32 | Dream

9.1K 319 11
                                    

Where am I?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Where am I?

Luminga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko talaga mapagtanto kung nasaan ako. But one thing's for sure, whatever this place is, it looks grand. Ecru-colored wallpaper ang walls at may mga frames pa na nakasabit habang ang iba ay nabasag at ngayo'y nakalatag sa sahig.

Tinignan kong mabuti ang mga larawan pero bakit ang labo? I shrugged the thought away at nagdesisyon na lamang na magpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko alam kung saan ako patungo but I'm sure of one thing, this place looks like war had just breezed in here. There were also blood stains on the walls and floors. I also cringed at the sight of a guard lying flat on the ground, lifeless.

Anong lugar ba talaga 'to?

Finally, I came in front of what seems like a throne room. 'Yung katulad sa mga palabas. Okay, this is weird.

"Nakikiusap ako, Farren, bitiwan mo ang anak ko," rinig kong sabi ng isang boses.

Out of curiosity, agad akong naglakad patungo sa lugar kung saan ko naring ang boses.

"Hah! Anong akala mo sa akin? Tanga? Bakit ko naman bibitawan ang anak mo?"

Nakarating ako sa lugar kung nasaan ang naririnig kong boses. Bumungad sa akin ang isang lalaking may hawak na baril na nakatutok sa isang batang lalaki na hawak-hawak din nito habang may isa pang babae at lalaki ang nakatayo ng medyo malayo sa kanila.

"Isa kang traydor Farren! Bakit mo ba ito ginagawa? Itinuring pa naman kitang isang matalik na kaibigan."

Tumawa naman ang lalaking may hawak ng baril. "Maituturing bang isang matalik na kaibigan kapag inagaw ang babaeng minamahal?"

Napansin kong napaigting ang panga nung isa pang lalaki. "Wala akong inaagaw."

"Farren, parang awa mo na," naiiyak na sabi nung babae. Hindi ko maiwasang mapatulo ang luha sa mga nangyayari. Teka, bakit ba masyado akong affected dito? "Pakawalan mo na ang anak ko. Wag mo siyang idamay."

"Isa ka pang babae ka," sabi ni Farren. "Kung sumama ka na lamang sa akin, eh di sana hindi ito nangyayari. Kasalanan mo 'to."

"Huwag mo siyang sisihin."

"Huwag kang makielam dito Drew! Kasalanan niyo pareho kung bakit ako nagdusa noon. Nararapat lamang na kayo naman ang magdusa ngayon," sabi ni Farren at nakita kong hinigpitan niya ang hawak sa kanyang baril. Gusto kong gumalaw. Gusto kung lumapit. Pero para bang naka-glue ang paa ko sa sahig.

Nanahimik ang lahat, hinihintay ang susunod na mangyayari nang biglang may isa pang umeksena.

"Mommy? Daddy?" Dumating ang isang batang babae. Hindi ko malaman ang ekspresyon sa mukha niya ngunit bakas sa boses niya ang takot. "Kuya? Tito Farren? What's happening?"

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now