52.2 | The Escape

5.4K 186 10
                                    

Okay, this is one dark hole

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Okay, this is one dark hole.

Tumayo ako at hinawakan ang likod ko. Grabe, masakit ang pagkakabagsak ko ah. Tinignan ko ang itaas at medyo malalim ang pinagkahulugan ko. Malabong maakyat ko 'yon. So ano, stuck ako dito? Bakit ba kasi napaka-clumsy ko? Hays.

Tumingin-tingin ako sa gilid pero wala akong nakita. Pinakiramdaman ko na rin ang paligid pero nakapagtataka na walang yabag ng paa ang naririnig ko.

Or baka hindi ko lang marinig kasi malayo ako sa itaas.

Pero I've got a feeling na umalis na sila. Weird. If they want to kill me, they could've went in here, too.

Nasilaw ako nang biglang umilaw ang relo ko at may lumabas na naman na hologram. I took this chance para tignan ang paligid and napansin kong may daanan sa bandang kanan. Weird. Labyrinth na may underground tunnel? Wala na atang maisip na ibang structure ang mafia.

Kahit na hindi ko alam kung saan patungo 'yung daan ay tinahak ko pa rin ito. Kailangan ko na rin magmadali. Ipinakita kasi sa hologram ang isa pang naka-escape.

Nicolette Dominguez. Escaped.

And also, I only have an hour and a half to escape.

Tahimik akong tumakbo at natuwa ako nang makita na may liwanag.

Oh my gosh, had I just escaped?

Binilisan ko ang takbo ko hanggang sa makalabas na ako ng tunnel. Pero para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makita ko kung nasaan ako.

Well, nasa entrance lang na naman ako nung tatlong caves. Nakita ko na naman kasi 'yung riddle. At dahil alam ko na ang sagot, walang pakundangan akong pumasok sa middle cave.

Dahan-dahan akong pumasok dahil hindi lingid sa kaalaman ko na baka nandoon pa ang ninjas. Siguro nagmamasid.

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa matanaw ko na ang limang ninja. Agad akong nagtago at sinilip sila.

Nakatayo lang silang lima doon at hindi kumikibo. Wow, they can withstand such nonlocomotor movement? Oh wait, they're not even moving. Tinignan ko sila ng mabuti. Hindi na ako nagulat na sa malayo kong distansya ay malinaw ko silang nakikita. Sobrang talas siguro ng mata ko. Siguro bago ako maaksidente ay maraming carrots na ipinakain sa akin. Hindi naman kasi ako kumakain ng carrots nung na-discharge ako sa ospital e—oh stop with the jokes, Nat.

Back to the ninjas. Tinignan ko sila at may napansing kakaiba. I don't see their chests rising and falling na para bang humihinga sila. And their eyes. Bakit ngayon ko lang napapansin na hindi gumagalaw ang pupils nila. Para bang steady lang ito and naka-focus sa isang lugar or bagay.

To confirm my hunch, although risky, ay sumigaw ako.

"HELLOOOO," malakas kong sigaw.

Biglang gumalaw 'yung isang ninja at napatingin sa direksyon kung nasaan ako. Pero hindi siya gumalaw. Hindi man lang lumapit.

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now