesniya naman ako na parang pinagbabawalan ko siya.

"Hindi Lucas," humarap ako sa kanya. "Ako ang mali, masyado kitang pinagdadamot sa iba... Wala e, gusto ko kase ako lang ang kalaro mo."

"Ayoko na ulit mangyare to, yung nagiging masama ka dahil sa akin." Pinitik niya ang noo ko, "Hayaan mong ako ang tumapos ng mga bagay na may kinalaman sa akin."

Napanguso nalang ako sa sinabi.

"Basta ayokong naagrabyado ka, ayokong sinasaktan ka... Lagot talaga sila sa akin,"

"Tsss..."

"Lucas..."

"Oh," bumalik nanaman ang kasungitan niya.

"Sorry naguidance ako," sabi ko na kinakabahan.

"Problema mo na yan, labas ako diyan..." nakabungisngis na siya. Halatang tinatakot ako.

"Lucas naman e,"

"Bahala ka diyan," sabi niya na nag umpisa ng maglakad. Pero ako ay nanatiling nakatayo, iniisip ang sasabihin ni Sir Lewford. "Oo na," humarap siya sa akin. "Ako na mag papaliwang kay Dad," napangiti ako sa sinabi niya.

"Salamat Lucas," nagbitaw ako ng malalim na paghinga at sinabayan ko na siya sa paglalakad pabalik sa classroom.













Naging maayos naman ang lahat sa pagitan ng Guidance Office at kay Sir Lewford. Labis akong nahihiya dahil sa perwisyong dinala ko. Pero imbis na magalit sa akin ay kinausap niya ako kasama si Lucas.

Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng pagtitiwala sa kaibigan. Napagtatnto ko kung gaano ako naging madamot at hindi patas kay Lucas.

Nangako ako na hindi na ako magtatampo pag may ibang kinakausap si Lucas, pero labag yun sa totoong nararamdaman ko.

Pero tama si Sir Lewford bigyan namin ng pagkakataon na mas lumawak ang tingin namin sa mundo. Matalik na magkaibigan na kame ni Lucas, at hindi na 'yon magbabago.

Sa mga sumunod na araw ay sinunod ko ang sinabi ni Sir Lewford, hindi ko masyado pinapakita kay Lucas na gustong gusto ko siyang kasama. Bilang pagtupad ay pumayag akong maghiwalay kame ng classroom.

Nagkaroon din ako ng mga bagong kakilala, ganito pala ang tinutukoy ni Sir Lewford.

Hapunan ng magsabay kame ni Lucas sa paglabas sa bawat kwarto namin. Pinaghiwalay narin kame ni Sir Lewford ng tulugan.

"Lucas!" tawag ko sa kanya. Lumingon ito sa akin na nakabusangot ang mukha, sabay diretsong baba papuntang kusina. Nagtaka naman ako sa inasal niya.

Sasabihin ko lang san ana nakaperfect ako ng Quiz sa Science.

Hanggang sa makarating sa hapagkainan ay halata ang pananahimik ni Lucas. Kaya di rin ako maka imik.

"Kumusta school ngayong araw?" biglang nagtanong si Sir Lewford. Napatingin naman ako kay Lucas. Hindi nito pinansin ang ama, kaya ako nalang ang sumagot.

"Okay naman po Sir," sagot ko.

"Okay, kase marami ka ng ibang kalaro!" Pagdadabog ni Lucas sa harap ng lamesa, "Busog na po ako," sabay alis sa kinauupuan.

"Leeford, anak..." pagtawag sa kanya ni Ma'am Dwiney.

"Mukha may problema nanaman kayo ng kaibigan mo?" tanong sa akin ni Sir. Parang natatawa nalang siya.

"Wala naman po" wala naman kase ako alam na pinagawayan namin ni Lucas. Pero nitong mga nakaraang araw, medyo di niya nga ako pinapansin. Akala ko kase parte yun ng pagbibigay namin sa payo ni ng tatay niya. "Sige po, puntahan ko lang po si lucas." Paalam ko sa mag asawa.

