17 | A Talk with the King

10.6K 379 31
                                    

Dinala ako ni kuya Nathan papasok sa woods pero hindi doon sa daan papunta sa warehouse

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dinala ako ni kuya Nathan papasok sa woods pero hindi doon sa daan papunta sa warehouse. Unlike sa daan papunta sa warehouse, maraming bulaklak ang nakikita ko. Iba-iba pa 'yung kulay kaya ang ganda sa paningin. Para silang kumikinang, as if may crystals sila.

Nagulat naman ako nang napatigil si kuya Nathan. At dahil hawak niya wrist ko, nahila niya ako pabalik and I almost fell kung hindi lang niya ako naalalayan.

"Sh*t! Sorry, Nat," he immediately said when he realized what had almost happened.

I just smiled at him. "Okay lang, buhay pa naman ako e."

Ngumiti na lang din siya. Umayos na ako ng tayo at ganun din siya. Nagsimula na kaming maglakad ulit.

O...kay? Silence.

Medyo uncomfortable 'yung silence. Para bang ang lalim ng iniisip niya. Kahit na parang safe siya kasama, I still feel anxious. Mafioso kasi siya and I don't know his motives yet.

I was about to say something to break the ice pero naunahan niya akong magsalita, "You know what, Nat. You remind me of someone," sabi niya at hinawakan 'yung crysanthemums sa gilid.
Umupo ako dun sa fountain na luma. Halatang luma siya kasi hindi ito nalilinis at medyo madumi din 'yung tubig.

Tinignan ko si kuya Nathan at mukhang nostalgic pa rin siya. Sobrang lalim nung iniisip niya. Napansin niya yatang hindi ako sumasagot kaya humarap siya sakin. I just smiled at nag-gesture na ipagpatuloy niya ang kung ano man ang sinasabi niya.

It was kinda uncomfortable, but, being the curious girl I am, I was interested.

Umupo siya sa tabi ko habang nakangiti. "What do you think of Ace?"

Nagulat ako sa tanong niya and I didn't even try to hide my surprised expression.

He waved his hand dismissively. "Curious lang ako. Kasi ba naman napapadalas Ace-mode nun simula nung dumating ka."

Talaga lang, ha? "Ako rin na-bebeastmode simula nung nakilala ko 'yung suplado na 'yun."

Dapat pabulong lang 'yun pero narinig ni kuya Nathan kaya napatawa siya ng malakas. Tsk, no filter Nathalie. No filter.

Hinintay ko muna siya matapos sa pagtawa niya bago siya nagsalita ulit. "I've never laughed like that in ages." May papupunas-luha effect pa siya.

"That's an exaggeration," sabi ko sa kanya. Sino ba namang tao ang hindi pa tumatawa in a long span of time, diba?

Napailing siya. "Not much. I laugh, yes. Pero my heart wasn't really in it. Alam mo 'yung minsan pinepeke mo na lang lahat para hindi mo madamay 'yung ibang tao sa problema mo?"

He had this distant look in his face. This was serious. Halata naman e. Habang tumatagal talaga na-cucurious ako sa kanya.

"Kelan ba last time na tumawa ka wholeheartedly?" I can't help but ask.

Napa-frown siya. "That was a long time ago. 6 or 7 years, I think?" Pero nginitian din niya ako agad. "Pero na-fefeel ko na malapit na. I'm so close to being very happy again. Dadating 'yung panahon na kahit simpleng bagay, mapapangiti na ulit ako."

"Wag naman. Baka mapagkamalan kang baliw niyan," sabi ko para mabawasan ka-dramahan niya. I wasn't a fan of drama. Mysteries nga gusto ko, diba?

Napangiti naman ako when he chuckled. "Thanks Nat."

Napakunot naman 'yung noo ko. "For what?"

"For making me laugh again."

Napangiti naman ako. Masarap pala sa pakiramdam kapag may napapatawa ka kahit hindi mo sinasadya. Pero...

"I should be the one thanking you," sabi ko. Naalala ko na naman 'yung kanina. Muntik na talaga 'yun.

Lumapad naman ngiti ni kuya Nathan. "Para saan naman?"

"For what happened earlier. Kung wala ka sana kanina, I might've hinted your hideout. Sorry. Not only that but also nung time na binugbog ako nung mga fangirls ni suplado," sabi ko at napayuko.

Nagulat ako nang hawakan niya 'yung chin ko at inangat 'yung ulo ko. Bumungad sakin ang isang nakangiting mukha. Ang aliwalas ng mukha niya. Pero mas nagulat ako nang guluhin niya buhok ko.

On instinct, napalo ko kamay niya.

Agad naman niyang tinanggal kamay niya at natawa. "Anytime. Whenever or wherever you are, nandoon ako to protect you."

Napangiti ako pero napakunot din noo ko. "Why?"

"What?"

"Why are you being so nice to me? As far as I know, mukhang hindi ka naman ganyan sa ibang students dito," nagtatakang sabi ko.

Napangiti ulit siya. Wow! He must've been happy today. Kanina pa siya ngumingiti e.

"Let's just say na I feel a connection with you. There's no denying it. Hindi mo ba nararamdaman?" curiois niyang tanong.

Napaisip naman ako. "To be honest, I don't know what I'm supposed to feel. Sorry. There's just so many things that happened all of a sudden. Medyo naguguluhan pa ako. Tapos minsan may dreams pa ako na hindi ko maintindihan tungkol sa past ko."

"Normal lang 'yung kasi newbie ka. Kailangan mo pa mag-adjust. Pero tell me kung nararamdaman mo na 'yung nararamdaman ko. My feelings never lie, I know that," sabi niya. Tumango lang ako kahit medyo naguguluhan. Do we really have a so-called connection? "And about dun sa dreams mo, I advise na mag-keep ka ng diary or journal o kahit ano para ma-keep track mo 'yung mga pangyayari. Sabi mo about sa past mo diba. Nagka-amnesia ka ba?"

"Yup," sabi ko.

Napatango naman siya. "Just try keeping track of your dreams. Malay mo, 'yun na 'yung way para malaman mo kung sino ka talaga at kung ano talaga nangyari sa past mo."

Napangiti naman ako. "Thanks."

"Don't mention it," sabi niya at nag-wink. Natawa naman ako. Maya-maya ay tumawa din siya.

I'm with the so-called King pero feeling ko kapag kasama ko siya, parang wala lang 'yung label niya or kung sino man siya. We look like two people who are just having the time of their lives.

Pero, I can't help but notice na habang tumatagal, parang mas na-cucurious ako sa kanila... sa buhay nila.

Napatigil kami nang may marinig kaming ingay mula sa woods. Naging seryoso ulit 'yung mukha ni kuya Nathan. Ayan na! He's back to being a mafioso. Parang kanina lang ang carefree niya tignan.

"Let's go. Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo," seryoso niyang sabi.

Hindi ko na pinansin 'yung seryoso niyang tono kasi inaalala ko sila Diana. Nako! Di ko na naman sila natext. Masyado kong na-enjoy 'yung moment.

No time to text them now. Parang nagmamadali na kasi si kuya Nathan e.

Tinanguhan ko si kuya Nathan at umalis na kami sa lugar na 'yun at bumalik sa likod ng main building.

That's weird. He doesn't look harmless. He's brave but not dangerous.

Sino ka ba talaga Nathan Dominguez? Why do I feel like you're more than what I think you are?

Connection, huh.

— End of Chapter —

Montague Academy: DeceptionWhere stories live. Discover now