56.3 | Grand Party

1.1K 38 21
                                    

Hindi ako pwedeng magkamali

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ako pwedeng magkamali. I recognize that elegant peach off-shoulder dress. Sure ako na si Snow 'yon.

Pagkapasok ko sa loob ng cr ay may isang babae na nagreretouch. Tumingin-tingin pa ako sa paligid and wala si Snow. She must be inside one of the cubicles.

I decided to pretend washing my hands as I wait for Snow to come out. Ang babaeng nagreretouch naman ay natapos na at lumabas. Then, I heard a toilet flush and one of the cubicle doors opened revealing—

"Nat?"

"Snow," I acknowledged her presence. Tama nga ako. Siya nga. Pero bakit? Bakit siya nandito? Is she part of the organization, too? Is she a mafioso?

"What are you doing here?"

"Anong ginagawa mo dito?"

Nagkasabay pa nga. We looked at each other for a few seconds before we laughed. Hindi ko alam kung paano namin nakuha na tumawa sa ganitong sitwasyon. Wala na. Nasiraan na ata talaga ako ng bait dahil sa buong stay ko sa Montague Academy.

Lumapit si Snow sa sink at naghugas ng kamay habang ako naman ay sinundan siya ng tingin. Nang matapos siya ay wala na akong sinayang na oras para magtanong.

"Kasama ka rin ba sa mafia?"

Napatigil si Snow sa pagpapatuyo ng kamay niya at tinignan ako. "I should be asking you that question, Nat. Bakit ka nandito?"

"Ako nauna magtanong kaya ikaw mauna sumagot."

She heaved a sigh. "Fine. No, Nat. I'm not part of the mafia."

"Eh bakit ka nandito?"

"Hep! Isa lang naman tinanong mo. Hindi counted yung kanina na nagkasabay tayo. So, tanong ko naman sagutin mo."

"I'm here kasi invited ako."

I could see the confusion in her face. "Invited? Bakit ka naman... iinvite?... oh my gosh! Don't tell me." Kung kanina siya yung nagtataka, ngayon ako naman ang nagtataka sa naging reaction niya. Parang nagets niya bigla yung mga nangyayari. "Now I get it. Kaya pala pansin kong napapadalas na daanan ka ng Black Cards sa dorm. Si Ate Phoemela, Kuya Nathan, tapos kanina si Ace. Nat, you joined the mafia."

It wasn't a question, but I nodded to confirm her statement.

"Oh my gosh."

"Why? Is it a bad thing?" Hindi ko alam kung bakit bigla kong natanong 'yon. Seeing Snow's reaction, bigla kong naramdaman na mali yata ang naging desisyon ko. "Bakit ganyan ka magreact?"

"No. I mean, yes. Well, somehow? Mafia isn't technically a good thing. It's just... I never thought na sasali ka sa ganon. Ilang months ka pa lang na-eexpose sa knowledge about mafia. Sigurado ka ba sa pagsali mo?"

"I think?"

"You think?"

Should I tell her? "Okay, sasabihin ko sayo kung bakit. But answer my question first. Why are you here?"

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now