Hindi ko gusto na mag away ulit kame.

Pagdating ko sa silid niya ay Nakita kong nakaharap siya sa kanyang computer. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang nakatutok lang sa monitor.

"Lucas galit ka ba sa akin?" mabilis kong tanong sa kanya.

"Ewan ko sa'yo"

"Lucas naman, wala naman akong ginagawang masama."

"Tinatawag kita kanina sa school canteen," tinignan niya ako ng masama. "Di mo ako pinansin," balik sa compter at kung anong pinagtitipa sa keyboard niya.

"Talaga nandun ka kanina Lucas? Nagrereview kase kame ng mga kaklase ko, baka di kita naringig... Sorry na."

"Akala ko ba, sa akin ka magpapaturo?!"

"Baka marami ka rin kaseng ginagawa. Kaya hindi na kita inabala pa." Nagagalit pala siya dahil di ko siya pinansin kanina. "Tsaka, diba sabi kase ni Sir Lew—"

"Sino bang kaibigan mo? Ako o Si Daddy?"

"Siyempre ikaw..."

"Ba't ka kay Daddy nakikinig? Porket sinabi niya give space, susundin mo na?" ang bilis niyang magsalita. "Hindi na nga ako nakipagkaibigan sa iba, tapos ikaw naman yung gumagawa ngayon."

"Hindi naman ako nakikipagkaibigan sa iba Lucas,"

"Ano ang tawag mo dun nakikipag away? Tss..."

"Lucas di naman talaga, Sorry na." hinawakan ko siya sa balikat niya. Pero inis niyang inalis yun.

"Ganyan na ganyan kayo mag away ni Allan," napatingin ako bigla sa nagsalita. Nasa may pintuan ng kwarto ni Lucas ang mga magulang niya. Kapwa nakangiti. "Kulang nalang pagselosan ko siya," sabi ni Ma'am Dwiney kay Sir Lewford.

Natawa naman ang asawa niya at lumapit sa aming dalawa.

"Marunong kana pala magtampo ha, anak..." kita ko naman ang pagkayamot ng mukha ni Lucas habang inaakbayan siya ng tatay niya. "Huwag na kayo mag away, bukas aalis tayo... may surprise ako sa inyong dalawa."

"Kaya matulog na kayong dalawa," lapit sa amin ni Ma'am Dwiney. "Anak,"

"Tss..." si Lucas na dali dali pumunta sa kama at nagtalukbong ng kumot. Natawa naman ang nanay niya.

"Matulog ka narin," nakangiti sabi sa akin ni Ma'am Dwiney. "Si Dwife, mahimbing na ang tulog. Excited yung bunso mo kahit wala kang surprise sa kanya." Sabay harap sa asawa.

Hindi ko na pinakinggan ang pinaguusapan ng dalawa, hanggang sa magpaalam sila. Nanatili ako sa kwarto ni Lucas, ayaw ko siyang iwanan ngayon hanggat di niya ako pinapatawad.

Sa sofa ako natulog.











Nagising ako dahil sinag ng araw. Bigla kong naalala na may lakad nga pala kame ngayon, napabalikwas ako sa sofa.

Nakita ko naman si Lucas na bihis na bihis na.

"Ba't di mo ako ginising?" tanong ko sa kanya.

"Boss ba kita? Tsss..." iritableng sagot niya.

"Biro lang eto naman, ikaw ang boss ko sieympre! Huwag ka na magalit sa akin Lucas." Paghingi ko ng tawad sa kanya.

"Magsipilyo ka nga!" inis na tulak sa akin.

"Masusunod boss!" ako na sumaludo pa bago lumabas sa kwarto niya at pumunta na sa sariling kwarto. Alam kong hindi na galit si Lucas, nararamdaman ko yun. Agad akong naligo at nagbihis, pero napapaisip parin ako sa sinasabing surpresa ni Sir Lewford.

Ba't pati ako?








Pamilyar ang daan na tinatahak ng sasakyan ni Sir Lewford. Hindi ako nagkakamali nasa Rizal kame ngayon. Sa lugar na alam kong hindi pa handang balikan ni Lucas.

Nasa gilid siya ng bintana at nakapikit lamang. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya kanina, tila ba alam na kung saan kame papatungo.

Tulad nga ng inaasahan ko ay sa bahay bakasyunan ng mga Lim sa Rizal ang aming bagsak. Masayang bumaba ng sasakyan ang bunsong anak ng mga Lim na inalalayan naman ng kanyang Ina.

Habang si Lucas ay nakatulala sa kawalan, walang balak na bumangon at bumaba.

Tinabihan ko siya, inilapit ko ang mukha ko sa nakapikit niyang mukha.

Natatawa ako ng mapansing kumukurap na ng bahagya ang kanyang mga mata, di naman naglaon ay dumiliat siya na puno ng pagtataka sa akin.

"Tsss..."

"Nandito na tayo Lucas," sabi ko naman sa kanya. Inilayo niya ang mukha ko gamit ang kamay niya at mag isang bumaba sa kotse. Gagong yun iniwan pa ako!

Akala ko naman kung nasaan na siya, nagmamadali pa ako. Pero nasa gilid lang siya ng sasakyan at nakasanday habang nakakrus ang mga braso at nakaangat paapak ang sapatos sa gilid ng kotse.

"Mamaya na kayo magkwentuhan, naghihintay na ang sorpresa ko sa inyong dalawa." Si Sir Lewford na galing sa likuran ng sasakyan at sinara ito. May dala itong bag na galing 'don.

Nasa likuran lang kame ni Sir Lewford habang binabaktas ang paligid ng bakasyunan. Tila walang nagbago sa paligid, mukhang naibalik ang dating sigla ng lugar. Mas lalong lumago ang mga puno at namulaklak na ang mga halaman na dati kong inaalagaan.

Sinalubong kame ng ibang namamahala rito sa bakasyunan.

Si Havier naman ay nakangiting sumalubong sa amin.

Kinakabahan ako bigla ng nakaapak na kame sa isang pamilyar na parte ng lugar. Tulad ni Lucas ay nakayuko lamang ako. Ano ba ang dapat kong gawin, bakit dinadala ni Sir Lewford ang anak niya sa lugar na ito.

"Kuya!" malakas na sigaw ng bunsong kapatid ni Lucas. Sa boses niya ay halata ang sigla at saya. "Look oh,"

Pareho kameng napatingin kay Dwife na nakasakay sa likod ng malaking kambing.

*Mehhh... Mehhh...

Napatulala ako ng makita ang isang Farm. Napanganga ako ng mapansing wala man lang bakas ng sunog, sa lugar na nasa harap namin. Sa bagay ilang taon narin ang lumipas.

Mga bagong sibol ng puno at mabeberdeng damo, para akong gitna ng isang kagubatan na hindi pa napupuntahan ng mga tao.

Lalong gumanda ang gate ng Farm, ang mga bakod ay gawa sa magagandang kahoy na nakukulayan ng mga pinturang ang lamig sa paningin.

Tanaw mo na ang mga nasa loob kahit nasal abas ka palang ng Farm.

Napatingin ako kay Lucas, kita ko ang pagluha sa mga mata niya. Pinipigilan niya pero makikita mo ang saya sa mga mata niya. Yun ba ang tinatawag nilang tears of joy?

Lumapit si Sir Lewford sa anak at binigyan niya ito ng yakap.

"Daddy, thank you."

Masaya ko nalang pinagmasdan kung paanong ang saya ni Lucas habang kinakausap ng magulang niya at habang yakap rin siya ng bunso niyang kapatid. Naalala ko si Nana at si Tata, sana ganyang rin ako, may perpektng pamilya, may perpektong buhay.

