05 | Welcome to Hell

16.2K 518 49
                                    

It's my first day here in Montague Academy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

It's my first day here in Montague Academy. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. First day jitters? Sana naman walang masamang mangyari sakin. Hindi naman ako malas dati pero bakit mukhang nagsisimula na ang kamalasan ko sa school na ito. I don't want to believe it pero may nararamdaman akong kakaiba sa school na ito. It's as if there's a cold, gloomy, ang mysterious atmosphere surrounding the whole school. Ewan ko lang ah.

"Sure ka na hindi ka na namin sasamahan?" tanong sa akin ni Snow. Ay oo nga pala, si Snow Valeria ang isa pa sa roommate namin ni Diana. Mabait siya at madaling pakisamahan pero may pagkaseryoso siya. At nakwento ko na rin pala sa kanila 'yung nangyari kahapon. Nung una tumatawa sila tapos biglang nagseryoso. Binalaan pa nga nila ako na wag ko na daw ulit 'yun gagawin. Sinabi ko naman sa kanila na wag silang mag-alala kasi wala akong balak na ulitin 'yun. Naaalala ko pa rin 'yung glare nung gwapong chinitong 'yun.

"Sure na sure! Yakang-yaka ko na 'to," sabi ko sa kanilang dalawa ni Diana. Naglalakad na kasi kami papunta sa first class namin. Nandito na kami sa main building ng Montague Academy kung saan nagaganap 'yung klase. Magkakaiba rin pala kami ng first class. First class ko kasi ay World Literature. Si Diana naman ay Algebra. Tapos si Snow naman ay Chemistry. Pero same year lang kaming lahat.

"Sure ka talaga? I mean... paano kung mangyari 'yung nangyari sa'yo kahapon? Hindi ka pa kasi marunong ng self-defense eh. Ayaw mo ba talagang turuan ka namin?" nag-aalalang sabi ni Diana sakin. Kahapon pa nila sinasabi sakin na mag-aral daw ako ng self-defense para daw kapag may nangyari, hindi sila kakabahan para sakin. Sweet nila, ano?

"Pag-iisipan ko pa muna. Nandito ako sa school para mag-aral kaya for sure hindi ako gagawa ng ikapapahamak ko," sabi ko sa kanya.

Sinimangutan lang ako ni Diana.

"Hindi natin malalaman," sabi ni Snow.

"Pero sure ka ba talaga na kaya mo na sarili mo, Nat?" tanong na naman ni Diana.

I heaved a sigh. "Oo nga! Ang kulit mo."

"Eh kasi..." Hay nako! Ang kulit naman nito ni Diana.

"I said I can handle myself. You don't have to worry, okay? Kaya ko na. Sus! Hahanapin ko lang naman classroom ko e. Piece of cake! Kaya kayo, go na! Punta na nga kayo sa class niyo at baka ma-late pa kayo ng dahil sakin. Go! Shoo!" taboy ko sa kanila.

Nag-pout si Diana habang umiiling naman si Snow. Ang childish talaga nito ni Diana.

"O sige, sabi mo e. Just take care!" sabi sakin ni Snow at hinatak na niya si Diana paalis. "Tara na nga at malelate pa tayo!" rinig kong sabi ni Snow.

"Pero si Nat..." Hindi ko na pinakinggan 'yung sinabi ni Diana at umakyat nalang sa stairs. Seriously? Third floor pa classroom ko tapos walang elevator man lang? Ayokong maging haggard sa unang araw ko. I don't want to give a bad first impression.

***

Finally! Naakyat ko na din. Nandito na ako sa tapat ng classroom ko and maaga ako ng five minutes. Buti na lang walang nangyaring masama sakin.

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now