41 | Concealed

8.2K 271 12
                                    

Mukhang na-feel na ng magkapatid na mag-butt in dahil biglang tumikhim si kuya Nathan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mukhang na-feel na ng magkapatid na mag-butt in dahil biglang tumikhim si kuya Nathan. "Ah, Chen..."

Nawala na ang ngiti ni Chen nang mapatingin siya sa magkapatid. Bumalik ang pagiging seryoso niya.

"What is it, Master Nathaniel?"

"Can you please prepare the basement?"

Napakunot ang noo ni Chen at para bang may gusto siyang itanong kaso pinili na lamang niyang hindi magsalita. Instead, tinanguan niya si kuya Nathan at nag-bow. "Masusunod po. Excuse me."

Umalis na si Chen matapos non. Nagpakawala naman ako ng hininga na hindi ko inakalang pinigilan ko. "Wow," bigla kong nasabi kaya biglang napatingin sa akin ang magkapatid.

Nginitian ako ni kuya Nathan. "Ayos ka lang?"

Nahihiya akong ngumiti. "Medj. Ang creepy nung Chen. Kilala niya si auntie? How surprising."

"Surprising, indeed." Napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni kuya Nathan. "Nicolette, dalhin mo muna sa kwarto mo si Nat. Pahiramin mo muna ng damit. Pupuntahan ko kayo mamaya. I'll just go check the basement."

Napansin kong nagtaka si Nicolette pero hindi rin nakapagtanong dahil bigla na lang nawala na sa paningin namin si kuya Nathan.

"Anyare don?" rinig kong tanong ni Nicolette bago ito bumaling sa akin. "Ah, Nat, tara?"

Tumango na lang din ako at sumunod sa kanya na umakyat sa mala-enggrande nilang staircase. Pansin pa rin na nagtataka si Nicolette. Maski ako e. Sikat si auntie? Sa mafia pa? Kailangan ko na talaga sila makausap. Kailan kaya sila babalik ng Pilipinas? Maski 'yung ginagawa nila sa labas ng bansa hindi ko alam e. Habang tumatagal, dumadami na nalalaman ko. At habang tumatagal, nagdududa na ako.

"We're here," rinig kong sabi ni Nicolette nang makarating kami sa tapat ng isang violet na pinto. Sa sobrang dami ng iniisip ko, hindi ko napansin na nandito na kami sa tapat ng, sa tingin ko, kwarto niya. "Tara sa loob."

Tumango ako at pumasok kasunod niya.

Napanganga ako nang makita ang kabuuan ng kwarto niya. Like really, is there at least one room in this mansion that is not that fancy? Hindi ganon ka-girly ang kwarto ni Nicolette. Actually, it's classy. Lavender, gold, and black ang theme ng kwarto niya. For a girl like her, I expected a pinkish room color.

"Sorry, ang panget ng room ko," rinig kong sabi niya habang may kinukuha sa closet niya ata.

Napatingin ako sa kanya at napasimangot. "Are you kidding me? This room is beautiful."

Nakita ko siyang nag-blush. "Thanks. I chose the design myself."

"Ganda ng taste mo ah."

"Again, thanks Nat," natatawa niyang sabi.

"Seryoso kaya."

Natawa siya lalo habang may kinuhang mga damit at towel. "Oo na, oo na. I get it. Hindi na panget ang kwarto ko. Maliligo muna ako. Entertain yourself muna. Or hanap ka na ng damit sa closet ko. Magka-size naman tayo e."

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now