"Rusty,"



















Alam kong siya yun, ang nagmamay ari ng boses na tumawag sa aking pangalan. Si Ama.

"Anak," napatingin ako sa gawi nila Sir Lewford, nakatingin sila sa akin na may ngiti sa mga labi. Si Lucas rin ay nakikita kong masaya.

"Si Allandy ang gumawa ng lahat ng ito, siya ang nagsimulang ibalik ang sigla nitong Farm. Siya ang naghirap magtayo at mag asikaso, para muling buhayin tong lugar kung saan kayo naging magkaibigan ni Leeford." Pagkausap sa akin ni Sir Lewford. "Sana nagustuhan mo ang sorpresa ko sa'yo Rusty."

Niyakap ako ni Ama mula sa likuran.

Pero hindi ko alam sa sarili ko, inalis ko yun at nagmadali akong tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko. Nariringig ko nalang ang pagtawag nila sa ngalan ko na puno ng pag aalala.

Hindi ko parin makalimutan ang lahat ng ginawa sa akin ni Ama, handa ko siyang patawarin pero hindi ko kayang humarap sa kanya ngayon. Nakakramdam ako ng takot, marahil hindi ko parin matanggap sa sarili ko na nagbago na ang turing talaga niya sa akin.

Napadpad ako sa di kalayuan sa bandang dulo ng Farm.

Nahiga ako sa damo, habang nakatingin sa kalangitan. Sinusundan ko ang daloy ng ibat ibang hugis ng ulap na tumatawid sa asul na langit.

Hindi pa buo ang loob ko na makita si Ama, nararamdaman ko parin ang sakit ng mga ginawa niya sa akin. Dama ko parin kung paano niya ako ipagtabuyan at ipagkaila sa iba. Hindi madali na makalimutan yun, pero mahal ko si Ama, siguro nais ko lang muna mapag isa ngayon—

Masyado akong nabibigla sa agad niyang pagpapakita, hindi ko inaasahan na ito ang sinasabing sorpresa ni Sir Lewford, bukod sa farm.

Bahagyang may luhang namutawi sa aking mga mata, inisip ko kung paano ko kakausapin si Ama mamaya. Hindi ko naman makukubli na nangulila talaga ko sa pagkawala ni Ama. Sana totoo na na tanggap na niya talaga ko bilang anak.

"You should be happy," inaasahan ko na ang pagdating niya. "Pakiramdam ko nagsisisi na talaga si Allan, nakikita ko sa mata niya kung gaano siya nasasaktan nung lumayo ka kanina"

"Lucas, nabuo na ulit yung Fafm natin." Pagiba ko sa usapon.

"Allandy really works for this," pagtukoy niya sa farm. "Gusto niyang bumawe sa'yo, alam niyang matutuwa ka pag masaya ako— So, he did all this for you."

"Nahihiya ako humarap kay Ama," sabi ko na napatingin sa kanya na naupo sa tabi ko. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ako sanay na malambing at mabait sya sa akin."

"Tuturuan kita," nakangiting sabi niya sa akin. "Harapin mo na si Allandy, alam kong gusto mo narin makita ang tatay mo. Look at him, he really changes hehe" pagtawa niya. "Ang let's have a tour to our farm,"

"Lucas," naupo narin ako. Dumikit ako sa kanya. "Salamat sa lahat, isa kang tropang totoo."inakbayan ko siya at pinagpipisil ang mukha niya. Hindi siya gumaganti, tila pinagbibigyan nalang ako sa ginagawa ko.

"Tss..."

"Tara samahan mo na ako, gumala na tayo sa Farm." Pag aya ko sa kanya.

"How about Allan?" tanong niya.

"Gusto ko muna yung farm e,"

"Okay sige, basta mamaya kakausapin mo na ang tatay mo."

"Yes Boss..."

Isang napakasayang araw ata ang mangyayari ngayon sa buong buhay ko.

Nang makabalik kame sa Farm ay naabutan namin na nagkakatuwaan ang lahat. May mahabang lamesang nakaayos at ang daming handa. Hinanap agad ng mata ko si Ama, pero hindi ko siya nasulyapan.

Inilibot ko ang paningin sa paligid, parang walang pinagbago sa Farm, muling ibinalik sa ayos at mas lalong pinaganda ang lugar.

Pinatawag kame ni Ma'am Dwiney. May sasabihin daw siyang mahalaga, para kameng isang pamilya na naka upo sa isang mesa.

"Hon," paguumipsa nito habang nakatingin kay Sir Lewford. Nakatingala ang bunsong anak nila na naka kandong sa kanyang Ina, tila hinhintay rin ang sasabihin ng nanay niya.

"Ano yun?" tila napapangiting paghihintay ni Si Lewford sa sasabihin ng asawa niya.

"Buntis ako," nakangiting hinawakan ni Ma'am Dwiney ang kamay ni Sir Lewford na hindi naman makapaniwala. "Sorry mga baby mukhang nasapawan ang sorpresa ng Daddy niyo sa inyo," sabi nito sa amin na hinalikan sa pisnge ang kandong na anak.

Si Sir Lewford hindi makapaniwala, nagtatalon pa ito sa saya.

"Mommy may baby ka na ulit?" nakangusong tanong ng bunsong anak.

"Magiging Kuya na ang baby Dwife ko,"

Nilapitan ni Sir Lewford ang asawa at masayang pinaghahalikan at inakap ito.

"Yakap ka rin sa kanila," utos ko kay Lucas.

"Galing gumawa ni Daddy. Tsss"

"Buti ka nga may bago ulit na kapatid eh." Sabi ko naman sa kanya. Nginisian niya lang ako at kinutusan ng mahina sa ulo.

Nagsimula na kameng kumain, Nakita ko naman ang pagdating ni Ama na naupo sa blankong pwesto sa aking tabi.

Nangibabaw ang katahimikan, napansin ko ang madalas pagsulyap ng pamilya Lim sa aming dalawa. Ang laki nga ng pinagbago ni ama, pumayat siya. May kakapalan narin ang kanyang buhok na tila pinababayaang humaba, yung bigote at balbas niya ay makapal narin.

Nararamdaman kong gusto niya akong kausapin, pero ako itong umiiwas. Si Lucas sinisipa niya ang paa ko sa ilalim ng mesa.

Alam kong Malaki narin ang pinagbago ko, kaya umaasa rin ako na napansin yun ni ama.

"Nga pala, ba't mukhang ansaya mo pare?" biglang pagsasalita ni Ama na nakatingin sa kaibigan.

"Pare, hindi lang ang dalawa yang may surpresa ngayon— May regalo rin ngayon sa akin tong asawa ko." Hinawakan pa ni Sir Lewford ang kamay ng asawa. "We're pregnant." Sabay angat niya sa kamay ng asawa.

Mabubulunan ata ako sa sinabi ni Sir Lewford. Alam kong buntis si Ma'am Dwiney pero siya? Lalaki kaya siya kaya paano naman siya mabubuntis.

"Pare nagpapatawa ka ata hehe," sabi naman ni Ama sa kanya.

"Tss..." si Lucas, napatingin ako sa kanya.

"Mag ama nga kayo..." Halos sabay na sabihin ng mag amang Lim. Napatingin naman ako kay Ama, nakangiti siya sa akin. Pero muli kong inilayo ang tingin ko at dumako kay Lucas.

"Pare naman, scientifically speaking I am going to be just as much a part of this process and this kid's life as Dwiney is." natatawang sabi ni Sir Lewford.

"Grammatically correct," si Lucas na nakatingin sa akin. "Huwag ka nga masyadong literal," napahiya naman ako sa sinabi ni Lucas.

"Tama na nga yan, ang mahalaga magiging Daddy ka na sa pangatlong pagkakataon." tumingin si Ma'am Dwiney kay Sir Lewford. "At etong tatlo," tinututukoy niya kame. "Magiging mga Kuya na ulit," tumingin din siya kay Ama. "At ikaw Allan, ninong ka ah..."










Natapos kameng kumain pero hindi ko parin pinapansin si Ama. Masaya naman niyang nilalambing ang bunso ng mga Lim. Nakikipaglaro siya kay Dwife, hindi ko alam pero hindi ko kayang lumapit sa ngayon.

"Daddy gusto ko picture with animals," biglang sabi ng Bunsong Lim.

"Sige, papakuha natin kay Havier ang mga baby goat at piglets" sabi naman ni Sir Lewford.

"Daddy, kame na po kukuha." Bigla akong hinawakan ni Lucas. "Tara, gusto rin kita makausap." Sabi niya sa akin, wala na akong nagawa kundi sumunod sa boss bestfriend ko.

Alam ko ang paguusapan namin ay tungkol kay Ama.

"Hindi mo ba gustong makita ang tatay mo?" habang naglalakd kame papunta sa mga hayop na pinapakuha ni Sir Lewford. Ang ganda ng pagkakayaos ng farm, medyo nakalimutan ko na kinakausapo pala ako ni Lucas. "Nahihirapan rin si Allan, kaya nga idinadaan niya ang pagyakap niya kay Dwife, dahil di mo naman siya pinapansin."

"Lucas, kunin na natin yung mga biik ohh..." hindi ko pagsagot sa tanong niya. "Pareho rin sila nila Seven at Five ohh—" napahinto ako dahil sa nasabi ko, baka maalala nia ang nangyari sa mga dating alaga.

"Naka move on na ako, sana ganun ka karin—" sabi niya sa akin.

"Handa naman ako kausapin na si Ama, miss ko rin naman na talaga siya. Gusto ko pa nga siya yakapin kanina, pero nahihiya ako."

"Pagbalik natin dun, mag usap na kayo. Ayokong nalulungkot ka, tama na yung ako lage iniisip mo. Para sa akin, nakikiusap ako... harapin mo na ang tatay mo."

"Lucas, Salamat." Huminga ako ng napakalalim.

Ngumiti siya sa akin, inakbayan ako at pinihit ako sa direksyon pabalik sa lugar kanina.

"Bakit? Kukunin pa natin yung mga biik diba?"

"Hayaan mo na si Dwife, mas mahalaga ikaw— Gusto ko makita kang masaya sa piling ng pagmamahal sa'yo ng isang magulang."

Masaya kameng naglalakad pabalik ng....






























ISANG MALAKAS NA PUTOK ANG BIGLANG UMALINGAWNGAW!

Nagliparan ang mga ibon sa buong Farm, napadapa rin kame ni ni Lucas. Bigla nalang kameng may naringig na sigawan. Boses ni Ma'am Dwiney yun!

"Mom?!" si lucas na nag aalala. Agad siyang tumakbo na agad ko naman sinundan!

"Lewford!" sigaw ulit nito. Ng makarating kame sa dating pwesto ay Nakita namin ang dalawang armadong lalaki na nakapasok sa farm! Balot na balot sila!

Si Sir Lewford ay nakabagsak habang hawak hawak ang brasong nagdurugo!

Buhat buhat naman ni Ama si Dwife na niyakp niya talaga para hindi nito makita ang nangyayari sa ama. Walang makakilos sa amin ng maayos, dahil mga armado ang mga ito.

Nagulat ako ng dahan dahan naglakad si Ama palapit sa amin. Ibinaba niya sa amin si Dwife na tinatakpan ni Ama ang mga tainga.

"Hawakan niyo si muna si Dwife," sabi niya.

"Tata..." nasabi ko bigla sa kanya.

Lumingon siya sa akin, ginulo ang buhok ko.

"Kausapin kita mamaya," sabi niya.

