22 | Seeking Answers

10.3K 386 6
                                    

The next day passed by with a blur

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The next day passed by with a blur. After nung incident with the panget gangs ay nakita daw kami nila Jace kaya naagapan pa 'yung sugat ko. Nabaril kasi ako sa kanang braso. Buti hindi ganon kalala. Nagkagulo nga sa campsite dahil sa nangyari and since ang mga estudyante ng Montague Academy ay mga elites and notorious people, napagdesisyunan na umagang-umaga ay umuwi na agad kami at hindi na nagproceed sa activities for the second day. Baka kasi ang isa samin ay nanganganib ang buhay lalo na't nangyari 'yon.

Pagbalik naman namin sa school ay nawala agad ang Black Cards. Hindi ko sila makita. Gusto ko sana malaman kung anong nangyari kay suplado. Kahit naman kinasusuklaman ko 'yon, may pakialam pa rin naman ako. Kaso nga lang, 'yun nga, wala ang Black Cards pero present naman ang Grim Penalty at nangunguna pa si Greg sa paglalakad.

Dumaan nga sila sa gilid ko tapos nginisian ako ni Greg bago naglakad papalayo kasama ang iba pang members ng Grim Penalty.

Hindi ko na lang sila pinansin at pumunta na lang ako sa likod ng main building.

"Oh Nat, san punta mo? Baka mabinat ka. Masakit pa ba sugat mo?" nag-aalalang sabi ni Diana nang makasalubong ko siya. "Bumalik ka na lang kaya muna sa dorm tapos magpahinga ka."

Umiling ako. "No worries. Okay lang ako. Atsaka hindi na naman ganon kasakit e."

Tinignan niya muna ako ng matagal bago siya nagbuntong-hininga. "Sure ka ah?"

"Sure na sure."

"Sige, pupunta muna akong cafeteria. Hindi ako masamahan ni Snow kasi bagsak agad siya sa kama e."

"Si Snow pa ba?" pabiro kong sabi. "Tamad 'yun sa buhay e."

Natawa naman si Diana. "Di naman siguro. Baka nagluluksa lang siya kasi hindi na niya ulit makikita 'yung gwapong Camp Director."

"May point!"

Nagtawanan kaming dalawa. Sobrang nalungkot kasi si Snow nang sobrang aga namin umalis sa campsite. Hindi daw kasi niya nahingi 'yung cellphone number nung Camp Director.

Pagkatapos namin mag-usap ni Diana ay nagpaalam na siya na pupunta na siyang cafeteria kasi gutom na gutom na talaga siya. Hindi ko na siya sinamahan kasi hindi naman ako gutom at gusto ko muna mapag-isa at mag-isip-isip.

Nakarating ako sa likod ng main building, and, as usual, walang estudyante ang tumatambay dito. Sino nga ba gustong tumambay sa ganitong lugar na may nakakatakot na atmosphere, diba? Tapos woods pa nakapalibot dito.

Abnormal na kasi siguro ako kaya parang naging tamabayan ko 'to. Atsaka tahimik naman e.

Pagkaupong-pagkaupo ko sa damo ay sumandal ako sa pader ng likod ng main building at tumingala.

Naaalala ko 'yung mga nangyari kahapon. Normal naman siguro na pumunta si suplado sa isang shop na puro baril kasi kasama naman siya sa mafia, diba? Ang ipinapagtaka ko lang ay kung sino 'yung mga panget na lalaking 'yon at bakit hinahanap nila ako?

Ako daw ang pakay nila. Bakit ako? Eh sa pagkakaalam ko hindi naman sobrang yaman sila auntie at uncle. Hindi rin naman kami sikat. So bakit ako ang pakay nung mga panget na 'yon? Bakit hindi na lang si suplado na mas worth it kung makukuha nila kasi isang mafia member siya atsaka halata naman na sobrang yaman niya.

Argh. Gulong-gulo na ako. Simula nang dumating ako sa school na 'to parang lahat na lang magulo. Wala man lang bagay na malinaw dito. Kahit mga estudyante magulo. Para bang feeling mo kilala mo ang bawat estudyante dito pero may something else pa pala sa kanila. Kumbaga, 25% pa lang ng tunay na sila ang nakikita mo at parang lahat ng tinatago nila ay katakot-takot.

Lumipat lang ako ng school, nabobo na ako. Ano bang meron sa'yo Montague Academy? Ano bang meron sa'yo at gulong-gulo na ako?

Kailangan ko ng mga sagot.

Napatingin ako sa woods at may idea na pumasok sa isip ko. Napangiti ako. What good way to hide secrets than to hide it in a secret place where no one knows and no one would dare enter.

And since nagiging abnormal na rin naman ako, sagad-sagarin ko na. Before I knew it, tumatakbo na ako papasok ng woods. Sana lang walang tao don.

***

Nakarating ako sa warehouse na nandito sa woods kung saan ko nakita na magkakasama ang Black Cards at si Greg. 'Yun 'yung time after mamatay ni Liz.

Dumaan muna ako sa gilid at sumilip sa bintana, the coast is clear. Walang tao. Himala, hindi sila nagmemeeting ngayon. I kinda expected pa naman na kapag mag nangyayaring out of the ordinary ay nagmemeeting sila. Well, I guess I don't really know them that well.

Pumasok ako sa loob ng warehouse at tinignan ang kabuuan nito. Wala ata silang balak na i-decorate 'to. Ang gloomy ng atmosphere. May mga crates pa sa gilid.

*beep beep*

Unknown Number:
Don't you just love trouble? :* ~XOXO

Pinatay ko agad ang phone ko nang makita kung sino ang nag-text. Punong-puno na talaga ako sa XOXO na 'to ah. Ilang beses ko na nablock ang number niya pero iba-iba namang number ginagamit niya.

Huminga muna ako ng malalim. Hindi ko muna poproblemahin si XOXO ngayon. Ang mahalaga ay may makuha akong impormasyon. Nagbabakasakali lang ako na may kahit na anong clue dito sa warehouse. Hindi ba't ganon sa mga movies? May mga files sa headquarters ng mga spies, detectives o kung ano man sila.

Hindi ko nga lang alam kung ito ang headquarters nila. I-aassume ko na lang muna na eto 'yun.

Nag-proceed ako kung nasaan 'yung long table na pinagmeeting-an nila last time. Wala namang kahit na anong gamit ang nasa area na 'yon. 'Yung long table lang ang makikita mo. No drawers. No cabinets. No folders. No files. Amp. Mukhang nasasayang oras ko dito ah. Huwag naman sana.

*beep beep*

Unknown Number:
BEWARE ;) ~XOXO

Pinagsasasabi nito? Leche. Pinag-aaksayahan ko din kasi ng panahon 'to e.

Hay, wala naman ata akong mapapala sa warehouse na 'to e. Hinalughog ko na 'yung buong area pero wala akong nakitang interesting. This is hopeless!

Paalis na sana ako nang maramdaman kong lumubog ang kanang paa ko pagkaapak sa isang wooden tile.

Hmmm.

Umupo ako sa sahig at pinagmasdan 'yung tile. Tinry kong buksan 'yon at bumukas nga. Tinanggal ko 'yung wooden tile at may nakita akong red cloth. Tinanggal ko din ito at doon ko nakita ang sandamakmak na mga folders at kung ano-ano mang files.

"Gotcha!"

Ha? Teka, ako ba nagsabi non? Parang wala naman akong sinabi.

Then, I gulped. Dahan-dahan akong lumingon na sana hindi ko na lang ginawa. I should've run. I should've hide. But it's too late. Nakita na niya ako. And there's no turning back.

Napalunok na lang ako habang kinakabahang tumingin sa kanya. "G-greg."

— End of Chapter —

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now