21 | Gent Ully's New Store

11.7K 396 34
                                    

Pagkatapos namin kumain ay nilinis muna namin 'yung pinagkainan namin bago kami nagsettle down at umupo sa damo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkatapos namin kumain ay nilinis muna namin 'yung pinagkainan namin bago kami nagsettle down at umupo sa damo.

"Ew, it's so dirty."

"I know right. Baka there are worms here."

"Oh my god, I might've sat on poop. Yuck!"

Ilan lang naman 'yan sa mga reklamo ng mga maaarteng babae dito. Napatingin ako sa grupo nila at sila lang naman ay walang iba kundi ang mga babaeng binugbog ako nung second day ko dito.

"Nakakaimbyerna! Ang iingay nila," sabi ni Diana.

"Oo nga, hindi tuloy ako makapag-focus sa Camp Director," sabi naman ni Snow habang nakatingin sa Camp Director namin. I admit na gwapo siya pero may mas gwapo sa kanya. Si... Nathan. Oo si kuya Nathan mas gwapo.

Speaking of, napatingin tuloy ako sa grupo ng Black Cards na mukhang nag-eenjoy sa mga nangyayari. Ang lawak nga ng ngiti ni ate Phoemela at Jackie e. Mukha namang bothered si kuya Nathan. Si Jace naman ay pinupukulan ng masamang tingin ang pinsan niya. Pero wala naman si suplado? Nasaan kaya 'yon?

Teka nga, bakit ko ba 'yun hinahanap? Abnormal ka na Nat. Abnormal!

Napatalon ako nang maramdaman ko ang hininga ni Diana sa mukha ko. "Ikaw ah. Bakit ka nakatingin sa Black Cards. May gusto ka sa isa sa kanila, 'no?"

Binigyan ko siya ng "are you crazy" look. "Of course not, na-curious lang ako sa kanila."

She let out a whistle na para bang hindi siya naniniwala sakin at tumingin ulit sa grupo ng Black Cards. Maya-maya ay humarap siya sakin ng may nakakalokong ngiti. "Si Nathan 'no?"

Nanlaki naman ako. "Ha?"

Ngumisi siya. "Crush mo si Nathan 'no?"

"What? No. Ew," nasabi ko na lang bigla.

Natawa naman siya. "Anong ew? Ang pogi kaya ni Nathan. Bulag na lang ang hindi ma-gwapuhan sa kanya."

"Gwapong-gwapo ka pala sa kanya e di sayo na," sabi ko at natawa.

"Che! Iba gusto ko."

Na-intriga naman ako. Tatanungin ko sana siya pero biglang sumingit si Snow sa usapan. "Anong pinag-uusapan niyo?"

"Kung gaano ka-gwapo 'yung camp director," sabi ni Diana na ikinatawa ko. Loko talaga 'to.

Napakunot naman ng noo si Snow bago sinamaan ng tingin kami ni Diana. "Back off! He's mine."

Napa-ohh lang kami ni Diana bago nagtawanan ulit. Hay! Sana laging ganito.

***

Alas-kwatro na at marami na kaming natapos na activities. We're down to the last activity of the day. Treasure hunting.

"Okay, students. Now, there are only a few rules for this game. One: Bawal agawin, kunin, o itago ang flag ng kalabang grupo. Two: No harming others. Three: Get back here before 6 pm. Are we all clear?" sabi nung Camp Director. Lahat naman kami um-agree. "By the way, same groups pa rin. Strategy niyo na 'yan. Good luck!"

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now