42 | His Story

8.1K 288 30
                                    

Hala! Nahuli na ang pusa

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Hala! Nahuli na ang pusa. Malas mo Nat!

"Again, anong ginagawa mo dito?"

Hindi naman siya galit. Para ngang amused pa siya e. Pero ewan ko ba, kinakabahan ako e. At dahil sa kaba ko, medyo nagpanic ako. Agad akong lumayo sa desk at doon sa folder tapos mabilisan akong naglakad palapit sa kanya. Expressionless siya pero alam kong walang bahid ng galit yon.

Pero kahit na!

Napa-bow ako bigla. "Sorry po! Sorry Butler Chen! Sorry po talaga! Hindi ko naman po sinasadya na pumasok dito. Heck, hindi ko nga po alam na may ganito e. Hinahanap ko po kasi yung cr tapos nalito ako kaya napunta po ako dito. Hindi ko rin po sinasadyang makita yung nasa folder. Sorry po. Sorry po talaga. Hindi ko naman po ipagkakalat e—"

"Okay lang."

"—promise po. Sorry na po—eh, what?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nanatiling expressionless ang mukha niya at bigla niya akong nilagpasan. Sinundan ko siya ng tingin at medyo nagtataka pa rin ako. Lumapit siya doon sa desk at tinignan yung folder bago napailing. Kinuha niya ito at may binuksan na drawer. Halos mabali ang leeg ko para tignan kung saang drawer niya tinago 'yon. May susi siyang kinuha sa bulsa at parang may ni-lock bago lumapit sa pwesto ko.

Napaayos ako ng tayo habang nanatiling nakatingin sa kanya. Huminto siya sa gilid ko. "Kailangan mo mag-cr diba? Diyan sa kabilang pinto."

Lalo tuloy ako nagtaka. Bakit hindi siya galit? May pinakielaman ako pero di siya galit. Seriously? Weird! Weird! Weird!

"Go Miss Montgomery."

Hawak na niya ang doorknob habang tinuturo yung pinto na nasa harap ng kwartong ito. 'Yung pinto sa kabila.

Seryoso ang mukha niya kaya agad akong pumasok sa pintong tinuro niya which is yung cr. Baka kung hindi ako kikilos, malagot pa ako.

***

Nang matapos ako mag-cr ay lumabas ako. Nagulat ako nang makita kong nakasandal si Chen sa pader at parang naghihintay. May hawak siyang paper bag.

Nang makita niya ako ay agad siyang umayos ng tayo at inabot sa akin ang paper bag. "Magbihis ka na. Naghihintay na sila Master Nathaniel and Lady Nicolette sa baba."

Marahan akong napatango. Na-weweirduhan pa rin ako sa kanya pero kinuha ko na rin agad 'yung paper bag sa kanya bago pumasok ulit sa cr.

That man is weird. Very weird.

***

Nang matapos ako magbihis ay lumabas na ulit ako ng cr. Pero nandoon pa rin si butler Chen. Okay, hindi na siya weird. He's getting creepy.

"Uh," sabi ko kaya napaharap siya sa akin.

"Let's go. They are waiting for you."

Nauna na siyang maglakad at wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

"You know, it's okay kung hindi mo naman ako hinintay. Kaya ko naman sigurong mahanap sila kuya Nathan."

"I'm afraid not Miss Montgomery. You got lost on your way to the bathroom and I doubt that you won't get lost on your way to the basement. Baka hindi lang study room ni Sir Alfiro ang mapasok mo."

Eh? Kinabahan ako bigla. "S-siya ba ang papa nila kuya Nathan?"

"Oo." Patay. Isusumbong kaya ako nito ni butler Chen? Huhuhu. Huwag naman sana.

"Ah, butler Chen—"

"Don't worry Miss Montgomery, walang makakaalam sa nangyari kanina maliban sa ating dalawa. Just don't mention it to anyone."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Why would you keep that a secret?"

"That's because you deserve to know that." Ha? Deserve to know that? May alam ba ito si Chen?

Bumaba na kami dun sa malaking staircase at kumaliwa sa isang hall. Mukhang pababa siya.

Pero hindi ko maintindihan si Chen. Kanina lang kilala niya si auntie tapos ngayon naman sabi niya deserve kong malaman yun? 'Yung alin? 'Yung about sa daddy nila Nicolette? Bakit? Alam ba ni Chen 'yung mga nangyayari sakin?

Kilala niya ba ako? Worse, siya ba si XOXO? I need to find out.

"Ah, Butler Chen. Bakit kilala mo si auntie?" I blurted out. Baka siya 'yung may gawa kay auntie nung mga hiwa na naging dahila para mag-switch schools ako.

Matagal na katahimikan.

Nakarating kami sa isang pinto pero hindi pa rin sinasagot ni Butler Chen ang tanong ko. May alam kaya siya? Siya kaya 'yon? Nakakapangduda.

Pero nagulat ako sa biglaang pagtigil niya.

"Your aunt," simula niya. Bigla akong kinabahan. "was my first love."

Sabi ko na nga ba e—er, what?

Humarap siya sa akin at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Maganda ang pagpapalaki niya sayo Miss Nathalie. At sana, huwag kang magagalit sa kanya kapag nalaman mo na ang totoo. She loves you dearly. Kapag nagkita kayo, pakisabi na she should stop being reckless. And that she needs to hurry up."

Feeling ko napalitan ng question marks ang mga mata ko. Okay, I get it. Magkakilala sila ni auntie. First love pa nga niya e. Bale, he's not XOXO. Pero dapat ko ba siyang paniwalaan?

"Believe what you want to believe," rinig kong sabi niya nang mapansin niya ang pagtataka sa mukha ko. "Just go inside. Hinihintay ka na nila."

Marami akong gustong itanong. Paano sila nagkakilala? Bakit sila magkakilala? Alam ba ito ni uncle? At bakit niya nasabihang reckless si auntie? Anong ginawa niya? Anong ginawa ni auntie at ina-advise ako ni Butler Chen na huwag magalit kay auntie kapag sinabi niya ang totoo?

Anong totoo?

Naguguluhan ako at nalilito. Isa lang ang tumatak sa isip ko.

I need to know the truth.

Kailangan ko na talaga sila makausap. Maybe sa Christmas. For sure uuwi sila.

"Miss Montgomery," tawag ni Chen. Napatingin ako sa kanya at expressionless lang siya. What if he was just lying?

Stop it Nat. Siguro, dapat magfocus na lang muna ako sa pagtetrain. Kailangan ko makasama sa mafia. Baka sakaling ang pagsali ko ay maaaring makasagot sa tanong ko.

Binuksan ni Butler Chen ang pinto at pumasok agad ako doon. Ni hindi ko napansin na patay ang ilaw.

Sumarado ang pinto at naramdaman ko na may tumulak sa akin sa pader. Naramdaman ko rin ang pagtutok ng patalim sa akin. Biglang bumukas ang ilaw at nakita ko ang may hawak ng patalim.

"Alertness Nat," rinig kong sabi ni kuya Nathan na nakasandal sa pader sa dulo ng kwartong ito habang pinapanood kami.

So, this is the basement.

Hay nako Nat, mamaya mo na isipin si Butler Chen at ang auntie mo. I need to train. Napatingin ako sa opponent ko na si Nicolette at maingat ko siyang sinipa sa tagiliran dahilan para matumba siya at mabitawan ang patalim.

Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto at kapansin-pansin ang lamesa na punong-puno ng patalim.

Wow, training just got into a new level. This will be fun.

— End of Chapter —

Montague Academy: DeceptionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang