53 | Forehead Kiss

9.5K 316 176
                                    

For the first time, with everything that has happened in my life, hindi ako nagblack out or nahimatay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

For the first time, with everything that has happened in my life, hindi ako nagblack out or nahimatay.

In which, mas gugustuhin ko pang mahimatay kaysa maramdaman ang sakit sa tagiliran ko.

"Argh," daing ko nang hindi sinasadyang matamaan ng isa sa (sa tingin ko) paramedics ang sugat sa tagiliran ko habang nililipat ako sa stretcher.

"Sorry Miss Montgomery," sabi nung paramedic.

Bahagya na lang akong napatango. Masyado na akong nanghihina kaya hindi ako makapagsalita. Mukha namang naintindihan niya ang ibig kong sabihin kaya tumango na rin siya at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng pagkakahiga ko sa stretcher.

Parang bumilis ang mga pangyayari at hindi ko namalayang nasa isang puti na ako na kwarto. Nilipat na rin ako sa isang kama at kaagad na chineck ng isang babaeng naka-lab gown ang tagiliran ko. Marami siyang iniutos sa ibang mga tao sa loob ng kwarto kaya hindi ko na naintindihan kung ano ang ginagawa nila sakin.

Maya-maya lang ay naramdaman kong may tumusok sa braso ko at unti-unti na ring namanhid ang aking katawan. Nilagyan siguro nila ako ng anesthesia.

Buti naman.

"Kamusta?"

"Young Master!"

Sandaling napatigil ang mga tao sa paligid at nakita ko silang tumungo bilang paggalang sa kadadating lang. Si kuya Nathan at kasama niya si Butler Chen.

"There was a large amount of blood loss but she will live. Do not fret, young master," sabi ng babaeng nakalab gown.

Tumango si kuya Nathan. "Good to know."

Tumango rin ang babaeng nakalab gown at parang may na-click na switch at biglang kumilos nang muli ang mga tao sa loob. Hindi ko na sila pinansin since hindi ko na rin maramdaman ang sakit dahil sa anesthesia. Napako na lamang ang tingin ko kay kuya Nathan na papalapit sa pwesto ko.

"How long?" tanong niya sa babaeng nakalab gown.

"An hour at the most. We're still checking the specific amount of blood loss and the depth of the cut," sagot ng babae at sandaling sinulyapan si kuya Nathan.

Nilipat ni kuya Nathan ang tingin niya sa akin at napabuntong-hininga bago ako ngitian.

"Wow," sabi ni kuya Nathan. "That's one heck of an energy storage you have there."

I smiled shyly. "Thanks," I manage to say.

"Anyway, welcome to mafia Dominguez."

"Thanks again... young master."

He froze for a second before bursting into laughter. Bahagyang napatigil ang mga tao at nagtatakang napatingin kay kuya Nathan bago ituloy ang kanilang ginagawa. Napatingin ako kay Butler Chen at kahit na walang reaksyon ang mukha niya, kita ko sa mata niya na natutuwa siya.

Montague Academy: DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon