01 | Dreadful News

4.3K 91 9
                                    

"Ayaw mo talaga sumama, Nat? Kakain lang naman," one of my friends said, persistently convincing me to go out with them

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ayaw mo talaga sumama, Nat? Kakain lang naman," one of my friends said, persistently convincing me to go out with them.

"Minsan lang naman e," dagdag ng isa pa.

"Sorry talaga," I guiltily responded. "May kailangan pa kasi akong daanan bago umuwi."

"Pero—"

"Bawi ako next time. Uwi na muna ako ah!" Pagpapapaalam ko agad. I know how my friends are. Hindi sila titigil hangga't hindi ako pumapayag kaya nagpaalam na agad ako na umalis. As much as I want to go with them, hindi talaga pwede. Inutusan kasi ako ni uncle na ipaduplicate 'yung susi ng bahay since nasira niya 'yung isang susi. Napalakas 'yung pagpihit niya kasi ayaw bumukas. Ayan tuloy, nabali.

Napailing nalang ako nang maalala 'yung nangyari at nagpatuloy sa paglalakad. Malapit lang naman 'yung repair shop kaya lalakarin ko nalang.

Nakatayo ako sa may pedestrian lane nang biglang tumaas ang balahibo ko. I feel like I am being watched. Or baka minumulto ako? Nagcocontemplate pa ako kung lilingunin ko ba para makumpirma nang biglang umilaw ang go signal para tumawid na. Hindi ko nalang pinansin 'yung nararamdaman ko at tumawid nalang sa pedestrian crossing.

Baka guni-guni ko lang 'yon.

***

"Ano ang kailangan mo, miss?"

"Magpapaduplicate po ng susi," sabi ko sa staff sa counter ng Mr. Rapid, isang repair shop malapit sa school.

Tinanguan niya ako at inilahad ang kanyang kamay. Inabot ko naman ang susi na ipapaduplicate. Binayaran ko na rin at pinapirma niya ako para sa resibo.

"Sige, balikan mo na lang after thirty minutes," sabi niya bago ako talikuran. Nakita kong inabot niya sa isa pang staff ang susi. Seeing na wala na akong dapat gawin sa lugar na 'to ay napagdesisyunan kong umalis na muna. Alam ko may malapit lang na ice cream shop dito. Might as well grab an ice cream while waiting.

Or so I thought.

Pagkalabas ko ng Mr. Rapid ay may nakasalubong akong matandang babae na para bang hirap na hirap buhatin ang mga pinamili niya. Mainit 'yung panahon tapos mukhang pagod pa siya. Hindi naman siguro malayo 'yung destinasyon niya and I have a soft spot for old people. So, I decided to help.

Sayonara, ice cream. Next time nalang siguro.

"Nay, tulungan ko na po kayo," tawag pansin ko sa matanda.

Nilingon ako ng matanda nang marinig ang pagtawag ko. Siningkit niya ang mga mata niya na para bang inaaninag kung sino ako. Halata sa pawis sa noo ni nanay na kanina pa siya naglalakad sa initan. Grabe, wala man lang siya kasama?

"Nako, salamat hija pero kaya ko na 'to. Baka maka-istorbo pa ako sa'yo. Malapit nalang naman e," mahiyaing sabi niya.

"No, I insist po. Let me help you. Hindi naman po istorbo," I smiled, reassuring her na okay lang.

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now