Nagalala ako bigla sa kanya. Kita ko ang paglapit niya sa pwesto ni Sir lewford at Ma'am Dwiney. Inaaalalayan niya ang kaibigan habang nakatingin sila sa dalawang lalaki na. Nakatingin lang din sa kanila. Pinadapa nila ang lahat ng mga kasamahan dito sa Farm, mga katulong at pati si Havier.

Biglang hinila si Ama ng isa sa mga armadong lalaki, hindi siya nakaangal dahil sa tinutukan siya nito ng baril.

Kinakabahan ako sa mangyayare.

Si Lucas naman ay yakap yakap ang punsong kapatid, hindi nito hinahayaang makita ang nangyayari kaya nakasalampak ang mukha nito sa katawan ni Lucas. Tinatakpan niya rin ang tenga ng kapatid.

"Anong kaylangan niyo?!" sigaw ni Ama sa dalawang lalaki. Pero hindi nagsasalita ang mga ito, nakatutok lang ang baril kung saan. Hanggang sa biglang itutok ito sa direksyon ni Lucas at ni Dwife!

"Huwag niyong idamay ang mga anak ko!" sigaw ni Sir Lewford na nag aalala sa dalawang anak. Habang ang asawa niya naman ay naka alalay lang sa kanya at iyak ng iyak. "Ako nalang!"

Muling itinutok ng lalaki ang baril kay Sir Lewford at walang awang binaril ulit ito sa bandang hita! Naghuhumiyaw sa pag-inda ng sakit si Sir Lewford!

"Lewford!" hindi makatakbo si Ama sa kaibigan dahil nakatutok sa kanya ang baril ng isang armadong lalaki.

"Ikaw," turo ng lalaking bumaril kay Sir Lewford kay Ma'am Dwiney. "Umalis ka diyan!" pero tumanggi si ito na umiiyak sa piling ng asawa. Biglang tinutok ang baril ulit sa kanilang mga anak.

"Sige na, puntahan mo na mga nak natin." Sabi ni Sir Lewford na punong puno na ng dugo. Umiiyak naman na tumayo ang asawa at lumapit sa amin, niyakap ang kanyang mga anak.

"Daddy..." sa pagkakataon ito ay nakikita ko ang kaba sa mga tinig ni Lucas.

"Lumuhod ka!" utos ng lalaki kay Sir Lewford. Sinunod niya ito pero di siya makatayo ng maayos, lumapit ang lalaki at sinipa siya! Muling nabalot ng takot ang lahat.

"Tigilan niyo na to!" si Ama na agad ring binarily ng isa sa kanyang braso.

"Tata!" napasigaw ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Pareho na silang sugatan ni Sir lewford.

Kita ko ang pagsenyas ng lalaking nakaharap kay ama sa kasama niya. Tila may sinasabi siya rito na sila lang ang nagkakaintindihan.

Mabilis ang pangyayari pagkatapos nun.

Muling pinasadahan ng bala ng armadong lalaki ang direksyon ni Sir Lewford!
























Pero bago mangyari yun ay nakatakbo na si Ama, at sinalo ang mga balang dapat para kay Sir lewford. Kita ko ang pagsugod pa ng isang kaninang nakabantay kay Ama, binaril niya ulit si Tata!

Mabilis na umalis ang dalawa matapos gawin ang pamamaril.

Agad akong patakbong lumapit kay Ama, halos nagsusuka na siya ng dugo.

"Allan... Allan..." umiiyak na pagalalay ni Sir Lewford kay Ama.

"Tatay..." umiiyak narin ako.

"Tumawag kayo ng tulong! What's the hell happening here! Sino ang mga 'yon!" sigaw ni Sir Lewford sa mga tuahan niya. Pilit nagmumulat ng mata si Ama, ramdam ko ang paghihirap niya.

"Tata," niyuyugyug ko siya.

Tanging nagawa niya nalang ang ngumiti habang tinitignan ako. Pinahid niya ang luha ko gamit ang kamay niyang may dugo.

"Ma—mahal kita, patawad anak..."

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...