56.1 | Grand Party

3.4K 95 34
                                    

Fifteen minutes na kaming nasa byahe at kung minamalas nga naman, na-stuck pa kami sa traffic

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Fifteen minutes na kaming nasa byahe at kung minamalas nga naman, na-stuck pa kami sa traffic. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Aakalain mo nga na walang tao dito sa loob ng kotse dahil sa sobrang tahimik. Ultimo paghinga ata napigilan ko. Ewan ko ba. Nakakatakot ang aura nitong katabi ko. Parang anytime mapapatay ako nito kapag ininis ko siya.

"Stupid girl," bigla niyang tawag na nakakuha ng atensyon ko. Diretso lang ang tingin niya sa daan at hindi man lang ako nilingon. Kung hindi niya lang siguro tinuloy 'yung pagsasalita niya ay aakalain kong nag-iimagine lang ako na may nagsalita. "Have you received any texts from XOXO?"

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya 'yung totoo o ano. Pero since siya naman ang nagsuggest noong palit sim card trick noon na nagfail rin naman, I think I need to be honest with him.

"O-oo."

Napatango pa siya. "Since when?"

"Bago pa man mangyari 'yung recruitment."

Napatango ulit siya. Bakit parang hindi naman ata siya gulat sa mga sinasabi ko.

"Why don't you look a tad bit surprised?"

He shrugged, "I think I know who's the so-called 'XOXO'."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "P-paano? Sino siya?"

"I'm not yet sure. I have to look further into it. We shouldn't act rashly."

I understand his point. Kailangan sigurado kami kung sino 'yung nasa likod noong mga weird texts. Kapag mali kami ng napaghinalaan, it would just raise questions about the topic. Baka mas marami pa ang makaalam sa existence ni XOXO.

"Okay. Balitaan mo na lang ako kapag may nalaman ka pa."

Tumango lang siya at naging tahimik na ulit.

Ano ba 'yan! Ayoko ng ganitong atmosphere. Mas naaawkwardan ako kapag tahimik. 'Yung feeling na parang sa sobrang tahimik, hindi mo alam baka may biglang magjumpscare sa'yo. Gano'n 'yung feeling.

Napatingin ako kay suplado at seryoso lang siya. Walang kabahid-bahid ng emosyon sa mukha nito. Parang taong yelo. Siya na lang kaya ipalit sa mga natutunaw na icebergs? But come to think of it, although this person is as cold as ice, he's not that bad rin. He might not show it but he cares for the people around him. Or baka namisunderstood ko lang. Baka curious lang talaga siya sa pagkatao ni XOXO at simula nang makilala niya ako ay napapahamak na ang mga taong malapit sa kanya.

But despite that, I still want to say thank you for his help.

Magsasalita na sana ako nang biglang magring ang cellphone niya na para bang may tumatawag. May pinindot siya sa gadget sa tenga niya at biglang huminto ang nagriring.

"Yes, Dominguez. She's with me. We're on our way..."

Gumalaw na muli ang ma-traffic na daanan at nagsimula na ulit siya magdrive habang kausap si Kuya Nathan. Siguro next time na lang ako magpapasalamat. Marami pa namang pagkakataon.

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now