54 | Sorry

2.7K 79 28
                                    

Napatingin ako sa box na nakapatong sa kama ko dito sa dorm

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napatingin ako sa box na nakapatong sa kama ko dito sa dorm. Kaninang madaling araw pa ako nakabalik sa Montague Academy at si Snow lang ang naabutan ko sa dorm, as expected hindi pa rin nakakabalik si Diana. At simula kaninang umaga ay hindi pa rin ako kinakausap ni Snow. Pag-uwi ko dito kanina ay gising pa siya pero parang hangin lang ako na pumasok sa kwarto. Hindi niya talaga ako pinapansin.

Parang ang bigat tuloy sa pakiramdam. 'Yung feeling na 'yung taong itinuring mong best friend ay 'di ka na pinapansin. Well, kasalanan ko naman talaga. Hindi ko siya masisisi.

Pinagtuunan ko na lang ng pansin 'yung box na nasa kama. Galing ito kay Nicolette na ibinigay niya kanina pagkagising ko. Ito daw ang susuotin ko sa incoming party para sa pagwewelcome sa pagkakapasok namin sa mafia.

Well, feeling ko sabit lang naman ako. For all I know, gaganapin 'yung party hindi para sa new recruits kundi para ma-formally introduced si Nicolette as the heiress of mafia Dominguez. Hindi naman ako nababothered, though. At least, sa wakas, hindi na siya itinatago. It must have been lonely to be shut out from the rest of the world for several years.

"N-nice, I really want to go out."

"Ica, hindi pwede. Papagalitan tayo ni kuya."

"Please. Kahit sandali lang. I just want to see kung ano itsura sa labas ng mansion."

"Hindi ko alam, Ica. Mapapagalitan talaga tayo."

"Please. It'll be really fast lang."

"Pero---"

"Please, my sister..."

"Sige na nga. Pero sandali lang. And be quiet. Baka mahuli tayo nila mommy and daddy."

"Yey! I love you, Nice."

Naalala ko na naman 'yung Ica at Nice. Pero this time, wala na 'yung Red. Hays! Ang gulo-gulo. I need to find out anything about that Nice. Should I ask suplado? Pero what if ibang Nice yon?

I shook my head to erase all the questions in my mind. Mag-aayos muna ako para sa pagpasok sa klase. Life still goes on. At kahit parte na ako ng mafia, estudyante pa rin ako na may responsibilidad na mag-aral ng mabuti.

***

"Tinuloy mo, babes."

It was not a question, but rather, a statement. And based sa tono ng pananalita niya, alam kong hindi siya natutuwa.

"Nako, Dustin. Tigil-tigilan mo ko. Ano naman kung tinuloy ko ang pagsali?"

Pagkalabas na pagkalabas ko kasi ng classroom namin ay uuwi na dapat ako kaso bigla akong hinarangan nito ni Dustin at sabi niya may kailangan daw kaming pag-usapan. Kaya heto kami ngayon malapit sa old library. Paano nangyari 'yon? Well, hinatak lang naman niya ako kaya hindi na ako nakareklamo. Lakas niya e.

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now