28 | Festivities

9.9K 343 46
                                    

Nasa coffee shop ako ngayon dito sa open field ng Montague Academy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa coffee shop ako ngayon dito sa open field ng Montague Academy. Heto kasi 'yung itinayo ng club nila Diana at Snow kaya nakitambay muna ako. Wala naman na akong maitutulong sa club namin e.

I'm just staring into space. Pinoprocess pa ng utak ko 'yung mga nangyari nang nakaraang araw.

Magrereflect na naman ako sa mga nangyari. Napaka-weird na school. Wala na gaanong namamatay pero kahapon lang ay may isang scholar na na-admit sa hospital. Duguan daw 'yung lalaki tapos nasira pa 'yung ilong.

Ang brutal naman ng gumawa non. Sino kaya gumagawa ng mga ganon?

I sipped my frappe bago ulit ako matulala. Nagtataka pa rin ako kung bakit nandito si Jack Frost este si Dustin. Nakakapagtaka pa na kilala niya ako.

Isa pang bagay na naweweirduhan ako ay 'yung tungkol sa Dominguez Heiress. Matapos nung una ko siyang makita sa hallway ay hindi ko na siya nakita ulit. Naalala ko lang ay hinila siya ni kuya Nathan tapos nawala na.

And if you think that's the end of the weirdness, dumagdag pa 'yung sarili ko. These past few days, I kept dreaming about snakes. Kaya nung binigyan ako ni Diana ng cobra drink nag-freak out ako e. Hay!

"A penny for your thoughts, darling," rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

I rolled my eyes. Kilala ko na kung sino 'to.

"What do you want, Dustin?"

Oo, ang lalaking kaharap ko ngayon ay walang iba kundi si Dustin Lee.

He shrugged. "Just wanna know you better." He propped his elbow on the table as he gave me scrutinizing gaze.

I rolled my eyes. I admit that he's attractive pero more of an irritation ang nararamdaman ko at hindi attraction.

Naaalala ko nung mga nakaraang araw, ewan ko ba kung may lahing makulit itong lalaking ito pero grabe makabuntot. Para siyang aso na laging nakasunod sa amo. Even Diana and Snow became accustomed to him pero dati-rati naman ay halos hindi naman nakikihalubilo si Dustin sa kanila.

"There's nothing you need to know about me," kalmado kong sabi.

I was taken aback when he smiled mishievously. Parang may something bad sa ngiti niyang iyon. "But there's something you need to know about yourself."

I creased my eyebrows. Anong pinagsasasabi nito? Na-curious tuloy ako. Pambihirang curiosity naman 'to! Magtatanong sana ako kaso biglang may tumawag sa akin.

"Nat, favor please."

Napalingon ako kay Diana na hindi ko napansin na nakalapit na sa table namin. Agad kong isinarado an journal na dala-dala ko. Sinunod ko kasi yung sinasabi ni kuya Nathan na magrecord ako about sa dreams ko.

"Sorry Dustin pero may favor lang ako na kailangan kay Nat. Hiramin ko muna ah."

Napangisi naman si Dustin at sumandal sa upuan, crossing his arms in front of his chest. "Sure thing Diana. She's not even mine to begin with. Right, love?"

Montague Academy: DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon